logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Chapter Three

π—§π—›π—˜π—’π——π—˜π—‘ 𝗣𝗒𝗩
"Balak kong ligawan si kuya Nico mo," nakangiting saad ko kay Thomas habang magkatabi kaming nakaupo sa isang bench, tumatambay sa labas ng bunker.
"Talaga po ba?" nasurpresa siya at napanganga ang kanyang bibig.
"Oo," Natawa ako ng marahan sa reaksyon ng bata.
"Tiyak akong matutuwa yung kapatid ko kapag nalaman niyang kayo na. Sinabi kasi niya kasi sakin na gusto niya daw maging papa si kuya Nicolai pati na po kayo," aniya.
"Ikaw? Okay lang ba iyon sayo?" tanong ko.
"Oo naman po kuya Theo, walang pong problema ito sakin. Sa napapansin ko po, mabait naman kayong tao pati na si kuya Nico kaya ito nga ang rason kung bakit nagustohan kayo ng kapatid ko," sagot ni Thomas at bahagya niya akong nginitian. "Maitanong ko lang po, bakit ka po ba na inlove kay kuya Nico kahit na lalaki siya?"
Napangisi ako sa katanungang narinig ko kaya siya ay aking sinagot, "Kapag tinamaan kana ng pag-ibig, bigla nalang mahuhulog yung loob mo sa isang tao nang hindi mo alam. Ikanga nila: it comes naturally. Pag mahal mo na siya, wala ka ng pakialam pa kung ano ang itsura ng kanyang mukha o pagkatao niya. Mas binibigyan mo ng pansin yung ugali ng tao at kung sino siya. Tandaan mo Thomas na ang pagmamahal ay hindi yan pinipilit o sinasadya, kusa yang papasok sa loob ng puso mo sa kahit anumang oras lalong lalo na't kapag natagpuan mo na ang nakatadhana para sayo."
"Sana matagpuan ko na rin yung tao para sakin, kuya. Gusto kong masubokan kung ano yung pakiramdam na magmahal," sabi ni Thomas at namula ang kanyang mga pisngi, tila'y kinikilig siya.
"Naku, bata ka pa," natawa ako at hinagod ko ang buhok niya. "Di pa iyan puwede sayo kasi wala ka pa sa saktong edad pero wag kang mag-alala, darating din yan sayo sa tamang panahon kapag malaki ka na. Sa ngayon, alagaan mo muna si Ruthie at ang kapatid mo muna ang pagtuonan mo ng pansin," saad ko sa kanya.
"Oo naman po, hindi ko po kakalimutan si Ruthie. Siya ang number one priority ko," tugon sakin ni Thomas. "Teka, may naisip po akong paraan kuya Theo."
"Paraan? Para saan?" napakunot-noo ako.
"Sa panliligaw niyo po kay kuya Nico!" sagot niya. "Diba, nabanggit niyo po sa akin na pangarap niyang lumipad katulad ng isang ibon?"
"Oo, bakit?" ako'y nausisa sa kanyang iniisip na ideya.
"Kaya ko pong magpalipad ng plane! Yayain niyo pong mag-skydiving si kuya Nicolai. Sigurado akong magugustohan niya ito at mapapasagot niyo siya kapag niligawan mo na," tugon nito.
"Tama, magandang ideya ang skydiving Thomas pero ang problema lang ay di ako marunong diyan. Gusto ko munang siguradohin na ligtas yang gawin," sabi ko.
"Tuturoan po kita, ako po ang bahala!" aniya.
****
Ginising ako ng panaginip kaya bumangon agad ako at kinusot ang aking mga mata. Kasalukuyan akong natutulog sa tabing-dagat. Akala ko naman totoo ang eksenang iyon, ang tungkol sa pag-uusap naming dalawa ni Thomas. Gabi na at hanggang ngayon ay hindi parin namin batid kung nasaan na ang dalawa. Kanina pa ako pinag-alala ng kanilang pagkawala. Sana ay ginabayan sila ng diyos. Sana ay ligtas lang ang mga anak ko.
Nang tumingin ako sa kalangitan, nakikita ko ang mga kumikinang na mga bituin at ang buwan, matingkad ang sinag ng buwan na siyang nagbigay liwanag sa buong isla. Pagtingin ko sa gilid ko ay napansin kong wala na pala si Nicolai sa aking tabi. Ako nalang ang mag-isa rito. Napatayo ako sa nerbyus at agad ko siyang hinanap ngunit natigil ako nang may natanaw akong lalaki sa malayo na nakatayo malapit sa dagat. Si Nicolai iyon.
Heto na naman siya, balisa at malungkot. Kanina pa hindi mapalagay yung sarili niya. Kailangan ko siyang bantayan baka kung ano pa ang gawin nito. Minsan kasi, may ugali itong si Nicolai na bigla nalang gumagawa ng mga kakaibang kilos o kaya desisyon ng hindi ko alam. Ayaw niya itong isabi sa akin lalong lalo na kung ayaw niya akong idamay o ipahamak sa kanyang mga pinaplano. Itong klase ng pag-uugali ang pinakaayaw ko sa kanya, ang magtago ng sekreto at magsinungaling.
Para sa akin, may dalawang uri ng pagsisinungaling: una ay pagsisinungaling para sa ikabubuti ng iba at para sa iyong sarili. Pangalawa naman ay ang pagsisinungaling sa maling paraan at ito ay isang kabulaanan lamang na puwedeng ikasisira ng ibang tao pati na sa imahen mo. Kung ako, mas pipiliin ko ang una. Ito kasi ang madalas kong ginagawa, ang magsinungaling sa mabuting paraan. Depende sa sitwasyon kung ito ba ay nararapat na gawin.
Habang binabantayan ko si Nico ay unti-unti naman akong sinasampal ng antok. Papikit na ng papikit ang mga mata ko. Nilalabanan ko yung sarili ko na huwag matulog. Upang mapigilan ko ang antok na ito, naglakad nalang ako at tinungo ko si Nicolai. Pagdating ko sa kanyang kinatatayuan, niyakap ko siya mula sa likod niya at napalingon bigla sa akin si Nico. Mukhang ginulat ko siya.
"Di ka makatulog?" tanong niya sakin. Matamlay ang boses niya.
"Gusto kitang samahan. Paano ako makakatulog dun ng maayos kung wala ka. Iniwan mo ko ng mag-isa," sagot ko sa kanya.
Dinampi ko ang ilong ko sa kanyang pisngi. Sinandal ko ang aking ulo sa kanya. Humalik ako sa tenga ni Nico ng dalawang beses. Mas malamig pa ito kesa sa giniginaw niyang katawan. Nakakarelax ang ingay ng mga alon kapag ito'y humahampas na sa tabing-dagat. Di ko na ipinagtaka pa kung bakit masarap yung aking pagtulog kanina na pinutol naman ng panaginip ko. Pinikit ko ang mga mata ko at pinakinggan ang tunog ng mga hampas ng alon katulad ng isang musika.
"Pasensya na, gusto ko lang muna kasing magmuni-muni at mapag-isa kahit saglit lang," paumanhin sa akin ni Nicolai.
"Sabihin mo nga sakin kung anong mga bumabagabag diyan sa isip mo. Ano ba ang problema mo, Nico? Pag-uusapan natin yan," ani ko.
"Wala naman, Theo." Umiling siya sakin. "Gusto ko lang naman munang pagsamantalahin ang katahimikang 'to para pagalingin ang sarili. Sabi sakin ni nanay, kung ikaw ay napapagod at nahihirapan sa iyong sitwasyon, pumunta ka lang sa tahimik na lugar at magnilay upang maliwanagan ang isip mo at mabigyan ng kapayapaan yung puso mo."
"Kaya pala nandito ka, mabuti yang ginagawa mo," sabi ko sa kanya.
"Theo," sambit sakin ni Nico kaya ako ay napatingin sa kanyang mukha. "Dalhin mo ako sa lugar kung saan mo nilibing si Abegaille."
"Sigurado ka bang gusto mo siyang makita?" tanong ko.
"Oo, please," sagot niya sabay tango.
"Okay, sige." Pumayag ako.
Umalis na kaming dalawa sa tabing-dagat at magkahawak-kamay kaming nagtungo doon sa aming pupuntahan. Nang marating na namin ni Nicolai ang lugar kung saan ko inilibing si Abegaille ay hinukay ko agad ang puntod nito habang pinapanood niya ako sa aking ginagawa.
Nung mapadpad kami ni Abegaille sa islang ito, natagpuan ko siyang hindi na gumagalaw. Nakapikit ang kanyang mga mata at nakanganga ang bibig niya. Sa kanyang leeg at mga braso, may namuong kulay pula na mga ugat na sa tingin ko ay epekto ito ng kidlat na tumama sa kanya. Sinubukan ko siyang e-CPR ng mga ilang beses hangga't sa aking makakaya subalit wala na. Hindi ko na maisalba pa ang buhay niya. Kumpirmado na ngang patay na si Abegaille. Sa palagay ko ay hindi siya namatay sa pagkalunod. Namatay ata siya sa pagtama ng kidlat at iyon ang pinakamasakit sa lahat.
Matapos ang paghuhukay ko, agad na napatakip si Nicolai sa kanyang bibig at siya'y umiyak nang makita na niya ang walang buhay nasi Abe. Naawa ako nang pinanood ko siya. Napakasakit ito para kay Nico dahil matalik na kaibigan niya ang taong nakahiga ngayon sa ilalim ng lupa. Natanto ko na ang bilis ng pagkamatay ng mga kasamahan ko, kahapon ay sila Isabelle at Tanya, ngayon ay si Abegaille. Wag naman sanang sumunod sila Ruthie at Thomas.
Habang tahimik na nagdadalamhati si Nicolai, inabot ko ang kamay ni Abe at tinitigan ko siya. Naramdaman ko ang mga daliri at palad niya na naninigas na parang isang bato. Mas malamig pa ang balat niya kesa sa amin at wala narin itong kakulay-kulay. Napakaputla niya sobra. Ibang-iba na ang itsura niya ngayon kumpara noon. Napakaganda niya at napakasigla. Ang lakas niyang magpatawa at magbiro. Nakakamiss ang kanyang kabibuhan. Isa siyang makulay na bulaklak nung mga panahong nakilala ko siya pero ngayon ay isa na siyang petal na nalalanta na. Tuyot at kulubot. Naglaho na ang ganda. Patay na.
Ilang sandali ay umupo si Nicolai sa buhangin at inabot niya ang peluka ni Abegaille. Hinagod niya ang buhok nito at nginitian niya ng matipid. Nakikita ko kung gaano niya kamahal ang kanyang kaibigan. Para sakin ay hindi pa patay si Abe, parang natutulog lamang siya dito at bukas ay gigising na siya. Kalaunan ay napatanong ako sa loob ng aking utak kung bakit ba sa lahat ng mga taong mamamatay, yun pang mga mabubuting tao? Bakit di nalang yung mga masasama? Sila ang nararapat na mamatay. Sila dapat.
****
Kinabukasan ay ginamot ko ang malaking sugat sa kamay ni Nico gamit ang mga halamang-gamot na nakuha ko lang doon sa maliit na gubat ng isla. Napansin kong malaki pala ang pagkabutas ng kanyang palad dahil sa tama ng bala. Namamaga ito at mukhang lumalala.
"Nasan na pala yung bracelet na niregalo ko sayo?" napatanong ako bigla sa kanya ng mapagtanto kong wala na sa kanyang braso ang bigay kong pulseras.
"Nawala ko siguro iyon nung malunod ako sa dagat," sagot niya sakin at humingi pa siya ng tawad, "I'm sorry. Dapat tinago ko yun sa bulsa ko."
"Ano ka ba, okay lang. Hindi naman talaga importante ang bagay na iyon sa akin. Yung buhay mo at kaligtasan mo ang binibigyan ko ng higit na halaga. Hindi ako materyalistiko. Mas papayag pa akong mawala yun kesa sa ikaw," sabi ko habang pinupunas-punasan ko ng dahon ang natutuyong dugo sa palad niya.
Pagkatapos kong gamutin ang kanyang sugat sa kamay, nagsama kaming dalawa sa gubat para maghanap ng makakain. Gutom na gutom na kasi kami at nauuhaw narin. Umakyat ako sa puno ng niyog at kumuha ng mga bunga. Pagbaba ko ay nagtulungan kami sa pagbiyak nito gamit ang mga matutulis na bato. Nang mabiyak na ay agad kaming uminom ng sabaw at napawi narin yung aming pagkauhaw. Kinain din namin ang laman ng niyog. Kahit kunti lang yung nakain ko, ang importante ay nalagyan ng pagkain itong tiyan ko.
Sa palagay ko ay mukhang dito na siguro kami maninirahan ni Nico kung walang makakatulong sa amin sa islang 'to. Magsisikap nalang kaming dalawa at magtutulongan na mabuhay sa kalagitnaan ng karagatan. Mula ngayon ay nag-umpisa na kaming naghanap at nagbali ng mga malalaking sanga sa mga punong-kahoy kasi plano namin ni Nico na bumuo ng isang tirahan. Kahit maliit lang ay okay na iyon basta ang importante ay may masisilungan kami.
Nang kami ay makabuo na ng maliit na kanlungan, pinagtatanggal ko ang iilang sanga ng niyog at hinabi ko ang mga dahon nito upang gawing bubong. Marunong ako maghabi kasi tinuruan ako ng mama ko kung paano ito gawin nung nabubuhay pa siya. Ang sunod ko namang ginawa ay lumikha ako ng sibat gamit ang isang mahaba at tuwid na stick ng kahoy. Pinaghahati ko ang dulo nito at pinorma na parang isang tinidor saka ko pinatulis ang bawat bahagi.
Pagdating ng tanghali, nagtungo kami ni Nicolai sa tabing-dagat at kami'y nanghuli ng mga isda gamit ang mga sibat namin. Medyo natagalan kami sa dagat. Nahirapan kasi kami sa paghuli at pagpatay ng mga isda. Ang bilis nilang lumangoy papalayo sa amin. Tinatakasan nila kami. Akala ko madali lang gawin ito pero nakakapagod pala. Kailangan ng mahabang pasensya kaya di ako sumuko sa paghahanap. Dapat kong sanayin ang sarili ko sa mga ganitong bagay upang manatili akong buhay.
Pagkaraan ng mga ilang oras ay nakahuli narin kami ni Nico ng tatlong isda sa wakas kaya laking-tuwa namin dalawa at ito'y kinain namin kahit di pa luto. First time ko lang kumain ng hilaw na isda. Ang weird sa pakiramdam. Wala naman palang kalasa-lasa ang laman nito at nakakasuka narin kasi may dugo pa pero kinontrol ko ang sikmura ko, hindi ako puwedeng masuka. Kailangan ko itong kainin lahat at lunokin upang hindi ako magutom.
Pagdating ng hapon ay iba na naman ang ginawa kong trabaho. Pinagkiskis ko ng mabilis ang dalawang putol na sanga upang makabuo ng init hanggang sa nagsimula na itong umusok. Kiskis ako ng kiskis habang tumutulo na yung mga pawis sa katawan ko. Sumasakit narin yung mga kamay ko at nangangalay na yung aking mga braso. Kunting tiis nalang ay malapit na. Nalipasan ako ng mga ilang oras at dumidilim na ang paligid. Mayamaya ay nakita ko ng nasusunog na yung kahoy na kinikiskis ko at sa huli ay lumikha narin ito ng apoy kaya dali-dali naman itong nilagyan ni Nicolai ng mga tuyong dahon upang di mamatay. Salamat naman at nakagawa narin kami ng bonfire.
****
Magkatabi kaming natulog ni Nicolai sa loob ng aming maliit na kanlungan at ako'y nakayakap sa kanya. Kanina ay wala akong mahanap na bagay na puwede naming gawing kumot kaya isa na namang malamig na gabi ang aming titiisin. Hindi pa sapat ang init ng apoy. Yakap na lamang ang tanging paraan namin upang malabanan ang ginaw. Yung aming mga damit at pantalon ay nagsisimula ng mapunit. Nag-aalala ako na baka sa mga susunod na araw ay wala na kaming saplot sa katawan. Pag-iisipan ko muna ito ng paraan kung paano ko ito masusulosyonan.
"May plano ako bukas," sabi ko kay Nico. Nakahiga ang kanyang ulo sa braso ko.
"Ano yun?" tanong niya sakin.
"Tulongan mo kong gumawa ng balsa," sagot ko.
"Bakit? May balak ka bang umalis sa islang 'to?" bigla siyang napalingon sa akin at nagsalubong ang kanyang mga kilay.
"Oo," sagot ko. Nagbago na kasi yung isip ko. "Pero hindi muna sa ngayon. Ayokong-" naputol ang aking salita nang ako'y sinabad ni Nico.
"Ba't mo naman naisipan yan, ha? Wag na! dito nalang tayo, okay? Pano kung mapapahamak tayo dun sa karagatan? At saka, saan ba tayo pupunta? Wag mo sabihin sakin na babalik tayo sa lungsod." Sumama ang mga tingin niya sakin.
Natigil ang pag-uusap namin nang may narinig kaming kakaibang ingay sa himpapawid. Tumahimik kami ni Nico at pinakinggan namin ng mabuti ang tunog na ito. Base sa aking naririnig, parang isa itong malakas na hangin na galing sa isang propeller ng aircraft.
"Helicopter," sambit ko sabay dilat ng aking mga mata.
"Oo, parang ganun na nga," sumang-ayon naman si Nicolai sa hinala ko. "Tara! humingi tayo ng tulong!"
Bilis kaming bumangon at tumayo. Kinuha ko ang nilikha kong tanglaw at sinunog ko ang dulo nito sa apoy saka kami kumaripas ng takbo patungo sa tabing-dagat.

Komentar Buku (36)

  • avatar
    MAGUIGADJM

    ⁿⁿⁿⁿ

    9d

    Β Β 0
  • avatar
    Plaza Akiyuri

    you po mama de Venta en San Diego county ok po I love you you daddy is you daddy is you daddy is you too po Kase ako you daddy is you daddy is you daddy is you daddy is you daddy is going to get me to the moon and the stars ok po sabi ingat you daddy and I will be home in about an you daddy and I love the stars mean to the moon is you too po sabi ingat po kayo I love it so far so good how are the stars ok po sabi you daddy and the stars mean to the stars ok I love the stars mean to send tha one

    20/08

    Β Β 0
  • avatar
    AyeshaAkiko MeΓ±oza

    i like it

    29/07

    Β Β 0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru