logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

CHAPTER 1

WALA sa sariling naglalakad si Celine habang hilam ng luha ang mga mata. Kakalabas lang niya sa bahay ni Grey matapos ng kanilang pag-uusap. Pumunta siya sa bahay nito upang humingi ng tawad pero kahit yata lumuha siya ng dugo ay hindi siya nito mapapatawad sa mga nagawa niya.
Hanggang sa mga sandaling iyon ay umiiyak siya. Oo, alam niyang kasalanan niya ang lahat, pero anong magagawa niya? Mahal niya ang pamilya niya, gagawin niya lahat para sa mga ito kahit na pakiramdam niya ay wala siyang halaga sa mga ito.
Hindi niya sinasadyang pagsabayin sina Grey at Jake. Gusto na talaga niyang makipaghiwalay kay Grey kaya lang ay pinipigilan siya ng kaniyang ina. Gusto ng mga itong ikasal sila ni Grey dahil sa negosyo nilang malapit nang malugi at makakaahon lang ang kompanya nila kung makakasal sila ni Grey. Kaya ginawa niya lahat para magkalapit sila ni Grey.
Noon, ayos lang sa kaniya dahil wala naman siyang kasintahan, pero nang ikasal si Grey kay Faye, binalak na niyang itigil ang kagagahan niya, pero pinigilan siya ng kaniyang ina, maging ng kaniyang ama. Desidido ang mga itong maikasal sila kahit na alam ng mga itong may asawa na si Grey. Alam niyang mali, pero pinili pa rin niya ang kagustuhan ng kaniyang magulang.
Hanggang sa makilala niya si Jake nang gabing iyon sa bar. Naging panatag ang loob niya sa binata at hindi niya namamalayang napapalapit na siya dito. Nagising na lang siya isang umaga na mahal na niya ito.
Hindi niya kung paano 'yun nangyari. Mahal niya si Grey pero nang mas naging malapit sila ni Jake natutunan niya itong mahalin ng higit sa pagmamahal niya kay Grey.
Nakipag-relasyon siya sa binata nang malaman niyang gusto din siya nito pero bago 'yun, ipinaalam niya dito ang relasyon nila ni Grey. Sa una ay nagalit ito pero mas pinili nitong manatili sa tabi niya. Pinanindigan nila ang kanilang relasyon na umabot ng isang taon. Dito niya nakita ang pagmamahal na hindi maibigay sa kaniya ni Grey. Oo nga't palagi silang magkasama pero palagi niyang nararamdamang may kulang. At dahil kasal ito kay Faye, limitado ang oras na kaya nitong ibigay. Nagkaroon ng puwang sa pagitan nila na siyang pinunan naman ni Jake.
Pero hindi naging madali ang lahat. Palagi silang nag-aaway ni Jake dahil nagseselos ito kay Grey. Alam kasi nitong may nangyayari sa kanila ni Grey at hindi nito iyon matanggap. Hindi naman niya matanggihan si Grey dahil baka magduda ito sa kaniya. Kailangan niyang magpanggap na mahal pa niya ito kahit na ang totoo ay hindi na.
Siguro nga, tama sila na malandi siya dahil nagawa niyang pagsabayin sina Grey at Jake. She's a fucking bitch.
Hindi na niya alam ang gagawin. Gulong-gulo na ang puso't isip niya sa mga nangyayari.
Naninikip ang dibdib niya sa sobrang pag-iyak kaya napag-desisyonan na lang niyang umuwi sa tinutuluyan niyang condo.
Nagulat siya nang maabutan ang mga magulang na nakatayo at mukhang naghihintay sa kaniya sa labas ng condo unit niya.
"Mom..." kinakabahan siya habang tinatawag ang ina. "Ano pong ginagawa niyo dito? Bakit hindi kayo pumasok sa loob?" May susi kasi ang mga ito kaya nakapagtataka na naghintay ang mga ito sa labas ng condo niya.
"Hinihintay ka," ayun na ang malamig at striktong boses ng kaniyang ama. "Nandito kami para ipaalam sa 'yo na hindi ka na maaaring tumuloy sa condo na ito."
Nagulat siya sa narinig. Ano? Bakit? "B-Bakit po?"
Umingos sa kaniya ang kaniyang ina. "Akala mo ba hindi namin malalaman ang nangyari sa inyo ni Grey. How could you do that? Akala ko ba mahal mo na siya? Anong ginawa mo? Nakipag-relasyon ka pa sa ibang lalaki. Nakakahiya ka!"
Tumulo ang luha niya sa sinabi ng ina. Ngayon niya napatunayang wala siyang halaga sa magulang. Wala silang pakialam sa nararamdaman niya.
"Mom, alam niyo namang kasal na siya. Bakit ko ipipilit ang sarili ko sa lalaking kasal na?" giit niya kahit na sobrang sakit na ng kaniyang kalooban. "Oo, minahal ko si Grey pero hindi siya ang para sa akin. Ayoko na po, pagod na po ako."
Napailing ang kaniyang ina. "Kung gano'n kalimutan mo na rin na naging anak ka namin."
"M-Mom..." Hindi siya makapaniwala. Gano'n na lang 'yun? Pagkatapos ng lahat ng sakripisyong ginawa niya para sa pamilya. Pagkatapos niyang gawing kabit ang sarili niya ito lang ang sasabihin ng mga ito? "Ano bang sinasabi niyo? Huwag niyo namang gawin sa akin 'to. Hindi niyo ba ako mahal? Anak niyo ako! Dad?" Binalingan niya ang ama ngunit gano'n na lang ang gulat niya nang makita itong umiling sa kaniya.
"Celine..." Lumapit sa kaniya ang ama at hinawakan siya sa magkabilang balikat. "Makinig kang mabuti. Hindi ka namin totoong anak. Inampon ka namin dahil akala namin ay hindi na kami magkakaroon ng sarili naming anak."
"What?" Umiling siya ng umiling. Naguguluhan. Hindi. Hindi totoo ang mga narinig niya. Nagsisinungaling lang sila.
"Tsk." Hinila ng kaniyang ina ang Daddy niya palayo sa kaniya. "Narinig mo ang sinabi niya, hindi ka namin anak. Sa tingin mo? Magagawa naming ipakasal ang sarili naming anak, para lang makaahon sa pagkalugi ng kompanya, hindi Celine. Palabas lang 'yun para umalis ka sa poder namin. Mayaman si Grey, kaya ka niyang bigyan ng magandang buhay, pero anong ginawa mo? Hinayaan mo siyang mawala sa 'yo."
Napahagulhol siya ng iyak at hindi mapigilang sigawan ang mga magulang. "Bakit? Ano bang ginawa ko sa inyo? Ginawa ko lahat para maging proud kayo sa akin? Pero bakit?"
Wala na siyang pakialam kung may makakita o makarinig sa kaniya. Galit siya, galit na galit. Hindi niya akalain na gagawin sa kaniya ito ng sarili niyang magulang. Minahal niya ang mga ito nang higit sa sarili niya, tapos malalaman niyang ampon lang pala siya.
Fuck! She's so stupid!
"Pagkatapos ng lahat ng mga ginawa ko sa inyo?" malakas na sigaw niya sa magulang na hanggang ngayon ay wala pa ring emosyon. "Gano'n na lang 'yun? Itatapon niyo ako na parang basura dahil hindi niyo ako tunay na anak? Dahil hindi niyo na ako kailangan? Dahil nandiyan na ang kapatid ko, iiwan niyo na lang ako basta? Sana pala pinatay niyo na lang ako. Sana hindi niyo na lang ako inampom kung ipagtatabuyan niyo lang din ako. Sana pinabayaan niyo na lang ako!" Hindi niya mapigilan ang maglabas ng sariling hinanakit. "Kahit kaunti ba, wala kayong pagmamahal sa akin, kasi ako, mahal na mahal ko kayo."
Parehong nag-iwas ng tingin ang mga magulang niya at doon niya napagtanto na wala talaga siyang importansiya sa mga magulang. Kaya pala pakiramdam niya ay mas paborito ng mga ito ang kapatid niya. Iyon pala ay dahil ampon lang siya. Nakagat niya ang sariling labi dahil sa pagpipigil na mas mapahagulhol ng iyak.
"Mom!" nangibabaw ang isang tinig di kalayuan sa kanila. Si Clarisse. Naramdam niya ang paglapit nito sa kanila. "Bakit ang tagal niyo? Akala ko ba susunduin niyo lang si Ate?"
Susunduin? Anong kalokohan naman 'to?
Nakakunot ang noong tiningnan niya ang mga magulang. "Anong ibig sabihin nito?" ngunit hindi na sumagot ang kaniyang mga magulang. Wala ni isa sa mga itong nagtangkang magpaliwanag sa kaniya.
"Halika na, baka maiwan tayo ng flight." Hinila na nito ang kapatid palayo sa kaniya nang magtangka itong lumapit sa kaniya.
"Wait... Mom?" pigil nito sa ina. "Paano si Ate? Akala ko ba kasama siya?"
"Hindi mo siya kapatid, Clarisse." Iyon na yata ang pinakamasakit na narinig niya sa araw na 'yun. Parang pinipiga ang puso niya sa sakit. "Wala kang kapatid, nag-iisa ka naming anak."
Nakita niyang magulat ang kapatid saka naguguluhan tumingin sa kaniya. "What? No! Ate!"
"Stop it, Clarisse." anang kaniyang ina.
Napayuko siya at muling binalikan ang mga sinabi sa kaniya ng mga magulang. Gusto niyang matawa. Sa dami ng sakit na pinaramdam ng mga ito sa kaniya, ito na yata ang pinakamalala sa lahat. Umiiling na lumayo siya sa kapatid.
"It's okay, Clarisse. Sumama ka na sa kanila."
"No! Ate naman! Ano bang nangyayari? Sabihin mo sa aking hindi totoo lahat ng narinig ko," lumuluhang sabi nito. "Please... kapatid kita 'di ba? Ikaw ang Ate ko 'di ba?"
"Sana nga hindi totoo, pero totoo Clarisse." Nakita niyang lumuha ang kapatid. Ngunit wala siyang magawa para hindi na ito umiyak. "Paalam, Clarisse. Mag-iingat ka palagi." Mapait ang ngiting iginawad niya bago ito talikuran pero hindi niya magawang ihakbang ang mga paa. Nalunod siya sa mga alaala nilang magkapatid noong bata pa sila. Sobrang sakit. Pakiramdam niya ay iniwan na siya ng buong mundo at wala ng natira sa kaniya.
"Let's go, Clarisse." Nangibabaw ang boses ng kaniyang ama dahilan para siya ay magising sa malalim na pag-iisip.
Hindi na niya nagawang lumingon pabalik nang maramdaman niyang dumaan na ang mga ito sa tabi niya at lampasan siya. Naiwan siyang tulala habang lumuluha.
Tinanaw niya ang mga itong maglakad palayo sa kaniya. Parang dinudurog ang puso niya sa sakit. Napahawak siya sa kaniyang dibdib nang manikip iyon dahil sa sobrang pag-iyak. Napaluhod siya at hinayaang tumulo ang mga luha sa pisngi niya. Inilabas niya lahat ng sakit na nararamdaman sa pamamagitan ng pag-iyak.

Komentar Buku (28)

  • avatar
    SaadAsniah

    gandaa po ng story niyo

    3d

      0
  • avatar
    Sarcos Michael

    so good!

    28/07

      0
  • avatar
    Shielajane Diaz Delima Cabaron

    maganda rin po

    10/07

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru