logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

The Descendant

The Descendant

Xtraordinarious


Chapter One

π—‘π—œπ—–π—’π—Ÿπ—”π—œ 𝗣𝗒𝗩
Nasaan na ba ang Island City?
Ito ang katanungang tumatatak parin sa loob ng aking isipan habang ako ay tumatanaw sa labas ng pintoan. Kanina pa namin hinahanap ang Arcadia. Sa tingin ko ay ilang milya pa ang aming liliparin bago kami makarating doon. Madilim na ang paligid at nanlalamig na ang aking balat dahil sa ihip ng hangin. Mas lalo ko pang nadama ang ginaw nang magsimulang bumilis ang kabog ng dibdib ko. Nininerbyus ako. Takot na takot na baka maubosan ng gasolina ang plane ni Thomas. Kung may matatagpuan lang sana kaming isla dito, hihinto muna kami sa paglalakbay para makatipid ng gasolina at para kami ay makapagpahinga narin.
Pero paano ba ako makakahanap ng isla kung madilim na ang buong lugar? Wala akong masyadong makita sa malayo pati na sa baba. Kahit na isingkit ko pa ang mga mata ko para linawin ang aking mga paningin subalit wala talaga. Ang dilim. Napakadilim. Makakatulong sana ang sinag ng buwan pero wala akong buwan na nakikita sa kalangitan, sa halip mga maiitim at makakapal na mga ulap ang natatanaw ko sa ibabaw. Mukhang masama ang pakiramdam ko sa panahon ngayon, parang di maganda.
Nang lumingon ako sa likod ko, nakita ko ang anak ko, si Ruthie na natutulog na at nakahiga ang kanyang ulo sa hita ni Abegaille. Pinanood ko muna siya sandali at ako ay napangiti. Ewan ko ba kung bakit nangiti ako habang pinagmamasdan ko ang bata. Siguro natutuwa lang ang damdamin ko dahil okay na siya. Kanina kasi ay walang tigil sa pag-iyak si Ruthie simula nung makita niya ang nangyari sa kanyang ate Isabelle. Nalungkot ako at naawa para sa kanya. Nasasaktan parin ang puso ko dahil sa mga nangyari kanina.
Huminga ako ng malalim. Nilanghap ko ang masarap na simoy ng hangin. Sana pagaanin nito ang dibdib ko na punong-puno na sa problema. Punong-puno na ako at parang ako ay nalulunod na sa kalumbayan.
Maliban kay Ruthie, mahimbing din ang tulog ni Abegaille ngayon at nakasandal ang kanyang ulo sa salamin ng bintana. Mukha siyang pagod at napangit ang itsura niya dahil sa mga luha na naging dahilan sa pagkasira ng kanyang make-up at ang wig naman niya ay nagulo. Nawala tuloy ang ganda niya. Kailangan niyang ayusin ang kanyang sarili kapag nagising na siya. Nakakatawa siyang panoorin.
Napansin kong nag-uusap sila Theo and Thomas. Gusto ko sanang makisali sa kanilang usapan pero wag nalang. Dapat akong magpukos sa pagbabantay kasi di ako nakakasigurado na magiging ligtas itong paglalakbay namin. Sana gabayan kami ng diyos. Magdadasal ako. Sa kanya nalang ako kumakapit ngayon.
Mayamaya ay napatuon ang mga mata ko sa kawalan. Natulala ako dahil sa lalim ng iniisip ko. Minsan, napapatanong ako sa sarili ko kung hanggang saan ba magtatapos ang mga suliranin ko sa buhay. Kung ano ba ang kinabukasan ko. Kung ano ang susunod na mangyayari sa hinaharap. Sa totoo lang ay napapagod nako. Pagod na pagod na sobra. Sana matapos na ang lahat ng ito upang ako'y makapagpahinga na.
Hinawakan ko ang butterfly pendant sa suot kong kuwentas. Mabuti nalang ay hindi pa ito nawala sa leeg ko. Pinikit ko ang aking mga mata at may isang bagay akong sinabi sa loob ng utak ko: Nicolai, may mga misyon ka pa na kailangan mong gawin at tapusin. Wag kang sumuko. Laban lang.
Ang tanong: buhay pa ba kaya ngayon sila Mikhael, Josiah, at ang iba pa? Sa totoo lang ay nag-aalanganin akong bumalik sa El Banya. May posibilidad na patay na sila. Sana mali itong iniisip ko. Basta sigurado na ako sa aking desisyon na babalikan ko sila doon sa lungsod at sila ay hahanapin ko kahit na ikakapahamak ko ito.
Hintayin mo lang ako, Mikhael. Babalikan kita.
Pangako yan.
****
π—§π—›π—˜π—’π——π—˜π—‘ 𝗣𝗒𝗩
Kanina pa ako hindi mapakali. Ako ay nababahala sa paglalakbay na ito. Tanaw ako ng tanaw sa bintana na nasa harapan ko ngunit wala talaga akong natatagpuang isla. Balik kong tiningnan ang pulang guhit sa hawak kong mapa na nagtuturo sa direksyon ng Arcadia. Duda ko ay may mali sa mapang ito.
"Tama ba kaya itong direksiyon na patutungohan natin, anak?" napatanong ako kay Thomas habang siya ay nagmamaneho. Kunot-noo akong nakatutok sa mapa. Inaanalisa kung wasto ba kaya ang tinuturo ng guhit.
"Di ko alam, papa." Nagkibit-balikat si Thomas. "Kumusta na po diyan sila Ate Abegaille at si Ruthie?"
Lumingon ako sa likod ko at sinilip ang dalawa bago ko sinagot ang anak ko, "Tulog na sila."
Nakita ko si Nicolai na tulalang nakaupo sa upuan habang nakatuon ang kanyang mga mata sa labas ng pintoan. Napaka-steady ng posisyon niya. Halos wala akong napansing paggalaw sa kanyang mga kamay at paa. Nagmistula siyang estatwa. Ang lalim naman ng iniisip nito. Mukha siyang malungkot. Sa tingin ko ay tungkol ito sa nangyari kanina, ang pagkamatay nila Isabelle at Tanya. Kung ano man itong bagay na bumabagabag sa loob ng utak niya, sana malaman ko iyon upang matulongan ko siya.
Ang buhok ni Nico ay unti-unti na palang humahaba. Malapit na itong umabot sa leeg niya. Kung magiging tapat ako, hindi ko gusto ang kulay ng buhok niya ngayon. Para sakin ay pangit itong tingnan pero dahil sa kagustohan niya ito, wala akong magawa kundi suportahan na lamang siya sa pamamagitan ng pagsisinungaling at pagpanggap. Kunwari ay nagagandahan ako sa kanyang bagong itsura at kailangan kong panindigan ang pagkukunawang ito kasi mahal ko siya at ayokong saktan yung damdamin niya.
Ibinaling ko na ang aking mga tingin sa bintana at ako'y tumanaw muli sa labas. Umaasa na sana ay makita ko na ang Arcadia. Natatakot ako na baka kung ano ang naroroon sa malayo. Kung ano makakasagupa namin sa aming paglalakbay o baka kaya kung ano ang aming matatagpuan. Ayoko naman talagang puntahan ang Island City na 'to dahil may masamang kutob ako sa lugar na ito pero tingnan nalang natin, baka naman mali ako sa mga hinala ko.
Sinandal ko ang ulo ko sa headrest ng upuan at pinikit ko saglit ang aking mga mata. Inaantok na ako. Ang sarap ng matulog pero hindi ito puwede, kailangan kong maging alerto at dapat nakabantay ako parati sa paligid katulad ng ginagawa ni Nicolai. Piliting idilat ang mga mata. Bukas at kunwari ay masigla kahit na dinadalaw na ako ng antok. Titiisin ko na lamang ito.
Napakagat ako sa aking labi dahil sa pangingirot ng bawat pisngi ko lalong lalo na sa kabilang bahagi ng mga ngipin ko. Parang tinutusok-tusok ng karayom ang balat ng mukha ko at pinagpupukpok ng martilyo ang aking gilagid. Grabe yung mga suntok na natanggap ko galing kay Steffen kanina. Muntik na nga akong mapatay nung magtangka siyang saksakin ako gamit ang kutsilyo. Mabuti nalang ay naagaw ko iyon at napatay ko siya. Sa naalala ko, sinaksak ko siya sa dibdib pero di ako sigurado kung tumama ba talaga iyon sa puso niya. Ewan ko ba pero bahala na, ang mahalaga ay nakaalis na kaming lahat sa abandonadong lungsod na iyon at natalo namin ang mga kalaban.
Binuka ko na aking mga mata at dumungaw ako sa baba. Nakita kong naglalakihan na ang mga alon sa dagat at nagulat ako sa biglaang pagkislap ng ilaw mula sa kalangitan. Kumislap ito ng tatlong beses sa dalawang segundo. Mga kidlat pala iyon mula sa mga maiitim na ulap. Kung may namumuo ng mga kidlat, isa itong hudyat na may paparating na masamang panahon. Nanindig ang mga balahibo sa bawat braso ko nang dumampi ang malamig na hangin sa akin na nagmula sa bukas na pintoan ng plane.
"Mali ito." Napailing ako at dismayang tinupi ang mapa. "Mukhang mali ang itinuturong direksyon sa mapa. Walang kuwenta."
"Oo nga, papa," sumang-ayon naman sa akin si Thomas. "Yan din ang kutob ko at isa itong trap. Ilang oras na tayong naglalakbay dito sa himpapawid kaso wala parin akong nakikitang isla. Walang Arcadia."
"Sabi ko na nga ba." Ako'y napairap at inilagay ko na sa loob ng aking bulsa ang mapa. Sinuksok ko ito ng mabuti upang hindi mawala.
"Anong problema?" napatanong sa amin si Nicolai. Lumapit siya at umupo sa pagitan naming dalawa.
"Mapapahamak na tayo." Nag-aalala kong sagot sa kanya at napabuntong-hininga ako. Ako ay napasapo sa aking noo.
"Ha?" Napaismid si Nico. "Anong ibig mong sabihin?"
"Duda ko po ay mali ang itinuturo ng guhit sa mapa kasi kung tama ito, dapat nakarating na tayo ngayon sa Arcadia. Pakiramdam ko po ay isa itong patibong," si Thomas ang sumagot sa kanya.
"Naku, paano na yan? Sigurado ba kayo diyan?" Namuo ang takot sa mukha ni Nicolai. "Naliligaw na ata tayo."
"What if wala talagang Arcadia?" biglang nagsalita si Abegaille na ngayon ay gising na. "What if it doesn't exist? Baka kasinungalingan lang ang tungkol sa Island City. Maybe Thomas is right, it's a trap."
"Ano ng gagawin natin, Theo?" nag-alala ang mga tingin ni Nicolai sa akin.
"Gagawin? Wala." Kinibit ko ang aking mga balikat. "Nasa gitna tayo ng karagatan at sino ba ang mahihingian natin ng tulong? Wala ng ibang paraan, Nico. Walang makakatulong sa atin dito."
"We're going to die." Umiyak si Abe.
Napaigtad kaming apat sa pagkagulantang ng marinig namin ang malakas na kulog mula sa kalangitan kaya si Ruthie ay napagising bigla at napamulagat ang mga mata niya sa sobrang takot.
May mga pumapatak sa ibabaw ng plane. Mga patak ng ulan hanggang sa bumuhos ito ng malakas at muling kumulog at kumidlat ang mga ulap sa himpapawid. Bilis na niyakap ni Nico si Ruthie habang ako naman ay kumapit ng mahigpit sa upuan nang biglang lumakas ang ihip ng hangin. Di na tuloy makalipad ng maayos ang aming plane. Hindi ako natatakot sa panahon, si Thomas ang kinatatakutan ko kasi nahihirapan siya sa pagkontrol ng manibela. Mukhang hindi pa siya sanay sa ganitong sitwasyon. Kailangan niya ng gabay. Pero paano ko ba siya magagabayan eh hindi naman ako bihasa sa mga technique ng isang piloto? Wala akong karanasan sa mga ganito.
"Anak, kaya mo pa ba?" tanong ko kay Thomas.
"Opo papa, ako na po bahala," matapang niyang sagot sakin pero di ako nakumbinse, alam kong nahihirapan na siya at natatakot. Nakadilat ang mga mata ni Thomas at nanginginig na ang bawat kamay niya.
Tumagilid sa kanan. Tumagilid sa kaliwa. Nawawala na sa tamang posisyon ang plane na tila'y pinipilit kaming ibagsak sa matinding hagupit ng hangin. Sa bawat kislap ng kidlat, may isang kakaibang bagay akong nakikita sa ilang metro. Sumasalubong ito sa amin. Pinagmasdan ko ng mabuti kung ano ang itsura nito. Sa aking napapansin, may malaking pakpak ito na kasingtulad sa pakpak ng paniki at may mahaba itong buntot. Hindi karaniwan porma ng katawan niya. Hindi ko rin masasabi na isa itong klase ng ibon. Nahihirapan akong ilarawan ito ng tama.
"Shit!" Napamura ako ng matanto ko na isa pala itong mutant na paparating sa amin.
"What? What is it?" tanong sa akin ni Abe nang siya ay nagtaka sa reaksyon ko.
"May mutant na paparating!" sagot ko sa kanya at bilis kong binunot ang aking baril mula sa holster ko.
"No way," sabi niya at kinuha niya rin ang kanyang armas na nakatago sa kanyang likuran. Pati si Nico, inabot naman niya ang kanyang baril na nakasuksok sa loob ng bota niya.
"Patayin natin ang halimaw na 'to bago pa niya masira ang plane," ani Nicolai kasabay ng paghaltak niya sa barrel ng armas.
"Nico, kami na ang bahala ni Theo. Wag kana munang lumaban dahil alam kong pagod ka. Andami mo ng ginawa sa labanan kanina. All you need to do for now is to keep Ruthie safe," saad ni Abegaille sa kanya.
"Okay sige." Pumayag nalang si Nicolai.
Si Abegaille ang unang tumungo sa pintoan at ipinunterya niya ang kanyang baril doon sa umaatakeng mutant. Si Nicolai naman ay nanatili lang sa kanyang puwesto habang nakakandong si Ruthie sa mga hita niya. Nakayakap parin siya ng mahigpit sa bata.
Paglabas ko sa pintoan ay kumapit ako ng mabuti sa handlebar upang hindi ako mahulog. Tumayo ako sa likuran ni Abe at ginaya ko siya. Tinaas ko na ang baril ko at itinutok ito sa paparating na kalaban.
"Papa!" napasigaw ng malakas si Thomas ng makita niya sa kanyang harapan ang mutant kaya agad na naming pinagbabaril ang halimaw.
Nahihirapan akong makakita ng maayos dahil sa mga patak ng ulan na humahampas sa mukha ko pati na sa aking mga mata. Nabasa kami ni Abegaille. Tiniis naming dalawa ang lamig.
Nang makalapit na ang mutant sa plane ay pinagbabasag nito ang salamin ng bintana sa harapan gamit ang matutulis niyang mga kuko sa kamay. Balak ko sanang barilin ito sa puso kaso di ko maipunterya ng maayos ang baril ko dahil sa pagiwang-giwang na ang aming sinasakyan kaya tumatama tuloy ang mga bala ko sa ibang direksyon. Nahirapan ang patayin ang halimaw.
Sumigaw sa amin ng malakas ang mutant ng matamaan ito ni Abe ng bala sa mata. Dahil sa matinding galit nito, mas lalo siyang bumangis at pinagkakagat niya ang mga bahagi ng plane. Nagwala ang mutant. Naging bayolente ito. Sa loob ay naririnig ko ang paghagulgol ni Ruthie. Takot na takot na ang bata sa halimaw. Patuloy parin naming pinagbabaril ni Abe ang kalaban. Wala kaming tigil sa pagputok ng armas kahit nahihirapan na kami sa aming sitwasyon hanggang sa nanlaki ang mga mata ko sa gulat nang pinagwawasak ng mutant ang pakpak ng plane.
"Fuck!" napasinghal si Abe nang makita niya ang ginawa ng halimaw.
"Theo, ang plane!" bulyaw sa akin ni Nico nang mapansin niyang pababa na ng pababa ang aming sinasakyan.
"Papa! Tinulongan niyo po ako! Di ko na makontrol ang manibela!" Sigaw naman ni Thomas habang sinisikap niyang paliparin ang plane.
Ilang sandali ay tumigas ang mga kalamnan ko at huminto sa pagtibok ang aking puso nang tumama ang kidlat malapit sa kinatatayuan namin ni Abe. Sa kuryenteng pumaparalisa sa buong ugat ko at pumatay sa lakas ng aking katawan, ako ay nawalan ng kilos at napabitaw ang isa kong kamay sa handlebar. Sabay kaming nahulog ni Abe at nawala na sa palad ko ang baril.
"Theo! Abe!"
Sigaw iyon ni Nicolai ang narinig ko bago ako bumagsak sa dagat at nalunod sa ilalim. Ang huli ko lang na nasaksihan ay ang pakpak ng plane na unti-unti ng mawasak at pabagsak na ng pabagsak ang kanilang sinasakyan. Wala ng tsansa pa. Wala ng pag-asa. Ginawa ko na ang aking makakaya. Mamatay na kami at ito na nga ang katapusan naming lahat.Β 

Komentar Buku (36)

  • avatar
    MAGUIGADJM

    ⁿⁿⁿⁿ

    9d

    Β Β 0
  • avatar
    Plaza Akiyuri

    you po mama de Venta en San Diego county ok po I love you you daddy is you daddy is you daddy is you too po Kase ako you daddy is you daddy is you daddy is you daddy is you daddy is going to get me to the moon and the stars ok po sabi ingat you daddy and I will be home in about an you daddy and I love the stars mean to the moon is you too po sabi ingat po kayo I love it so far so good how are the stars ok po sabi you daddy and the stars mean to the stars ok I love the stars mean to send tha one

    20/08

    Β Β 0
  • avatar
    AyeshaAkiko MeΓ±oza

    i like it

    29/07

    Β Β 0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru