logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Chapter Two

π—‘π—œπ—–π—’π—Ÿπ—”π—œ 𝗣𝗒𝗩
Nanlaki ang mga mata ko sa nangyari kina Abe at Theo.
Diyos ko, patay na ba sila? Patay na ba ang mahal ko? Hindi! Hindi maaari! Panginoon, humihingi ako ng tulong sa inyo!
Wala akong maisip na ideya kung ano ang dapat kong gawin para mailigtas silang dalawa. Ayokong kalabanin ang mutant dahil paano si Ruthie? Kailangan ko siyang protektahan. Hindi ko puwedeng pabayaan ang bata. Iyak parin siya ng iyak. Nakakapit ang mga kamay niya ng mahigpit sa braso ko.
Walang habas paring pinagwawasak ng halimaw ang aming plane at si Thomas ay umiiyak narin habang sinusubukan niyang kontrolin ang paglipad nito. Pinilit ko ang sarili ko na magpakatibay at wag matakot pero kabaligtaran iyon, takot na takot ako sobra at ako'y umiyak narin ng tahimik.
Mamamatay na ba ako? Ayokong pang mamatay dahil hindi pa ito ang tamang oras. Marami pa akong gagawin sa buhay bago ako mawala dito sa mundo. Pero kung itinadhana ko na ang gabing ito, wala na akong magagawa.
Kalaunan ay narinig ko nalang ang pagbasak ng plane sa dagat at nabasag lahat ng salamin. Pumasok ang mga tubig dito sa loob at nabasa kami. Bumangga yung ulo ko sa katapat na upuan. Nahilo ako at lumabo yung aking mga paningin hanggang sa natanto kong nakalutang na ako at pumasok ang mga tubig sa ilong ko. Hindi na ako makahinga. Ako'y nasasakal na. Nalulunod na kaming tatlo sa ilalim ng karagatan. Di ko na naramdaman pa ang yakap ni Ruthie. Nabitawan niya ata ako. Si Thomas, ano nang nangyari sa kanya? Padilim na ng padilim ang paligid. May napansin akong dugo na kumalat sa tubig bago ako nawalan ng malay. Kanino kaya galing ang mga dugong iyon? Kanino?
****
Nagising ako sa hampas ng tubig na sumampal sa aking mukha. Nakikita ko ang pagsikat ng araw. Umaga na. Bumungad sa akin ang isang puting buhangin at mga iilang piraso ng kabibe. Teka, nasaan ako? Agad akong napabangon at dali-daling tumayo. Nilibot ko ang tingin ko sa buong paligid. May puno ng mga niyog, mga orkidyas at pako, mga iilang kakahuyan, nagtataasang mga damo at mga naglalakihang bato. Isa itong maliit na lupain na nag-iisa lamang sa gitna ng karagatan. Nasa isang isla pala ako ngayon.Β 
Si Theo, nasaan na siya? Si Abegaille, Ruthie at Thomas? Ang mga bata, saan ba kaya sila napadpad?
Kumilos na ako at hinanap sila. Tinawag ko ang kanilang mga pangalan ng paulit-ulit. Nagbabakasakaling naririto lamang sila. Ako nalang ba ang buhay? Ako nalang ba ang nakaligtas? Habang naglalakad ako sa tabing-dagat, unti-unti nang namumuo ang luha sa mga mata ko hanggang sa ako ay tuloyang umiyak dahil sa pag-aalala na baka makulong ako sa lugar na ito habambuhay. Kinuros ko ang aking mga braso upang yakapin ang sarili. Giniginaw ako. Basang-basa na yung damit at pantalon ko.
Kanina pa ako sigaw ng sigaw dito kaso wala akong naririnig na sagot. Kahit boses man lang ni Theo o ang mga anak ko. Di ko kayang mabuhay ng mag-isa sa islang 'to. Mas lalo akong malulungkot kung wala akong kasama. Bakit palagi nalang kamalasan ang dumadating sakin? Bakit ba? Kung magiging ganito palagi ang takbo ng buhay ko, mas mabuti pa sigurong patayin ko na ang sarili ko.
May natagpuan akong isang matulis na bato sa buhangin kaya kinuha ko ito at ako'y umupo. Tumanaw ako sa dagat at pagkaraan ng mga ilang minuto ay pumikit na ako. Kinuyom ko ang mga kamay ko at hinanda ang sarili. Di ko na kaya, gustong-gusto ko ng takasan ang marahas na mundong 'to. Ano pa bang dapat na ipag-aksaya, diba? Malabo na para sa akin na tuparin ang misyon ko. Andito na ako sa kalagitnaan ng karagatan at walang sinuman ang makakaligtas sakin, paano ko maipagpatuloy ang aking mga plano?
Wala na si Theo at Abegaille, pati na ang mga bata. Sa palagay ko ay patay na silang lahat kaya magpapakamatay nalang din ako. Wala ng kuwenta itong paglalakbay ko. Tinaas ko na ang isa kong braso at itinapat ang hawak kong bato sa bahagi ng aking pulso. Balak kong hiwain ang aking balat. Heto na't maglalaslas na ako subalit ako'y natigil nang marinig ko ang malakas na sigaw ni Theoden sa malayo. Tinatawag niya ang pangalan ko.
"Nico!"
Nang makita ko siya, para akong nabuhayan at nabigyan ng sigla.
"Theo..." pabulong na sambit ko pero sinigaw ko na ang pangalan niya, "Theo!"
Bilis akong tumayo at tumakbo. Napangiti siya ng malaki nang ako ay makita niya at siya ay tumakbo patungo sakin. Tinapon ko agad ang bato sa dagat at nang kami'y magkasalubong na, niyakap ko siya at niyakap niya rin ako. Humalik ako sa labi ni Theo at umiyak ang mahal ko sa aking harapan.
"Akala ko patay kana," nag-alalang sabi niya sakin matapos ang halik ko.
"Akala ko rin, salamat nama't buhay ka." Napahawak ako sa kanyang mga pisngi. "Nasan si Ruthie? Nakita mo ba siya? Sila Thomas at Abe?"
Nawala ang imik ni Theo at siya'y napaiwas sakin ng tingin na para bang naghahanap siya ng sagot sa hangin.
"Sagutin mo ko, nakita mo ba sila?" pumaos ang boses ko dahil sa nanikip yung aking lalamunan. Nahihirapan tuloy akong magsalita.
"Si Abe," banggit niya.
"Bakit anong nangyari kay Abegaille?" mausisang tanong ko.
"Nang mapadpad kami dito...si-sinubukan ko siyang..." pati si Theoden ay nahirapan naring magsalita, siya'y nauutal. "Sinubukan ko siyang iligtas...at ginawa ko na lahat ang makakaya ko pero wala naβ€”di na siya humihinga."
Napabitaw ako kay Theo at umalis ako sa harapan niya. Hindi kalayuan ang distansya ko sa kanyang kinatatayuan. Nagulat ako sa balitang aking natanggap. Tumalikod ako at tumingin sa dagat. Ano na bang nangyayari? Di ko na maiintindihan kung bakit ganito. Ba't ako palaging sinasaktan ng diyos? Anong rason bakit pinapatay isa-isa ang mga mahal ko sa buhay? Kailangan ko ng sagot. May nagawa ba akong kasalanan para parusahan ako? Alam kong pagsubok lamang ito pero bakit ba sobra na? Sobra na ang pagpapasakit sakin. Naubosan na ako ng mga luha kaya wala na akong mailabas subalit yung puso ko, durog na durog na katulad ng buhangin.
"Si Ruthie at Thomas? Natagpuan mo ba ang mga anak natin?" kalmadong tanong ko sa kanya pero may kasamang bigat sa mga salitang ito.
"Di ko alam kung nasaan na ngayon ang mga bata, Nico. Kanina ko pa nilibot ang buong isla kaso wala parin akong nakikitang Ruthie at Thomas," sagot niya sakin.
Ibig bang sabihin nito ay patay narin sila?
Tulala akong pinanood ang mga alon. Ang hirap paniwalaan na patay na ang mga taong kasama ko pa kagabi. Ano ba ang dahilan bakit dinadamay ng kapalaran ang buhay ng mga anak ko. Ba't sila pa? Napakabata pa nila. Di nila karapat-dapat na mamatay katulad ni Luther. Ako'y napasabunot sa aking buhok. Napabitaw ako ng mabigat na paghinga. Nababaliw na ako sa mga nangyayari.
"Nasan ang katawan ni Abegaille? Gusto kong makita." Humarap na ako kay Theo at nilapitan ko siya.
"Nilibing ko na ang katawan niya sa buhangin," tugon niya sa akin at inabot niya ang aking mga kamay. "Ayokong maniwala na patay na ang mga anak natin, Nico. Alam kong buhay pa sila."
"Pano mo nasabi yan?" tanong ko.
"Sa palagay ko, napadpad lang sila sa ibang isla," duda niya.
"Imposible," sabi ko kasabay ng aking pag-iling.
"Wag kang mawalan ng pag-asa, okay? May posibilidad iyon at hahanapin natin sila," saad ni Theoden habang nakatitig siya sa mukha ko.
"At paano?" tinaasan ko siya ng kilay.
"Maghahanap tayo ng paraan," sagot niya. "Kung totoo man ang Arcadia, hihingi tayo ng tulong sa mga tao dun na hanapin ang mga anak natin."
"Sana nga totoo ang lugar na 'yon." Pinunasan ko ang mga luha sa bawat pisngi ni Theo at ako ay yumakap muli sa kanya.
"I love you," bulong ni Theoden sakin at hinagkan niya ko sa noo. "Wag kang sumuko, naiintindihan mo ba ko?"
"Oo," tumango ako sa kanya.
Siya ay napabuntong-hininga at sinabing, "Kung pagod kana, pati ako ay napapagod narin pero hangga't magkasama tayo, kailangan nating tiisin 'to at pilitin ang isa't isa na lumaban. Walang bibitaw. Walang magpapatalo."
"Muntik ko ng tapusin yung buhay ko kanina kasi akala ko ay patay na kayong lahat. Sa tingin ko ay isa parin akong mahina at talunan, Theo. Duwag parin ako kahit ano pang gawin ko para magpakatapang," sabi ko.
"Huwag mo ng gawin yan ulit, please. Wag kang magpakamatay," pakiusap ni Theoden at nabalot ng pangangamba ang mga tingin niya sakin.
"I'm sorry," hingi ko ng tawad.
"Hindi pa patay sila Ruthie at Thomas. Sigurado ako diyan," aniya.

Komentar Buku (36)

  • avatar
    MAGUIGADJM

    ⁿⁿⁿⁿ

    9d

    Β Β 0
  • avatar
    Plaza Akiyuri

    you po mama de Venta en San Diego county ok po I love you you daddy is you daddy is you daddy is you too po Kase ako you daddy is you daddy is you daddy is you daddy is you daddy is going to get me to the moon and the stars ok po sabi ingat you daddy and I will be home in about an you daddy and I love the stars mean to the moon is you too po sabi ingat po kayo I love it so far so good how are the stars ok po sabi you daddy and the stars mean to the stars ok I love the stars mean to send tha one

    20/08

    Β Β 0
  • avatar
    AyeshaAkiko MeΓ±oza

    i like it

    29/07

    Β Β 0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru