logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Kabanata 4

Kabanata 4
Hindi ko mapigilan ang malungkot para dito. Isa sa mahahalagang kaarawan ng isang bata ay ang ikapitong kaarawan kaya nga pinilit kong idaos ang birthday ni Creion kahapon. Pero kung ganito nga sila kayaman ngunit hindi naman masaya at wala pa ang magulang ng bata, sobrang sakit non para sa bata.
"Totoo naman ang sinasabi ni Kuya Arc, Tito. Bakit ba palagi na lang ninyong kinukunsinti ang ugali ni Kuya Zo?!
"Just shut up, Arc!" Ang malalim na boses ng isang ginoo ang nangibabaw sa buong dining hall. "I had enough of this topic. Hindi ba kayo nahihiyang dinadala pa ninyo dito sa isla ang ganiyang mga ugali?"
Ang ilang hakbang para makalapit sa kanilang table ay parang isang oras na lakaran.
"Because Kuya Zo is being unreasonable again, Tito Zach! May anak na siya! Dapat lang na i-prioritize niya 'yon!"
Kung sino man ang Kuya Zo na tinatawag ng mga ito ay nakaramdam ako ng pagkaawa na may halong galit. Awa dahil pinagkakaisahan siya ng kaniyang mga pinsan at galit dahil sa hindi nito sa pagdating sa araw ng birthday ng sariling anak.
Nang sa wakas ay makaikot ako sa hilera ng mga babae, tahimik kong inilahad ang platong hawak mula sa aking kanang kamay.
"Thank you," nginitian ko ang ginang na sa pagkakatanda ko'y tinawag na Tita Pilar upang takpan ang pangangatal ng aking mga kamay.
Nang ibababa ko na ang isa pang plato ay isang marahas na mga kamay ang humigit dito sanhi ng pagkatalsik ng plato sa sahig. Dahil sa pagkabila sa taong nakahawak sa aking kamay ay hindi ko napigilang mapaatras na pinagsisihan ko talaga.
Naapakan ko kasi ang bubog na plato at ang hapdi ng bawat bubog ay tumatagos sa balat ng aking mga paa!
Kung hindi ako bubungguin, hihilahin naman!
Dala na rin siguro ng sakit na unti unti ko nang nararamdaman ay hindi ko na mapigilan ang galit na umuusbong sa akin.
"Cressidad!" Ang sigaw na iyon ang nagpatigil sa aking mundo.
Ang matiim na titig ng lalaking nakahawak sa aking mga kamay ang siyang nagpakabog sa aking dibdib. Ano bang mayroon sa pangalang yan at paulit ulit na binabanggit?!
"S-sir... ang kamay ko po." Hindi ko na makilala ang sariling boses.
"Ikaw si Maria Cressidad Rivera, tama ba?" Ang kayumanggi na mga mata nito ay tuluyan nang pinakawalan ang apoy ng galit. "Sumagot ka?!
Sa ginawa niyang iyon ay naramdaman ko ang titig sa akin ng maraming mata. Buong Sastrillo na ang nakatingin sa amin!
"O-opo..." kasabay ng madiin kong pagpikit ang tunog ng mga nag urong na upuan.
May ipinakitang larawan sa akin ang babae na tuluyang nagpagulantang sa aking pagkatao. Isang babaeng may kulot at itim na mahabang buhok, makapal na kilay, bilugang mga mata, katangusang ilong at mapupulang labi ang nasa picture. Nakangiti ito habang hawak ang isang bungkos na bulaklak.
Bakit kamukha ko iyon?!
Ang babaeng may hawak na cellphone ay pinagmamasdan ang magiging reaksiyon ko. Ang kapatid nito ay parehong pinagmamasdan ang buo kong mukha nang may pag-uusisa.
"Anong nangyayari, Chlei? Marco?"
"Why are you calling Kuya Zo's deceased fiancee?"
Sa mga pangyayari ay hindi na mag function pa ng ayos ang aking utak. Nakakapagod na ang pamilyang 'to! Ngayon ay hindi na lang ang magkapatid na Sastrillo ang nakapalibot sa akin, maging ang isang ginang at ginoo ay nakalapit na rin sa aming pwesto.
Kung hindi lang hawak ng lalaki ang aking kamay ay tuluyan na akong napaupo dahil sa panlalambot.
Hindi ko namalayan ang matandang babae na nakasakay sa wheelchair na nakarating na pala sa aking tabi. Marahan nitong hinawakan ang nangangatal kong mga kamay, "ang Maria Cressidad ng Zorion ko..."
Hindi ko maintindihan ang sinasabi nito. Babawiin ko na ang aking kamay nang bigla ako nitong higitin at yakapin ng mahigpit!
Naiiyak na tuloy ako dahil sa ginawang iyon ng matanda ay dumiin ang bubog na naapakan ko. Hindi ko man nakikita pero siguradong tagos na ang dugo sa tsinelas na suot ko.
"L-lola... hindi ko po kayo m-maintindihan." Nang makawala sa mga yakap nito ay napaupo ako dahil sa panghihina. Ang galit, pagkalito at takot ang lumulukob sa aking pagkatao.
"H-hindi ako... h-hindi ako..." ang huling sambit ko bago kainin ng dalim ang aking paningin.
Nakakunot ang mga kilay at masusuring titig ang sumalubong sa akin pagmulat ko ng aking mga mata. "L-linda, anong nangyari?"
Pinigilan ako nito sa balak na pagbangon, "nahimatay ka kanina doon sa dining hall. Ano bang nangyari at biglang nagkagulo?"
Hindi ko rin alam.
"Akala ko ay nasa likod pa kita nang pabalik na sa kusina. Bakit nagkaroon ng eksena? Pinagtulungan ka ba ang pamilyang iyon, Cressi?!"
Umiling ako bilang sagot. "A-ang toto niyan ay nagulat din ako nang banggitin nila ang buong pangalan ko."
"Oo nga't mayayaman sila! Pero tama bang pagkaisahan ka nila?!" Naiinis na din nitong wika.
Sa ipinapakita nitong pag-aalala ay nagpasalamat ako ng palihim. Sobrang thankful ako sa mga taong nakilala ko dito sa isla. Tunay na kay bubuti nang mga puso. Kapamilya na ang turing sa'yo kahit 'di ka kadugo.
"Feeling ko kilala nila ang dating ako, Linda."
"Kanina ko pa din nga 'yan iniisip. Kaya ganoon sila magreact nung makita ka nila. Hindi mo ba sila naaalala? O kaya naman natatandaan mo ang mga mukha nila?"
Wala. Kahit anong hanap ko sa aking isipan ay wala dahil wala naman akong ala-ala.
"Nasaan ba ako?"
"Oo nga pala! Dito ka dinala nung isang Sastrillo sa isa sa mga kwartong inuukupa nila. Pero wala pa naman dito ang sinasabi nilang tutuloy sa kwartong 'to. Arc ata ang pangalan noong nagbuhat sa'yo."
"Nasaan na sila?" May pag-iingat kong tanong.
"Nasa labas 'yong magkapatid na Sastrillo, 'yong nagtanong sa pangalan mo. Kanina pa sila doon, 'e,  hinihintay nila ang paggising mo. Sandali at tatawagin ko."
Pipigilan ko pa sana ito nang tuloy tuloy naman itong tumayo at lumabas ng silid. Nanghihina kong nilingon ang wall clock na nakasabit sa puting dingding malapit sa bintana. Alas diyes na nang umaga. Dalawang oras akong nakatulog?
"Ahm..." naagaw ang atensiyon ko ng tumikhim ang isang babae. Ito 'yong nakabungguan ko at ang nagpakita sa akin ng larawan ko 'raw' sa kaniyang cellphone.
"Sorry nga pala kanina, Ate Cressi." Nag-aalinlangan ko itong nginitian. Kung tawagin kasi ako nitong Ate Cressi ay napaka pamilyar sa aking tenga. Parang nagkaroon ako ng isang babaeng kapatid.
"I'm Chlei Sastrillo," tuloy nito sa sarili. "Siya naman si Kuya Marco, kapatid ko. Nadala lang siguro kami ng pagkabigla kaya ganoon ang naging aksyon namin." Ang kapatid naman nito ang nagsalita.
Sandaling katahimikan ang namutawi sa amin. "P-pwede bang m-magtanong?"
"Ano 'yon?"
Lakas loob kong hinarap ang titig ng mga ito, "Bakit alam ninyo ang buong pangalan ko?"
Muling nagkatitigan ang dalawang magkapatid. Bakas ang pagkalito sa kayumanggi nilang mata. Wari'y naguguluhan sa mga nangyayari.
"Kilala ninyo ba si Maria Cressidad Rivera?"

Komentar Buku (18)

  • avatar
    Michael Thenorio

    good

    16d

      0
  • avatar
    MouraMaria Eduarda

    amei

    20/08

      0
  • avatar
    Jerven Hemo

    please🙏

    22/07

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru