logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Bab 6 Encounter with the Opponent

HINIHINGAL akong humarap kay Jaxith nang biglang inatake niya ako kanina. Nasa amin pa rin ang atensyon ng lahat at nanonood lang ang mga ito sa amin.
"Nasisiraan ka na ba?!" I shouted.
Napaatras ang ulo ko nang itutok niya ang dulo ng espada sa may mukha ko. Napalunok ako.
"I want you to fight me," he said seriously.
Sinusubukan ko siyang basahin kung anong gusto niya talagang mangyari pero hindi ko malaman. Ano bang iniisip niya? Bakit gusto niya akong kalabanin ngayon? Bigla bigla nalang siyang nagkakaganito.
Parang hindi lang nanggaling sa matinding pagkakabagsak kanina ah?
"Hindi ako marunong makipaglaban!" Magkasalubong ang kilay na sagot ko.
"Fight. Me. That is the king's command and you must obey."
Huminga ako ng malalim at nakapamewang na sa harap niya. "Gano'n ba kahirap intindihing hindi ako marunong makipaglaban?" Nakatitig na lamang siya sa akin na animo'y nawawalan na ng pasensya.
"Normal lang akong taong walang ibang ginawa sa buong buhay ko kundi ang mag aral at magtrabaho." Pagpatuloy ko. "Kaya anong alam ko sa pakikipag espadahan—" Napatigil ako sa pag sasalita at agad iniwasan ang biglang pag sugod niya.
Sipa ro'n, suntok dito at pag atake sa akin gamit ang kaniyang espada at ang tangi ko lang ginawa ay ang yumuko, atras at palipat lipat ng puwesto ko para maiwasan ang espada niya.
Tanggala!
Ang tangi lang ginawa ng mga kasamahan namin sa gilid ay ang manood! Hindi man lang ako tinulungan. Para lang ang mga itong nanonood ng bakbakan sa telebisyon at kulang nalang ay bigyan sila ng popcorn.
Tumigil siyang hindi man lang pinagpawisan at hinihingal! Hindi gaya kong napapagod na kakaiwas sa kaniya at hinihingal na. Hindi ko na mahabol ang hininga ko at kailangan ko na yata ng tubig.
"That's it? I am not even tired." Gusto kong umirap sa sinabi niya.
Ang kaniyang pag sugod kanina ay nararamdaman kong may pag iingat. Hindi pa talaga iyon ang pakikipaglaban niya dahil kung hindi, nakahilata na siguro ako ngayon.
Tss. Para nga lamang siyang nakikipag laro sa daga!
"Give me a real fight, Callistee." May kaunting ngisi sa mga labi niya.
At sa sinabi niyang 'yon ay may bumagsak na espada sa harap ko at lumubog ang dulo non sa lupa.
Napalingon ako sa may gawa no'n at nakita ko si Alizeh sa tabi. Nagkabit balikat lang ito sa akin.
Nang ibinalik ko ang tingin sa espada ay napalunok ako. Nagtagal doon ng ilang segundo ang pag tingin ko.
Sa isang iglap ay natagpuan ko na lang ang sariling hawak hawak ang espadang binato ni Alizeh kanina para sanggaan ang espada ni Jaxith na sumusugod sa akin.
Tanging tunog ng aming espada tuwing naglalapat ito at ang aming mabibigat na pag hinga ang nangingibabaw na ingay sa aming lahat dito.
Walang sino man ang gustong pumigil sa amin o pumutol sa paglalaban namin — Kung matatawag nga ba itong laban.
"Ugh!" Muli kong sinangga ang espada niya. Basang basa na ako sa pawis. Hindi ako sanay sa ganito.
"Ah!" Daing ko. Nabitawan ko ang espada ko na hawak hawak ko nang mag sangga ang aming mga espada.
Rinig na rinig ko ang bawat mabibigat na hiningang binibitawan ko. Lahat ng pagod ay bigla kong naramdaman sa mga oras na 'to.
Napatingala ako.
Ang malamig at matulis na espada ni Jaxinth ay nasa tapat na ngayon ng aking leeg. Ramdam ko ang presensiya niya sa likuran ko habang ang kaniyang braso ay nasa ibabaw ng aking balikat.
Inilapit niya ang bibig sa tenga ko at naramdaman ko roon ang mainit niyang hininga. Ang mabibigat nitong pag hinga ay siyang naririnig ko rin sa tapat ng aking tenga.
Ilang mabibigat na hininga niya pa ang narinig ko bago ko siya tuluyang narinig na nag salita.
"That was a good fight, Callistee. . ." He whispered in heavy breathing.
For some unknown reason. I felt my heart beat faster and I could not speak.
"SINABI ko na sa iyo, mag handa ka." Hindi ko na napigilan ang pag simangot sa sinabi ni Prisha.
Nang matapos ang laban namin kanina ni Jaxith ay agad din naman ako nitong pinakawalan at nasundan pa ito ng saglit na paglalaban ulit nila.
Akala ko ay simpleng pag eensayo lang ang magaganap sa araw na 'to pero nagkamali yata ako. Buwis buhay! Buwis buhay ang ginawa namin — nila sa araw na 'to. Ibang klase.
"Ang galing mo kanina, Callistee." Nilingon ko ang nag salita at ngumiti sa kaniya.
"Salamat, Hawk."
"Hindi ko inaakalang lalabanan ka ni Jaxith," sabi niya.
Tumango ako ng dahan dahan. "I see. Kahit ako ay hindi 'yon inaasahan."
"Walang sino man ang inasahan 'yon. Lahat kami ay nagulat." Singit ni Alizeh.
Hindi ko rin malaman kung bakit gusto akong kalabanin ni Jaxith. Napaisip ako at lumingon sa direksyon ni Jaxith.
"Nagtataka rin ako." Nilingon ko si Prisha habang patuloy kami sa paglalakad. Nasa malayo na mga tingin nito, halatang nag iisip.
"Hayaan na natin ang kaganapan na 'yon. Alam ng hari ang kaniyang ginagawa." Pag singit ni Rai na nasa likuran.
Tumango lang kami sa kaniya bilang pag sang-ayon at itinuon ang atensyon sa dinaraanan.
"May naririnig akong mga yabag. Someone is coming, it's getting near."
Napalingon ako kay Hawk na siyang nasa tabi ko lang dahil sa sinabi niyang 'yon.
Naramdaman ko naman ang pag tigil sa paglalakad ng mga nasa harap na sina Jaxith, Alizeh, Lielo, Jett, Aalish at Naida.
Agad akong napalingon sa harapan para tignan kung anong kaganapan ang nangyayari. Tinagilid ko ng kaunti ang aking ulo, pinagmamasdan ng mabuti ang mga nasa harap.
Isang grupo na kagaya namin ay may kalalakihan at kababaihan. Ang mga ito ay seryoso ang mga mukha nang makaharap kami.
Agad akong nakaramdam ng kakaibang tensyon sa pagitan ng aming mga grupo. Namayani ang nakabibinging katahimikan at ang kanilang mga titigan ay tila pumapatay na. Napaka talas at napakariin ng mga tinginan nila sa isat isa. Tila nagpapataasan, tila nanghahamon.
Nakaramdam ako ng pangingilabot ng biglang dumaan ang isang malamig na simoy ng hangin sa may balikat ko. Napahawak ako roon at hinaplos ng dahan dahan habang ang aking paningin ay nanatiling nasa harap.
Nanlaki ang mga mata ko nang makilala ko ang tatlo sa mga nasa harap namin ngayon. Sila ang nakita ko sa tabi ng dagat! Ang may abo, yellow, at itim na buhok!
Humakbang ang may itim na buhok na siyang nakita ko sa tabing dagat at dumaan sa gilid namin. Sumunod ang mga kasama niya sa kaniya. Humakbang din naman si Jaxith at dumaan sa gilid nila. Sumunod naman kami rito.
Ngayon ay naglalakbay na kami pauwi sa kaharian. Sumabay na sa amin si Shun sa paglalakad dahil maiinip lang daw siya habang maghihintay sa palasyo kaya'y maigi na ang sumabay siya.
Ang mga tinginan nila sa isat isa ay hindi pa rin napuputol kahit pa humahakbang na kami paalis at gayon din ang kabilang grupo.
Nang ang nasa hulihan na ang dumaan sa gilid namin ay nakatitig sa akin ang nasa pinaka huling lalaki — ang kasama ng dalawang lalaking nakita ko sa tabi ng dagat. Siya ang may kulay abong buhok na sa natatandaan ko ay Rayansh ang pangalan nito.
Kung hindi pa siguro sila tuluyang umalis ay hindi rin maaalis sa akin ang tingin nito. Nagpatuloy din naman kami sa aming paglalakad pero hindi na nagbago pa ang tensyon sa paligid namin.
"SINO ang grupong nakita natin kanina, Prisha?" Pabulong kong tanong kay Prisha na nasa tabi ko. Narito na kami sa palasyo.
"Sila ang kalaban ng Aletheia." Seryosong sagot nito. Ito ang unang beses na nakita ko siyang ganito kaseryoso.
Napasinghap ako. "May kalaban ang Aletheia?"
Hindi ko kailanman naisip na may kalaban ang Aletheia. Buong akala ko ay payapa lang ito at malayo sa gulo.
"Of course, Calli." Kunot ang noo nito, tila iretable. "Masasama silang tao kaya h'wag mo sila kailanman kausapin o lapitan man lang kung ayaw mong mapunta sa peligro ang buhay mo." Tinignan niya ako ng diretso sa mata.
"Kilala mo ba ang isa sa kanila, Callistee? Nakita ko ang tingin sa 'yo ng isa sa kasama ng Aztecs kanina." Singit ni Jett sa malaking boses.
"Baka naman type niya si Callistee?" Rinig ko kay Darshan na bahagyang nagpalaki sa mata ko.
Type?!
Pagak na tumawa si Aalish. "Type, Darshan? Ano ang naging basehan mo para masabi 'yan?" Nakangising tanong nito.
They went silent pagkatapos magsalita ni Aalish.
"Az...tecs?" Naguguluhan kong baling kay Jett.
"Ang grupong nakatapat natin kanina. Iyon ang tawag sa grupo nila." Umawang ang labi ko pero agad ko iyong tinikom.
"Gano'n pala." Tipid akong ngumiti. "Hindi ko kilala ang kahit na isa sa kanila." Pag tanggi ko.
Iyon naman ang totoo! Hindi ko kilala ang mga 'yon sapagkat nakita ko lang naman sila.
Lumingon si Jett kay Lielo, ang lahat ay nag aabang sa sagot. Tumingin si Lielo kay Jett nang mapansin ang tingin ng lahat at saka tumango lang dito.
Pakiramdam ko tuloy ay pinagdududahan ako ng lahat. At 'yon ang pinaka ayaw kong pakiramdam sa lahat.
Gusto kong mainis pero iniintindi ko ring gusto lang nilang makasigurado at para sa kaligtasan ng lahat.
Tipid na ngumiti lang si Shun sa akin na hindi ko natugunan. Lahat ay may seryoso ng mga ekspresyon sa mukha.
"Pero. . ." Lumingon silang lahat sa akin, hinihintay ang sasabihin ko. "Bakit? Anong ginawa nila sa Aletheia at tila malaki ang galit niyo sa kanila?"
"Wala silang mga puso, Callistee. Handa nilang pumatay makuha lang ang gusto nila, kahit ito pa ay inosente. Wala silang sinasanto." Alizeh answered me with a serious tone in her voice.
Umawang ang labi ko, hindi ako makapaniwala.
Nagagawa nilang pumatay?
Biglang kong narinig ang boses ng naka yellow na buhok ng lalaki na siyang kasali sa grupong aztecs nang makita ko sila noon sa dalampasigan.
Kaya pala gusto niya raw patayin ang kung sino mang tinutukoy niya sa mga oras na iyon at may nakita rin akong matutulis na bagay sa katawan nila.
Iyon ay dahil madali lang sa kanila ang pumatay!
Lumingon ako kay Rai nang narinig ko itong nag salita.
"Malaki ang pinansala nila sa Aletheia."
Mahabang katahimikan ang namayani.
"At buhay ang kapalit no'n, Callistee. Buhay."

Komentar Buku (12)

  • avatar
    Chell Masbang

    500

    26d

      0
  • avatar
    John Lloyd Peleno

    happy

    26/07

      0
  • avatar
    ValderamaJerome valderama

    jerome

    09/03

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru