logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Chapter 5

Chapter 5
Natapos ang bakasyon naming dalawa ni Mommy, at masasabi kong iyon ang pinaka maganda at pinaka masayang bakasyon na kasama ko si Mommy.
Nang maihatid ko ito sa Batangas ay umalis na rin agad ako, kahit na gusto pa nito na manatili ako.
My next destination is to my Grandparents house... At alam kong mahihirapan ako ng sobra.
They hate me and Mom, because of my father’s death. Actually ayaw talaga nila kay Mommy at syempre dahil anak ako, damay ako.
Pero gagawin ko ang lahat para lang matupad ang wishes ko. Desperada na ko umpisa palang, kaya hinding hindi ako susuko. Ako ang nag umpisa nito, kaya ako rin ang tatapos.
Pagkarating ko sa simpleng bahay na tinitirhan ng Lolo at Lola ko, kitang kita ko na agad sila.
Nakangiti ang mga ito habang nag didilig ng mga halaman sa napaka gandang hardin nila sa bakuran ng kanilang bahay.
Napatingin sila sa akin nung ako’y tumigil sa harapan ng kanilang bakod.
Kitang-kita ko agad ang pag aapoy ng mga mata ni Lola at malungkot na mukha ni Lolo.
Lumabas sila sa bakuran at saka ako hinarap.
“Anong ginagawa mo rito?” ayon ang unang salita na lumabas sa bibig ni Lola.
“Good afternoon, La,” bati ko rito. Bahagya akong yumuko para sana abutin ang kamay nito para mag mano, pero sa halip na pabayaan ako nitong mg mano ay ginawaran ako nito ng napaka lutong na sampal.
Napahawak ako sa aking pisngi. Sa halip na magalit o umiyak, ngiti ang aking isinukli rito.
I deserve it. Alam kong mas lalong nagalit si Lola sa akin nung sinagot-sagot ko s’ya nung araw na mawala ang aking ama at kan’yang anak.
Di ko napigilan ang pag bastos sakaniya no’n. At kung paano niya ako sinampal ngayon, ganoon din niya sinampal ang ina ko na nagluluksa rin noon.
“At may gana ka pang ngumiti ha!” Akma ako nitong sasampalin muli ngunit pinigilan ito ni Lolo.
“Tama na.” Pagpigil ni Lolo, inaya na rin nito na pumasok na sila sa loob.
Kahit na nasa loob na sila ng bakuran ay nag pupuyos parin sa galit si Lola.
“Napaka-kapal ng mukha mong mag pakita rito! Pinatay n’yo na nga ang anak ko, ngayon gusto mo narin kaming patayin ng asawa ko!" mala eskandalong sigaw ni Lola.
May kinuha ito mula sa lupa, at saka ibinuhos sa akin. Timba iyon na mayroong tubig. ‘Di pa iyon nakuntento, ihinahis pa sa akin ang timba na wala na ngayong tubig.
Ngayon ay basang basa na ako at masakit ang ulo kong natamaan ng timba. Pero kahit gano’n ay ‘di parin nawala ang ngiti sa aking labi.
Nanginginig ako sa lamig ngunit wala akong pakialam, naiiyak na ko ngunit hindi ko ibinuhos. Parang may bato sa aking lalamunan na nakaharang para hindi ako huminga, dahil isang hinga nalang babagsak na ang aking luha at mag mumukha akong mahina sa harapan nila.
Wala na kong pakialam sa itsura ko ngayon... Wala na kong pakialam sa mga taong nakatingin sa akin... Lulunukin ko lahat ng pride ko, tatanggapin ko kahit anong masasakit na salita at kahit ang pananakit ni Lola sa akin.
Umaasa parin akong may tamang oras para tanggapin ako ng mga ito.
Nung araw na sinimulan ko yung una kong hiling... Pinangako ko na tatapusin ko ang mga ito hanggang sa dulo.
Pina-alis ako ni Lolo ng maka-pasok na si Lola sa loob ng bahay. At sinabi rin nito na kung pu-pwede ay wag na akong bumalik, ayaw na raw kasi ni Lola makita ang pag mumukha ko, ‘di lang dahil kamukha ko ang ama ko kundi dahil sa galit nito sa ina ko.
Masakit sa akin... Masakit bilang isang Apo na marinig ang ganoong mga salita. Nung una ang ina ko ang may ayaw sa aking mukha, pero ‘di ko akalain na meron pa palang ibang tao na hate na hate ang pag mumukha ko.
Daddy was handsome... Lahat kasundo niya. Lahat gusto siya. Pero bakit ako ayaw nila? Kamukha ko si Dad at masasabi kong ‘di man kami parehang lalaki pero maganda ang girl version niya.
And that was me. Everyone hates me... Everyone don’t love me.
Minsan ini-isip ko nalang kung hindi ko ba naging kamukha  si Daddy ma-gu-gustohan din kaya nila ako? Tatanggapin ba nila ako? Mamahalin din kaya nila ako?
Sa isang Hotel sa bayan ako nag palipas ng gabi. Maganda ang view. City lights and fresh air...
Umupo ako sa upuan na nasa balkonahe, saka ako napatitig sa magandang tanawin.
Sana ganto nalang kaganda ang buhay ‘no? parang walang problema, puro kagandahan lang.
Pero alam nyo sa likod ng magandang tanawin na ‘yan, binabalot ng problema, polusyon at krimen.
Kung ihahalintulad ko siya... Para s’yang isang tao na nakangiti ng maganda kahit na nahihirapan. Nakangiti pero di mo alam ilang araw nalang ang bibilangin ay kukuhaan na ng buhay. Nakangiti kahit na nawalan na siya ng mahal sa buhay.
Lahat ng bagay ay pwede mong itago sa napaka gandang ngiti, pero hindi lahat ng luha kaya mong tiisin. Minsan kailangan mong ilabas para gumaan ang pakiramdam mo.
Chapter 5 | End

Komentar Buku (164)

  • avatar
    Neil Christopher Maligaya

    hehe

    8d

      0
  • avatar
    Caldoza Harold

    koya sana po toro an nyubko🥹🥹😭

    23d

      0
  • avatar
    Ãçe Mb

    split up

    26d

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru