logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Bab 6 Let Me Take Care Of You

ANG BILIS lumipas ng mga araw. Parang kailan lang may isang linggo pang natitira sa bakasyon, pero heto at ikalawang araw na niyang pumapasok sa eskwela.
Na-miss niya ang mag-aral. Pero mukhang ang bilis din niyang ma-miss ang bakasyon. Dalawang araw palang, noong linggo ang huling pagbabantay niya sa tindahan nila at iyon din ang huling araw ng pagtatrabaho ni Ray kay Mr. Ching. Dalawang araw palang pero miss na miss na niya ang divisoria.
Siguro kasi, iyong huling dalawang linggo niya roon ang kakaiba sa mga bakasyon na nagdaan. It become memorable for her. Iyon kasi ang huling bakasyon na hindi siya nagutom. Palagi kasing nanlilibre si Kakay. Pero alam naman niyang hindi talaga kay Kakay galing iyon. Alam na alam niyang galing kay Ray ang araw-araw na supply nila ng shawarma.
Mahirap tumanggi sa grasya, iyon ang palaging sinasabi ng Nanay Mila niya. Pero kasi nahihiya siya sa binata.
Hindi lingid sa kaniya na may kaya ito sa buhay, hindi rin naman nito iyon itinatanggi, pero kung gaano ito kayaman iyon ang hindi niya alam. Sa tingin nga niya, hindi naman nito kailangang magtrabaho kay Mr. Ching. Ayaw niyang mag-assume kung bakit iyon ginagawa ni Ray. Ayaw niyang mag-assume na siya ang dahilan. Iniisip niyang iba lang talaga ito sa ibang mayayaman na umaasa sa yaman ng mga magulang.
Para sa kaniya, Ray is something different, at natutuwa siya rito dahil hindi ito nangmamata ng mga tulad niyang hikahos sa buhay. Naging palagay ang loob niya rito dahil hindi nito ipinaramdam kahit minsan ang agwat ng buhay nila. Halos kaibiganin na nga nito ang lahat ng tindero't tindera sa divisoria, iyon nga lang mas madalas itong sa tindahan nila nakatambay.
Hindi ito mahirap mapalagayan ng loob. Kahit nga ang tatay niya, ipinaubaya siya rito. Pinayagan ito ng Tatay Roberto niya na manligaw sa kaniya, nasa sa kaniya naman na daw kung sasagutin niya ito kaagad.
Iyon nga lang, niliwanag niya sa binata na hindi pa siya handa. Na wala pa sa isip niya ang pakikipagrelasyon dahil istorbo iyon sa pag-aaral. Na magiging sakit lang niya iyon sa ulo at higit sa puso.
Nakatira siya sa squatters area sa lungsod ng Maynila. Lugar na magulo, maingay, marumi. Iba't iba ang ugali ng mga taong naninirahan at iba't iba ang hanapbuhay. Mayroong marangal, mayroong kapit sa patalim at talamak ang droga.
Sa lugar nila, normal na ang maging dalagang ina o batang ina. Ilan ba sa populasyon sa parteng iyon ng divisoria ang mga kakilala at dating kaklase niya na kung hindi nagdadalan-tao ay nagpapalaki na ng sariling anak, pero mga nakaasa pa rin sa mga magulang.
"Tisay, pumuputok na iyang uniform mo, ah. Ayieee! Lumalaki na ang dibdib niya!" puna ni Jessica, isa sa mga kaklase niya, na sa lakas ng pagkakasabi ay narinig na ng iba pa.
"Baka may lumalamas na!"
"`Yon o! May lumalamas na sa dibdib ni Tisay! Sino, Tisay? Iyong pogi ba na sumundo sa `yo kahapon?"
Nahihiyang ipinangharang ni Tisay ang libro niya sa bandang dibdib. Napansin nga niyang sumikip ang uniporme niya. Kahit ang paldang suot ay kinailangan na niyang lagyan ng perdible para mapagkasya pa sa baywang.
"Hindi totoo `yan. Kaibigan ko lang si Ray."
"Asus! Ano bang masama? Natural na lang sa mag-jowa ang nagmi-make out. Uso na rin ang pre-marital sex, Tisay. Huwag kang conservative, baka iwan ka ni pogi," wika ni Meril, iyong nagsabi na baka may lumalamas na sa dibdib niya.
Kilala niya si Meril, alam niya ang pagiging wild nito. Sa katunayan isa ito sa mga kilala niyang gumagawa ng kababalaghan sa room kapag wala silang guro sa isang subject. Doon sa cr na nasa loob ng room nila, madalas nakikipag-make-out sa boyfriend nito. Hindi niya alam kung make-out lang ba, madalas kasi parang higit na doon lalo na kapag nadidinig na nila ang ungol ng magnobyo. Kapag gano'n, lumalabas na siya ng classroom, siya kasi ang kinikilabutan sa kung ano ang nangyayari sa dalawa sa loob ng banyo.
"Masarap ang sex. Inform lang kita kung hindi mo pa nararanasan. Alam mo iyon? Halik palang parang solb na, pero mas may langit pa kapag nilalamas na iyong dibdib ko, tapos hahalikan ako pababa sa leeg, hanggang marating ang dyoga ko…"
Ayaw niyang marinig. Nangingilabot siya. Kailangan pa bang ipagsabi? Hindi ba ito nahihiya?
Isa-isa na niyang iniligpit ang mga gamit niya. Isinabit niya ang strap ng bagpack sa magkabilang balikat niya at kinipkip sa dibdib ang isa sa mga libro niya.
"Nasa college na iyon, Tisay, di ba? Iyong mga gano'n ang masarap sa kama. Naku! Kahapon ko lang nakita iyong jowa mo, pero nanggigigil na ako. Ano, Tisay? Magaling ba?"
Hindi niya ito sinagot, tumayo na lang siya at nag-excuse dito.
Patuloy pa rin sa pagkukuwento si Meril sa makamundo nitong ginagawa. Ayaw niya itong husgahan. Iba-iba naman kasi tayo ng pag-iisip. Hindi lang talaga siya kumportableng makinig. Na kay Meril naman na ang atensiyon ng iba nilang kaklase, kaya ayos lang na iwan niya ito. Sa library na lang siya tatambay habang wala pa ang susunod nilang guro.
Sa dalawang linggong natira sa bakasyon niya, sagana siya sa pagkain. Hindi siya nakaramdam ng gutom. Hindi niya kinailangang magtipid. Alam niyang galing kay Ray ang ipinanlilibre sa kaniya ni Kakay, hindi na lang niya tinanggihan dahil sayang. Masama ang tumanggi sa grasya. Ayos lang naman dahil alam niyang iniisip ng binata na ang alam niya, libre iyon ni Kakay.
Hindi niya boyfriend si Ray. Nanliligaw ito, oo. Pero nagkaroon na ng usapan sa pagitan nila. Hindi siya obligadong sagutin ito, not unless if she's ready to be in a relationship with him. Mabait ito. Maalalahanin. Maasikaso at higit sa lahat, may respeto.
Ramdam niya iyon. Sa tuwing nagkakadaiti ang mga balat nila kapag magkatabi sila sa pedicab, para itong napako at hindi gumagalaw. At ni minsan, hindi ito nagtangkang hawakan siya kahit daplis lang. Mabilis din itong iiwas ng tingin kapag tipong masisilipan siya nito sa mali niyang galaw. Kaya nga panatag siyang kasama ito.
Kaso, hindi pa talaga siya handa. Marami pa siyang gustong gawin. Marami siyang pangarap. Pangarap para sa tatay niya, para sa nanay, sa ate at para sa sarili. Isa pa, fifteen palang siya. Para sa kaniya, bata pa ang edad na iyon para makipagrelasyon agad.
Tahimik siyang pumasok sa library at pinili ang pwesto sa bandang dulo, kung saan hindi nakikita ng mga pumapasok doon dahil may bookshelves na nakaharang.
At kahit tago na ang lugar na inupuan, sa ibabaw ng mesa pa rin niya ipinatong ang bag para maging harang sa dibdib niyang malapit nang sumilip dahil sa sikip.
Luma na kasi ang uniporme niyang iyon. Gamit na niya ang blusa maging ang palda noong first year high school palang siya. Patuloy pa rin niyang ginagamit dahil kasya pa naman sa kaniya. Bahagya na nga iyong naninilaw dahil sa kalumaan, pero hindi naman sobrang dilaw.
Iyon nga, kaso lang mukhang tumaba siya nitong huling linggo. Ilan sa mga damit, lalo na sa mga shorts niyang mga luma na rin ang hindi niya na masuot-suot.
Nakakainis. Problema tuloy niya kung paano makakabili ng bago. Naubos ang ipon niya dahil nag-birthday ang tatlong mahalagang sa kaniyang buhay. Lagi namang ganoon. Taon-taon. Tuwing bakasyon. Kung bakit kasi nag-umpukan sa buwan ng Mayo ang birthday ng tatay, nanay at ate niya. Tapos siya sa October pa.
Sa dami niyang iniisip, hindi na niya maintindihan ang librong binabasa. Inilapag niya iyon at humilig na lang sa ibabaw ng bag niya.
Matagal na silang mahirap. Matagal na niyang pinagkakasya ang sarili sa mga lumang kagamitan na maaari pa niyang mapakinabangan. Hindi siya humihiling na mabilhan ng bago. Kuntento na siya sa kung ano ang mayroon siya. Kailangan makuntento dahil nga mahirap lang sila.
Kaso sa tanang buhay niya, ngayon niya lang dinamdam ang kahirapan ng buhay nila. Ngayon lang niya lubusang nakita na mas mahirap pa sila sa daga.
"Hey…"
Napakislot siya nang may yumugyog sa balikat niya. Nagtaas siya ng ulo mula sa pagkakasubsob ng mukha sa mga brasong nakapatong sa bag niya at kumurap-kurap.
Nangunot ang noo niya nang mapagtantong naroon pa rin siya sa mesang inokupa niya sa loob ng library. At gano'n na lang ang pagkamulagat niya.
Nakatulog siya!
"Ray?" tawag niya sa lalaking nasa harapan niya. Ito pala ang gumising sa kaniya.
Hala, iyong Chemistry subject niya!
"Why do you sleep here?"
Aligaga niyang dinampot ang bag at isinukbit sa isang balikat ang strap. "Hinihintay ko lang iyong susunod na subject ko. Wala kasi kaming teacher sa Math kaya dito na ako tumambay. Saglit, Ray, may isa pa akong subject."
"It's already eight, Tisay. Nagsisiuwian na ang ibang estudyante."
"Ha?!" Gano'n ba siya katagal nakaidlip? Hala, second day ng pasukan at may absent na agad siya sa isang subject!
"Hmmm, muntik ka nang mapagsarhan ng library. Pinapasok lang ako ni Manong Johnny dahil maaga raw pinauwi ang section ninyo pero hindi ka pa niya nakikitang lumabas," ani Ray na ang tinutukoy ay ang school guard nila.
Nanlalatang lumaylay ang kamay niyang may hawak sa strap ng bag na nakasukbit sa isang balikat niya. Dismayadong napabusangot siya.
"Ano ba `yan, absent na kaagad ako…"
"Ayos lang naman, Tisay. It's just the second day of school. Maaga nga rin yatang nagpauwi ang ibang teacher sa ibang section dahil marami pang hindi pumapasok." Kinuha nito ang bag sa balikat niya at isinukbit sa sariling balikat. Kukunin na rin sana nito ang libro na nasa lamesa pero agad niya iyong binawi at kinipkip para ipangharang sa dibdib.
Para namang nakuha ni Ray ang naging aksiyon niya. Nangunot lang ang noo nito at nagpakawala nang malalim na hininga bago nito inalis ang bag niyang kinuha nito, atsaka nito hinubad ang suot na pulang jersey jacket na kapareho noong ibinigay nito kahapon at isinuot sa kaniya, bago muling dinala ang backpack niya.
"Nasaan iyong binigay ko sa `yong jacket?" usisa nito.
Mabilis niyang iniiwas ang tingin dito.
Ngayon alam na niya kung para saan ang jacket na iyon. Marahil ay una na nitong napansin ang kasikipan ng uniporme niya at hindi lang nito pinuna para hindi siya mailang.
Ang kaso, pagkagising niya kaninang umaga, naabutan niyang suot iyon ng Ate Anisa niya. Hihiramin daw dahil may practice ang mga ito sa cheering squad.
"N-naiwan ko sa pagmamadali kaninang pumasok…" Hindi siya makatingin nang tuwid dito kaya nauna na siyang humakbang palabas ng library.
"Hmmm… saan mo gustong mag-dinner?" tanong nito nang makalabas na sila sa school premises at naglalakad na sa madilim na kalye.
Pasimple siyang bumuntong-hininga. Iyon na naman kasi si Ray sa palagi nitong tanong. Sa totoo lang sobra na siyang nahihiya rito. Pakiramdam niya nagiging alagain na siya nito- na kung tutuusin wala naman itong obligasyon sa kaniya.
Hindi siya sumagot, iyon naman ang palagi niyang ginagawa. Kaso wala ring saysay dahil kahit hindi siya magsabi, ito naman ang magdedesisyon. At alam niyang hindi siya uuwing walang dala at matutulog nang walang laman ang sikmura.
Napansin na lang niyang tinatahak nila ang kabilang kalye kung saan mayroong tapsihan.
"Ray, kahit sa lomihan na lang," protesta niya, medyo mahal kasi ss tapsihan kumpara sa lomihan na sampung piso lang.
"Nag-lomi na tayo kagabi, tapsi naman."
"Ray, hindi mo naman kailangang gawin ito. Nahihiya na ako sa iyo. Pakiramdam ko, nagiging pabigat na ako. Alam kong naaawa ka lang. Pero alam mo naman siguro na hindi ko kailangan ng awa, di ba? Kaya kong alagaan ang sarili ko." Huminto siya matapos sabihin iyon. Pumihit siya para harapin ito.
Ang laki ng pasasalamat niya rito, dahil sa loob ng dalawang linggong nakasama niya ito, naramdaman niya kung paano ang maalagaan.
Inaalagaan naman siya ng Tatay Roberto niya, iyon ay sa loob ng dalawang araw, sa loob ng isang linggo. Sa mga araw na iyon nakakakain siya nang maayos. At ang natitirang mga araw, kung hindi siya makakakain ng tira-tira, malamang matutulog siyang walang laman ang sikmura. Kaya kahit nga tutong na lang ang laman ng kaldero, pinagtitiyagaan na lang niya. Magtitimpla lang siya ng kape at isasabaw doon. Solb na siya. Huwag lang siyang makatulog nang kumakalam ang sikmura.
"Ayoko na palagi mo `tong ginagawa. Ayoko kasing masanay, Ray. Alam kong magiging mahirap kapag sobra akong nasanay na nandiyan ka palagi… tapos bigla kang mawawala." Maagap niyang pinunasan ang luhang umalpas sa mga mata.
Bigla, nang dahil sa pagsikip ng uniporme niyang hindi mapalit-palitan, saka lang niya nakikita kung gaano pala siya kaawa-awa.
"Sanay naman ako sa hirap. Sanay akong kumain kung ano lang ang matira sa hapag. Sanay akong luma ang lahat ng gamit, na hangga't pwede pang gamitin, gagamitin at gagamitin ko. Alam kong mukha akong kawawa, Ray, pero sana huwag mo akong kaawaan. Iyon kasi ang ayaw na ayaw kong maramdaman. Kuntento naman ako sa kung anong meron ako. Kung may gustuhin man ako, makukuha ko naman iyon basta pagsusumikapan ko." Para siyang batang musmos na pinunasan ng dalawang palad ang mukhang basang-basa na sa luha.
Naiinis siya. Nakilala lang niya si Ray, nagkaganito na siya. Taas-baba ang dibdib niya dahil sa pagpipigil na humagulgol. Ayaw niyang kinaaawaan, pero heto siya, awang-awa sa sarili.
At sa unang pagkakataon, dumampi ang mga palad nito sa kaniyang balat nang hawiin nito ang mga takas na buhok na kumapit sa magkabila niyang pisngi at tuyuin ang mga luha roong kanina pa niya pinapalis.
"It's not my intention to make you feel that way. Tisay, I don't pity you, all right? A strong person like you doesn't need to be pity, you should be admired and emulated by others," bakas ang pag-aalalang saad ni Ray. Bahagya itong yumukod upang magpantay ang tingin nila. Masiyado kasi itong mataas samantalang hanggang baba lang siya nito.
Sapo pa rin nito ang magkabilang pisngi ni Tisay. Malalim ang tingin sa mga mata na para bang gusto nitong pasukin niya ang kaluluwa nito para malaman kung ano ang tunay na intensiyon sa kaniya ng binata.
Mahaba-haba na rin ang buhok ni Ray. Keempey style, iyong ang hati ay nasa gitna at may bangs, kaya humarang ang buhok sa mukha nito pagkayuko para titigan siya.
"Kung ano man ang ginagawa ko, I'm doing it not out of pity. I want to take care of you, Tisay. And it makes me happy. I learned a lot from you. I learned how to value even a single centavo. I learned how to care for everyone, even a stranger. And I learned to see how beautiful life is, no matter how hard it is. You taught me to see good things, even the simplest, and I learned to earn what I want in my own way."
Madramang napatitig si Tisay sa mga matang nakatunghay sa kaniya, sumisinghot-singhot pa rin siya at hindi napigilang mapalabi. Nag-ingles na naman kasi ang binata.
"M-may tissue ka?" birong tanong niya rito para pagaanin ang mabigat na awra sa pagitan nila. Hindi talaga siya sanay sa drama.
Nangunot naman ang noo ni Ray. "Para saan?" balik tanong nito.
"Pakiramdam ko dumudugo na ilong ko kaka-ingles mo, eh." Ngumiti siya rito at pinunasang muli ang magkabilang pisngi.
Saglit na natigilan si Ray at nang makuha ang pagbibiro ng dalagita'y napailing na lang ito at nahawa na sa ngiti ng kasama.
"Lagi mong tatandaan na hindi ikaw iyong tipo ng taong kaaawaan ko, dahil ikaw iyong tipo ng taong kabibiliban ko at ng kahit na sino." Tumayo na ito nang tuwid. Tinulungan pa nito si Tisay na hawiin ang buhok na inililipad ng banayad na hanging panggabi at napupunta sa magandang mukha nito, bago ipinamaywang ang kaliwang kamay habang ang kanan ay hinawakan ang strap ng bag na nakasukbit sa balikat.
"Nahihiya na kasi ako sa `yo. Isa pa, hindi ko alam kung paano kitang masusuklian sa lahat ng kabutihan mo. Ayoko ring ginagastos mo ang allowance na ibinibigay sa `yo. Hindi mo naman kasi ako kargo, Ray." Maginhawa na ang pakiramdam na saad niya.
"Hayaan mo lang ako na alagaan ka. H'wag ka ring mag-alala, alam ko namang ayaw na ayaw mong umaasa kahit kanino, kaya iyong mga panlilibre ko sa `yo, sarili kong kita iyon. Next week pa naman ang pasukan namin kaya kinausap ko si Kuya na magpa-part time muna ako sa kaniya. Please, Tisay, let me take care of you."
"P-paano kung… paano Ray, kung hindi ko matugunan ang nararamdaman mo? Ayokong paasahin ka. Masaya ako na nakilala kita. Na kasa-kasama kita, pero natatakot ako na baka—"
"Hey, ilang araw palang akong nanliligaw, huwag mo muna akong basted-in. Malabo ba talagang magustuhan mo ako? Gwapo naman ako, ah? Hindi nga lang gwapo, kundi gwapong-gwapo pa!"
"Oo na, sobrang gwapo ka na. Pero kung magugustuhan man kita hindi dahil sa gwapo ka, kundi dahil sa pagkatao mo. Hindi ka naman mahirap magustuhan, eh. Ayoko lang na dumating sa puntong masasayang ko lang amg effort mo at pagsisihan mo ang pag-aaksaya mo ng oras sa akin, na kung tutuusin marami naman d'yan ang pwede mong ligawan, iyong mas deserving kaysa sa akin." Nauna nang magpatuloy sa paglalakad si Tisay dahil mas gagabihin na sila sa pagdadrama nilang dalawa sa gilid ng kalsada.
"Basta hayaan mo lang ako na alagaan ka. Sagutin mo man ako o hindi, ayos lang. Atleast, ginawa ko ang best ko para maiparamdam sa `yo na seryoso ako. Handa naman akong maghintay, Tisay. We are both too young kaya hindi tayo magmamadali. Just let me do the things I want to do for you and that is to take care of you. Wala akong pagsisisihan."

Komentar Buku (30)

  • avatar
    Marjun Masapol

    next po madam sobrang sobrang ganda po ng storys po promis

    1d

      0
  • avatar
    Sarah Eunice Solmayor

    ang ganda po

    20d

      1
  • avatar
    Flor C. Panugaling

    🥰🥰🥰

    20d

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru