logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

CHAPTER 5

KINABUKASAN maagang nagising si Celine dahil syempre hindi niya bahay ang tinutuluyan, kailangan niyang gumising ng maaga para walang masabi ang pinsan niya sa kaniya. Bilang respeto na rin dahil pinatuloy siya nito.
Ngayon, kailangan na lang niya itong tanungin kung anong magiging kapalit ng pagtira niya sa bahay nito. Hindi naman pwedeng tumira siya ng libre, nakakahiya 'yun.
Matapos niyang ayusin ang sarili, bumaba siya at hinanap ang pinsan na natagpuan niyang nagkakape sa dining habang nagbabasa ng diyaryo.
"Hey, good morning. Mabuti gising ka na. Ano, kamusta ang tulog mo? Nakatulog ka ba ng maayos kagabi?" nakangiting bati nito sa kaniya. "Sana nagustuhan mo ang bago mong kuwarto."
"Oo naman, salamat ha! Hindi ko tuloy alam kung paano ko maibabalik ang lahat ng ginawa mo para sa akin."
Ngumiti ito. "Don't mention it. Upo ka na at kumain."
Tahimik na naupo siya at kumain. Mahabang katahimikan ang namayani sa pagitan nila nang basagin iyon ng pinsan niyang si Hope.
"Celine," malumanay na tawag nito sa kaniya. Tila hindi nito alam kung paano siya kakausapin. "Huwag mo sanang mamasamain ang itatanong ko sa 'yo, pero gusto kong malaman kung ano ba talagang nangyari sa 'yo bukod sa iniwan ka ng parents mo dito sa pilipinas. I'm sure meron pang ibang dahilan dahil kagaya ng sinabi mo, five years ago na mula ng umalis sila pero ngayon ka lang nagpakita sa akin."
Napalunok siya dahil hindi niya alam kung paano sisimulan ang pagkukuwento. Ayaw niyang isipin nito na madumi siyang babae kahit na iyon ang totoo.
"Uhm..." Nalunok niya ang sariling laway at kabadong tiningnan ang pinsan niya. "Ang totoo niyan, iniwan ako ng boyfriend ko," nakangiwing dugtong niya.
Kung kanina ay nakangiti ang pinsan niya ngayon naman ay hindi na iyon maipinta. "What did he do to you? Did he cheated on you?"
Naikuyom niya ang kamao dahil sa tindi ng galit sa boses ni Hope. Ramdam niya ang galit nito.
"Yeah." Napayuko siya dahil hindi niya kayang tagalan ang tingin sa kaniyang ni Hope.
"Fuck!" Mura nito. Napapikit siya dahil hindi niya lubos maisip na kaya nitong magmura. Hindi kasi mahahalata sa itsura nito na marunong ito no'n.
Ngumiti siya kay Hope. "Okay lang naman ako. Kasalanan ko rin naman eh pero at least nalaman kong gago pala siya."
Umiling si Hope. "Hindi 'yun ang problema, Celine. Niloko ka niya. Kahit kailan hindi 'yun naging tama kahit ano pang nagawa mo."
Natigilan siya sa narinig. Ngayon lang may nagtanggol sa kaniya ng ganito. May naramdaman siyang tuwa sa puso niya. Natutuwa siyang malaman na kaya siya nitong ipagtanggol.
Bumuntong-hininga siya. "Hayaan na lang natin 'yun. Nangyari na eh. Wala na tayong magagawa."
Ginawa rin naman niya ang nararanasan ngayon kaya hindi na siya magre-reklamo.
"Okay ka lang ba?"
Tumango siya. "Oo naman, wala naman akong choice kung hindi maging okay. Huwag mo na akong isipin dahil alam kong may pinagdadaanan ka din."
Natahimik si Hope. Tila naalala nito ang nangyari sa naging takbo ng relasyon nito sa boyfriend nito. Bumuntong-hininga ito. "Tama ka, wala na nga tayong magagawa. So Let's celebrate, then."
Natawa sila pareho sa sinabi ni Hope. Kaya imbes na isipin ang problema, kumain na lang sila at pinuno ng tawanan ang hapag-kainan. Nakalimutan na tuloy niya itong kausapin tungkol sa pagtira niya sa bahay nito.
"Anyway, may dumating na invitation kahapon, gusto mo bang sumama sa akin bukas?" mayamaya ay tanong ni Hope sa kaniya. "Ayoko namang ma-bored ka dito sa bahay kaya kung gusto mo, pwede kitang isama."
Nag-isip siya. "Hmm, anong event?"
"Kasal kasi ng business partner ko na si Grey Dela Vega," simula nito na siyang nagpalaki ng mata niya. Magkakilala sila? "Actually it's their second wedding dahil limang taon silang nagkahiwalay."
Patuloy lang sa pagkukuwento si Hope habang siya ay nag-iisip na ng paraan para hindi siya makadalo sa kasal na 'yun. Hindi niya pa kayang harapin ulit si Grey. Siguradong galit pa rin ito sa kaniya. Mula nang huli silang magkausap, hindi na ulit sila nagkita. Ngayon niya lang din niya nalaman na limang taon pala ang lumipas bago magkaayos ang dalawa.
Gusto niyang manghinayang sa limang taon na 'yun dahil alam niyang siya ang dahilan kung bakit nagkahiwalay ang dalawa.
Yumuko siya. Kaya na ba niyang harapin ulit si Grey?
"Hindi na siguro," nakayuko pa rin siya habang sinasabi 'yun. "Dito na lang ako."
Nangunot ang noo ni Hope sa sinabi ni Celine. "Why? Is there any problem? Okay lang naman na sumama ka sa akin."
Ngumiti siya ng pilit. "Hindi na talaga, okay lang ako dito. Isa pa, wala naman akong kakilala do'n."
Hindi niya gustong magsinungaling pero wala siyang ibang maisagot.
"Okay, if you say so. Hindi na kita pipilitin," nakangiti nang sabi nito. "Here, gamitin mo muna ito," inabot nito sa kaniya ang isang card at isang susi na sigurado siyang susi iyon ng sasakyan.
Nanlaki ang mga mata niya. "Naku," kaagad niyang iniharang ang mga palad sa pagitan nila. "Sobra na ang binibigay mo, nakakahiya."
"Ano ka ba?" kinuha nito ang isang kamay niya at pilit na inilagay ang susi at card sa palad niya. "Gamitin mo 'yan kung may gusto kang bilhin sa labas. I won't mind."
"Sobra naman yata 'to." Nahihiya talaga siya sa pinsan niya. Sa dami ng kasalanan ng pamilya niya, hindi niya akalain na ganito pa ang ipapakita nito sa kaniya. She's really an Angel.
"Sige na, tanggapin mo na 'yan."
Huminga siya ng malalim. "Well, thank you."
"Ako dapat ang magpasalamat sa 'yo dahil kung hindi ka dumating, baka umiinom pa rin ako hanggang ngayon." Natawa ito sa sariling sinabi. Doon niya naisip na nasasaktan din ang pinsan niya dahil last week lang ito naghiwalay ng boyfriend nito.
"Sige, tatanggapin ko na," sabi niya dahil ayaw niyang sumama ang loob nito.
ARAW na ng kasal nina Grey, at hanggang sa mga oras na 'yun ay pinipilit siya ni Hope na sumama rito.
"Ayaw mo ba talagang sumama?" tanong ni Hope.
"Hindi na talaga," nakangiting tugon niya. "Okay na ako dito."
"Okay," nakangusong sabi nito. "Sige, tawagan mo na lang ako kung may kailangan ka, okay?"
Tumango siya. "Okay, ingat ka."
"Sige," muli itong nagpaalam bago tuluyang umalis. Siya naman ay pumasok sa loob ng bahay. Nanatili siya sa sala at nag-isip ng magandang gawin.
Ilang oras siyang nakatulala lang sa sala nang mahagip ng mga mata niya ang invitation na pinadala kay Hope. Nakapatong iyon sa ibabaw ng lamesa. Mukhang naiwan iyon ng pinsan niya.
Kinuha niya iyon at binasa ang address kung saan magaganap ang reception ng kasal. "Pupunta kaya ako."
Nag-isip siyang mabuti at sa huli ay naisipan niyang pumunta. Hindi naman niya kailangang magpakita. Sisilip lang siya at aalis din.
Nang makapag-desisyon mabilis siyang umakyat sa silid niya at nagbihis. Nang matapos ay kaagad siyang pumunta sa garahe kung saan naroon ang sasakyan na pinahiram sa kaniya ni Hope. Tumambad sa kaniya ang iba't ibang klase ng mga sasakyan.
"Wow! She's really that rich." Halos lumuwa ang mata niya sa sobrang paghanga.
Kaya siguro wala itong pag-aalinlangan nang ibigay nito sa kaniya ang card nito na siguradong naglalaman ng malaking halaga.
Napailing siya sa naisip at hinanap na lang ang sasakyan na gagamitin niya. Nakita naman niya agad 'yun dahil may nakapangalan naman sa susi kaya madali niya 'yung nahanap.
Nang makasakay siya kaagad niya iyong pinaandar at nagtungo sa venue ng kasal.
Bumaba siya at tinanaw ang dating kasintahan. Makikita sa mukha ni grey kung gaano ito kasaya.
She's happy for him.
Humugot siya ng malalim na hininga at nakangiting tinanaw ang dalawa. Mga ilang segundo ang lumipas nang maramdaman niyang may tumabi sa kaniya. Hindi ito umimik kaya nanahimik na lang din siya pero hindi siya nakatiis na maglabas ng sama ng loob.
"Ang saya nila 'no?" naramdaman niyang magulat ang katabi niya pero hindi niya ito nilingon kahit na tumingin ito sa kaniya. Nanatili sa bagong kasal ang tingin niya. "Bakit kaya gano'n? Ginawa ko naman lahat para sa mga taong mahal ko pero bakit sa huli, ako pa rin 'yung nasaktan. Nagmahal lang din naman ako." Tumulo ang luha niya.
"Miss, are you okay?" tanong nito at ngayon niya lang napagtanto na lalaki ang katabi niya.
"Me?" nilingon niya ito at doon niya nakita ang mukha ng lalaki. Guwapo ito at matangkad. Mukha din itong mabait pero hindi na siya basta-basta magpapaloko base sa itsura. "Wala na yata akong karapatan maging okay at maging masaya. Wala na, iniwan na ako ng lahat. Wala ng natira sa akin."
Well, maliban kay Hope. Si Hope na lang ang tanging naging tama sa buhay niya.
Mukhang naguluhan ang binata sa sinabi niya. Lihim siyang napangiti. Hindi niya alam pero magaan ang loob niya sa binata.
"Miss, bisita ka ba? Bakit hindi ka pumasok?" nalilitong tanong nito. "May kakilala ka ba sa loob? Sasamahan kita."
Napangisi siya. "Hindi na, ayokong masira ang araw nila."
"Kilala mo ba sila?" tukoy nito sa mag-asawang Faye at Grey.
"Kilalang-kilala," nakangiting sabi niya pero iyon 'yung ngiting may halong pait. "Lalo na si Grey."
"Sino ka ba?" tanong nito sa kaniya.
Muli siyang bumaling sa binata at seryosong tinitigan ito sa mga mata. "Ikaw, anong pangalan mo?" sa halip ay tanong niya.
Nakita niyang mapalunok ang binata at tila kabadong nagpakilala sa kaniyang. "I'm Gabriel Fernandez." Inilahad nito ang isang kamay sa kaniya.
Ngumiti siya bago inabot ang kamay nito. "Nice name, I'm Celine... Celine De Guzman."

Komentar Buku (28)

  • avatar
    SaadAsniah

    gandaa po ng story niyo

    3d

      0
  • avatar
    Sarcos Michael

    so good!

    28/07

      0
  • avatar
    Shielajane Diaz Delima Cabaron

    maganda rin po

    10/07

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru