Summer’s POV “Please come in, Miss Cortez.” Sabi sa akin ng isang lalaking nakasuot ng black na tuxedo. So, nitong umaga kasi, may bigla na lamang sumulpot sa harapan ko habang naglalakad ako papunta sa may bus station. Tinanong ko sila kung anong kailangan nila sa akin, at sinabi naman nilang gusto akong makita ng boss nila si Luke Forger. Siyempre, alam ko na kaagad. Katapusan ko na. Panay pa nga ang dasal ko habang nakasakay sa may limousine. “O-Okay…” Nanginginig pa ang kamay ko nang hawakan ko ang doorknob ng kwartong iyon. Diyos ko, iligtas niyo po ako. “Please, pumasok na po kayo.” Pag-uulit ng lalaki ng mukhang gustong-gusto na akong sipain papasok sa loob. “Ehehe.. Heto na nga po.” Huminga na muna ako nang napakalalim bago ko tuluyang binuksan ang pintong iyon. At pagkapasok na pagkapasok ko sa loob niyon ay kaagad kong narinig na isinara ng lalaki sa labas ang pinto. “T-Teka, kuya!” “Miss Cortez.” Tila ba tumayo lahat ng balahibo ko sa katawan nang marinig ko ang malalim na boses ng lalaki mula sa likuran ko. Ito na ‘yon… Dahan-dahan akong umikot at humarap sa kanya. “S-Sorry po talaga! Hindi ko naman po sinasadya iyon e! Nataranta lang naman po ako! Please, huwag niyo naman po akong ikulong! Huwag niyo akong ipapatay, please! Handa po akong— “Miss Cortez.” Doon ko na tuluyang iniangat ang tingin ko para tignan ang lalaking nasa harapan ko. Matangkad, may blond na buhok na halos tumatakip na sa mga mata niya, matangos na ilong, at mapupulang mga labi. Mukha siyang anghel na bumaba mula sa langit. “I’m Luke Matt Forger. Please have a seat para makapag-usap tayong dalawa.” Nakangiti niya pang sabi sa akin habang itinuturo ang isang couch. Dahil sa sobrang gwapo niya, napatango na lamang ako saka sinunod ang sinabi niya. Sumunod naman siya sa akin saka naupo sa katapat kong upuan. “Sir, maniwala po kayo sa akin. Hindi ko po talaga sinasadya ang nangyari…” Tumangu-tango naman siya. “Really? You mean, hindi mo sinasadyang halikan ako?” “H-Hindi po… K-kasi ano…” “Miss Cortez, alam mo hindi mo naman kailangan pang magsinungaling sa akin e. For sure nga nagpunta ka lang sa party na iyon para makita ako. And that kiss, that was intentional, right? Come on, huwag ka nang mahiya at umamin ka na.” Umiling-iling ako. “Ang totoo po niyan… K-Kasi… nasa party kasi na ‘yon ang ex-boyfriend ko..” “Wait, so are you telling me that you don’t know me? You don’t know who I am?” Nagtataka naman akong tumingin sa kanya. “L-Luke Forger?” “That’s it! See that? You know me!” “S-Sinabi niyo po kasi kanina…” “W-What?! Y-You mean, you don’t really know me?” “Hehehe.. hindi po e…” At tila ba mula sa pagiging anghel ay bigla na lamang siyang naging isang demonyo na handa na akong patayin. “Hoy babae. Alam mo bang ikaw lang ang tao sa bansang ito na hindi nakakakilala sa akin? Pati nga yata aliens kilala ako e. Sabihin mo, saan ka ba galing, huh? Siguro galing ka sa mars no?!” Anong pinagsasabi ng lalaking ‘to? May saltik yata ang isang ‘to a. Halos isang minute rin yata siyang nakipagtagisan ng tingin sa akin bago siya tuluyang nagsalita sa wakas. “Fine. Well, hindi na ako magpapaliguy-ligoy pa. I asked you to go here for us to have an agreement.” “A-Agreement?” “Right. Kung hindi mo pa nalalaman, lahat ng media outlets tayo na ang pinag-iinitan. Sa lahat ng newspaper, tayong dalawa na ang headline. And for sure, maapektuhan ka niyon. But most especially, it will highly affect me. They now think that you are my girlfriend.” Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niyang iyon. “P-Pwede ko namang sabihing hindi mo ako girlfriend, hindi ba? Pwede ko namang sabihing hindi ko naman intensiyon na gawin iyon.” “And do you think they’ll believe you?” “E…P-Pwede namang ikaw ang magsabi, hindi ba? Tutal ikaw naman ‘tong sikat e. Sigurado naman paniniwalaan ka nila.” Umiling-iling siya. “Here’s the deal, Miss Cortez. I want you to marry me.” “H-HA?!” “As you know, because of what you did, nasira ang pangalan ko.” Nagtataka akong tumingin sa kanya. “Teka lang ha, paano naman tayo napunta sa pagpapakasal? Nahalikan lang kita kailangan na kaagad kitang pakasalan? Galing ka ba sa sinaunang panahon at ganyan ka ka-sensitive?” “Okay, so let me tell you the real reason why you need to marry me. First of all, pinagpipiyestahan na ako ng media dahil sa ginawa mo. And also, in order for them to stop chasing after me, I need to marry someone. In that way, titigilan na nila ako.” “Ah, so in short, gagamitin mo ako for your own benefit?” “Well, you also used me, right? Quits lang tayo.” Kibit-balikat niya pang sabi sa akin. Well, tama nga naman siya. Ginamit ko siya para hindi ako makita nina Kyle at Dennise. “H-Hindi, hindi pwede. A-Ayokong magpakasal sa lalaking hindi ko naman kilala.” “Well then, let me just sue you. Just to let you know, Miss Cortez. I know you’re working as a screenwriter. Alam mo bang kaya kong gamitin ang impluwensiya ko para maipatanggal kita sa trabaho mo? I can also ask them not to get your scripts.” “A-Ano?” Seryoso siyang tumingin sa mga mata ko. “You’re the one who started this, Miss Cortez.” *** “Napaka-sama talaga ng ugali ng lalaking iyon! Nakakainis talaga!” “Oh te, kalma ka lang. Pero alam mo, ang swerte mo na nga ron e. Biruin mo, pakakasalan mo ang isang Luke Forger.” Kaagad ko namang sinamaan ng tingin si Sherry. “Anong swerte ron? Sabihin mo nga sa akin.” “Well, dahil asawa mo si Luke Forger, paniguradong magkakaroon ka ng privilege sa maraming bagay. Baka nga pag-agawan ka pa ng mga agency e. Atsaka isa pa, Sum. Pwede ka na ring maghiganti kay Kyle at kay Dennise.” Napaisip naman ako sa sinabi niyang iyon. Kapag pinakasalan ko si Luke Forger, sigurado akong makakapaghiganti na rin ako kina Kyle at Dennise. Sisiguraduhin kong pagsisisihan nila ang ginawa nila sa akin. “Tama ka, Sherry. Anyway, for six months lang naman daw ang pagpapanggap naming e.” “That’s my girl! This is the start of your revenge na, ‘te!”
Terima kasih
Dukunglah penulis untuk menghadirkan kisah-kisah yang luar biasa untuk Anda
thank you
16d
0It's very nice, hoping for more😭
25/12
0nice apps
05/11
0Lihat Semua