logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Kabanata 1: Ang Simula

× × ×
"Habang naliligo ng dugo ang kaniyang mga kamay, kinuha niya ang isang kamera at saka marahan niyang kinuhaan ng lirato ang duguang bangkay na kanyang pinatay...."
× × ×
C O O P E R
"Sy, Masyado naman atang brutal yang sinusulat mo." Sabi ko habang humihigop ng Iced Tea, kasabay ng paghigop ko napahawak ako sa dibdib ko ng kumirot yung puso ko. Shit! Kaya ayoko uminom ng naka-straw pag malamig.
"Oo eh, Horror Stories kasi ako ngayon. Napansin ko lang kasi na puro Romance ako, nakakasawa na gumawa lalo na't wala naman akong experience pag dating sa pag-ibig." Nang mapansin niya ako, bumusangot yung mukha niya. "Nanyari sayo? Hikain ka nanaman. Ami na nga yan, dapat talaga hindi ka pinapakain ng kahit na ano para walang problema." Hinablot niya sa akin yung Iced Tea sabay ininuman niya. Napakalumbaba nalang ako habang nakatingin sa labas at pinanuod yung mga tao na nagsisidaanan.
Ako si Cooper Patric Roda'ridio, 25 Years Old. Isa akong Architect sa hindi masyadong sikat na kompanya. Nakapag-plano na ako ng mga gusali tulad ng Clinic, School, Bahay at Iba pa, pero dahil madami na ang nag-sisiusbungan na mga Architect na bihasa sa pag paplano, natabunan ako dahil sa edad ko. Kadalasan, madaming tumatanggi na client sa akin dahil masyado pa daw akong bata, at marami pa akong matututunan. The hell! Ano yung 8 Years na inaral ko, Hindi pa ba yun sapat? Fuck this world! 
Nakatira ako ngayon sa isang Apartment dahil sa probinsya ang tunay kong tirahan, dahil malayo naisipan ko mangupahan muna sa Apartment. Kasama ko 'tong babaeng nasa harap ko na nag-tatype ng story niya, Syrin Amor Jualion, 23. Isa siyang sikat na Author, karamihan sa sinusulat niya ay napu-published bilang isang libro. Naging kaibigan ko siya nuong unang sabak ko dito sa syudad, katabi lang ng room niya ang room ko sa apartment kaya lagi kaming nagkikita, saka madalas din iisa ang pinagtatambayan naming lugar, at yun ay kung nasaan kami ngayon. MiniStop. Palibhasa katapat lang ng Apartment.
"Cooper, may Field Trip nga pala kami this weekend kasama ang mga co-author ko sa Carnival. May event kasi duon kung saan i me-Meet and Greet kaming mga Author. Sumama ka, sabi kasi sa amin puwede magsam ng family members, wala naman akong pamilya dahil nasa ibang bansa kaya ikaw nalang. G ka?" Weekend? Tangina matumal naman client sa kompanya kaya walang gagawin.
Tumango ako. "Sige. Sasama ako."
× × × × ×
Salubong na kilay kong tinitignan si Sy sa tabi ko, "Sy, Akala ko ba ka co-author mo lang ang kasama mo?"
Nandito kami ngayon sa Bus, 6:30 Pm na at papunta na kami sa sinasabi ni Sy na Carnival. Masyadong crowded yung Bus, andaming tao, parang hindi lang pamilya ang nakasakay eh, buong compound ata ang sinama ng iba. Hindi sa pag-aano pero pag matao kasi, hindi ako makahinga ng maayos.
"Diba sabi ko kasama natin yung ibang family members nila. Saka hindi naman namin akalain na madaming isasama yung isa kong co-author, kaya ayan napilitan kami mag bus na dapat kotse lang. Saka itong kaliwang parte lang yung mga kasama natin, ayang iba, ibang tao na yan, saktong papunta lang din ng Carnival. At Wag ka mag-alala dahil dala ko naman Inhaler mo kung sakaling atakihin ka ng hika." Sabi niya habang nag tatype sa laptop niya. Shit! Parang may nakatitig sa akin, hindi ko alam kung saan, pero blue yung mga mata niya.
Binuksan ko nalang yung bintana saka huminga ng malalim." Alam mo namang ayoko sa crowded na lugar."
"Cooper, diba malapit lang sa Carnival na yun yung Hospital kung saan nag tatrabaho yung Papa mo?" Nabanggit niya yan, isang Doctor si Papa sa Hospital na malapit dun sa Carnival. Siguro baka daanan ko siya mamaya para kamustahin siya.
"Yah, Bakit mo natanong?"
"Kasi nag search ako sa internet, ng mga kung anong nakakatakot na pangyayari sa lugar na yun para naman ma-connect ko sa story na ginagawa ko ngayon. May nahanap ako, eto...wait... 10 Years Ago, Despiras ng pasko, May aksidente na nangyari sa Carnival. May sumabog daw na kung ano kaya madaming namatay at napinsala, may alam ka ba duon? Kasi dun sa Hospital ng Papa mo sinugod yung limang patient na naka-survived"
Incident? Bakit parang wala akong maalalang ganun? Pero 10 Years Old ako, at ang sabi ni Mama ay nanduon ako sa Hospital nuong araw na nanyari ang aksidente. May sakit daw ako na kailangan ako operahan, pero sa tuwing itatanong ko kung anong sakit ko ay di sinasagot ni Mama, lalo na si Papa ayaw niya nga pag-usapan na naoperahan ako. Pero wala talaga akong maalala, Shit! Ano bang nanyayari sa akin? Sabi nila dahil sa operation kaya nawala yung ibang memorya ko, pero talaga bang ganun kalubha yung operasyon na ginawa sa akin kaya nalimutan ko lahat? I
Sa utak ba ako inoperahan?
"Wala. Hindi ko maalala, Baka kasi—" Napahinto ako sa pagsasalita nang may madaan kaming clown. Fuck! Ano yun? Bakit may clown duon? Baka naman malapit na kami sa Carnival kaya may ganun, pero bakit parang duguan ulo niya? Guni-guni ko lang ba yun?
"Malapit na tayo Cooper...."
Nang huminto yung Bus, nagsibabaan lahat ng pasahero. Madilim na sa paligid kaya kinaylangan namin mag dala ng flashlight, kasi may dadaanan pa daw kami bago maka dating sa Carnival. Sobrang tago daw kasi yung lugar, yung tipong tatawid kapa ng bundok bago ka makarating, dejoke lang. Madami naman kami naglalakad kaya walang natatakot, maliban nalang dito sa babaeng nakahawak sa braso ko. Yan kasusulat ng Horror Stories.
Nawala lahat ng takot ni Sy nang makarating kami sa Carnival, kasi sobrang liwanag na. Andaming mga rides, at mga kung ano-anong tinitinda, palaruan, andaming tao. May mga nagsisigawan na tao na nakasakay sa Roller Coaster, Vikings at iba-iba pa, may mga tao namang kumakain at namimili lang. May kasama kaming Photographer na kumukuha ng litrato kila Sy, dahil nga mga Author sila.
Dumiretso kami sa backstage, dahil nga Meet and Greet ng mga Authors. Sinabihan ko nalang si Sy na uupo nalang ako duon sa harap ng stage para mapanuod sila, Ayoko namang maging sagabal dito sa backstage. Maya-maya nagsimula na yung event, nakaupo lahat ng Author sa stage at may mga Fans na nagtatanong. At dahil wala akong hilig sa mga libro, nabuburyo ako.
Flash
"Shit! Ano ba!" Napamura ako nang biglang may mag flash na ilaw ng kamera sa mukha ko. Tinignan ko kung sino yung may gawa nun, yung photographer.
"Sorry Sir. Sabi kasi ni Ma'am kuhaan lahat ng kasama."
Hindi ko nalang siya pinansin at tumayo sa pagkakaupo ko. Naglalakad ako palayo nang may makabunggo akong lalaki. Medyo matanda siya sa akin, brown na buhok at blue eyes. Takte! Siya yung matang parang nagmamasid sa akin lagi. Tangina bakit siya nakangisi?
"May Problema ba tayo?" Tanong ko sabay umiling lang siya na nakangisi na pinagtaka ko, Sabay naglakad na siya papalayo. Hindi ko nalang din siya inintindi saka naglakad na.
Sa di kalayuan may nakita akong guard, tumakbo ako papunta duon para magtanong kung nasaan yung restroom. "Boss, Tanong ko lang kung....A—anong..." Fuckshit! Ano to!! 
Napaatras ako nang malapit na ako sa kanya, biglang may umaagos na parang dugo galing sa ulo papunta sa mukha niya. Pati yung bibig niya at ilong may lumalabas na dugo. Chap Chap Chap. Pero pag kurap ng mata ko, bigla siyang nawala, saka ko naramdaman yung malamig na kamay na humawak sa balikat ko.
"Tangina mo!! Sy? What the hell!!" Napaupo ako sa sobrang lakas ng tibok ng puso ko, hindi ako makahinga kaya sumenyas ako kay Sy na kunin yung Inhaler ko. Agad niya namang hinalungkat yung shoulder bag niya at nang makita niya na yung inhaler, binigay niya agad sa akin.
"Eto oh! Okay ka lang? Bakit ka kasi nandito?"
Nang nasa kamay ko na yung inhaler, agad ko namang nilagay sa bibig ko para makahinga. Maya-maya onti onting lumuluwag yung dibdib ko hanggang sa makahinga na ako ng maluwag. Inalalayan naman ako tumayo ni Sy at inupo sa isang tabi.
"Asar ka! Pinapakaba mo nalang ako palagi pag hinihika ka! Bakit kaba kasi nag walk out kanina? Okay ka na ba?"
Pinapakaba? Ako nga itong papatayin niya sa panggugulat na ginawa niya. "Okay na. Yung, yung Guard. May Guard akong  nakita duon. Nakita mo siya?" tanong ko
"Ate, Kuya. Nuod kayo show ko mamaya"
Napukaw yung attention namin nang may batang nagsalita na hindi namin napansin na pumunta sa harap namin. 7-8 Years Old siya tapos naka suot siya na pang circus na damit. Umupo siya sa gitna namin ni Sy at ngumiti.
"Sige ba, Saan ka ba mag sho-show?" Tanong ni Sy, may tinuro naman yung bata na parang malaking tent na kulay circus. Siguro isa siya sa performer mamaya ng mga magic magic, pero bakit parang ang luma ng suot niya?
"Bata, Anong pangalan mo—"
"Sy! Tawag na tayo sa Stage, Teka sino kinakausap niyo?" Tawag ng ka-coauthor ata ni Sy kaya lumingon kami sa likod, at tumango si Sy para sabihing pasunod na siya.
"Etong batan—" Nanlaki yung mata ni Sy nang makita namin na wala na yung bata na nakaupo ngayon lang sa gitna namin. Napatayo siya bigla at lumingon lingon kung saan saan pero wala yung bata.
Shiitt!! Anong meron sa Lugar na to?
"Sy, Tara na bumalik na tayo" Sabi ko sabay hinawakan yung kamay niya at nagsimula ng maglakad. Ramdam ko na natatakot siya, nilalamig yung mga kamay niya at nanginginig. At ako din, kinikilabutan. Kailangan na namin umalis dito.
Natapos ang Gabing yun ng mapayapa. Hindi ako umalis sa upuan ko at hindi din umalis si Sy sa stage, nararamdaman ko padin yung titig nung Blue Eyed Guy sa akin pero hindi ko nalang pinapansin dahil alam kong natatakot si Sy, at wala ding mangyayari kung matatakot din ako. Ang pinagtataka ko lang ay, paano nawala yung bata na nakaupo lang mismo sa tabi namin? Sabihin na nating magic dahil tauhan siya ng circus, pero Putcha yung Guard na nagdurugo yung ulo at yung clown na duguan ang mukha. Ano yung mga yun?
12:00 AM Sakto na kami umuwi, kaya hindi na ako nakadaan sa Hospital ni Papa dahil madaling araw na, saka gusto na makaalis agad ni Sy duon sa lugar na yun dahil daw may nararamdaman siyang kakaiba, kahit ako din may nararamdaman.
× × × × ×
Kinaumagahan. Nagkakape ako sa Apartment ko habang nanunuod ng T.V. wala naman ng nanyari pagkatapos nung kagabi, siguro pagod lang talaga kami sa dyahe kaya ano-anong nakikita namin. Saka importante ngayon, makahanap ako ng bago kong trabaho, olats na yung kompanya namin. Hindi naman pwedeng hindi ako mag trabaho dahil wala akong pera, at ayoko naman galawin savings ko.
Tok Tok Tok Tok. Tumayo ako sa pagkakaupo ko at pumunta sa pintuan saka binuksan para tignan kung sino yung kumakatok, nakita ko si Sy na may dalang envelope at saka dumiretso siya sa pagpasok at umupo sa sofa, ininom pa ang kape ko ang phutha.
"Subukan mo ubusin yan, ipagtitimpla mo ako ng bago. Ano bang ginagawa mo dito? May sarili ka namang room diba? Nang-iistorbo kapa"
Nilapag niya yung tasa ng kape at tumingin sa akin. "Ka-uuwi ko lang, kinuha ko kasi tong mga Pictures natin Kahapon ng Gabi. Nagkakatamaran sila kumuha eh. Ayaw mo ba makita to?" Binuksan niya yung Envelope at nilabas niya yung mga litrato saka tinignan.
Nagtaka ako nang biglang nagbago yung expression ng mukha niya kaya lumapit ako sa para tignan din yung mga litrato. "Bat ganyan mukha mo? Para kang nakakita ng mul—" Naputol yung pagsasalita ko nang makita ko yung hawak niyang litrato, nanginginig siya habang hawak ito. Shit! Hindi naman nagkataon lang ito diba?
"Co—Cooper, Sabihin mo, Bakit wala akong mga Tenga sa Litrato?"
Chop Chop Chop

Komentar Buku (12)

  • avatar
    Zyjhan Kheino

    good

    13/07

      0
  • avatar
    OkazakiNica

    hi still on going this novel really im curious and confuse about the ending can you explain. and also i cant find to follow

    26/02

      0
  • avatar
    Rendy Sagon

    so beautiful ❤️🤩❤️❤️❤️

    19/09/2023

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru