logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

CHAPTER 2

CHAPTER 2
Zafeira POV
Bigla akong nagising dahil sa ingay na para bang may nag-mamartilyo. "Na-nasaan ba ako?" tanong ko sa aking sarili bago kinusot-kusot ang aking mga mata. Inilibot ko ang aking paningin sa kuwarto na kinalalagyan ko ngayon.
Kasalukuyan akong naka higa sa malambot na kamang pang-isa katao lamang. May asul itong kumot at may dalawa ding asul na unan. Kulay puti ang kulay ng kama at gano'n din ang kulay ng dingding.
May roon ditong bintana at sa tapat nito ay may lamesa na napapatungan ng isang flower vase. May roon itong mga dilaw na bulaklak at amoy na amoy ko ang mabangong halimuyak nito na nagpapagaan sa aking kalooban.
Nasaan na nga ba ako, at kaninong bahay ito? Dahil sa pagtataka ko kung nasaan ako ay pinilit kong bumangon mula sa aking kinahihigaan, pero hindi ko maibangon ang aking katawan dahil nanghihina ako ng husto.
"Hindi 'to maganda! Kailangan kong bumangon! Bumangon ka Zafeira!" wika ko saaking isipan.
Hindi ko alam kung nasaan ako ngayon at hindi ko rin alam kung ligtas ba ang lugar na 'to.
Pinipilit ko pang muling igalaw ang katawan ko pero lalo lamang akong nasasaktan. Madami kasi ang natamo kong pasa gawa ng habulin ako ng mga tao sa may kakahuyan papunta sa bahay.
Natatakot parin ako hanggang ngayon. Nasaan ba kasi ako?
Tumingin ako sa may bintana at nakakita ako ng malalaking puno sa labas. Nakakita din ako ng mga ibon na para bang sumasayaw habang lumilipad. Kahit papaano ay nalilibang ako sa aking nakikita pero bigla nalamang akong nagulat nang may nagbukas ng pinto ng kuwarto kung nasaan ako.
Napatingin ako sa pumasok, at ito ay isang matandang lalaki na may mahabang puting bigote.Medyo matangkad ito at puti na ang mga buhok.
"Gising kana pala, binibini!" saad ng matanda saka umupo sa upuang gawa sa kahoy na naka puwesto malapit sa may pintuan.
Tiningnan ko lamang siya at hindi ako umimik. Hindi ko kasi malaman kung ano ba ang sasabihin ko sa kanya, saka kakampi ba siya o nais niya din akong patayin?
"Alam kong nagtataka ka kung nasaan ka ngayon, pero maari ko ba munang malaman ang 'yong pangalan?" wika ng matanda habang nakatingin saakin.
"Zafeira, Zafeira po ang pangalan ko!" matipid kong sagot sa kaniya. Hindi ko alam pero, biglang ngumite sa akin ang matandang lalaki at saka muling nagsalita. "Napakaganda ng pangalan mo! Siya nga pala tawagin mo nalamang akong Kai! Kung may kailangan ka ay sabihin mo lang!" usal ng matanda bago tumayo.
Aalis na ba siya? "Te-teka lang po! May itatanong sana ako!" saad ko kaya napalingon muli saakin ang matanda. Hindi ko alam pero, matapos niyang ngumite kanina, pakiramdam ko ba ako'y ligtas na.
"Ano ang itatanong mo?" pagtatanong din nito sa akin na siya kung ikinatahimik.
Ano nga ba ang gusto kong malaman? Ano nga ba ang itatanong ko sa kaniya? Bumuntong hininga ako saka muling nagsalita.
"Ginoong Kai, maaari ko bang malaman kung nasaan ako? Paano ako nakarating dito, at sino ba ang nagdala saakin dito? Paki-usap po, sabihin niyo sana ang lahat ng dapat kong malaman." pagmamakaawa ko sa matanda na nanatiling tahimik habang nakatayo malapit sa may pinto.
Makalipas ang dalawang minuto ay doon lamang siya nagsalita.
"Si Geometry nalamang ang bahalang magpaliwanag sayo, binibini! Ipapahatid ko nalang din sa kaniya ang pagkain mo. Pasensya kana dahil madami pa akong aasikasuhin." wika niya at saka tuluyang umalis.
Sino kayang Geometry? Anak niya ba? Nasaan nga ba ako? Siguro mas mabuti nga kong hintayin ko nalamang ang sinasabi ng matanda, na si Geometry.
Halata naman kay ginoong Kai na mabait siya. Masyado na talaga akong nagtataka. Buhay panaman siguro ako hindi ba? Isa pa, nasaan na ang babaeng nagligtas saakin? Hindi ko man lang naitanong ang kaniyang pangalan.
Dapat akong magpasalamat sa kaniya. Pag-nagkita kami ulit ay magpapasalamat ako at tatangungin ko na rin kung ano ba ang kaniyang pangalan.
Hindi ko man alam kung nasaan ako ngayon, nararamdaman ko naman ang kapayapaan sa lugar na 'to. Pakiramdam ko ba'y nakalaya na ako sa impyernong buhay na pinagdaanan ko.
"Tama! Sana ay nakalaya na talaga ako." mahina kong usal.
Pipikit na sana ako ng bigla nalamang bumukas ng napakalakas ang pintuan at saka naman pumasok ang isang lalaki na para bang nagdadabog.
Ano bang problema niya? Siya kaya si Geometry?
Pinagmasdan ko lamang ang lalaki at ngayon ay nakatalikod pa ito at mukhang inaayos niya ang pintuan.
"Ano ba naman kasi, huh? Napalakas yata ang pagsipa ko sa pinto na 'to! Hay nako! Di pala matatag ang pagkakagawa ng pintuang 'to." mahabang usal ng lalaking nakatalikod.
Ang lalaki ay nakasuot ng magician cloak na itim. 'Yong katulad ng sa mga wizard sa pilikula. Parang may cosplay siyang dadaluhan!
"Bakit ba kasi ako pa ang inutusan ni ama na pakainin ang bisita? Kainis naman oh! Hinahantay pa ako ni Keira!" saad ng lalaki bago niya ako tiningnan.
Nang makaharap na siya sa akin ay bigla nalamang siyang napahinto.
Hindi ko alam kung bakit huminto siya at hindi nakapagsalita.
Ano bang may roon? Napahawak ako sa mukha ko dahil baka may dumi o kung ano pa man, pero wala naman akong napansin na kakaiba o ano-mang dumi sa mukha ko. Ano bang nangyayari sa kanya?
Umiwas nalamang ako ng tingin at makalipas ang isang minuto ay narinig ko siyang nagsalita.
"I-ikaw pala binibini ang bisita namin! Hehehe! Pasensya na sa mga sinabi ko!" saad ng lalaki na para bang nahihiya.
Muli ko na siyang tiningnan at saka ako ngumite. "Ah, eh! Ayos lang po 'yon!" saad ko at saka naman tumunog ng pagkalakas-lakas ang t-yan ko na ikinagulat din ng lalaking kaharap ko ngayon. Nakita ko siyang ngumite pero agad niya ring pinigilan ang kaniyang sarili.
Nakakahiya! Ano ba? Parang may sound system na ang t'yan ko dahil sa gutom.
" Mukhang gutom kana! Pasensya na dahil natagalan ang 'yong pagkain!" wika ng lalaki at saka inilapag ang dala-dala niyang pagkain sa may lamesa.
Hindi ko alam pero parang natataranta ang lalaki sa pagkilos. Kinakabahan ba siya? Pero bakit naman siya kakabahan? Mukha bang nakakatakot ang itsura ko?
"Ah, binibini kaya mo bang maglakad papunta rito?" tanong niya habang nakatingin sa akin. Bakit kaya niya ako tinititigan ng husto? Masyado na akong nahihiya. Nakaka-ilang naman kung makatingin ang lalaking 'to.
"Ah, eh! Hi-hindi ako makalad eh!" sagot ko sa kaniya. Tiningnan ko siya at hindi siya umimik, sa halip siya ay ngumite at inilapit sa may kinahihigaan ko ang lamesa kung saan nakapatong ang pagkain.
"Yan! Kumain kana magandang binibini!" wika niya matapos maidala sa tabi ko ang lamesa.
"Sa-salamat!" ang tangi ko namang nasabi sa kaniya.
Geometry POV
Kasalukuyan akong nakaupo sa upuang gawa sa kahoy. Binabantayan ko ang bisita namin habang kumakain.
Kanina ng makita ko siya ay bigla nalamang akong napahinto dahil sa pambihirang niyang taglay na ganda. Pakiramdam ko ba'y nahipnotismo ako dahil hindi ko basta-bastang nagawang alisin ang aking mga mata mula sa kaniyang mala-anghel na pagmumukha. Ang kaniyang mga matang kulay pula ay napakaganda. Walang itong katulad, at sa buong buhay ko'y ngayon lamang ako nakakita ng babaeng kagaya niya.
Pakiramdam ko nga, kahit pa ang pinaka magandang babae sa siyudad na ito na si Saibara ay walang sinabi sa kagandahang taglay niya.
"Ta-tapos na akong kumain!" saad ng magandang babae kaya ako ay lumapit sa kaniya upang kunin ang kaniyang pinagkainan.
Inayos ko na ito at nang aalis na ako upang ilagay sa kusina ang mga pinggan ay bigla siyang nagsalita na siya kong ikinatigil.
"Pu-puwede bang huwag ka munang umalis? May gusto sana akong itanong sayo!" saad niya kaya ako ay muling naupo at inilapag ko ulit sa lamesa ang mga pinggan na nakalagay sa tray.
"Sige ba! Ano ang itatanong mo?" Naka-ngite kong tanong sa kanya.
"Sabihin mo, nasaan ako ngayon?" tanong ng babae saakin.
Oo nga pala, hindi niya alam kung nasaan siya ngayon dahil sa pagkakaalam ko ay dinala lang siya dito ni master Sophia habang siya'y natutulog.
"Una, ano nga pala ang pangalan mo?" muli kong tanong sakaniya.
"A-ako si Zafeira." matipid nitong sagot. Halata sakaniya na siya ay mahiyaing babae. Siguro ay hindi siya lumaki o sanay na makipag-usap sa mga tao.
"Napakagandang pangalan! Bagay na bagay sayong napakaganda at naka-aakit na itsura." wika ko na ipinagtaka niya. Haha! Siguro ay hindi siya sanay na masabihan ng ganon. Hindi ba siya lumalabas sa bahay nila? Kasi kung lumalabas naman siya ay panigurado akong marami ang pumupuri sa kaniya dahil kapansinpansin talaga ang tinataglay niyang ganda.
"Ah, baka namamalik mata kalang! Siya nga pala, ikaw ba si Geometry?" wika ni Zafeira.
"Ah! Oo, ako nga 'yon! Siguro ay nasabi sayo ni ama ang pangalan ko!" saad ko naman bago tumayo upang kunin ang salamin na nakatago sa ilalim ng lamesang pinagkainan niya.
"Geometry, a-ano bang kinukuha mo d'yan?" pagtataka niyang tanong.
Zafeira POV
May hinahanap si Geometry sa may ilalim ng lamesa. Ano kaya 'yon? Habang abala ako sa pagmamasid sa kaniya ay bigla siyang tumayo at ngumite.
Ang mga ngite niya ay para bang sa inosenteng sanggol lamang. Sa buong buhay ko ay ngayon lang ako nakakita ng taong gaya niya. Nahahalata ko rin na isa siyang masiyahing tao.
"Geometry, ano ba 'yang hawak-hawak mo?" usal ko habang nakatingin sa kanya na may hawak-hawak na bilogang bagay.
"Heto, kunin mo!" saad niya sabay abot saakin ng isang salamin.
Kung ganon salamin pala ang hinahanap niya kanina. Pero bakit niya ako binigyan nito? Tatanungin ko ba siya kung para saan ang salamin na 'to?
Siguro nga dapat ko siyang tanungin.
"Ge-geometry, para saan naman itong salamin na ini-abot mo saakin?" wika ko habang tinitingnan siya. Matapos ko namang tanungin 'yon ay tumawa siya na labis kong ipinagtaka.
"HAHAHAHAHAHAHA! Ano ba ang ginagawa sa salamin? Ngayon kalang ba nakakita niyan?" pabiro niyang tanong na ikinasimangot ko naman.
"Malay ko ba! Baka kasi pahahawakan mo lang 'tong salamin sa akin." sagot ko sa kaniya habang nakayuko at hawak-hawak ang salamin na kaniyang ini-abot sa akin.
Ano bang gusto niyang iparating? Alam ko naman na ang itsura ko! Hindi naman ako masyadong kagandahan katulad ng mga model o artista sa telebisyon.
"Tingnan mo ang sarili mo sa salamin." seryosong saad ni Geometry saakin saka ko ini-angat ang bilog na salamin at iniharap ito sa aking mukha, at...
"A-ako ba talaga 'to?" saad ko na may kahalong pagtataka.
Lalo kasing pumuti ang mukha ko at mas pumula pa ang labi ko. Wala naman akong ginamit na kung ano man, kaya nagtataka talaga ako sa nakikita ko ngayon. Bukod dito mas ikinagulat ko pa ang pagkakaroon ko ng magaganda't pulang mapang-akit na mga mata. Kahit sarili ko ang aking kaharap ay hindi ko mapigilang mamangha ng husto. Pati ang mga binti at ang braso ko ay kuminis rin at pumuti.
"To-totoo ba 'to? Imposible ang ganitong bagay!"ang tangi kong nasabi habang patuloy kong tinititigan ang aking mukha sa salamin.
"Ikaw 'yan! Napakaganda mo, hindi ba?" saad ni Geometry. "Oh siya! May ikukuwento pa ako sayo, makinig ka sa mga sasabihin ko!" pagdudugtong pa niya.
Ano kayang nangyari? Mas lalo akong gumanda ngayon! Nanaginip lang ba ako? Bumuntong hininga ako saka inilapag ang salamin sa kama. Matapos naman 'yon ay tumingin ako kay Geometry na kasalukuyang nakaupo at parang hinihintay na ako'y maging handa sa pakikinig.
"Handa na akong makinig! Sana ay sabihin mo ang lahat ng nalalaman mo na dapat ko ding malaman." turan ko at saka naman siya tumango tango.
Sa wakas, malalaman ko na din kung nasaan ako! Sana wala na ako sa bayan namin. Sana ang mga tao sa lugar na 'to ay kagaya din nila Geometry at ng matanda kanina.
Sana mababait sila, higit sa lahat, sana ay tanggapin nila ako kung sakali man na malaman nila ang buo at tunay kong pagkatao.

Komentar Buku (41)

  • avatar
    Jessie Palma

    wow

    12d

      0
  • avatar
    Marilyn Miole Crave

    Salamat Author, more story pls .

    16d

      0
  • avatar
    Ja Ne

    thanks 😊

    24d

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru