"Mara!" Hila hila ko si Dana habang pasimple kaming dumadaan sa hallway. Tumingin ako sa likuran namin at sa kaliwa't kanan para tignan kung may tao ba. "Mahuhuli tayo ni Mr. Lagman sa ginagawa mo, e!" reklamo ni Dana. "Shh! Mas lalo tayong mahuhuli kung mag iingay ka." Walang tao sa hallway. Syempre, oras ng klase ngayon sa building na 'to. Sarado naman ang bawat classroom kaya hindi kami kita. "Mala-late na ako!" "Saglit lang 'to! Tsaka hindi mo ba narinig 'yong sinabi ng kaklase mo kanina? Mala-late si Mrs. Gantiga ngayon!" "E, ikaw? Mala-late ka na rin!" "Okay lang 'to!" Nakarating kami sa locker ng Law Students. Agad agad kong hinanap ang locker ni Alonso at ni-shoot doon ang isang letter na ginawa ko. Alam ko na agad kung nasaan ang locker niya dahil madalas ko na 'tong gawin. "Hey, you!" Napatalon kami ni Dana. Pagtingin namin sa kaliwa ay si Mr. Lagman ang naroon! Mabilis kaming nagtulakan para tumakbo! "Shit! Sinasabi ko na nga ba!" si Dana habang tumatakbo kami. "Huwag na tayong magsisihan! Takbo lang!" "Stop right there, you two!" Sa kasamaang palad ay natalisod ako sakto sa may hagdan! Tumili kaming dalawa ni Dana dahil nakahawak ako sa uniform niya kaya damay siya! Nalaglag kami at halos mapasigaw ako sa sakit ng tagiliran at pwet! Hindi ako agad nakagalaw nang makarating sa ibaba. Pakiramdam ko nabalian ako! Dana grunted. Binalingan ko siya at nakita kong namimilipit siya sa sakit sa may ankle niya. Namilog ang mga mata ko. Sa lahat, ankle niya pa talaga ang napuruhan?! Dana is a dancer! Hindi siya pwedeng mapilayan! "You okay?" tanong ko. Umiling siya, nakalukot ang mukha sa sakit. "I'm sorry..." sabi ko. May tumikhim. Sabay kaming dalawang napatingin sa itaas ng hagdan at nakita roon si Mr. Lagman na istrikto ang mukha at may salamin sa mata. Pumameywang siya, nakatingin sa amin. Alam ko na agad ang susunod. Pumikit ako nang mariin. Parehong nasa kandungan ang mga kamay, kabado akong naghihintay sa malamig na guidance office. Ako lang mag isa dahil pumunta si Dana sa clinic para ayusin ang ankle niya. Imbes na mag alala para sa sarili, mas nag aalala pa ako sa kanya, e. Sobrang importante sa kanya ng pagsasayaw kaya nag aalala akong baka naging malala 'yong pagka sprained ng ankle niya. Shit. What did I do? What did I do? Bumukas ang pintuan. Pumasok ang guidance counselor na babae kaya halos atakihin na ako sa puso. Pero halos mangyari na nga 'yon nang sumunod sa kanya si Mr. Lagman! Argh! This old man! "Ms. Maria Cassandra Aldama," she said. Umupo siya sa harap ng table. "M-Mara nalang po..." magalang kong sinabi at ngumiti. Pumwesto sa gilid niya si Mr. Lagman na kulubot ang mukha at mukhang nadagdagan ang stress dahil sa akin. "Alam mo bang magkakaroon ka ng record dahil sa pagcu-cutting class?" ang guidance counselor. Napawi ang ngiti ko. "B-But I didn't cut the class. I was just there for some... errands." "And what errands are you talking about?" Shit! Paano ko sasabihin na nandoon ako para magpasok ng love letter sa locker ni Alonso?! "Nakita ko siyang naglalagay ng kung anong papel sa isang locker sa Law Building," singit ni Mr. Lagman. What the hell! Tinignan ko si Mr. Lagman. Itong matandang 'to! "At ano namang papel 'yon, Ms. Aldama?" Awkward akong ngumiti sa guidance counselor. "Ah... e..." this is embarrassing! "Hihintayin mo pa ba ang mga magulang mo bago ka magsalita?" Namilog ang mga mata ko. "You called my parents?!" "Of course. You cut the class and you think you can get away with it just like that?" "But I didn't cut the class! I told you I was just there to put a letter in one of the lockers! Saglit lang po dapat 'yon! Hindi naman dapat po kami magtatagal!" "A letter?" Natigilan ako. "Do you mean love letter, Ms. Aldama?" Pinag initan ako ng pisngi at hindi nakasagot. Damn it! "Tell me whose locker you put the letter in," Mr. Lagman commanded. "What?! No!" agad agad kong tanggi. "Ms. Aldama, your tone!" the guidance counselor said. Pumikit ako at tumingin sa kanilang dalawa. "Hindi ko po sasabihin! That's my privacy!" "Kung hindi mo sasabihin, we will put a record na nag cut ka talaga ng class," ang guidance counselor. Is she threatening me?! "Pero hindi nga po ako nag cut ng class! I told you I just put a letter in the locker! Mr. Lagman! You saw me, right?" "Then, tell us whose locker you put the letter in. Kung ayaw mong magka record." Itong matanda talaga na 'to! Is he also threatening me?! "Your friend who was with you will have a record, too. Hindi ito maganda lalo na't nasa course siya ng pagsasayaw. Hindi siya papayagang sumayaw nang isa hanggang dalawang buwan kapag nagka record siya. She will attend to academics until she's allowed to dance again." Hindi ako makapaniwala sa sinabi ni Mr. Lagman. "That's impossible!" "It is possible, Ms. Aldama. That's one of the rules," ang guidance counselor. Napa awang ang labi ko. "At ikaw rin," si Mr. Lagman. "You are not allowed to join the modeling practice for one to two months kung magkakaroon ka ng record." Damn it! Damn them! Bakit kailangang mangyari 'to? Hindi naman talaga kami nag cut ng class, e! Pero kahit anong sabihin ko, alam kong talo na ako! Ipit na ako rito! Argh! This is so annoying! "Fine!" sabi ko. Shit. Nakakahiya! Why is this happening to me? "K-Kay..." Naghintay lang silang dalawa sa sasabihin ko. Pumikit ako nang mariin. Sana kainin nalang ako ng lupa! "Alonso Bernardino..." Pinatawag si Alonso. Gusto ko nalang maging yelo at matunaw doon! Bakit pa kailangang ipatawag? Para saan? Hindi ba pwedeng hayaan nalang nila since umamin naman na ako?! Hindi ako maka angat ng tingin nang pumasok si Alonso sa loob ng office. Nakatingin lang ako sa mga kamay ko at nakanguso. Malalaman niya pa tuloy na may nilagay na naman akong love letter! I mean, alam naman niya na naglalagay ako roon kasi syempre nilalagay ko rin 'yong pangalan ko sa letter. Pero nakakahiya pa rin na sa ganito talagang sitwasyon niya malalaman na may letter na naman galing sa akin! Nagtungo si Alonso sa harapan ng guidance counselor kung nasaan din ako. Umayos ako ng upo nang nasa harapan ko na siya. Hanggang katawan niya lang ang kaya kong tignan. Nasa likod niya ang mga kamay niya habang kaharap ang guidance counselor. Nakita ko ang bahagya niyang pagsulyap sa akin kaya bumagsak ulit ang tingin ko sa kamay ko. Ang lamig lamig dito kanina pero bakit parang pinagpapawisan ako ngayon? "Mr. Bernardino, sorry to interrupt your class but may I ask you to open your locker?" Namilog ang mga mata ko sa sinabi ng guidance counselor! Napatingin tuloy ako sa kanya. "Bakit po?!" medyo napalakas ang boses ko. "To see if you're telling the truth, Ms. Aldama, that you really put a letter in his locker kaya ka naroon at hindi nagcu-cutting class." Napatingin sa akin si Alonso. "What? But Mr. Lagman already told you na nakita niya akong naglagay ng letter! He saw me!" "Still. We have to make sure," bumaling ulit siya kay Alonso. "Mr. Bernardino, may you please?" I groaned in frustration! Bakit ba 'to nangyayari?! Napatingin ako kay Alonso. Nakatingin pa rin siya sa akin. Ngumuso ako. He sighed and looked at the guidance counselor. "Yes, Ma'am." Hindi yata talaga titigil ang guidance counselor hanggat wala siyang nakikitang ebidensya na nagsasabi nga ako ng totoo at hindi ako nag cutting class! Binuksan ni Alonso ang locker niya. Oo, kasama pa talaga ako rito na mas lalo ko lang kinahiya. Pero ano pa bang silbi ng hiya kong 'to? Alam naman ni Alonso na halos araw araw siyang may letter galing sa akin. Nakita ni Alonso ang kulay asul kong letter. Kinagat ko ang labi ko. I heard him sigh before looking at us. Pinakita niya sa dalawa ang letter na nilagay ko at pagkatapos nagkatinginan kami. Ngumuso ako. Mabuti nalang talaga wala pang tao rito kundi pagtitinginan kami kapag nagkataon. "Give me," nilahad ni Mr. Lagman ang kamay niya kay Alonso. Namilog ang mga mata ko. Huwag mong sabihing babasahin niya pa?! Magsasalita na sana ako nang binalik ni Alonso sa loob ng locker ang letter at sinarado 'yon. He looked at Mr. Lagman seriously and put his hands inside his pockets. "That's already Ms. Aldama's privacy. You saw it, it's done." Napakurap kurap si Mr. Lagman sa sinabi ni Alonso. Kinagat ko ang labi ko at pinigilan ang ngiti sa kilig sa sinabi niya. Mas lalo lang tuloy gumwapo sa paningin ko ang Bernardino na 'to! "It's fine, Mr. Lagman. Mr. Bernardino's right. It's now their privacy. Nakita ko na ang letter kaya ayos na 'yon. Let's just go back to the guidance office and talk again," tumingin ang guidance counselor sa akin. Tumango ako at yumuko. "May I go back to my class now?" si Alonso. Napatingin ako sa kanya. Tumingin din siya sa akin. I smiled widely at him but he didn't smile back. His eyes dropped on my arm. "Yes, Mr. Bernardino. Thank you for your time." Nauna nang umalis ang guidance counselor at si Mr. Lagman na istrikto pa rin ang titig sa akin. Gusto ko siyang dilaan pero nasa harap ko si Alonso kaya hindi ko ginawa. Dapat good girl lang! Naiwan kami ni Alonso. Tumingin ako sa kanya at nakita kong nakatingin na siya sa akin. Seryoso siya. Ngumiti ako at nilagay ang dalawang kamay sa likod. "Thank you! Dahil sayo hindi na ako magkaka record na nag cutting. Hindi naman kasi talaga ako nag cutting, e," sabi ko. "In the first place, why did you put a letter in my locker?" he asked. "Bakit? Lagi naman akong naglalagay, ah?" "It's inappropriate for a girl to leave a letter in a man's locker..." mataman niyang sinabi. Ang istrikto naman nito! Ngumisi ako. "Inappropriate pala, e, bakit ngayon mo lang ako pinagsasabihan?" Hindi siya nakapag salita. I smirked even more. "Bakit hindi pa noon? Ang tagal ko nang naglalagay ng letter sa locker mo, ah? Bakit ngayon mo lang ako pinagsasabihan?" He sighed heavily at hindi sinagot ang mga tanong ko. "Huwag ka na ulit maglalagay ng letter sa locker ko. I will just throw it away, anyway." He will just throw it away, anyway? Tinatapon niya lang pala ang mga letter ko? Pero ayos lang! Basta binabasa niya. Alam ko namang binabasa niya. Hindi niya naman siguro itatapon nalang basta basta 'yon nang hindi manlang binabasa? Binabasa niya 'yon! His eyes then dropped on my arm again. Napatingin na rin tuloy ako sa braso ko. "And treat your wound. Kitang kita ang dugo." May gasgas nga ako sa braso ko, dahil siguro sa pagkalaglag namin ni Dana sa hagdanan kanina. Tinignan ko si Alonso pero tinalikuran niya na ako. Nakasimangot ko siyang sinundan ng tingin. Dumating sina Mommy at Daddy sa office. Nakakainis na pinatawag pa sila dahil lang dito kahit napatunayan naman nang hindi ako nag cutting! Nalaman pa tuloy nila na naglagay ako ng letter sa locker ni Alonso kaya ako napa guidance! "Do you like that boy so much that you almost got into trouble just because of him?" iyon lang ang sinabi ni Mommy sa akin nang lumabas kami ng office. "Mom, he's not a boy!" "And look at your arm! May sugat ka!" "Gasgas lang 'to, Mom. I'll be fine! Ipapagamot ko sa nurse. Bibisitahin ko rin si Dana sa clinic." Tinignan niya lang ako. I smiled sweetly at her. Niyaya na siya ni Daddy umalis dahil busy pa sila. Dad kissed me on the cheek and told me to treat my wound, too, before leaving. Tumango lang ako at ngumiti. Mom glared at me once more before she held Dad's waiting hand. Kumaway ako nang naglakad na sila palayo. They are not strict with me when it comes to boys. Nag iisang anak lang ako at masasabi kong binibigay nila sa akin ang lahat. Hindi sila mahigpit. Galit lang si Mommy ngayon dahil muntik na akong magka record. They are very willing to give me everything. They are spoiling me but I'm not spoiled! Really. I'm not spoiled, dzuh! "Where is she? Where is she? Is she okay?" Pagkatapos na pagkatapos umalis nina Mom at Dad dumeretso agad ako sa clinic para kumustahin si Dana. The nurse accompanied me to her. Nakita ko siya sa isang kama na nakahiga at tulala sa kisame. Mabilis ko siyang nilapitan. "Dana! Oh gosh! I'm so sorry!" Tinignan niya ako. Gumuhit ang ngisi sa kanyang labi at sinubukan niyang bumangon. Agad agad ko siyang hinawakan. "D-Don't move yet! Okay ka na ba?" "Wow, Mara? Alalang alala?" pang aasar niya pa at tuluyang naupo sa kama. Iritado ko siyang tinignan. She sighed heavily when she was satisfied. Nagkatinginan kaming dalawa. Ngumuso ako habang nakakunot ang noo. "I'm sorry..." She laughed. "It's fine. I'm fine. Hindi naman malala ang pagka sprained," she looked at her ankle. "Kailangan lang ng kaunting pahinga." "Really? You'll be fine?" "Yup. Kaya huwag ka nang mag alala. The nurse said it herself. Kung malala 'to, baka nasa ospital na ako ngayon." Ngumuso ulit ako. This is really my fault! Tumingin si Dana sa harapan. She sighed again as if she was thinking of something deep. "Anong sabi... sa office? Are we going to have a suspension?" I knew it! "No, of course not! I took care of it!" tumango tango ako. Tinignan niya ako. "Really?" "Yeah!" Nagtaas siya ng isang kilay. "Don't tell me you used your name?" "What? Hindi, ah! Besides, hindi naman talaga tayo nag cutting! Pinaliwanag ko sa kanila na we were just there to put a letter in a locker." Her eyes widened. "Sinabi mo 'yon?!" "Wala naman akong choice, e! Alam nating dalawa ang magiging parusa kapag nagka record tayo." "And what did they say?" "Wala. Uh... pinapunta nila si Alonso." Mas lalong namilog ang mga mata ni Dana at humagalpak siya sa tawa. "What?!" Sumimangot ako. "Kailangan daw nila ng evidence na naglagay talaga ako ng letter sa locker! Kaya pinatawag nila si Alonso para buksan 'yong locker niya." "That was embarrassing! Nalaman ni Alonso na naglagay ka ng letter sa locker niya?!" tumatawa pa rin siya. "Alam naman na niyang naglalagay ako! I always put my name on the letter, 'diba?" "Kahit na! Nahuli ka pa rin niya sa akto! Tapos napa guidance ka pa dahil do'n!" napapalakpak siya sa tawa. Kung wala lang siyang injury ay baka nasipa ko na siya. Pagtawanan ba naman ako?! "Whatever! Tapos na 'yon! The important thing is hindi tayo nagkaroon ng record!" sabi ko at umupo sa upuan na naroon sa tabi ng kama niya. Tumatawa pa rin siya. Humalukipkip ako at hinintay pa siyang matapos. Unti unti naman siyang tumigil at tumingin sa akin. May ngiti pa sa labi. "How about you? Are you okay?" I rolled my eyes. "Yeah, fine." "Palinis mo na 'yang sugat mo sa braso. Kitang kita." Ngumiti ako. "Oo, utos din 'yan ni Alonso kaya ipapagamot ko talaga. Nurse!" "Wow," tumawa ulit si Dana. "Kinikilig ka na no'n?" Hindi ko na siya pinansin at pinagamot lang ang sugat ko sa nurse. "Alam mo, ang dami pang lalaki dyan. Bakit hindi nalang sila?" ani Dana pagkatapos gamutin ng nurse ang sugat ko. "Alam mo rin kasi, Dana, kulang na kulang lahat ng lalaking nandyan para maging kapantay ni Alonso. Kahit magsama sama pa sila, hindi nila mapapantayan si Alonso sa akin." She scoffed. "Baliw ka na talaga sa lalaki na 'yan." "Oh? Ngayon mo lang nalaman?" tumawa ako at tinignan ang sugat kong may band aid na. "Matagal na akong baliw sa kanya, Dana..."
Terima kasih
Dukunglah penulis untuk menghadirkan kisah-kisah yang luar biasa untuk Anda
Salamat
27/03
0amazing app
12/11
0this is nice game
13/10
0Lihat Semua