Tahimik na naglalakad sa mainit at mataong lugar ang isang binatilyo. Hindi niya na alintana pa ang ingay sa paligid dahil sa samu't-saring sigawan sa palengke. Kabi-kabila ang mga bumibili at ang iba ay tumatawad pa. Ganito nagsisimula ang normal na araw niya at dito rin ito matatapos. Maamo ang mukha niya subalit mababakas mo ang labis na lungkot sa kaniyang mga matang punong-puno ng misteryo. Kung pagmamasdan mo siyang mabuti ay siguradong mapapansin mo ito. Puno ito ng matinding kalungkutan na tila matagal nang namatay ang saya sa buhay niya. Nagpapalaboy-laboy lang ito sa lansangan at kapag nakaramdam na siya ng antok, nagtatayo siya ng munting higaan sa gilid ng mga naglalakihang mga estraktura. Ganito ang buhay niya. Mahirap man ngunit kailangan niyang kayanin. Ito ang landas na pinili niyang tahakin. "Bakit ba parang mas lalong dumarami ang palaboy dito sa kalsada? Hindi ba kayo naaawa sa mga sarili niyo? Mahiya naman kayo! Siksikan na nga, dumadagdag pa kayo. Nakakainis! Araw-araw na lang," naiinis na reklamo ng isang ginang habang pilit na sumisiksik sa gitna ng napakaraming tao. Maarte pa itong naglalakad habang pilit na inaangkin ang buong daanan at ang sinumang humarang sa dinaraan niya ay basta na lang niyang binabangga. Nagpapatuloy siya sa ginagawa pero hindi siya nagtatagumpay. Sadyang maraming tao sa kalsada na siyang nagpapabagal sa paglakad niya. "Ano ba? Tumabi nga kayo sa dinaraan ko. Nakakainit kayo ng ulo. Isa! Bakit ka ba nanunulak? Sandali nga, baka malaglag 'yung mga binili ko. Huwag sabing manulak!" naiinis na ulit nito at basta na lang itinulak ang nakatayong lalaki sa harapan niya. Pasimple siyang tinignan ng binatilyo at ang paraan ng tingin nito ay para bang sinusuri siya mula ulo hanggang paa. Ang maarte kasing babae na ito ay hindi naman mukhang nakakaangat sa buhay pero kung umasta akala mo isang Donya. Isa lang din naman siyang pangkaraniwan tao, gaya niya. "Anong tinitingin-tingin mo riyan? Hihingi ka ng limos? Nagpapatawa ka ba? Tabi. Wala kang mapapala sa 'kin. Umalis ka nga sa dinaraanan ko. Para kang pesteng pakalat-kalat. Mga pulubi talaga," walang prenong pangungutya at panghahamak nito sa binata. Mariin lang siyang tinignan ng binatilyo bago ito tumayo. Sa harap pa siya mismo ng babae nagpagpag bago ito titigan nang matagal. Tila may nais itong iparating sa paraan ng pagtitig niya. May gusto siyang sabihin sa babae pero hindi na lang niya binigkas. "Aba't! Anong gusto mong iparating? May gusto kang sabihin, aber? Kung makatingin ka sa 'kin, ayusin mo 'yang mga mata mo. Gusto mo bang ipahuli kita sa pulis? Binatilyo ka pa lang pero mahaba na 'yang sungay mo. Ayusin mo ang pakikitungo sa mas nakakatanda, matuto kang gumalang. Tumabi ka nga," naiinis na pangangaral nito sa binatilyo. Sa halip na magsalita pa at humingi ng tawad ay mabilis na naglakad papalayo ang binatilyo. Hindi na nito pinansin ang mga reklamo ng ginang. Wala siyang pakialam sa mga sinasabi nito. Basta ang alam niya ay wala siyang tinatapakan na tao at siya ang nasa tama. Nagpatuloy lang siya sa paglalakad at nagbabakasakaling may mabuting tao na magbibigay sa kanya ng pagkain. Kumakalam na ang sikmura niya pero wala siyang kahit limang pisong barya. Mas lalong tumitindi ang init ng araw pero hindi niya rin ito alintana. Patuloy siyang naglalakad sa kalsada kaya walang katiyakan kung saan siya dadalhin ng mga paa niya. Samantala, sa sobrang dami ng iniisip ng binatilyo ay hindi niya na napansin ang umaandar na sasakyan papalapit sa kaniya. Masyadong maingay sa palengke para marinig niya ang busina ng kotse. Huli na ang lahat nang makita niya ito at namalayan niya na lang na bigla siyang tumilapon sa mainit at matigas na semento. Agad naming bumaba ang nagmamaneho ng sasakyan at nagmamadali itong tumakbo papunta sa nabundol na lalaki. Kinakabahan siya sa nangyari at hindi niya alam kung papaano ang gagawin. Ang tanging nasa isip niya lang ay masiguradong hindi gaanong nasaktan ang nabunggo niya. "Fuck! I didn't mean it. Hindi ko alam na may taong tatawid. Kuya, gumising kayo. Kuya! Do you hear me? Please Kuya, wake up. I didn't want to bump you. It happened fast. I'm sorry," naluluhang sabi ng babaeng nakabangga at paulit-ulit na humihingi ng paumanhin kahit na hindi siya naririnig ng lalaki. Maganda ito at mukhang anak mayaman kaya hindi nakakapagtakang mayroon itong magarang sasakyan sa murang edad. Nakasuot ito ng isang simpleng pulang bestida na talagang bagay na bagay rito. Nakatirintas ang buhok niya at nakasuot ito ng mamahaling sandals. "Mga kuya! I need your help! Help me carry him. I will bring him to the nearest hospital. He needs treatment. Baka mamatay siya. I can't let that to happen. Kasalanan ko ito," natatarantang sigaw ng babae habang humihingi ng tulong. Mabilis naman nagsilapitan ang mga lalaki sa paligid para tumulong. Pinagtulungan nila itong buhatin papunta sa sasakyan ng dalaga. Hindi naman ganoon kabigat ang binatilyo kaya hindi na sila nahirapang buhatin ito. Samantala, dahil sa ginawa ng babae ay napuno ng bulungan ang buong paligid. Ang buong akala kasi nila ay tatakbo na ito at hahayaan ang nasagaaan niya. Hindi nila inaasahan ang ginawa nito. "Seryoso ba siya na tutulungan niya ang pulubing 'yan?" "Sinasabi ko sa iyo miss, peperahan ka lang niyan." "Mabuti naman at may mga mayayaman pa rin handang tanggapin ang responsinilidad nila." Nabalot ng iba't-ibang reakyon at bulungan ang labasan ng palengke. Karamihan sa mga ito ang nagsasabing huwag nang mag-abala ang babae na tulungan ang binatilyo dahil peperahan lang siya nito. May iilan din namang humahanga sa pagtanggap ng babae sa responsibilidad niya. "Bakit ba siya nag aabalang iligtas ang binatilyong 'yon? Wala namang mawawala sa kaniya kung hahayaan niya lang. Palaboy naman ang lalaki kaya wala siyang magiging problema. Tinted din naman ang bintana ng kotse niya kaya walang makakaalam ng ginawa niya," nagtatakang tanong ng isang tindera na kasalukuyang nagtitinda sa tapat ng insidente. Agad naman siyang tinapik ng kaniyang suki. "Ano ka ba naman, Mare? Wala ka bang puso? Siyempre kailangan niyang iligtas ang nasagasaan niya kahit na sabihing palaboy pa ito. Buhay ang pinag-uusapan natin dito," pagpaliwanag nito sa tindera. Mabilis namang umiling ang tindera tanda ng hindi niya pagsang-ayon. "Mahirap magtiwala sa panahon ngayon. Anong malay natin na may masamang gawin ang pulubi na 'yon sa babae. Mabuti sana kung nasa matinong pag-iisip ang lalaking tinutulungan niya. Paano na lang kung baliw pala 'yon? Mahirap na," pangangatuwiran pa ng tindera. Kaagad namang tumigil ang suki niya sa paglalagay ng itlog sa tray. Muli niyang binalingan ng tingin ang nagtitinda. Naiintindihan niya ang punto nito pero masyado itong mababaw. "Kahit na pagbaliktarin natin ang mundo, ang babae ang may kasalanan kaya dapat lang na tulungan niya ito. Wala sa estado ng buhay ang batas. Paano kung mamatay ang pulubing sinasabi mo dahil hindi siya kaagad nadala sa ospital? Dadalhin ng babae ang konsensyang iyon hanggang sa pagtanda niya," mariing giit nito. Pagkatapos nito ay kumuha siya ng pera sa pitaka niya para magbayad. Muli niyang tiningnan ang tindera at makahulugang pinangaralan ito. "Hindi rason na nakakaangat ka sa buhay para takbuhan ang kasalanan mo. Kahit presidente pa 'yan o pulubi, kailangang tanggapin ng nakaperwisyo ang responsibilidad ng ginawa niya. Lahat ng tao ay pantay-pantay. Kaya maraming gumagawa ng kasalanan dahil sa ganiyang pag-iisip. Sa susunod ulit, makabenta ka sana ng marami ngayon," bulalas ng suki niya bago kunin ang sukli at umalis. Naiwang nakaawang ang bibig ng tindera dahil sa sinabi sa kaniya. Hindi niya inaasahan na pangangaralan siya nito gayong gusto niya lang sabihin kung anong nasa isip niya. Sinundan niya ito ng tingin mula sa malayo hanggang sa tuluyan itong mawala. Samantala, mabilis na dinala ng babae ang binatilyo sa ospital. Kinakabahan pa rin siya sa posibleng mangyari pero umaasa siya na maayos lang ang kalagayan ng lalaki at hindi ito napuruhan. May kaunting dugo ito sa ulo at maliliit na gasgas sa hita at braso. Hindi naman gaanong malakas ang pagkakabunggo niya kaya umaasa siyang magiging maayos ang lahat. "K-Kumusta po siya? Kailangan niya po bang operahan?" kinakabahang tanong ng babae nang lumabas ang doktor. Dinala pa rin sa emergency room ang lalaki kanina kahit na kaunting galos lang ang tinamo nito. Gustong suriin ng mga doktor kung naapektuhan ba ang ulo niya mula sa pagkabangga sa sementadong kalsada. "Hindi naman siya gaanong napuruhan. Magagamot ang mga galos niya sa katawan at gagaling din ito. Masuwerte rin na hindi naapektuhan ang ulo niya. Everything is good, so don't worry," sabi ng doctor. Tila nabunutan ng malaking tinik sa dibdib ang babae. Ang buong akala niya ay may nangyaring masama sa binatilyo. Hindi niya mapapatawad ang sarili kung nangyari iyon. "Thank you, Doc. I will pay for his hospital bills and medical needs. Thank you so much for your help. I really mean it," masayang sabi ng babae subalit hindi man lang ngumiti ang doctor. "But hija, you have a problem. We are afraid that you are in big trouble," bulalas ng doctor na siyang nagpabalik sa kaba ng babae. Hindi siya makatingin nang maayos sa doktor at pilit niyang iginagala ang tingin sa apat na sulok ng pasilyo. "The guy you brought here is the son of our director. He wants to talk to you." Pakiramdam ng babae ay panandaliang nanikip ang dibdib niya. Hindi niya alam kung anong isasagot. Hindi maproseso ng utak niya ang lahat ng mga nangyayari. "W-What?" hindi makapaniwalang bulalas niya.
Terima kasih
Dukunglah penulis untuk menghadirkan kisah-kisah yang luar biasa untuk Anda
Biaya 34 berlian
Keseimbangan: 0 Berlian β£ 0 Poin
Komentar Buku (124)
Owbreeeey
Cover palang catchy na. A work that is worth to read for everyone!! Highly Recommended πππ Keep writing author!
Cover palang catchy na. A work that is worth to read for everyone!! Highly Recommended πππ Keep writing author!
03/06/2022
Β Β 1waw
21/08/2022
Β Β 0loving itπ₯°π₯°π₯°
20/08/2022
Β Β 0Lihat Semua