"Dito po ang cubicle mo, Ma'am," lahad ng secretary ni Dad sa isang malinis na cubicle. "At sila po ang makakasama niyo. They are the best team here po." Tinignan ko isa isa ang mga nandoon. Nanonood sila sa akin at agad kumaway nang tumingin ako. Ngumiti ako. "Good morning! I'm happy to meet you all!" "Happy to meet you, too, Ma'am!" kaway ng medyo bata at mukhang kasing edad ko lang. Tumawa ako. "Mara nalang, please." "Naku! Nakakahiya naman!" "Miss nalang para medyo formal pa rin!" sabi ng isa. "Why? You call each other by names, right? Dapat ako rin tawagin niyo lang ako sa name ko," sabi ko. Nagkatinginan sila. Ngumiti ang kanina pang parang kinikilig na babae. "Okay po! I mean... okay, Mara! Ang ganda ganda mo pala sa personal!" "Lady!" saway ng medyo matanda roon. Tinakpan ni Lady ang bibig niya pero paimpit pa ring tumatalon habang nakatitig sa akin. Masaya naman ang unang araw ko. Medyo naka close ko agad ang mga kasamahan ko. They were all nice to me. Hindi ko alam kung dahil ba anak ako ng may ari or famous model ako or nice lang talaga sila. But whatever the reason is, I'm still grateful and happy. Not until the afternoon came. Alas kwatro 'yon ng hapon. May ginagawa na ako pero madadali lang. Sinasadya yata nilang ibigay sa akin ang mga madadaling gawain pero hinayaan ko nalang. First day ko rin naman. May pumasok sa loob ng opisina. Medyo unahan ako at kitang kita ko ang pintuan. Kita ko ang kung sino mang papasok doon. Kaya parang tumigil ang mundo ko nang biglang pumasok doon si Alonso. Wearing a suit and tie while holding some papers in his hands, he walked inside our office without any trace of emotions in his face. Dere deretso siyang nag lakad na para bang sanay nang pumapasok pasok lang sa opisina na 'to. Nag tungo siya sa head ng office namin na halos katabi ko lang! "Pa-receive," I heard his manly voice say it. Bigla kong narinig ang katahimikan. Kahit ang pag tunog ng keyboard ng computer ay unti unting natigil. They were all suddenly silent. Kahit ang puso ko, unti unti ring tumigil. But then, so what? So what if he's here? Bakit kailangan kong matigilan at sobrang magulat? May tumikhim. Nakita ko ang pag baling ni Alonso sa gawi ko. Our eyes met but with a cold look, I smoothly avoided his gaze. Tinignan ko ang computer at nag type doon na parang hindi ko siya nakita at na parang hangin lang siyang dumaan. Bigla akong nawalan ng gana. Why is he even here? Dito siya nagtatrabaho? Well, obviously. Pero kailan pa? Bakit hindi sinabi ni Mommy sa akin? O ni Daddy? Sa pagkaka alala ko, galit si Daddy kay Alonso. So now, why is he here in our freaking company? I gritted my teeth and my blood boiled. Nakakainis na hindi ko alam na nandito siya. Kung alam ko lang sana... Wait. Bakit ko naman aayawan mag trabaho rito dahil lang nandyan siya? I should still want this! I shouldn't care! Matagal naman na akong walang pakialam kaya dapat ituring ko lang siyang parang hangin. He's nothing to me, anyway. Tumayo ako para mag print ng papers. Medyo malapit sa cubicle ng head ang printer kaya kailangan ko pang lumapit do'n. Nakita ko ang pag sulyap ng head sa akin. Hawak niya pa ang papel na binigay ni Alonso, hindi pa yata pinipirmahan at pinapanood lang ako. Naiirita naman ako lalo na't nakasunod din ang mga mata ni Alonso sa akin. Rinig na rinig ko pa rin ang katahimikan. Alam ko kapag pinapanood ako at ngayon ramdam na ramdam ko ang mga mata nila sa akin. I want to roll my eyes when I realized that my arrange marriage with Alonso before wasn't a secret so they probably knew what happened between us. Kaya sila tahimik ngayon at pinagmamasdan ang bawat galaw namin. Medyo nalito ako sa pipindutin sa printer. Bukod sa hindi ko naman talaga alam 'yon, naiinis din ako. Sa gilid ng mga mata ko ay nakita ko ang pag lapit ni Alonso nang napansin sigurong nahihirapan ako roon. "You should press this so you can-" Pinindot ko agad ang nakita kong pipindutin niyang botton bago niya pa man mapindot 'yon. Gumana ang printer. Natigilan si Alonso at napatingin sa akin. "Alam ko," I said coldly. May nag tikhiman ulit. Tumingin ang head sa papel na hawak niya at dahan dahang pinirmahan 'yon. Nanatili ang titig ni Alonso sa akin. Humalukipkip ako at binaling ang atensyon sa printer, neverminding him. "It's nice to see you... again," he said slowly. "You, too," sagot ko habang hindi siya tinitignan. Gusto ko nalang umalis siya para hindi na kami pagtinginan. Nandito ako para magtrabaho, hindi para maging artista. "Uhm, Attorney Bernardino, okay na 'to..." the head office said at inabot ang papel kay Alonso. Attorney? So he's an Attorney here, huh... Bumaling si Alonso roon at kinuha ang kulay asul na notebook na parang log book. Hindi ko siya tinignan. Nakikita ko lang siya sa gilid ng mga mata ko. Anim na papel ang piniprint ko kaya medyo nag tagal ako roon. Chineck ni Alonso ang pinirmahan ng head. Kinuha ko naman ang tapos nang i-print na mga papel at agad umalis doon. Nilagpasan ko si Alonso at bumalik ako sa cubicle ko. Kita at ramdam ko ang pag sunod ng mga mata niya sa akin. I ignored him. Umupo ulit ako sa cubicle ko at inayos ang mga papel na ni-print at pagkatapos tumingin ulit sa computer na para bang walang nangyari. "They were what?" narinig kong bulungan. "Shh..." "Engage sila dati?" "Shhh!" Huminga ako nang malalim. Nakita ko ang pag galaw ni Alonso at mukhang aalis na siya. I looked at him when he opened the door of our office. Bumaba lang ulit ang tingin ko nang tumingin ulit siya sa akin. I acted as if I don't really care about him and his presence doesn't affect me at all anymore. Bakit? Wala naman na talaga akong pakialam so I should just act this way. It's just right... to ignore him this way.
Terima kasih
Dukunglah penulis untuk menghadirkan kisah-kisah yang luar biasa untuk Anda
Salamat
27/03
0amazing app
12/11
0this is nice game
13/10
0Lihat Semua