logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Kabanata 6: Biktima at Sumpa

"Shotgun. Yun ang ginamit niya para mapaalis yung mga kaluluwa, pero gawa sa rocksalt yung bala. Asin daw ang isa sa mga paraaan para mataboy natin ang mga kaluluwang humahabol sa atin. Dahil ayon sa sinaunang panahon daw, hindi ko alam kung nagsasabi siya ng totoo, pero ang sabi niya asin ang isa sa pamamaraan ng mga sinaunang tao para itaboy ang mga masasamang spirito at mga demonyo. At kahit anong uri ng Iron, ay nakakasakit sa kanila."
Nandirito kaming lahat sa Mansion ni Sean, dahil ito lang ang ligtas na lugar para pag-usapan ang mga bagay na ito. Pinapaliwanag ko sa kanila ang lahat ng nanyari kahapon, at nandito ako para alamin kasama nila kung sino yung apat pang survivor sa aksidente 10 years ago. Hanggang ngayon hindi ko pa binubuksan yung folder na binigay sa akin ni Dad, dahil alam kong hindi lang ako dapat ang makaalam nito. Lahat kami.
Pero dahil hindi pa dumarating yung Hunter na nakilala namin kahapon, si Aidan, hindi pa kami makapagsimula. Sinabihan ko na pumunta din siya dahil ang sabi niya may sumpa din siya na katulad namin.
"Darating pa kaya yung sinasabi mo? Aidan pangalan niya diba?" Nakatingin sa orasn na tanong ni Leila.
"Maghintay pa tayo ng ilang oras. Baka na traffic lang siya." Pinilit kong pakalmahin yung sarili ko kahit medyo na iinis na ako sa kahihintay sa taong may natatanging kaalaman tungkol sa mga elemento.
Tumingin sa akin si Carmen, "Cooper, ang sabi mo iron. Ibig sabihin ba nun kahit anong klaseng bakal puwede? Saka paghinagis mo o pinalo sa kanila, mawawala ba sila agad?"
"Siguro. Yun ang sabi ni Aidan. Pero napansin ko, nuong parang nasapian si Leila, si Sy may nahanap siyang kadena at pinalupot niya yun sa bewang ni Leila, at duon lang nawala yung sapi. At parang napapaso sila duon sa kadena, na bakal." Pagaalala ko sa mga nangyari nitong nakaraang mga araw.
"But, Saan galing ang mga spirits na umaatake sa atin?" tanong ni Sean.
Sa mga ganitong explanation, dapat si Sy na ang sasagot, pero hanggang ngayon tahimik padin siya, apektado parin sa pagkawala ng Lola niya kaya ako muna ang sumasagot sa mga katanungan ng iba.
Nagpakawala ako ng malalim na hinga at nag-isip, "Naitanong mo yan. Ang sabi sa akin ni Dad kahapon, 10 years ago, pasko, ay may mga umatakeng terorista sa Carnival. Pinag papapatay lahat ng tao, may pinasabog na mga bomba kung saan-saan. Madaming namatay, at itong limang tao lang ang nakaligtas." Nilapag ko sa lamesa yung folder na binigay ni Dad, na hanggang ngayon ay hindi ko alam kung anong mangyayari o makikita ko kapag nalaman na namin ang alaman niyan. Dahil tuwing may malalaman ako o ang isa sa amin, parang may kasunod na mangyayaring masama o kapalit. "Siguro yung mga namatay sa Carnival yung mga kaluluwang humahabol sa atin. Hindi ko pa alam kung bakit o anong tawag sa kanila pero puwede nila tayong saktan."
"Vengeful Spirits. They're once ordinary spirits seeking for their unfinished business to be finally peaceful, but they never did and anger turned their spirits vengeance. Now they want us dead too." Napalingon kaming lahat sa likod nang may magsalita, nakita namin si Aidan na kararating lang, na may kasamang binatang lalaki. "Yup, I'm that Aidan. The guard let us in, we didn't sneak out. And this guy is Cho—
"Connie" sagot ng binatang lalaki.
"I'm just curious, ano ka? I mean, bakit andami mong alam sa mga stuff tungkol sa spirits, salt, iron?" Sean.
"I'm a Hunter, from Texas. Philippines is my birthplace but after the operation I have here, I moved to Texas. Ang right when I hit puberty, this unordinary things start happening. Like this." May kinuha siya sa leather jacket niya at nilagay niya sa lamesa, sa gitna naming lahat. Isang litrato, litrato niya, pero nakahiwalay yung lower body niya sa upper body. Parang may space sa gitna ng tyan niya at bewang. "At first, I thought it was just an accident or something, not until this bunch of clowns started hunting me everywhere I go. So I researched, and found this life, this job. Hunter. Saving people, hunting things, even my life is endanger. But it wasn't really bad job, wasn't it?."
"Anong ibig mong sabihin? Hunting things? Tulad ng? Asong Lobo? Usa?" Leila.
Umiling si Aidan, "No. What I mean is like, Ghost, Vampires, Werewolves, anything supernatural. Besides, being—"
Tinaas ko yung kamay ko para pigilan si Aidan na magsalita habang nakatingin sa batang kasama niya, "Naiintindihan na namin. Pero, bakit kailangan mo mag dala ng bata dito? Gusto mo ba siyang madamay sa atin? Mamatay?"
Napunta yung attention sa akin nung bata, na si Connie, na kanina lang ay parang pinagmamasdan si Sy. "15 years old na ako. Teen, hindi bata. At hindi ako tulad ng ibang mga teenager diyan na makikita mo lang sa tabi-tabi na madaling mapatay ng kung ano-ano, po." The fuck. Hindi ko gusyo ang pagkakatabas ng dila ng batang to ah. Nakakabastos.
"Anong ibig mong sabihin sa hindi normal?" Napatingin ako kay Sy. Nagsasalita na ulit siya, salamat naman. Ang buong akala ko'y mananahimik lang siya buong araw at hindi ko siya makakausap.
"He have his, his own ability."
Ability?
"Nakikita ko lahat ng mga kaluluwang nakikita niyo. At kaya kong mag Time Travel. Nakakapunta ako sa iba't-ibang taon kapag namamatay ako. Nakilala ko si Uncle Aidan nuong napunta ako sa taong ito, 2018." Time traveling? Totoo ba lahat ng sinasabi ng batang 'to? Bakit parang lalong nagiging komplikado ang sitwasyon namin dito habang patagal ng patagal.
"Bakit hindi ka mag travel 10 years ago para malaman mo kung anong nangyayari sa amin pati nadin sa uncle mo? Right?" tanong ni Sean.
"Nakikinig kaba? Diba ang sabi ko kapag namamatay lang ako nakakapag-travel sa iba't-ibang taon. Galing ako sa taong 2033, namatay ako duon dahil sa isang tao na walang iniintindi kapakanan ng iba, hindi ng pamilya niya. Kahit ayoko ng mabuhay, napunta padin ako dito sa year 2018. At hindi ko alam kung bakit? Ngayon naiintindihan mo na? O baka naman kailangan ko pa gumawa ng chart para maintindihan mo?"
Sandali lang, bata ba talaga 'tong lalaking to? Makasagot sa matanda parang walang pinag-aralan ah. "Ang sabi mo teenager ka diba? Bakit kung mag salita ka para kang hayop na walang galang sa matatanda. Hindi kaba tinuruan ng magulang mo ng magandang asal?" Hindi ko man siya gustong patulan, sumobra na, at hindi ako yung tipong babalewalain nalang ang ugali ng mga batang walang asal.
"Hindi." sagot naman niya ng mabilis. "Hindi nila ako tinuruan. Dahil wala silang kwentang magulang. Sa tingin ko nga wala silang pakialam sa akin. Dahil imbis na atupagin nila kaligtasan ng anak nila, ibang tao ang iniintindi nila. Makikitid kasi utak nila, katulad mo."
"Connie! Shut it!"
Putang inang bunganga. "Alam mo? Ayokong patulan ka, lalo na sa sitwasyon namin ngayon, pero kahit ako ang magulang mo gagawin ko yung mga ginawa nila. Sa tabas ng dila mo, hindi ko gugustuhin na magkaroon ng anak katulad mo"
"Cooper! You've cross the line! Both of you"
Naramdaman ko yung ulo ko na nag iinit na, pero bigla akong hinawakan ni Sy sa braso at tinignan. "Cooper, Tama na. Kumalma ka" Sabay hinatak niya ako sa upuan para umupo.
Napahimas nalang ako ng sentido at umupo na sa sofa, sa tabi ni Sy. Hindi ko nalang inintindi yung patuloy na pagtitig sa akin ng masama ni Connie na akala mo may ginawa akong masama sa kanya. Masyado ko atang pinairal yung init ng ulo ko kaya napapatol ako sa bata, kainis na nangyayari kasi sa buhay namin, hindi ko na alam kung anong emosyon ang papairalin ko sa panahon ngayon.
"I apologize for his rudeness."
"Umupo muna tayong lahat. Alam kong lahat tayo na stress sa mga nangyayari, pero kailangan natin maging isa. Kung ayaw natin mamatay."
Naupo naman ang lahat. Nasa isang mahabang sofa kami nila Leila, Ako, Sy, at Carmen. Habang si Sean nasa kaliwang solo sofa, at si Aidan kasama si Connie ay mag katabi sa isang sofang mahaba din sa harap namin pero napapagitnaan ng lamesang babasagin.
Nang nanahimik na ang lahat, binulabog ni Aidan yung katahimikan sa lakas ng palakpak ng kamay niya na ikinagulat naming lahat. "Oh, Sorry. But, shall we begin? It's nice to meet the other 3 survivors in the accident, wait, I thought there were twins?
"Anong 3 other survivors?" tanong ko.
"You didn't read that folder already?."
"Minabuti muna naming wag buksan at basahin. Gusto kasi ni Cooper na alamin namin kung ano ang nasa laman niyan kapag kasama na ang lahat, dahil lahat tayo apektado sa mga nangyayari. Mabuti ng ang alam ng isa, alam ng lahat." paliwanag ni Sy.
"Tsk!" Shit! Ano bang problema ng batang 'to sa akin? May mali ba sa ginawa ko? Bakit parang ang laking galit niya sa akin.
"Cooper, Ikaw na magbukas. Ikaw naman ang naghirap na kumuha niya." sabi ni Leila. Tumingin ako sa iba para tanungin ang permiso nila at tumango lang sila, puwera lang duon kay Connie.
Lumapit ako sa lamesa kung asan yung folder.
Eto na, kung malalaman namin kung sino ang mga survivors, pwede namin silang mahanap at itanong kung paano patigilin ang sumpang ito, baka nangyari na sa kanila itong mga bagay na nangyayari sa amin at nalampasan nila, baka matulungan din nila kami. Pero yung sinabi ni Aidan ngayon ngayon lang, posibleng kami kami din ang mga hinahanap namin.
Lumunok ako at pinatong ko yung kamay ko sa folder, saka dahan-dahan binuksan.
× × ×
D E C E M B E R 2 4
2 0 0 8 — 2 4 : 3 0
List of all Survivors in the
Fun Carnival Accident.
SURGERY & OPERATION
Binasa ko yung front page, saka nilipat sa susunod na page. Mga pangalan lang ang nakalagay sa isang buong band paper: Doc. Roda'ridio. Nurse Everlie. Nurse Lelasio. Sila ang mga kasama ni Dad sa Hospital nuong araw na iyon. Patay na yung dalawa, si Dad nalang ang buhay. Hindi ko alam kung bakit sila pinatay, pero si Nurse Everline siguro dahil gusto niyang sabihin sa akin ang totoo kaya pinatahimik siya. Si Dad naman, sana hindi mangayari sa kanya yung mga nangyari sa kasamahan niya.
Nilipat ko sa kabilang page at may nakita kaming profile, parang bio data.
SEAN BEE ALEJANDRO. Napatingin ako kay Sean, siya lang ang natatanging alam namin na isa sa mga survivor. Bumalik ako ng tingin sa folder tulad ng iba. Sa folder, may nakalagay na 2x2 picture ng bata, si Sean, at andaming mga nakasulat at kung ano-ano ang nanduon. Pero natuon ang attention ko sa litrato na nasa baba. Si Sean, nung bata pa siya, nasa isang kama siya at duguan yung bunganga niya. Sa isa pang litrato, naka close-up yung sa bibig niya na puno ng dugo at punit yung labi niya. Nakalagay din na pinalitan ng labi yung labi niya dahil hindi na kayang ayusin.
Pinalitan, paano? Puwede na bang gawin nuon yun?
"Now I remember, nasa Horror Train kami ni Mommy. Nang biglang may sumabog, niyakap niya lang ako at nung natumaba yung kinauupuan namin, may kung anong humiwa sa labi ko." sabi ni Sean.
Nilipat ko sa kabilang page. Isang batang babae naman, at ang nakalagay na pangalan ay: LEILA NIE MAGAYONDA. Si Leila? Kasama siya sa mga survivors. Sa litrato, nanduon yung larawan kung saan wala na siyang hita, duguan buo niyang katawan. "Leila?"
"Hi—hindi ko alam. Ang alam ko lang ay nagkaroon ng operasyon dahil naputol ang mga hita ko, hindi ko alam na isa ako sa mga survivors. Wala akong maalala." Pinalitan? Paano? Possible ba na palitan ang hita mo ng hita ng iba? Parang hindi. Bakit parang imposible yung mga nakalagay na impormasyon dito.
Nilipat ko ulit sa isang page. May litrato ng batang babae at lalaki, mag kamukha sila. Kinutuban ako ng mabasa ko na twins sila at yung mga pangalan nila ay: CARLO & CARMEN EBAFORE. Putol ang kaliwang braso ni Carlo, at kanan naman ang naputol kay Carmen.
Tinignan ko si Carmen kung alam niya ang tungkol dito, pero napatakip lang siya ng bibig na parang nagulat, hindi niya din alam. Hindi niya din alam na dalawa sila ng kambal niya na isa sa mga survivors.
"Eto pala ang ibig mong sabihin?" tanong ni Sean kay Aidan at tumango lang ito. Ang tatlo sa nakaligtas sa aksidente ay kasama ko ngayon, ang isa ay patay na. Isa nalang ang pag-asa, wag mong sabihing isa sa aming natitirang apat ang survivor.
Dahan dahan kong binuksan ang huling pahina, isang batang babae. MARY ANGELA MAYOR. Nakahinga ako ng maluwag. Hindi namin siya kilala, posibleng may alam siya. Binasa ko yung mga nakasulat para tignan kung anong nangyari sa kanya, nagulat ako ng sa litrato duguan yung buo niyang mukha, at lahat ng dugo galing sa magkabila niyang mata, na parang nawawala.
× × ×
"Imposible"
"Mary Angela? Siya yung victim sa nabasa kong article sa internet. Siya yung babaeng inatake ng di kilalang tao, tinusok ng barbecue stick ang magkabila niyang mga mata." sabi ni Sy.
"So, she's alive. Was that a Good thing— or not?" tanong ni Aidan habang nakatingin padin sa files ng mga Survivors.
"Good. Kasi we can ask her kung paano makaalis sa cursed na to. Baka siya nakaalis na, kailangan nalang natin gawin ay hanapin siya." sabi ni Sean.
"Hindi naman imposible yang sinasabi mo pero sigurado ba kayong may alam siya na paraan para makaalis sa sumpa niyo? Sigurado ba kayong may alam siya sa lahat?" kontra ni Connie.
Kung babaliwalain mo yung kawalang galang niya, may punto siya sa sinabi niya, pero nakakakinis parin yung tono na lumalabas sa bunganga niya. Paano kung walang alam si Mary? Ano ng gagawin namin.
"Importante ba yun? Kailangan natin siyang hanapin dahil isa siya sa mga nasa survivors, at nasa sumpa din siya gaya natin. Hindi naman nating puwedeng hayaan nalang siya mamatay ng hindi tinutulungan" sabi ni Sy
"She's not wrong."
Tinignan ako ni Leila, "Nabasa ko din ang article na tinutukoy ni Sy sa internet. Nakuhaan din siya sa Carnival ng picture na walang mata bago yung picture niya sa graduation."
"Napansin niyo ba? Lahat ng nawawala sa mga solo picture natin, yun ang mga nawala sa atin nung naaksidente tayo 10 years ago?" sabi bigla ni Carmen na hanggang ngayon nakatingin parin sa mga files sa folder. "At kung iisipin mo, yun din ang pagmumulan ng aksidente. Yung Mary na sinasabi niyo, yung mga mata niya yung tinusok ng barbecue stick, tignan niyo sa files niya nawawalan siya ng mga mata. Si, si Carlo, si Carlo naputol ang kaliwang kamay niya nung namatay siya, tapos yung sa files niya ganun din.
Tumango si Sean, "You're right. But, kayong tatlo. Cooper, Sy, at ikaw Aidan. Hindi naman kayo parte ng aksidente. Bakit kayo nadamay sa sumpa?" Kanina ko pa yan iniisip. Bakit kami nadamay sa sumpang ito? Lahat konektado 10 years ago, maliban sa aming tatlo. May iba pabang hindi ako nalalaman?
"Its time you have to know the truth" May kinuha uli si Aidan sa jacket niya, pero isang envelope na, saka nilagay niya sa lamesa. "There's an explanation why we're in this curse too. You'll find it when you open that."
Nagtataka kong kinuha yung envelope, saka binuksan agad. May nakalagay duon na title, tungkol sa apat na pasyente na naka-confined bago mangyari yung aksidente sa Carnival. Unang lipat ko ng pahina, agad na nabasa ko ang pangalan ko. Anduon din yung litrato ko ng bata pa ako. Binasa ko isa-isa yung mga sulat, notes, at receipts na naka-attached sa parang data ko. May butas ako sa puso. Kaya ako na-confined sa Hospital. Eto ba yung sakit na ayawa sabihin sa akin nila Dad at Mom? Bakit wala akong maalala sa mga bagay na ito? Anong nangyari sa memorya ko?
Nilipat ko sunod sa kabilang pahina, at duon naman nakalagay ang pangalan ni Sy. Napakapit sa kamay ko si Sy nang makita niya yung data at pangalan niya. Ang nakalagay naman duon ay inborn na wala siyang mga tenga, dahil duon wala siyang marinig na kahit ano at nanghihina ang katawan niya. Sinugod siya sa Hospital dahil isa sa kilalang Doctor at Surgeon si Dad. Umaasa silang magagawan ng paraan yung karamdaman niya.
At sa Ikatlong pahina naman ay ang pangalan ni Aidan. Mukhang alam na ni Aidan kung anong nakalagay dito kaya hindi na siya masyadong nagulat. Pero binasa ko padin yung mga nakalagay duon. Nabubulok ang atay niya. Kailangan noya ng donor ng liver kaya nasa Hospital siya naghihintay.
Nilipat ko yung pahina para makita kung sino yung huling pasyente, pero wala ng kasunod. "Bakit wala yung pang apat na pasyente?" Tingin ko kay Aidan. Nakalagay sa front page na apat, pero kaming tatlo lang ang nakalagay dito.
Nag kibit-balikat si Aidan, "I don't know. I just took that files in your daddy's house." Ano?! Ninakaw niya lang to sa bahay ni Dad. Akala ko ba Hunter siya, bakit parang lumalabas na magnanakaw talaga siya. Pero, kung nakuha niya 'to sa bahay ni Dad, bakot naman itatago ni Dad ang ganitong mga files sa bahay niya? Hindi ba dapat nasa Hospital ang mga ganitong files?
"Naiintindihan ko na. Puso, nakatakip ang kamay ni Cooper sa dibdib niya kaya walang nawawala sa katawan niya sa litrato. Pero kung tatanggalin mo ang kamay niya, puso ang nawawalang parte sa katawan niya sa litrato. Si Sy, tenga niya at si Aidan, kaya hiwalay ang katawan niya dahil nawawala ang liver niya." sabi ni Carmen.
"Ano ng gagawin natin ngayon?" tanong ni Leila.
Ano nga ba? Hindi ko alam. Basta ang alam ko lang ay dapat kong alalahanin ang mga ala-ala ko 10 years ago dahil parang, parang may importante akong nalimutan. Parang may kinalaman yun sa nangyayari sa amin ngayon, at sa paliwanag kung bakit ayaw sabihin sa akin nila Mom at Dad yung mga nangyari sa akin nung bata pa ako. Sa operasyon ko sa puso.
"Subukan nating hanapin ang natitirang survivor, at subukang manatiling buhay." sabi ko ng nakatingin sa kanila. "Kahit ako hindi ko alam kung anong gagawin natin ngayon, pero alam na natin kung anong mga bagay na puwedeng prumotekta sa atin. Asin at Bakal."
Ngumisi naman si Aidan sabay tinapik yung lamesa, "Alright. This trip will take us down to hell. Might as well someone bring a popcorn, to you know, enjoyed the ride."

Komentar Buku (12)

  • avatar
    Zyjhan Kheino

    good

    13/07

      0
  • avatar
    OkazakiNica

    hi still on going this novel really im curious and confuse about the ending can you explain. and also i cant find to follow

    26/02

      0
  • avatar
    Rendy Sagon

    so beautiful ❤️🤩❤️❤️❤️

    19/09/2023

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru