logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Kabanata 6

Laveinna
Hapon na nang makauwi kami. Agad akong tumulong sa gawaing bahay at nagluto nang kakainin namin sa hapunan, para mamaya sa pag-uwi ni Nanay at Ireng ay may nakahain na. Gawain na kasi ni Ireng na puntahan si Nanay kapag uwian na kahit hindi ako kasama. Kaya naman wala siya rito ngayon.
Saktong dating nila nang matapos ko ang mga gawain. Nagpaalam akong sa kwarto muna ako dahil hindi pa ako nagugutom kaya lang nabatukan lang ako ni Nanay. Hapunan na lamang daw kami magkakasabay-sabay kumain ay hihiwalay pa raw ako.
Nasermonan tuloy ako ng wala sa oras. Kaya naman sumabay na ako sa pagkain kahit medyo busog pa. Matapos ay dumiretso na ako sa kwarto, sabi ni Nanay, si Ireng na raw ang bahala sa mga hugasin, pumanhik na raw ako at magpahinga kaya naman ganoon nga ang ginawa ko.
Umakyat ako sa kama ko at doon humilata bitbit ang bagong bili kong libro at ang cellphone.
Binuklat ko muna ang libro na Blow By The Wind. Tiningnan kung gaano ito kaganda.
Sa unang pahina ay napukaw ang atensyon ko nang isang Author's Note.
"First of all, I just want to say thank you for reading my story and for buying this book. Thanks, to all of my followers and my fans for supporting me even if you didn't know, who I am. And also, thank you for all the bashers and to all the threats that I've received in all my social media accounts. I always treasure it. I'm so sorry for ignoring– ubos na ang english ko tama na siguro 'yon. Ang librong ito ay para sa mga bumabasa nito, iyon lang maraming salamat. —TEN"
Maaaring pawang walang kwenta ang mga pinagsasasabi niya sa author's note pero bakit ganoon? Kinikilig talaga ako. Geez! Baliw na ako.
Binuklat ko pa ang libro hanggang sa mapunta ako sa pinakahulihan nito. Doon bumulaga sa akin ang isa pang note, pero parang hindi basta-basta note.
"Ang lahat nang akda ko ay inaalay ko sa iyo
Hindi mo man alam na ito ay para sayo
Ngayo'y tinutupad ko lang ang ating pangako
Na kahit sa pamamagitan lang nito ay makilala mo ako
Para ito sayo Mira." basa ko sa last page.
Ano kaya ito? Part pa ba iyon nang story o isa lamang note? Pero sinong Mira? Tao kaya 'yon? Teka, hindi kaya girlfriend ito ni Ten? Ouch! Saklap, may girlfriend na ang author ko.
Bigla tuloy akong nabadtrip, kaya naman isinarado ko na ang librong iyon at binuksan ko na lang ang cellphone, napagpasyahan kong mag-open ng social media account.
Laking gulat ko na halos lahat ng news feed ko ay puro #ArrowPen #AngGanda. Ano ba ito? Nag-copy post lang ba sila at parepareho talaga? Teka, paniguradong maganda nga siguro iyon. Mabasa nga rin.
Agad akong nagbukas ng reading app at in-add ang bagong story ni Ten para mabasa ko. Matapos ay balak ko na sanang simulang basahin iyon. Kaya lang, hindi ko pa man nabubuksan ay bigla ko na lang marinig ang pagtawag sa akin ni Nanay.
"Enang! Pumarito ka!" hiyaw ni Nanay.
"Opo! Andyan na po!" sagot ko na lang. Iniwan ko na muna roon ang cellphone ko at tsaka bumaba na. Lumabas ako ng kwarto at nagtungo kay Nanay. Bumungad sa akin na hinihilot ni Lairre ang likod ni Nanay. Mukhang pagod na pagod si Nanay at inu-ubo pa.
"Anak i-ibili mo nga ako nang gamot sa kanto, masama ang aking pakiramdam, Enang." Agad ko naman silang dinaluhan nang may pag-a-alala sa aking mukha.
"Nay! Ano ho ang nangyari?"
"Wala lamang ito Enang, gamot lamang ang katapat nito kaya ako'y iyong ibili na lamang anak at nang ako ay makapagpahinga na." Tumango ako at kinuha ang perang ibinibigay niya bago nagtungo na sa labasan. May kalayuan din mula sa bahay namin ang tindahan kaya naman hindi agad ako nakabili.
Hindi ko pa man nararating ang tindahan nang mapadaan ako sa bakanteng lote. Mayroong mga batang nagkakalkal ng basura, may mga pulubing natutulog sa kalye at may mga tahimik na nakatanaw lamang sa kawalan na tila ba wala na sa katinuan.
Nagulat na lang ako nang may matuling itim na van ang dumaan sa harapan ko. Mabuti na lamang at nakatabi agad ako sa daan kaya hindi ako nahagip nito. Tumigil ang itim na van sa tapat ng mga pulubi. Ikinagulat ko ang paglabas mula roon ng mga naka-suit na lalaki na tila ba isa silang big time na mga sindikato. Pinag-si-sipa nila ang mga natutulog na pulubi sa kalsada. Kaya naman nang dahil na rin sa takot ay napa-atras na lamang ako at agad na nagtago sa likod ng isang malaking drum. OMG! Kailangan ko na agad makaalis dito, hindi na ako safe rito. Anong gagawin ko?
Huminga ako nang malalim bago ako sumilip sa kanila para tingnan kung may matatakasan pa ako kahit batid ko nang wala, dahil sa dami ng mga taong naka-itim na suit na nakapalibot doon.
"Hoy! Ikaw, anong ginagawa mo riyan?" Nagulat ako sa pagsigaw ni kuyang mataba. Akala ko ay ako ang tinutukoy niya, subalit napansin kong iyong matanda pala sa isang sulok ang kinakausap niya. Nilapitan ni Kuyang Mataba si Lolo na nagsusulat lamang sa isang tabi. Biglang akmang hihigitin ni Kuyang mataba ang sinusulat nang lolo, pero agad na tinapik ni Lolo ang kamay nito sabay palo sa ulo nito ng notebook niya. Grabe ang bilis ni Lolo.
"P-Pasensya ka na h-hijo, n-nangingialam ka kasi, ako'y nasa kalagitnaan ng pagtatrabaho." Natatawa-tawa pang paliwanag ni Lolo. Pero malakas siyang sinipa ni kuyang mataba.
"Tarantado kang matanda ka! Anong karapatan mong batukan ako?" hiyaw pa nito. Mababakas na nahihirapan ang matanda pero kahit ganoon ay pilit niya pa ring inabot ang notebook na sinusulatan niya kanina. Mukhang pilay si Lolo kaya naman pag-gapang lamang ang ginawa niyang paraan para maabot ang kwaderno.
Tinawan-tawanan pa siya nang mga lalaki. Gustuhin ko mang tumulong ay wala naman akong lakas. Takot din ako. Wala naman ako sa isang romance story na magtatapang-tapangan si girl para lang iligtas ang nangangailangan 'no!
Muntik na akong mapairit nang biglang maglabas ng baril 'yung alalay ni kuyang mataba at itinutok ito kay Lolo. Mabuti na lamang at naagapan ko ang bunganga ko at nakapagtakip pa ako nito.
"Sige, patayin na yan!" utos ni kuyang baboy sa alalay nyang butiki. Ngingisi-ngisi namang ikinasa nang uto-utong utusan ang baril niya at parang baliw na itinutok ito kay Lolo. Doon ay hindi ko na alam ang ginawa ko.
Ang nabatid ko lang ay lumabas na ako sa eksena. Tumakbo ako patungo sa direksyon ni Kuyang Payat na walang sino man ang nakatu-tunog sa mga galaw ko. Tumalon pa ako nang mataas at tsaka ko sinipa ang baril na muntik-muntikan nang iputok nito.
"Tangina! Sino 'yan?" hiyaw ni kuyang mataba. Bakas ang pagkagulat nila sa biglaan kong pagsulpot. Hindi ko alam kung paano ko nagawang tisurin ang baril pataas at sambutin ito sabay tutok kay kuyang mataba.
Actually dati akong myembro ng Archery, kaya naman sanay ako sa mga ganitong galaw.
"Sige! Iputok niyo at hindi niyo na aabutang humihinga pa ang matabang 'yan!" hiyaw ko. Bigla kasi nila akong tinutukan nang baril. Sa totoo lang, nanginginig na ang kamay ko natatakot, pero dahil medyo shunga ako kaya ito ako ngayon,  kailangan kong panindigan ang bagay na ginawa ko. Nakialam pa kasi!
"Walang kikilos tatawag ako ng mga pulis!" bulyaw ko muli. Agad kong kinapa ang bulsa ko para sana kunin ang cellphone, kaya lang doon ko na lamang naalalang wala nga pala akong dalang cellphone, iniwan ko nga pala iyon sa kama. Paano na ito?
"Nene, pinapatawa mo ba kami? Sa tingin mo may oras kami para makipaglaro sa iyo?" nang-aasar na puna sa akin ni Kuyang malago... ang bigote.
Tuluyan na akong nanlambot sa takot nang dahil doon. OMG! What I've done? Naramdaman ko na lang na may humawak sa braso ko at itinali kaagad ang kamay ko sa likod. Teka? Hostage-taking na ba ito? Anong gagawin ko? Kailangan ko pang bumili ng gamot, pwede bang later nalang ito?
Napaluhod ako nang maramdaman ang malakas na pagsampal sa akin ni Kuyang mataba, sinamaan ko siya ng tingin. Tatay ko nga hindi ako sinasampal, ang kapal lang ng kalyo niya sa mukha para gawin ito sa akin.
"Ano lalaban ka? Wala ka nang kawala sa amin Neneng!" Akmang muli niya na naman akong sasampalin nang biglang may sumalo sa kamay niya. Nabaling ang atensyon ko sa taong iyon at ikina-laki nang mata ko nang makitang si Lolo pala iyon. May hawak siyang saklay habang nakatayo. "Abat——" Hindi na nito natapos pa ang sasabihin niya nang malakasan siyang hinataw ni Lolo ng saklay sa mukha. Nagulantang ako nang makitang nakatayo na ng tuwid ang matanda.
"Minsan kasi, isipin ninyo naman ang trabaho ng iba. Pasensya na, ang iingay niyo kasi, nabubulahaw ako."
Mas nagulantang ako nang mag-boses bata ang matanda. Ikinagulat ko ang biglang pag-iiba nang boses niya at parang pamilyar pa iyon.
Agaran siyang sinugod nang iba pa. Wala siyang ginawa kundi ang pagsasapakin ang mga ito. Tumalon siya nang muntikan na siyang hampasin ng tabla. Para makabawi ay sinipa nito sa mukha si kuyang muntik ng makahampas sa kaniya nung tabla.
Subalit hindi na nito namalayan na may kalaban pa sa likod niya dahil sa busy siya sa pakikipagbuno sa iba. Kaya naman nang maikalas ko ang kamay ko sa pagkakatali ay agad akong humanap ng maaaring makatulong. Subalit isang pana lamang ang nakita ko. Syete, hindi ito pwede!
Muli akong lumingon at nakita kong ipuputok na ni kuyang baliw na payat ang baril niya sa direksyon nung lalaki, si lolo kanina na ngayon ay ibang tao na.
No choice ako,  kaya naman mabilis ko ng kinuha ang lumang pana sa sahig at isang hinasang stick ng kawayan. Matapos iyon ay agad kong sinipat ang lalaki. Nanginginig man ay pinakawalan ko ang stick na kunware'y isang palaso. Tumusok iyon sa balikat niya at agad siyang natumba. Kasabay non ay hinarap ko ang bunga ng kalokohan ko.
Napaluhod ako at takot ang rumihistro sa pagkatao nang muli na namang ginulo ng kinatatakutan kong panaginip ang utak ko. Bukod sa napapanaginipan ko iyon ay bumabalik din iyon sa alaala ko sa tuwing humahawak ako nang pana. Kaya naman itinigil ko agad iyon dahil sa panaginip na malimit akong ginugulo. Maging ako ay hindi ko na alam kung panaginip pa ba talaga iyon.
"Hey! Miss Ricarte. Are you alright?" Bago ako nawalan ng malay ay nakita ko pa ang imahe ni Peter Einstein. Bakas ang pagaalala sa mukha niya na siyang ikina-ngiti ko sa hindi malamang dahilan.

Komentar Buku (57)

  • avatar
    Fhem De Castro

    Ayie this is a story for all ages. a history lesson in contemporary love romance. Beautiful, strong. I love how the plotline and the resolution go. it was so kilig and romantic.🥰🥰🥰Good job author💯💜💚

    29/05/2022

      1
  • avatar
    CastañedaGirly

    ganda sobra ❤❤❤

    11d

      0
  • avatar
    Paculanangjen

    must read . good novel

    23d

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru