logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

CHAPTER 4

CHAPTER 4
Makalipas ang limang oras
Zafeira POV
Hanggang ngayon ay naririto parin ako sa loob ng kuwarto. Kahit na kasi naigalaw ko na ng kaunti ang katawan ko ay hindi ko pa din ito magawang puwersahin upang ako'y makapaglakad.
Nasasabik na sana akong gumala sa labas kaso nga lang ay hindi pa talaga kaya ng katawan ko.
Nakaka walang gana naman pagganito. Halos buong oras ay nakahiga lang ako dito at walang magawa.
Napabuntong hininga nalamang ako saka muling tumingin sa nakabukas na bintana.
Ilang saglit pa ay may kumatok sa pinto.
Knock...Knock...Knock...
"Pasok po." tugon ko, saka naman pumasok si ginoong Kai.
Kahit puti na ang buhok ni ginoong Kai ay hindi naman siya gano'n katanda upang tawagin ko bilang lolo.
"Kumusta ang lagay mo, binibini?" Malumanay niyang tanong saakin. "Mabuti naman po. Kaso, hindi parin po ako makapaglakad." tugon ko naman kay ginoong Kai na naglalakad papalapit sa kinahihigaan ko.
Ilang saglit pa ay may nilabas siyang bote. Kagaya siya ng boteng nilalagyan ng pabango. Kaso, medyo kakaiba ang itsura ng boteng hawak niya dahil para itong crystal na nagniningning.
"Ginoong Kai, ano pong gagawin n'yo sa boteng 'yan?" pagtataka kong tanong sa kaniya. Umaasa sana ako na nasasagutin niya ang itinanong ko sa kaniya pero hindi umimik si ginoong Kai kung kaya't hindi na ako muling nagtanong. Pinagmasdan ko nalang siya kung ano ang gagawin niya ng...
Bigla niyang buksan ang boteng hawak-hawak niya at may lumabas ditong kulay pink na usok. Kasabay ng usok ang paglabas ng mga nagniningning na alitaptap.
Manghang-mangha ako sa nakikita ko ngayon at hindi talaga ako makapaniwala. Halos lumaki ng husto ang mga mata ko habang pinagmamasdan ang mga alitaptap na lumilipad papalapit sa akin.
"Ang mga alitaptap na 'yan ay may kakayahang manggamot at sila ang magbibigay ng lakas sa 'yong katawan." wika ni ginoong Kai na umalis din kaagad.
Aytssss! May itatanong pa sana ako sa kaniya kaso umalis na siya. Bakit kaya hindi gaanong nagsasalita si ginoong Kai? Isa pa bakit kaagad naman siyang umalis?
May galit ba siya sa akin? Sunod-sunod kong ng
mga tanong sa aking isipan.
Samantala muli ko na lang na ibinaling ang aking atensyon sa mga alitaptap. Dumikit sila sa balat ko at lalo pa silang nagliwanag.
Nang gawin nila 'yon ay napapikit ako dahil nararamdaman ko ang paggaan at pagbuti ng aking pakiramdam.
Epektibo talaga ang mga alitaptap na 'to. Ngumite ako at bumuntong hininga habang ako ay naka pikit. "Salamat mga munting alitaptap! " Saad ko saka nagmadaling muling idilat ang aking mga mata dahil akala ko ay makikita ko pa ang mga alitaptap na nagpaggaling sa akin, pero sa kasamaang palad ay hindi ko na sila nakita. Nakakalungkot mang isipin, pero baka nawala sila dahil sa panggagamot sa akin. Siguro ay natunaw sila sa aking balat at tuluyang naglaho.
Masyado talagang kakaiba ang lugar na 'to! Makatayo na nga lang!
Sinubukan ko nang tumayo at sa wakas ay nagawa ko na!
"Yeheeeyyyy! Yeheeeyyyy!" masaya kong turan habang tumatalon talon.
Ang sarap-sarap kasi sa pakiramdam kapag nakakalakad ka at nakakagalaw ng malaya. Heheh! Makakapasyal kaya ako ngayon?
Makalipas ang isang araw.
Third Person POV
Umaga na ngayon at kakatapos lang mag-almusal nina Zafeira kasama sina Geometry at ginoong Kai. Sabik na sabik na siyang gumala ngayong araw dahil kahapon ay hindi siya pinayagang umalis ng ginoo.
Kailangan niya daw kasi ng makakasama kaya naman inutusan ni ginoong Kai si Geometry na samahan si Zafeira sa pamamasyal. Dahil naman doon ay napilitang hindi pumasok sa academy si Geometry ngayong araw.
Zafeira POV
Hehehe! Nakakatuwa naman ang suot kong dress ngayon! Napaka-cute nito at kulay pink pa na may kasamang ding pink na magician cloak katulad ng sa mga wizard. Si ginoong Kai ay mayroon din siya ng ganitong kasuotan, pati rin si Geometry, pero magkakaiba ang kulay ng mga cloak namin. Hehe! Pakiramdam ko para na talaga akong isang wizard dahil sa suot ko.
Siguro ang lahat ng tao sa pupuntahan namin ni Geometry ay naka suot din ng iba't ibang kulay na magucian cloak. wika ko sa aking isipan.
Dahil sa kasabikan kong gumala ay ako na ang naunang lumabas sa pintuan ng tahanan ni ginoong Kai at paglabas ko ay...
"Wow!" tangi kong nasabi ng makita ko ang sinasabi ni Geometry na Zion City. Kitang-kita ko ang lugar na kinatitirikan ng Zion City sa ibaba dahil ang bahay nina Geometry ay nakatayo sa bundok. Halos natatanaw ko na nga ang buong city. Heheh! Kapansin-pansin dito na may malalaki ding gusali sa siyudad.
"Napakaganda pala ng lugar niyo Geometry!" wika ko habang tumatalon-talon na para bang bata. Hindi ko talaga kasi mapigilan ang sayang nararamdaman ko. Pakiramdam ko ba'y bumabalik ako sa pagkabata dahil sa labis kong kasiyahan.
Apat na taon na din kasi ang lumipas magmula ng huli akong makagala sa matataong lugar. Saka noong mga panahon na 'yon ay kailangan ko pang magtago, pero sa lugar na 'to ay tanggap ako at hindi ko na kailangan pang magpanggap.
"Mukhang nasasabik kanang pumunta sa ibaba!" sambit naman ni Geometry habang nakangiteng tumitingin sa lugar na pinagmamasdan ko.
"Hehe! Halika na, bumaba na tayo ng bundok!" saad ko saka tumakbo patungo sa dadaanan namin pababa ng bundok.
Malalaki ang mga ugat ng puno dito at madaming bulaklak sa paligid. Panigurado na mag-eenjoy talaga ako nito!
"Hoy, hintayin mo ako Zafeira!" sigaw ni Geometry na hindi ko pinansin.
Patuloy lang ako sa paglalakad at pagmamasid sa dinadaanan ko.
Madaming mga kakaibang bulaklak na ngayon ko lang din nakita. Masyado silang naka-aaliw kung pagmasdan. Bukod sa mga bulaklak ay may mga tutubi din na tila crystal ang mga pakpak. Halos napapangite nalang ako ng napakalapad sa tuwing tinitingnan ko ang kapaligaran.
Geometry POV
Si Zafeira talaga! Iniwan ba naman ako? Sana lang ay hindi ako makita ni Keira ngayon, sana ay pumasok siya sa academy. Baka kasi pagnakita niya si Zafeira na kasama ko ay awayin niya pa ako at hiwalayan.
Ayttsss! Masyadong mabilis si Zafeira sa paglalakad kung kaya't
tumakbo na ako upang maabutan ko siya. Ilang minuto pa ay nakarating na nga ako sa kaniyang tabi. Medyo hiningal din ako dahil masyado talaga siyang mabilis sa paglalakad.
Halos hindi ako makapaniwala sa kaniya, napakahinhin niyang magsalita pati kung kumilos, pero sa paglalakad ay para siyang nakikipagkarera.
"Hoy, Zafeira! Bakit ang bilis-bilis mo? Magdahan-dahan ka sa paglalakad kasi baka madapa ka!" pagsaway ko sa kaniya na parang hindi niya rin lang naman narinig. Nagiging isnabera pala siya kapag nasisiyahan ng husto. Medyo wirdo, huh?
Ano kayang nangyari sa mahiyaing babae na nakaharap ko kahapon? May nakain ba siya? Bakit hindi na siya namamansin ngayon? Sunod-sunod na tanong ko sa aking isipan.
"Zafeira!" pagtawag kong muli sakaniya na siya naman niyang ikinahinto sa paglalakad.
"Ba-bakit Geometry?" nagtataka niyang tanong saakin.
"Wa-wala, magdahan dahan ka sana sa paglalakad mo, baka kasi madapa ka!" maikli kong pagpapaliwanag sa kaniya at saka siya muling naglakad.
"Geometry, alam mo kasi, sabik lang talaga ako na makita ang lugar niyo. Masaya ako na naririto na ako, kasi dito ako tanggap. Saka tingnan mo ikaw, hindi ka natatakot saakin! Hindi mo ako sinasabihan na anak ng demonyo at hindi mo din ako sinasaktan kagaya ng mga taong nakasalamuha ko noon." mahaba niyang wika habang patuloy na naglalakad na siya ko namang ikinatahimik.
Kung ganon, tama pala ang sinasabi ni ama patungkol sa mundo ng mga mortal. Nanakit sila ng mga taong may kakaibang kakakayahan at itinuturing nila bilang isang salot. Sa tingin ko ay matinding hirap ang pinagdaan ni Zafeira sa mundong kaniyang kinagisnan.
Hindi ko tuloy lubos maisip kung bakit ang ilang mga wizard ay isinisilang pa sa mundo ng mga ordinaryong tao. Sana'y dito nalang din sila lumaki at isilang para hindi nila maranasan ang mga naranasan ni Zafeira.
Samantala, habang abala ako sa pagsunod sa kaniya ay bigla nalamang siyang napahinto at sumigaw ng pagkalakas-lakas.
"Ahhhhhhhhhh! Ahhhhhhhhh..." sigaw niya na hindi ko malaman kung natatakot ba o sadyang nagulat lang. Gano'n paman ay labis ko din itong ikinataranta at halos mautal-utal pa ako sa pagsasalita.
"Ba-bakit? A-anong mayroon?" taranta kong tanong sa kaniya, bago ko tiningnan kung anong dahilan bakit siya sumigaw.
Ngunit, gano'n nalamang ang pagkadismaya ko ng makita kong isang rabbit lang pala ang nakita niya kaya siya sumigaw ng napakalakas na halos ikabingi ko pa.
"Hay! Rabbit lang pala!" matamlay kong saad. Grabe naman kasi ang reaksyon ni Zafeira sa malaking rabbit. Ngayon lang ba siya nakakita ng rabbit? Te-teka, oo nga pala, magkaiba ang itsura ng rabbit dito kaysa sa mundong pinanggalingan niya.
Ang rabbit kasi sa mundong 'to ay bilog ang katawan at talagang mahahaba ang tainga. Kulay pink ang mga rabbit dito at may roong bilog na bilog na mga matang mapupungay. Napaka-cute nila at madalas silang mapagkamalang mga stuff toy ng bata.
Muli na sana akong maglalakad kaso napansin kong hindi pa kumikilos si Zafeira dahil tinitingnan niya pa ang rabbit na nakasalubong niya. Nagtataka din ako sa rabbit kasi tinititigan niya din si Zafeira.
"Ano 'to magtitigan nalang sila?" sabat naman ng utak ko na minsan ay hindi ko malaman-laman kung ako ba ang komokontrol sa kaniya o ako ang kinokontrol niya. Para kasing may sariling mundo din ang utak ko.
"Hoy! Halikana Zafeira bumaba na tayo!" pagyayaya ko sa kaniya sabay hila sa kaniyang braso.
"Teka lang Geometry! Sumusunod saakin ang rabbit." wika niya sabay turo sa rabbit na talaga namang sinusundan siya.
Napatigil nanaman kami, at doon na lumapit ng tuluyan ang rabbit sa kaniya na para bang naglalambing sa kaniyang binti. Dahil doon ay hindi ko maiwasang maka-isip ng mga hindi magagandang bagay. May mga pagdududa din kasi ako lalo pa't may mga tao dito na kayang magbago ng anyo.
Aba, manyak ang rabbit na 'to! Kung makadikit sa binti ni Zafeira akala mo linta! saad ko sa aking isipan.
"Hytss! Ang dumi na ng utak ko ah? Rabbit lang 'yan Geometry. Kumalma ka dahil baka masipa mo ang cute at maamong rabbit." mahina kong saad habang nagpipigil ng pagkagigil.
"Heheh! Puwede ko bang kunin ang rabbit na 'to at gawing alaga, hindi ba Geometry?" tanong niya sa akin habang hinahawak-hawakan ang ulo ng rabbit
"Bahala ka! Oh siya, sumunod kana sa akin!" wika ko bago naglakad.
Bahala siya kung kukunin niya ang rabbit na 'yon. Ilang minuto pa ay nabigla ako dahil inunahan ako sa paglalakad ni Zafeira tapos huminto pa siya sa may harapan ko na karga-karga ang rabbit.
Tiningnan ko ang rabbit at nakita kong nakapikit ito at para bang niraramdam ang dibdib ng kumakarga sa kaniya.
"Gago, pati mga rabbit ngayon ay iba na din ang mga galawan." wika ko saka muling nagpatuloy sa paglalakad. Inaamin ko kasi na medyo hindi ko gusto ang mga pa-cute na rabbit. May roon din kasi si Keira niyan at minsan dinadala niya pa kapag nagde-date kami.
"Teka nga pala? Rabbit nga ba ang nagbabago o sadyang madumi ngayon ang utak ko?" mahina kong sambit sa aking sarili na ikinailing-iling ko nalamang. Siguro nga ay nagagago na ako.
Zafeira POV
Ano kaya ang iniisip ni Geometry?
Samantala makalipas ang dalawang oras ng paglalakad namin ay bumungad saamin ang isang bayan na may roong malawak na taniman ng palay.

Komentar Buku (41)

  • avatar
    Jessie Palma

    wow

    12d

      0
  • avatar
    Marilyn Miole Crave

    Salamat Author, more story pls .

    16d

      0
  • avatar
    Ja Ne

    thanks 😊

    24d

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru