logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Bab 5 Training

"HANDA ka na ba, Callistee?" Lumingon ako sa pintuan nang mabosesan ko si Prisha sa likod nito.
Sinuot ko ang backpack ko sa likod ko bago naglakad patungo sa pintuan para pagbuksan siya ng pinto. Agad na bumungad sa akin ang nakangiting si Prisha.
"Manonood lang naman ako. Wala akong dapat na paghandaan, Prisha." Mahinahon kong sagot at tuluyan na lumabas ng kwartong tinutuluyan ko.
"Maghanda ka pa rin, Calli. Hindi mo alam kung anong mangyayari mamaya." Gustong kong sumimangot sa sinabi niya.
"Tinatakot mo naman ako, Prisha." Humalakhak siya sa sinabi ko.
"Halika na, naghihintay na sila sa ibaba. Hindi na naman maiguhit ang mukha ni Aalish dahil subrang tagal mo raw."
Natawa kaming pareho sa sinabi niya. Nasasanay na rin ako sa pang uugali ni Aalish. Parang nakasanayan ko nang tinatarayan niya ako, mas magugulat pa nga ako kung hindi.
Nang makarating kami sa ibaba ay totoong ngang ako na nalang ang hinihintay. Bigla ay nakahihiya tuloy.
Nakakasundo ko na ang iba sa kanila, masasabi ko. Pero ang iba sa kanila ay hindi pa gaano, lalo na si Aalish na alam kong mahihirapan ako na makasundo.
Well, it takes time. Ilang araw pa naman ako rito kasama sila kaya hindi pa namin masyadong kilala ang isat isa.
Habang naglalakbay sa kakahuyan patungo sa malaking field na pinuntahan namin no'n no'ng unang pagkikita naming lahat para magsanay sila ay bigla na namang pumasok sa isip ko ang naiwan kong buhay sa manila.
I did not sleep well last night thinking of the life I have in manila. My studies there and the work I left behind. I overthinked all night until morning came.
I sighed heavily.
"Napaka bigat no'n." Nilingon ko ang boses na 'yon at nakita si Darshan na tumabi sa akin. May kaunting ngiti sa labi nito. Binalik ko ang tingin ko sa harap. "May problema ka ba?"
Umiling ako sa naging tanong niya. "I'm fine." I immediately answered. "I don't want to bother anyone and I don't want you to think about my problem because I can handle it. I hope. . ." Binulong ko ang huli kong sinabi bago siya nilingon nang nakangiti. "But thanks for asking, Darshan."
"No problem. You can always come to me whenever you have any problems and I am willing to be an ear to listen to your grievances." He smiled a little.
"Thanks." Napangiti ako sa sinabi niya at sumunod na kami sa mga kasama namin dahil nahuhuli na kami sa bagal ng paglalakad namin.
That was just so sweet.
I always wanted a kuya. A older brother who is always by your side to support and protect you aside from a parents who can do that. A brother who loves you dearly and takes good care of you.
But then, I am the only child.
"Narito na tayo," anunsyo ni Prisha na nasa unahan sa tabi ni Jaxith.
Muli kong nilibot ang lugar kong saan sila mag eensayo muli at manunuod lang ako.
Ang lugar na ito ay pinaliligiran ng mga malalaking puno. Para itong bukid sa dami ng puno pero sa gitna ay may malaking espasyo ng lupa kung saan sila nag eensayo. Sa gilid sa tabi ng mga puno ay may upuang gawa rin sa kahoy at nakita ko pa roon si Shun na walang kahirap hirap na naglakbay patungo rito sa angkin nitong bilis.
Perks of having a super speed ability.
NAG warm up muna ang mga ito sa gitna ng espasyo at nanonood lang ako rito sa upuang kahoy sa tabi. Pinasadahan ko silang lahat ng tingin.
Si Jaxith, ang hari, ay may angking katangkaran, malapad ang balikat, maganda ang tindig at may angking magandang mukha. At siya rin ay moreno. Seryoso ito sa ginagawa nitong pag wa-warm up na animo'y nakasalalay ang buhay niya rito. Pero naisip kong, totoo nga naman. Dito sa pag eensayo nila nakasalalay ang kaligtasan ng Aletheia. Dapat lang silang mag seryoso.
Lumipat ang paningin ko kay Prisha sa kanang tabi nito. Maaliwalas ang mukha nito habang nag wa-warm up at halatang masaya ito sa ginagawa. Ang tangkad nito ay hanggang balikat ni Jaxith. Maliit ang mukha nito at inosenteng inosente. Pink rose ang kulay ng labi nito at manipis, makinis ang balat at maputi, hanggang bewang naman ang haba ng buhok.
Sumunod naman si Aalish na hindi naaalis ang matapang na ekspresyon sa mukha kahit nag wa-warm up pa lang. Matapang ang tindig nito't awra. Matangkad at katamtampan ang katawan, mahaba ang buhok na laging nakalugay na mas nagpabagay sa angkin nitong ganda at mapupula ang labi, magandang porma ng kilay at mahahaba ang pilik mata. Katulad ni Prisha ay makinis at maputi ang balat nito.
Sumunod dito si Alizeh na matapang rin ang tindig at may seryosong ekspresyon sa mukha. Ang mahabang buhok nito ay laging naka pony tale sa likuran. Makapal ang kilay, matangos ang ilong, may kalaparan ang pulang labi na mas nagpabagay sa kaniya at hindi gaya ng dalawang naunang kababaihan ay morena ito at hindi mestisa.
Sumunod si Naida na may maikling buhok na hanggang balikat nito. Katamtaman ang kulay ng balat, at sa tindig nito'y mahahalatang mahilig siya sa mga sports o ano.
Nahagip ng mga mata ko ang nakangising si Shun. Matangkad ito at payat. Ito rin ay moreno at may itsura. Ang malokong mukha nito ang mas nagpapa-attract sa kaniya.
Ang sumunod dito ay si Jett na hindi mo malaman kung kailan seryoso at kailan nagbibiro. Ito'y maloko rin at malakas sa kababaihan dito sa Aletheia, rinig ko ay dahil sa angkin nitong kaakitan lalo na sa tuwing kinakagat ang pang ibabang labi.
Si Lielo ang sumusunod na hindi ko mabasa ang ekspresyon, emosyon o aksyon nito. Tila napakagaling niyang magtago ng nararamdaman katulad ni Darshan.
Ang isa naman ay si Hawk. Mabait ito at madaling makasundo. Ito ang palabiro sa grupo kasama si Shun.
Ang panghuli ay si Rai na siyang sa mabilis na panahon ay napansin kong mabilis itong mainis ngunit mahilig mang inis.
Ilang saglit ay sabay sabay silang umayos ng tayo at biglang umihip ang malakas na hangin at umikot ito sa himpapawid. Napapikit ako at napatakip ng mukha. Nang ibalik ko ang atensyon sa mga kasamahan ay naramdaman ko ang kakaibang atmosphere sa paligid at bahagya akong kinabahan sa kakaibang tense na nararamdaman ko sa kanila.
Kumalabog na ang dibdib ko ng sugurin nila ang bawat isa at ginamitan ng kapangyarihan. Unang beses ko itong masaksihan dahil no'ng una ko silang nasaksihang mag ensayo ay tanging espada ang kanilang ginamit ngunit sa mga oras na ito ay iba na sa nakaraan dahil ang kanilang angkin na abilidad ay kanila ng ginagamit. Nag aalala ako't baka isa sa kanila ang masugatan.
Kaniya kaniyang pag daing, ungol at sigaw ang naririnig ko sa kanila habang nakikipag laban.
Ang tanging gumagamit ng espada ay ang hari — si Jaxith, si Jett, Lielo, Naida at si Prisha! Kaya't naririnig ko rin ang pag tunog ng mga espada.
Naiintindihan ko kung bakit espada ang gamit ni Jett, Lielo, Naida at Prisha sapagkat ang kapangyarihan ni Jett ay ang makakita sa dilim. Kay Lielo ay ang makapagsabi kung ang kausap ay nagsisinungaling. kay Naida ay ang makahinga sa tubig habang si Prisha ay ang makagamot ngunit ang hari!
Hindi ko maintindihan kung bakit nananatiling espada ang kaniyang gamit! Nakikita kong nahihirapan na rin siyang kalabanin ang iba dahil sa angkin ng mga itong kapangyarihan na mahirap kalabanin at sanggain gamit ang sandata!
"Ano bang ginagawa niya. . ." Kinakabahan at nag aalala kong bulong.
Halos hindi ko na mahabol ang hininga ko sa nasasaksihan. Sobrang bilis at lakas na ng tibok ng puso ko sa mga nangyayari.
Narinig ko ang tunog ng kidlat na nanggagaling sa kapangyarihan ni Rai at bumagsak iyon sa puwesto kung nasaan si Aalish ngunit agad din naman itong nakaiwas at nagpaulan ng apoy sa puwesto ni Rai!
"Fuck you!" Iritableng sigaw ni Aalish sa nangingising Rai sa ginawa niya. Bumalik naman agad ang mga ito sa pakikipag laban lalo na't kinalaban ni Darshan si Rai.
A lightning vs a mind control? Oh god.
Napayakap ako sa sarili ng biglang humangin ng malakas — Siguro'y galing sa kapangyarihan ni Alizeh.
Hindi ko na maintindihan ang mga pangyayari sa sobrang gulo na ng mga ito. Ibat ibang ingay na ang naririnig ko. Kailan nila planong tumigil?! Hindi na ako mapakali sa pwesto ko rito.
Agad akong napatayo ng may nanlalaking mga mata at mabibigat na hininga nang sabay sabay silang sumigaw kasabay ng pag kalma ng mga kapangyarihan nila.
"Master!"
"Ang hari!"
"Jaxith!"
Agad akong lumapit sa kanila. Pinalilibutan na nila ang dumadaing si Jaxith na nakahiga sa lupa. Hindi ko nasaksihan ang nangyari sa kaniya.
Agad din namang umaksyon si Prisha at ginamot si Jaxith nang may pag aalala sa mga mata.
Dahan dahang tumayo si Jaxith na mabibigat ang hininga. Nasa harapan ko siya at nag tama ang aming mga mata. Ang iba'y kumuha na ng pampunas at inumin. Nasa tabi pa rin namin ang naiwang si Prisha at Shun habang ang iba'y nagpapahinga na.
"Ayos ka lang?" Napag desisyunan ko na magsalita dahil sa sobrang tahimik ay nakakabingi ito.
Hindi siya sumagot.
"Oy—" Napahugot ako ng aking hininga sa ginawa niya sa hindi ko inaasahan. Napaka bilis ng pagkilos niya!
At sa isang iglap, ang kaniyang espada ay nasa ibabaw na ng aking balikat, sa gilid ng aking leeg.
Nakarinig ako ng pag singhap. Napatakip ng bibig si Prisha sa nasaksihan habang ang katabi nitong si Shun ay nanlaki rin ang mga matang nakatingin kay Jaxith. Ang lahat ng atensyon ay naagaw namin.
"You look so hot when you're surprised." He whispered in my ears and he chuckled.
He took a step backward and faced me. "I'm kidding." The side of his lips rose up.
Saan ba ro'n ang biro niya lang? Gusto kong umirap.
Nang ibaba niya ang espada sa harap ko ay nakahinga ako ng maluwag. Pero agad na napatigil ako sa pag hinga ng muli niyang itutok ito sa akin.
"Let's fight." My lips parted at what he said.
"Tara na, tara na. Okay na siya, nakakapag biro na e," rinig kong pabirong sabi ni Shun sa tabi at ginaya si Prisha patungo sa iba pa naming mga kasama.
Pero ang aming mga tinginan ni Jaxith ay nanatiling nasa isat isa at walang sino man ang may balak na putulin ito habang ang kaniyang espada ay nakatutok pa rin sa akin.

Komentar Buku (12)

  • avatar
    Chell Masbang

    500

    26d

      0
  • avatar
    John Lloyd Peleno

    happy

    26/07

      0
  • avatar
    ValderamaJerome valderama

    jerome

    09/03

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru