logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Kabanata 4

Hindi mapakali si Leo sa kuwarto niya. Kanina pa siya nawawala sa sarili dahil ilang oras na niyang hinahanap ang kuwintas niya pero hindi niya pa rin ito mahanap. Sigurado siyang nasa bulsa niya ito noong naglalakad siya sa palengke. Hindi siya p'wedeng magkamali. Nasa bulsa niya lang ito.
"Nasaan na ba kasi 'yung kuwintas? Nandito lang dapat 'yon. Saan ka na ba napunta?" hindi mapakaling sabi ni Leo.
Hinalughog niya na ang buong kuwarto pero wala siyang makitang necklace. Importante ito sa kanya at hindi niya p'wedeng maiwala. Ito na lang ang kaisa-isahang alaala nila ng babaeng pinakamamahal niya. Ang larawan na lang nila ang natitirang pruweba na minsan siyang nagmahal at nakaramdam ng saya.
"Hindi p'wede. Nasaan na 'yung kuwintas ko? Ilabas niyo na!" hindi na niya napigilan ang sariling mapasigaw sa sobrang pagkainis.
Umagang-umaga pero ito kaagad ang eksena sa ospital. Kalmadong natutulog si Leo pero nang magising ito at hindi mahanap ang kuwintas sa bulsa niya ay do'n na siya nagsimulang magwala.
Kaagad na lumapit sa kaniya ang mga nurse para tanungin kung anong problema. Nag-aalala sila sa kalagayan nito lalo na't pinababantayan ito sa kanila ng direktor. Kailangan nila i-monitor si Leo bawat minutong lumilipas para siguraduhing wala itong gagawin na ikapapahamak niya.
"Sir Leo, ano po bang hinahanap niyo? Pakiusap, kumalma po kayo. Huminga muna kayo nang malalim. Tutulungan naming kayong maghanap," nag-aalalang sabi ng hindi katangkarang babaeng nurse.
Lima silang pumasok sa loob para tulungan si Leo na maghanap. Hindi pa rin ito tumitigil sa pagsigaw at lahat nang mahawakan niya at bigla niyang ibinabato. Masyado nang magulo ang kuwarto pero hindi niya ito napapansin.
"Ibigay niyo na kasi sa akin ang kuwintas. Sa akin 'yon. Ibalik niyo na. Nasaan na ba? Hindi, nandito lang 'yon. Ilabas niyo na kasi sabi!" naiinis na sigaw ni Leo at malakas na ibinato ang flower vase na nakalagay sa tabi ng kama niya.
Nagkakagulo na sila at hindi mapigilang mataranta dahil sa ipinapakita ni Leo. Tinawag na rin ng kasamahan nila ang direktor para tulungang mapakalma ang anak nito. Hindi na nila alam ang gagawin. Gusto nilang tulungan si Leo pero masyadong mainit ang ulo nito.
"Sir, kumalma po muna kayo," natatarantang sabi ng lalaking nurse.
Pakiramdam nila ay nawawala na rin sila sa sarili dahil kay Leo. Mabuti na lang ay dumating kaagad ang direktor matapos malamang nagwawala ang anak niya. Mabilis itong pumasok sa kuwarto at hinawakan sa balikat si Leo.
"Ano bang problema? Bakit ka nagkakaganiyan?" nag-aalalang tanong nito.
Hindi siya pinansin ng anak at patuloy pa rin ito sa paghalughog sa kama kaya na alam niya kahit wala rito ang kuwintas na hinahanap niya. Ilang beses na niya itong tiningnan pero bigo pa rin siya.
"Leo, ano ba? Sabihin mo sa akin ang problema para matulungan kita!" bulalas ng director nang hindi siya pinansin ni Leo.
Kinakabahang humilera sa gilid ng pintuan ang mga nurse. Tahimik nilang pinagmamasdan ang mag-ama. Sinubukan din nilang maghanap pero wala silang nakita.
"D-Dad..." umiiyak na sabi nito.
Mabilis siyang niyakap ng director. Alam niyang may matinding pinagdaraanan si Leo at handa siyang tulungan ito kahit na madalas niyang ipinapahamak ang sarili. Nasasaktan siya sa tuwing nawawala sa sarili ang anak. Pakiramdam niya ay wala siyang kuwentang ama.
"N-Nawawala 'yung kuwintas. H-Hindi ko makita. Nandito lang 'yon. Hindi 'yon dapat mawala. Ang tanga-tanga ko. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag nawala 'yon," mahinang sabi niya habang nakayakap sa braso ng ama.
Dahan-dahan niyang hinahaplos ang ulo ng anak at pilit itong pinapakalma. Nasasaktan din siya. Alam niyang sobrang importante ng kuwintas na 'yon para kay Leo. Ngayon ay naiintindihan na niya kung bakit ganito na lang ang naging reaksyon at ipinapakita ng anak niya.
"Don't worry, hahanapin ko 'yon. Nurse, bumalik na kayo sa mga ginagawa niyo. Paki-page ang mga bakanteng staff na walang ginagawa ngayon. Kung kinakailangan niyong halughugin ang buong ospital ay gawin niyo. Hanapin niyo ang kuwintas ng anak ko. Ito ang picture," pag-uutos ng director bago ibigay ang cellphone niya.
Mabilis naman silang lumabas sa kuwarto para sundin ang ipinag-uutos.
"Dito ka muna, may meeting pa akong kailangan puntahan. Hahanapin na nila ang kuwintas mo, huwag kang mag-alala. Aalis na ako," kalmadong sabi ng director bago lumabas at iwan si Leo.
Pagkatapos nito ay naiwang mag-isa si Leo sa loob ng magulo at tahimik na kuwarto. Muli siyang nakaramdam ng matinding kalungkutan. Ito ang araw-araw niyang pinagdaraanan at gusto na niyang makawala rito subalit hindi niya magawa. Pakiramdam niya ay nakabaon sa lupa ang dalawang paa at hindi niya ito maiahon.
"I'm sorry... hindi ko sinasadya," bulong niya at tahimik na humikbi.
Walang ibang naroroon para tulungan siya. Ito ang dahilan kaya napagpasyahan niyang sa lansangan na lang tumira. Wala namang ipinagkaiba ang buhay niya rito at buhay niya sa labas. Palagi siyang inuusig ng kalungkutan para ipamukha na kasalanan niya ang lahat at siya lang ang dapat na sisihin.
"Wala akong karapatang maging masaya. Naiwala ko pa ang kaisa-isahang regalo na ibinigay mo. Wala na talaga akong nagawang tama," mapait na sabi ni Leo at hindi na napigilan ang sariling mapaiyak.
Ang buong akala niya ay magagawa niyang pigilan ang sakit na nararamdaman pero nagkamali siya. Muling bumalik ang lahat nang makarating siya rito sa ospital. Nawala ang ilang araw na pinaghirapan niya para labanan ang lungkot at sakit.
"Pasensya ka na kung naging mahina ako. Hindi ko na alam kung kakayanin ko pa bang tumagal at mabuhay sa mundong ito," nanghihinang sabi niya.
Parang binagsakan siya ng napakabigat na metal at ito ang dahilan kung bakit sobrang bigat ng dibdib niya. Tila limitado ang paghinga niya at bawat minutong lumilipas ay mas lalong nadaragdagan ang sakit. Hindi na niya alam kung kakayanin pa ba niya.
Mabilis siyang tumayo at inayos ang sarili nang may napagtanto siya. Hindi niya ito kaagad na napansin pero mukhang alam na niya kung saan makikita ang nawawalang kuwintas. Kung wala rito sa ospital ay siguradong nasa kaniya iyon. Hindi siya p'wedeng magkamali.
Nagmamadali siyang lumabas sa kuwarto at sumakay sa elevator pagkatapos magpalit ng damit. Pinindot niya ang first floor at bahagya pang tinapik-tapik ang sahig gamit ang kaliwang paa. Hindi siya mapakali. Kailangan niya hanapin ang babaeng 'yon dahil siguradong siya ang may hawak ng hinahanap niya.
Bahagyang nagulat ang babaeng nagbabantay sa front desk nang dumating si Leo. Hindi niya inaasahan na bababa ito sa kuwarto dahil ang sabi ng mga kasamahan niya ay nagwawala ito sa kuwarto niya kanina.
"S-Sir Leo, kayo pala. How can I help you?" nakangiting tanong niya rito.
Mabilis na lumapit sa front desk si Leo at bahagya pang ipinatong ang magkabilang braso niya rito. Pilit siyang ngumiti kahit labag sa loob niya.
"Hi, miss! Can I get the address of the girl that brought me here? I'm sure na may copy kayo no'n sa logbook. I really need that," kalmado sabi niya.
Unti-unting napawi ang ngiti sa labi ng babae. Bahagya siyang nagulat sa hinihingi nito.
"Pero sir, confidential ang hinihingi niyo. Hindi ko po 'yon kayang ibigay. Pasensya na kayo," humihingi ng paumanhin na sabi nito.
Mabilis na napawi ang kakaunting saya sa mukha ni Leo dahil sa narinig. Ang buong akala niya ay madadala ng pekeng ngiti niya ang babae pero mukhang nagkamali siya.
"Bakit naman? Gusto ko siyang puntahan para personal na mapasalamatan. Para naman akong walang manners kung hindi ako magpapasalamat sa taong nagligtas sa buhay ko," nangangatuwiran pang sabi ni Leo.
Pilit na ngumiti ang babae dahil hindi niya alam kung paano sasagot sa kausap. Kilala niya si Leo at siguradong hindi ito titigil hangga't hindi niya ibinibigay ang hinihingi niya.
"Hindi po talaga p'wede ang gusto niyong mangyari. May rules ang hospital about sa confidentiality ng mga pumupunta rito. Sumusunod lang po ako kaya pasensya na," hindi makatingin nang diretsong sabi ng babae.
Bahagyang nagpakawala ng malalim na buntong-hininga si Leo. Hangga't maaari ay pinipigilan niya ang sarili na magtaas ng boses. Siguradong magkakagulo na naman ang lahat kapag ginawa niya iyon.
"Kahit 'yung cellphone number niya na lang. Gusto ko kasi talaga siyang mapasalamatan. Sige na, pagbigyan mo na ako," nakikiusap pa niyang sabi.
Hindi na alam ng babae kung anong gagawin. Siguradong mapapagalitan siya kung sakaling ibinigay niya kay Leo ang address o cellphone number ni Xiara. Malakas ang kutob niyang may gagawin itong hindi maganda.
"Ganito na lang sir Leo. Kapag bumalik 'yung babaeng hinahanap niyo, ipapatawag ka namin. Sigurado naman po akong babalik siya para tingnan ang kalagayan niyo," pagpapaliwanag ng babae.
Bahagyang kumuyom ang kamao ni Leo. Naiinis na siya. Simple lang naman ang gusto niya pero hindi pa nito maibigay.
"Hindi mo ba talaga mapagbibigyan ang anak ng may-ari ng ospital? Hindi ka ba naaawa sa akin?" bulalas ni Leo at sinadya pang lakasan ang boses.
Pinagtitinginan na sila ngayon dahil sa ginawa niya. Nahihirapan na ang babae sa sitwasyon niya. Gusto na lang niyang ibigay ang hinihingi nito para matapos na ang lahat.
"Gusto mo na yatang lumipat sa ibang ospital," dagdag pa ni Leo kaya halos mapaiyak na ang babae.
Sakto namang bumukas ang glass door ng ospital at iniluwa nito ang isang babaeng nakasuot ng mamahaling puting bestida. Dire-diretso ito naglakad papunta sa kinaroroonan ni Leo.
"Desperado ka na ba talaga para lang dito? Pathetic. No wonder that no one loves you," mariing sabi ni Xiara at itinaas pa ang kuwintas na kanina pa hinahanap ni Leo.

Komentar Buku (124)

  • avatar
    Owbreeeey

    Cover palang catchy na. A work that is worth to read for everyone!! Highly Recommended πŸ’—πŸ’—πŸ’— Keep writing author!

    03/06/2022

    Β Β 1
  • avatar

    waw

    21/08/2022

    Β Β 0
  • avatar
    BelgeraAnalyn

    loving itπŸ₯°πŸ₯°πŸ₯°

    20/08/2022

    Β Β 0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru