logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Chapter 7

Chapter 7

Cherry's Pov
"Oh! Bakit ka nandito. Nakabusangot 'yan mukha mo."
"Kainis kasi bakit pa kasi bumalik siya."
"Ah!" Takang tanong ni Sarah. Nakaharap siya nakakunot noo.
"Sino?"
"Sino pa ba sa tingin mo," mataray ko sabi sa kan'ya.
"Si Mike! Andito na siya kailan pa?" Nagulat ako sa sigaw niya.
"Oo! Kagabi pa siya nandito."
"Ano? Teka paano ito! Nagkita na ba kayo? So! Ano na gagawin mo?" Hinila niya ako hanggang napaupo ako sa tabi niya. Kung makahila naman ito. Nakakainis babae ito pipilayin pa ako.
"Ang dami mo tanong isa-isa lang.
Iwan ko nga eh! Ang kapal pa sobra ang yabang niya. Kaasar sabi ko kay Sarah, habang si Sarah nakatitig lang sa'kin.
"Sinong kaasar?" Napalingon kami sabay ni Sarah ng makalapit si Patrick sa'min." Napatayo si Sarah sabay hila kay Patrick pinaupo sa tapat namin.
"Sino ba pinag-usapan niyo?" Napaupo ng maayos si Patrick patingin tingin sa amin.
"Sino pa ba 'yong walang hiyang lalaki nandito na pala. 'Yong lalaki nagpaiyak sa bestfriend natin."
"Si Mike?" Pag-uulit ni Patrick sa tanong niya. Napatingin siya seryoso sa'kin.
"Sino pa nga ba nanakit sa kaibigan natin. Naku naiinis talaga ako lalaki na 'yon."
"Gago problema nga 'yan." Hinarap ako ni Patrick. Hindi ako makatingin sa kanila.
"Tangina baka naman mainlove ka sa gago 'yon."
"Hindi ako tanga noh! Never na talaga mga bestie. Magsama sila anna niya," sabi ko sa kanila.
"Dapat lang Cherry. Naku talaga masusuntok ko na 'yan Mike na 'yan. Hindi mo lang ako pinigilan bugbog sarado mukha gago na 'yon."
"Iwan ko lang Patrick. Iba kutob ko? Magkasama sila sa isang bagay." Nakayuko na lang ako sa sinabi ni Sarah.
Bata pa lang ako sa kanila na ako nagtatrabaho wala naman ako matutuluyan.
"Mahirap nga 'to!" Seryoso lang si Patrick nakatingin sa'kin.
"Ano ba kayo hinding-hindi 'yong mangyayari? Ang kulit niyo naman, kasi. Alam naman natin inlove na inlove siya kay Anna. Nagawa pa nga niya sundan at magkasama sila."
"Paano kung ikaw ang mainlove?" Tanong ni Patrick ng Seryoso.
Nakakainis sila oh! Wala ba tiwala sa akin. Kanina pa paulit-ulit Sinasabi ng hindi ako mainlove ulit. Nakakunot noo lang ako sa sila.
"Hindi nga! Ano ba kayo wala ba kayo tiwana sa'kin."
"Tingnan natin pero seryoso bestie kapag pinaiyak ka ulit niya makakatikim na siya sa akin. Kung hindi niyo ko pigilan talagang uupakan ko."
"Gagi si Cherry lang pilit na umalis tayo. Gusto ko nga makita sinapak mo siya ng makaganti man lang tayo." Nanahimik na lang ako. Napalapit na mayakap ako sa kanila. Naguluhan sila sa ginawa ko.
"Tara na nga kumain na tayo." Yaya ko na lang sa kanila. Nauna na ako pumasok sa kusina ni Sarah, feeling at home ako. Habang sila tahimik lang ramdam nila na umiiwas ako. Natapos kami walang nagsasalita. Ako naman nag-volunteer maghugas pero hindi pumayag si Sarah ay dahil daw bisita kami. Hindi namin namalayan ang oras. Nagpaalam na ako sa kanila. Naisipan ko maglakad-lakad tsaka linggo naman ngayon. Maganda mga bituin nakikisama sa akin. Buti pa sila ang ganda ganda ng buhay nila. Nagliliwanag sa kalangitan sana ganyan din ako 'yong liliwanag buhay ko sa mga tao tulad ng bituin kayang kaya nila lumiwanag nag bibigay ng buhay at ngiti sa tuwing titingnan mo sila sa kalangitan parang walang lungkot. Sana bituin na lang ako. Buti pa sila parang walang problema. Ako kaya kailan giginhawa rin. Ang lalim iniisip ko. Nasampal ko mukha ko. Para kasi akong tanga nagsasalita mag isa. Maya-maya na may napansin ako anino nakasunod sa'kin. Napahinto ako saglit. Iba kasi nararamdaman ko parang may sumusunod sa akin. Daan-daan ako tumingin. Naku patay meron nga mukhang mangkukulam katapusan ko na ata 'to. Sabi ko na lang sa isip ko. Tanging ginawa ko nagdasal na lang ako kaba at takot naramdaman ko hindi ako makagalaw sa takot ko. Ito na nga, lalapit na sila. Nanginginig na ako sa takot wala pa naman tao ako nakikita.
"Miss saan ang punta mo?"
Ito na na kalapit na sila. Nanginginig ako sa takot.
"Nag-aabang lang nang sasakyan." Sagot ko sa kanila mahina lang.
" Ano sabi mo?" Tanong ng isang lalaki mukha naman mangkukulam hindi ko kasi maintindihan mukha niya. Pero nakakatakot siya wala akong lakas sa kan'ya. Sa payat kong 'to.
"Wala!" sabi ko mahina sa kanila.
"Sama ka na lang sa amin miss."
Tumawa sila mukha niyo sasama ako. Hindi ako makapag-isip ng maayos. Hindi ko kaya sila 3 sila. Ang lalaki ng katawan mukha sanay sa gulo.
"Hindi puwede." 'Yon lang nasabi ko sa kanila.
"Bakit?" Tanong nila sa akin. Tawang-tawa nakakaloko.
"Eh kasi!" Daan-daan ako umatras. Ito na kailangan ko gumawa ng paraan ng bilang ako
1
2
3
Sabay takbo pero hinabol nila ako.
"Wag ka na kasi pumalag miss walang tutulong sa'yo." Hawak na nila ako. Naiyak na ako sa takot ng may biglang nagsalita.
Sabay-sabay kami napalingon.
"Bitawan niyo siya," sabi ng lalaki hindi ko kasi siya mamukhaan pero may kaboses siya. Iwan ko ba kahit nasa panganib na nga, ako siya naalala ko.
"Ang yabang mo pare, sino ka naman para utusan kami?"
"Sino ka ba?" Sagot ng isang pang lalaki. Lumapit pa talaga siya. Hindi ko siya mamukhaan madilim kasi dito sa lugar na 'to. Nang biglang niyang pinagsusuntok.
Nagulat ako napatumba niya ang tatlong lalaki malaki katawan.
"Mga gago pala kayo," sabi nong lalaki tumulong sa akin. Kan'ya-kan'ya nagsipag-takbuhan sila. Ako naman nanatili sa kinatatayuan ko.
"Babalikan kita pare humanda ka pakialamero mo." Sigaw nong nakared sabay takbo niya. Siya kasi nahuli bumangon sa pagkasipa nitong tumulong sa'kin.
"Gago hihintayin ko," sigaw din niya. Nang kaming dalawa na lang. Napalapit ako sa kaniya.
"Salamat," mahina ko sabi.
"Ayos ka lang?" sagot niya sa akin tawang-tawa pa siya. Nang may dumaan na sasakyan na gulat ako ng makita ko siya. Napa o.m.g. lang ako. Si m?Mike tumulong sa akin sabi ko na hindi ako nagkamali sa boses niya. Nakaharap ako sa kan'ya.
"Ikaw!" Turo ko sa kan'ya.
"Ikaw anak ng tipaklong naman." Inulit ko sabi sa kaniya.
"Ito naman ako na nga tumulong sa'yo." Sabay tawa pa niya.
"Hindi ko kailangan ang tulong mo," mataray ko sabi sa kan'ya.
"Doon ka nga lang kay Anna mo." Pagtataboy ko sa kaniya. Iwan ko ba bakit lagi ko nababangit si Anna. Sa tuwing nagkikita kami ni Mike.
"Ano sabi mo?" Tawang-tawang pa ang loko.
"Wala," sigaw ko sa kan'ya.
Tinalikuran ko na siya. Bahala ka riyan. Tumawa kang mag-isa mo. Andiyan naman siya tatawanan na naman ako. Bawat salita ko nakakainis na siya. Sabi ko na lang sa isip ko.
"Saan ka pupunta?" hinabol niya ako.
"Wala pakialam mo ba?" mataray ko sabi sa kan'ya.
"Nag-usap pa nga tayo." Tumigil ako sa kalalakad hinarap ko siya.
"Nag-uusap na nga tayo di ba!" Sabay irap ko sa kan'ya.
"Hindi dito! Gusto ko sa ibang lugar 'yong tahimik at nang makapag-usap tayo ng maayos.
"Mag-usap ka ng mag-isa mo." Iniwan ko ulit siya. Ramdam ko na hinahabol niya ako. Napahinto ako naiinis na ako sa kan'ya.
" Ano? Naaasar na ako sa kakulitan mo."
"Makinig ka nga muna."
"Ayaw ko nga! Bakit naman makipag-usap sa'yo. Hindi naman kita boyfriend."
" Ah! Ganon pala." Nagulat ako binuhat niya ako.
"Bitawan mo ako," sabi ko sa kan'ya.
"Wag kang malikot."
"Bitawan mo kasi ako! Ano ba?" Utos ko sa kaniya.
"Oh! Ayan bakit gusto ko ba buhatin ka ang bigat-bigat mo."
"Sinabi ko na buhatin mo ko! Saan tayo pupunta?" Sumakay na si Mike sa kan'ya kotse. Hindi niya sinagot tanong ko.
"Ano ba? Ibaba mo ko ayaw ko nga sumama sa'yo." Biglang siya nag-preno." Muntik pa ako mauntog.
"Pag di ka pa tumigil hahalikan talaga kita." Nanahimik ako Kilala ko pa naman 'to kapag sinabi ginagawa.
"Natakot din pala." Tumawa pa siya.
"Ewan ko sa'yo." Tinulugan ako na lang siya maya-maya nakaramdam ako unti-unti minulat ko mga mata ko. Na parang may nakatingin sa akin. Daan-daan ako nagmulat. Muntik ko na mahalikan si Mike nabigla ako ng katingin siya sa akin na parang nakakaloko at tawang-tawa pa. Kanina pa siya, wala naman nakakatawa.
"Buti na gising ka."
"Saan na ba tayo?" 'Yon na lang tanong ko sa kan'ya.
"Nandito lang tayo sa tagaytay."
"Ano?" Gulat ko sabi sa kaniya.
"Ano ginagawa natin dito?"
"Mag-uusap." Seryoso mukha niya. Napalapit siya sa akin?
"Wala naman tayo pag-uusapan."
"Marami tungkol sa ating dalawa atsaka wala ka ba natatandaan dito sa lugar na 'to? Wala ka ba naalala?" Napakunot noo na lang ako sa sinabi niya.
"Anong tungkol sa atin? Alam ko wala na tayo. Ang alam ko pinagpalit mo ko kay Anna di ba! 'Yon ba gusto mo matandaan ko. Kung paano mo ako niloko? Kung paano mo ako pinagtawanan, habang nakatalikod ka. Ang galing eh! Ang galing paniwalang paniwala mo ko. May pasurprise ka pa nalalaman."
"Sorry nagkamali ako. Natakot lang kasi ako aminin ang totoo sa barkada ko. Mahal na mahal kita noon pa man."
"Sinungaling ka narinig ko lahat."
Tangina lasing ako ikaw talaga mahal ko." Natawa ako sa sinabi ko.
"Mahal ah! Bakit umalis ka? Bakit sumama ka sa kan'ya? 5 years kasama siya tapos sasabihin mo ako mahal mo. Ano 'to naglolokohan na naman ba tayo?
"Sorry."
"Sorry saan? Alam ko naman ang dahilan umuwi ka dahil kay Anna. Nagkita kami ng isang linggo. Oh ano! Magsisinungaling ka naman ulit. Tapos sasabihin mo mahal mo ko."
"Hindi ko alam nandito siya." 'Yong mukha ni Mike seryoso nakatingin sa akin.
"Eh, ano ngayon kung nandito siya."
"Wow! Naman ka bilib-bilib ka talaga." tinalikuran ko ulit siya.
"Hindi ka aalis hanggat hindi tayo nagkaayos."
"Ano ba talaga gusto mo?" Naiinis na ako sa kan'ya..
"Ang mahalin mo lang ako ulit."
"Ano? Tapos ano? Pinaglalaruan mo naman ba ako? Pakiusap 'wag mo na nga ako guluhin. Kahit kailan hinding-hindi na ako magpapaloko sa'yo. Sapat na minahal kita noon. Magpakatotoo ako Mike. Alam mo ikaw lang mahal ko.bAlam mo ikaw lang unang lalaki minahal ko. Tapos ano binigo mo ako. Sinaktan mo ako."
"Hinding-hindi ako titigil alam ko, mahal mo pa rin ako. Gumaganti ka lang sa akin."
"Bakit ba ang kulit mo? Bakit ko naman kailangan gumanti sa'yo. Sapat ng naman ko ang totoo. Hindi ko kailangan gumanti. Hindi ako katulad ng iba kapag niloko ng ex gaganti." Sabay talikud ko sa kan'ya.
"Kahit na friend lang ulit." Napahinto ako sa sinabi niya. Bigla ako Napaisip sa sinabi niya para matigil na 'to kalokohan na 'to at nang makaalis na ko. Oras ko rin gumanti. Sasakyan ko trip niya. Tutal naman iniisip niya gumaganti ako sa kan'ya.
Humarap ako ulit sa kaniya.
"Ano pa ba magagawa ko friend ko friend." Napayuko lang ako.
"Talaga." Tuwang-tuwa pa siya. Nagulat ako ng yakapin niya ako. Ako naman natulala lang sa ginawa niya.
"Puwede na ba tayo umuwi?" Tanong ko sa kaniya.
Puwede bukas na lang gabi na kasi pagod kasi mag-drive?"
"Ano! Hindi puwede." Napalakas boses ko?
"Ibig sabihin magkasama tayo."
"Oo! Bakit may problema ba?"
"Meron ano na lang isipin nila."
"Eh di mabuti." Sabay tawa niya.
"Hindi ka ba nag-iisip?" mataray ko sabi sa kan'ya.
"Ano nga problema don?"
"Ewan ko sa'yo naasar na talaga, ako sa'yo kausap ka."
"Ikaw lang kasi nag-iisip ng masama, eh kung gano'n 'yan iniisip nila handa naman ako panagutan ka."
"Baliw ikaw talaga," sabi ko lang sa kan'ya.
"Ikaw lang may masamang iniisip. Tara na nga sa loob ng makakain na tayo."
"Ayaw ko, dito lang ako sa labas."
"Malamig dito."
" Ayaw ko." Pagmamatigas ko sa kan'ya.
"Kakain lang tayo gutom na ako gusto mo, buhatin pa kita ulit," seryoso niya ako titigan.
"Isa." Mahinahon sabi niya. Ako naman kinabahan base sa titig niya.
"Andiyan na po."
"Takot ka pala."
"Nakatawa pa!" Ang sarap tirisin mukha niya. Hay! Talaga naman lalaki ka sarap mo batukan.
"Ano sabi mo?" Narinig pala niya sabi ko.
"Wala." 'Yon na lang nasabi ko. Napa-Sunod lang ako sa kan'ya. Napansin ko naghahanap ng makakain sa refrigerator." Hindi na lang ako nagsalita.
"Ito na lang lutuin natin. Ito lang ang may laaman dito." Tumango na lang ako. Dahil sa wala naman ako, ginagawa. Tinulungan ko siya. Busy kami dalawa sa pagluluto wala ni isa sa amin nagsasalita.
"Hay salamat busog din ako. Sarap mo pa rin magluto." Napatingin na lang ako sa kaniya. Tinalikuran ko na lang siya.
"Saan ka pupunta?"
"Maghuhugas ng kinainan natin."
"Wow namn! Ang sweet naman ng misis ko."
"Tumitigil ka. Ihahangis ko sa'yo 'to."
"Kunwari ka pa kinikilig ka naman." Sainis ko hinagis ko sa kan'ya balat ng saging. Buti na lang hindi siya tinamaan nakailag ang loko.
"Galing mo ah!" Pang-aasar niya sa akin.
"Gusto mo isa pa," sabi ko.
"Sige basta kapag tinamaan ako may kiss ako sa'yo." Sabay tawa pa niya. Ano nakakatawa don? Kakagigil talaga siya.
Iniwan ko siya. Lumabas muna ako. Baka sakaling mawala inis ko.

Komentar Buku (45)

  • avatar
    Reuben Pacheco

    masaya kame

    5d

      0
  • avatar
    Princess Queenie

    wow subrang ganda ng kwento

    13/08

      1
  • avatar
    Jonnel T. Morales

    wow

    23/07

      1
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru