logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Chapter 6

Chapter 6
NAGING mabigat ang mga hakbang ko papasok ng Maze. Nagdalawang isip pa ako kung tutuloy ba ako o hindi. Oras na lumingon ako pabalik pakiramdam ko ay kakalabitin ng guwardiya ang kanyang baril at ipuputok sa akin.
Dahan dahan akong pumasok sa loob ng Maze, at halos mapanganga ako nang mas lalong dumilim ang lugar. Pakiramdam ko'y nasa ibang lugar ako, pakiramdam ko'y wala ako sa palasyo.
Pakiramdam ko'y hindi ako nag-iisa sa kakayahang mayroon ako. Pakiramdam ko'y hindi lang ako ang may kakaibang abilidad sa Eufrata. At gusto kong isipin na ang lahat ng ito'y hindi totoo!
I want to think thay this is just a dream, but this isn't!
This is real!
I'm in deep trouble, nakapasok ako sa isang lugar na hindi ko alam kung saang parte sa mundo matatagpuan. Madilim ang paligid, the bushes and stems of trees dancing are thick. Hindi ito ordinaryong puno lamang, masyado itong malalaki at makakapal ang mga dahon nito.
I heard a thundering roar.
Napaatras ako. Hindi ako pwedeng magkamali, tunog iyon ng mabangis na Leon! Mula sa aking kaliwa, ay mababangis na hayop sa lupa.
I heard a long hiss.
Napalingon ako sa aking kanan, tunog iyon ng malaking ahas. Hindi ako pwedeng magkamali, hindi iyon basta-bastang ahas! Mas malaki iyon kumpara sa ordinaryong ahas!
Deretso akong napatingin sa aking harapan, anuman ang mayroon dito kailangan kong harapin. Alam kong napapalibutan ako ng maiilap at mababangis na nilalang, at hindi ito ang oras upang lamunin ng takot.
"OH SHIT!" Sigaw ko nang narinig kong may bumaril sa aking likuran. Hindi ko alam kung ang guwardiya iyon o may iba pang tao maliban sa akin sa gubat na ito!
Napatakbo akong deretso sa aking harapan! Ang tunog ng mga dahon kanina lamang ay napalitan ng tunog ng mga hayop.
"Hindi ka na makakaalis ng buhay diyan!" sumakit ang tainga ko ng marinig iyon!
Makakaalis ako dito.
"I will get out from this fucking illusion!" I yelled in frustration.
Pagkasabi ko noon ay tila huminto ang paligid. Sandali itong tumahimik, tila nabigla sa aking sinabi. Nakikinig ba ang gubat sa akin?
Ngunit tila nagkamali ako, mula sa pagiging tahimik ng gubat ay lumitaw sa harapan ko ang isang malaki at mabangis na leon! Galit na galit itong nakatingin sa akin, tila gusto ako nitong kainin.
"You're not real!" Mahina kong saad, pagkakuwa'y pumulot ako ng bato at pasimpleng tinamaan ang leon.
"Oh Shit!" Mura ko nang mapagtantong ang leon na nasa aking harapan ay totoo, kapag hindi ako tumakbo sa oras na ito ay mamamatay ako!
I NEED TO RUN!
SO I FUCKING RAN!
Mabilis ang aking pagtakbo, ngunit mabilis din ang leon. Sa oras ng aking pagtakbo ay tumakbo din ang leon upang dakmain ako. Ngunit sadyang matalas ang aking pakiramdam, my senses are sharp and it's time to use it.
Hindi na ako pumikit pa, naramdaman kong nag-iba ang kulay ng mga mata ko. Alam kong sa oras na iyon ay nabuhay ang mas matalas kong paningin at pandinig, kaya naman mas maigi kong narinig ang paligid at nakita ang kabuuan nito.
"RRAAAAWWWWRR!" The lion roared in anger while chasing me.
Nakakita ako ng puno, mataas ito ngunit kaya ko itong akyatin. Hindi pa ito ang ginawa ko noon sa District 1, mahirap ang buhay sa lansangan kaya kinailangan kong mas maging matapang.
Patakbo kong inakyat ang puno, at ganoon na lamang ako kinapos ng hininga matapos akong talunin ng leon mabuti na lamang at hindi ako nito naabot. Sumubok ito ng ilang ulit ngunit hindi ito nagtagumpay.
Gusto kong huminga ng maluwag, ngunit hindi ko magawa! Dahil nakarinig ako ng tunog ng malaking ahas sa aking likuran.
"Oh no!" Saad ko nang saktong paglingon ko ay bumuka ang bibig nito upang lamunin ako. Agad akong tumalon sa kabilang sanga at sumabit sa ilang sanga pa ng puno upang lumipat.
Wala akong pakialam kung nagmumukha na akong unggoy, kailangan kong makahanap ng bato para makaalis.
"Aarrrgghhh!" Sigaw ko nang maputol ang sangang kinapitan ko at bumagsak ako sa malaking bato, doon tumama ang tuhod kong dumudugo kanina.
FUCK! FUCK ANG SAKIT! Napaigtad ako sa sakit, damang dama ko hanggang sa aking kaibuturan ang sakit nito. Pakiramdam ko'y kumalat sa buo kong katawan ang kirot na handa akong gawing baldado anumang oras.
Another roar filled the area again.
Masyadong mabilis ang paghinga ko sa oras na iyon, kung magpapalamon ako sa sakit ay tuluyan akong matatalo. Hindi pa ako puwedeng mamatay.
"Breath. Just breath. Just breath..." Wika ko sa aking sarili habang iniinda ang sakit at tumayo upang harapin ang leon na nasa aking harapan.
Humihina ang paningin at pandinig ko, hindi ito pwede! Nilalamon ng sakit ang aking katawan at naapektuhan ang abilidad ko, hindi ito pwede!
No, this can't be! I need to live, I'm going to fight this shit!
Pumikit ako at bumuntong hininga. Tinipon ko ang lakas na mayroon pa ako atsaka dahan dahang dumilat, sa pagdilat ko'y kasama na ang abilidad ko.
Mas matapang, mas malakas.
Because, I can now also feel the surroundings. I can feel everything around me within my diameter, nararamdaman ko ang pagkilos ng iba't-ibang nilalang sa aking paligid.
And I was not wrong, I am not alone.
May ibang tao sa paligid. Hindi ako nag-iisa, lahat sila ay nahinto sa kanilang ginagawa at nakatingin sa direksyon ko. Hindi ko alam kung nakikita nila ako tulad ng pagkakakita ko sa kanila o nararamdaman lang nila ako. But they are all looking at my direction.
Dumilat ako. I can't see now the vision in my mind, ang nakikita ko ngayon ay ang leon na galit na galit sa akin.
I'm inside a Labyrinth.
I just have to think that this large maze is like the garden I have cut before. I just have to cut this creature in front of me. Inisip ko na lamang na muli kong ginugupitan ang Hardin ni Madam Imelda isa a pinagtatrabahuhan ko sa District 1, may mga dahong nalalaglag at mga sangang napuputol.
Pinulot ko ang sangang naputol ko dala nang aking pagkahulog mula sa malaking puno, atsaka itinutok ko ito sa mata ng leon na nasa aking harapan.
I just need to hit the bullseye.
"One..." Pagbibilang ko sa aking isip. Hinintay kong dumako sa akin ang mata ng leon at magtama ng maayos ang paningin namin upang masukat ko ng maigi ang layo ng aking patatamaan.
"Two..." The lion jumped, raised itself and prepared it's mouth to eat me ngunit hindi ako natinag. Ipinosisyon ko rin ang aking sarili at naghanda.
"Three..." Bumuka ang bibig ng leon at tumalon papunta sa akin. Gamit ang aking abilidad ay pinagmasdan kong maigi ang galaw ng leon, sasalubungin ko siya ng sangang hawak ko. Magtagumpay man ako o hindi, alam kong magtatagumpay ako.
Mabilis ito kumpara sa ordinaryo nitong bilis, alam kong galit ito kaya naman doble ang bilis nito.
The lion jumped.
I raised my hands.
Everything moved in a slow motion.
Pumantay ang ulo ng leon sa taas ng aking kamay. I swayed to its opposite side and with all strength, I struck the branch I was holding to the lion. Tumalsik ang dugo nito sa aking mukha. Pagkatapos ko itong itinusok ay agad kong kinuha ang sanga mula sa pagkakabaon nito at muli itong itinusok sa puso ng leon.
Nabuwal ako sa aking pwesto.
Para akong telang ikinalipad ng hangin, tumilapon ako dahil sa pagkakasalubong sa akin ng leon.
Kasabay ng pagbagsak ko sa damuhan ng duguan at nanghihina ang katawan ay ang pagbagsak ng leon sa aking harapan.
I fucking hit the bullseye!
Didn't I?
***
ASINTADO AKO. Iyon ang sinasabi sa akin ni Marcus sa tuwing naglalaro kami sa damuhan kasama si Laura. Ako kasi lagi ang nananalo kapag naglalaro kami ng panaan gamit ang mga pana naming gawa sa kawayan.
May tinatamaan kaming malaking bilog, and at palagi kong tinatamaan ang target.
But that is when we were still young.
Time passed, hindi na naulit pa ang mga sandaling iyon. Nagkaroon kami ng kaniya-kaniyang obligasyon sa aming pamilya, at hindi ko alam kung hanggang ngayon ay asintado parin ako.
BUMAGSAK ang leon sa aking harapan. Humihinga pa ito, ngunit tila ba nawalan na ito ng lakas upang muli akong sugurin.
I did it! I fucking hit the bullseye! Didn't I?
Pinagmasdan ko ang leon, bagsak ito at duguan ang dibdib. Gusto kong huminga ng maluwag ngunit hindi ko magawa, dahil alam kong hindi pa dito natatapos ang aking paghihirap.
Humihinga pa rin ang leon, hindi ako gano'n kasama upang kumitil ng isang buhay. Gustuhin kong mang saksakin ng paulit-ulit ang leon upang masigurong wala nang susunod sa akin, nilamon ako ng konsensya. Hindi ko kayang kumitil ng buhay, tao man yan o hayop.
Tumayo ako at iika-ikang umalis at iniwan ang leon. Hindi ko napatay ang leon, ngunit alam kong hindi na ako nito muling magugulo pa.
Ramdam ko ring bumalik na sa dating kulay ang mga mata ko, dahil hindi ko na gamit ang abilidad ko. Hindi ko pa kayang makontrol ng maayos ang abilidad ko, kaya naman nahihirapan pa akong gamitin ito.
Inilibot ko ang aking paningin at naghanap ng labasan pero wala akong nakita. Kailangan ko pang makahanap ng bato upang makalabas.
Pinilit kong damhin na muli ang mga taong naramdaman ko kanina, ngunit hindi ko na ito magawa. Hindi ko na magamit ang abilidad ko, hindi ko alam kung may hangganan ito o hindi ko lang talaga magamit ng maayos sa oras na ito.
I just need to find a stone!
This is their battle area. Alam kong dito nagsasanay ang grupong maghahanap ng mga bato, at masasabi kong napaka delikado ng lugar na ito ano pa kaya sa lugar na hahanapan ng mga bato?
Masakit ang mga tuhod ko kaya naman sandali akong naupo sa isang malaking bato at nagpahinga.
"Hindi ka na makakalabas ng buhay diyan! Madaling pagsubok pa lang ang naranasan mo, hindi ka na makakaligtas sa mga susunod!"
Napatingin ako sa pinagmulan ng tinig. Galing ito sa kalangitan, alam kong nakikita nila ang ginagawa ko. Alam kong sa oras na ito ay para silang nanunuod ng pelikula. Alam kong naghihintay sila ng susunod kong paghihirap, at alam kong kasama ang buwisit na guwardiyang iyon.
"Ikaw ang hindi na mabubuhay paglabas ko dito!" Sigaw ko atsaka masamang tiningnan ang kalangitan.
Alam kong hindi ito ang totoong langit, nasa loob ako ng isang lugar na sa tingin ko'y ilusyon. Buong buhay ko'y hindi ko naisip na mangyayari ito sa akin, at lalong hindi ko naisip na may ganitong lugar sa Eufrata.
Hindi na muling nagsalita ang tinig, tila naghintay na lamang ito ng sunod kong gagawin.
"Hintayin mo akong makalabas tingnan ko lang kung buhayin pa kita!" Matapang kong saad, pagkatapos ay tumayo at naglakad.
I need to find a stone. A stone.
Hindi ko ginamit ang abilidad ko sa paghahanap, mano mano kong tinitignan ang bawat batong aking nadadaanan. Kumikinang. May ibang kulay. Mapapansin mo kaagad dahil sa kaibahan nito kumpara sa ibang bato.
‘I can't be wrong! I found one!’
Pula ang kulay nito, at higit itong maganda kumpara sa ibang bato. It's not just a stone, it's a precious stone.
Doble ang paglalakad kong tinungo ang kinalalagyan ng bato. Nakatago ito sa ilalim ng makapal at may tusok tusok na halaman.
I heard a long hiss.
Napaatras ako nang salubungin ako ng isang malaking ahas na kulay pula ang mata bago ko narating ang kinalulugaran ng bato. Napapikit ako ng mariin nang mapagtantong wala akong makakapitan o kahit na anong bagay na pang depensa.
A Long hiss happened again.
Dahan dahang lumapit sa akin ang ahas, kakaiba ang mga mata nito, tila nanghihipnotismo. Hindi ko mapigilan ang sarili ko, tila nalulunod ako sa kagandahan nito;
"Veluriya.."
"Verulia!!"
Ang mga taong nasa lansangan, nagkaroon na nang kanya-kanyang bahay. Masisigla na ang mga mukha nito kasama ang sariling mga pamilya.
"Veluriya!" tawag sa akin ng isang bata.
Nangunot ang noo ko, anong ginagawa ko sa panahong ito? Nangyari na ito matagal na panahon na, bakit ako naririto?
"Marcus? Anong ginagawa mo dito?"
Bumakat sa kanyang mukha ang pagtataka sa ikinikilos ko.
"Maglalaro tayo ng pana pana ni Laura! Tara na! Dali, tatalunin ka namin!" saad nito atsaka hinila ako ng batang Marcus, papunta sa naghihintay na batang Laura.
What the fuck is happening?
"Tatalunin ka namin!" tuwang-tuwa saad ng batang Laura, inikot ko ang aking ulo.
Saka ko napagtanto na ang panahon na kinatatayuan ko ay noong panahong nasa ikalawang distrito pa kami, may sarili pang bahay ang mga taga lansangan bago kami napalayas.
Malaya pa kaming nakakapaglaro nina Laura at Marcus, malaya pa naming nakakasama ang isa't isa. Wala pang namumuong damdamin na kakaiba, tanging pagkakaibigan lamang.
"Dito na lang tayo." ani ng batang Marcus habang nakatitig sa akin, hindi ko alam ang isasagot ko.
"Dito naman talaga tayo!" singit ng batang Laura.
"Wag ka nang sasama sa kanila Veluriya! Dito ka nalang!"
I stopped whatever I'm doing, Marcus is crying. He's begging me not to leave them, ngunit saan ako tutungo? Hindi naman ako aalis.
"Dito ka nalang, magsasama sama tayo lagi.."
No, what is he saying?
Ang kanilang masisiglang mukha ay nagsimulang umiyak, na mas lalong nagpasakit ng ulo ko. Ang sakit ng ulo ko, hindi ko na kaya to. Naguguluhan ako!
It's my first time encountering this kind of nonfeasance!
"No! You're not real! You are not real!" sigaw ko, ang nag iiyakan nilang mga mukha ay napalitan ng pagkagulat.
Shit, ang sakit sa ulo! Parang binibiyak ang ulo ko sa sakit talaga nito.
"Veluriya anong sinasabi mo?"
"You're not real! Stop calling me Veluriya, hindi iyan ang pangalan ko!"
Nagsimulang maglaho ang lahat ng nasa paligid. Para itong usok na nawawala.
"Verulia!"
"NO! IT'S NOT MY NAME! GO AWAY! IT'S NOT MY NAME! YOU'RE NOT REAL! GO AWAY! STAY AWAY FROM ME!"
Tuluyang nagsibagsakan ang mga luhang kanina lamang ay pinigilan ko. Nagsisimula ko nang tanggapin na ang lahat ay ilusyon lamang, at sa mga oras na iyon ay natatalo na ako.
"You are not real. Iniwan niyo ako, isa na akong bilanggo ng Palasyo! Hindi kayo totoo, hindi ito totoo..." I cried.
I'm losing. Natatalo na ako. Naramdaman ko ang sarili kong umaangat. Wala na ako sa lupa. I was hypnotized and I am in peril.

Komentar Buku (26)

  • avatar
    Joan Laluan

    cocomelon round and Uruguay is the best of the day I have to go to the house and get the rest of my head and I will go to the house to get the food and stuff to go to the store and I will be there for you to get the cthghfnjgfjnyfnjyfnjyfnjyfyunfhnydtnhdgtsrarsyndmyjyfmjutmjufynjfnhtdhtdtdthndmjygmjugymjfnnhydtdyrsyrshntdhmtdyfjytmfcytumyxtjnxtyjnytxjndfnhdt nhgfxdgnhxgdhnt dnh,nthd myjfyf jmfyj mfy jf jmyfj m yfjnf gnhcg bcgbcfgbccccgbcvcggcvcn,hdtt,fhnfxymjyrxjmtyxmjfyxjmfyjxmyxfjm fjym fyjy

    1d

      0
  • avatar
    Amada Aljur

    hahahahahahahaha hahahaha hahahahahaha HAHAH hahahaha hahahaha hahahaha hahahaha hahahaha hahahaha hahahaha hahahaha hahahaha hahahaha hahahaha hahahaha hahahaha hahahaha hahahaha hahahaha hahahaha hahahaha hahahaha hahahaha hahahaha hahahaha hahahaha hahahaha hahahaha good good good good! huh huh huh huh huh huh huh huh huh huh huh ! hi! how he has h? u us! hehehe ebeiehejsugs not just have him he has his house he has his house he has his! hehehe just have him he has JJ happy Halloween just gan

    4d

      0
  • avatar
    Johnlord Jurolan

    ohh yeah

    12/06

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru