ALEC'S POV I started the car's engine and then drove it to the Montreal mansion. I just came out of the library to deliver the book I borrowed the other day, but when I came out of the library I noticed that the students were gossiping about me. Nung una hindi ko ito pinansin, pero isang guro ang nag congratulate sa akin kaya mabilis ko iyong ikinataka. I didn’t really know what was going on. But when I was on the soccer field, I saw my mortal rival Rhian looking at her cellphone. I was curious so I also looked at what was on my cellphone and why all the students here were looking at their cellphones. When I opened my social media account I immediately saw an article about me and I was really surprised by what I read in the article. How come there is an announcement about my wedding? Seriously, am I getting married? And to whom, to that Janine Sanchez? Who is she? Have I seen her before? Ugh, this is driving me crazy. Hindi ako makapaniwala na napag-usapan na nila ang future ko. If I have an enemy, bukod kay Rhian ito ay ang mga magulang ko. They are my enemy because they always controlling my life. I really don't like the idea of them marrying me to a woman that I don't know, para saan? For money? For their business? Agad kong nawala ang maganda kong mood. Mas lalo lang akong nainis dahil sa pang-aasar ni Rhian. Kung hindi lang ako nakakapag-timpi at kung hindi ko lang alam na babae siya kahit mukha siyang lalaki, baka nasapak ko na siya. But... "Hahahahaha! E-easy ka lang... Hindi ka naman mabiro... Pero alam mo, napakamalas ng babaeng pakakasalan mo. Kasi sa isang Alec Montreal siya maitatali. Saklap ng buhay niya," sabi niya at tumigil siya sa pagtawa. "At saka, ang taas kaya ng standards ng pakakasalan mo! Malayong-malayo ka, hindi mo kaya 'yong abutin. Kaya kung ako sa 'yo, mag bigti ka na lang." Alam kong pumula ang mukha ko at mas lalong nadagdagan ang inis ko dahil napapansin ko ang pag pipigil niya ng tawa. But when I heard what she said, I immediately looked at her. "Do you know that Janine? How did you know she had high standards?" "Secret," mabilis niyang sabi. "So do you really know her? Tell me who that Janine is, tell me Rhiannon!" "Ano ka, sinu-swerte? Bahala ka jaan! Basta ha, huwag mo akong kalimutan imbitahin sa kasal mo!" "Hey! I'm asking you! Who is that Janine? How did you know her? Hey!" I clenched my fist when she did not answer my question. Rhian knew who I was going to marry. Pero paano? Fvck. It gives me a headache, I need to get home right away, because I really don’t know and I really don’t understand what’s going on. After a few minutes of driving, I reached our house. I didn't put my car in the garage, I got out of the car and opened our small gate and I went inside the house. I didn't see anything in the living room so I went up the stairs to the second floor where daddy's office was. Hindi na ako kumatok ng marating ko ang harapan ng pinto ng office ni daddy. Agad ko itong binuksan at bumungad sa akin ang mga magulang kong simisimsim sa tasa. "Oh son, you're here..." my father said. Nang dahil doon, napatingin sa akin ang mommy kong nakatalikod sa akin. But I ignored what daddy said, I approached them and sat down in front of them. "Mom, the one about the announcement that I'm getting married, what do those mean?" Hindi niya ako tinapunan ng tingin. "So, you saw the news," she said. "Yes. How can I get married, mom? I am still a young... Please, delete that news and say it's just fake. Say it's just rumors." I don’t care if I look desperate but I really don’t want to get married. "We've already talked about this Alec," "Yes. We've talked about this and I've clearly told you that I don't want to get married!" "Watch your tone. I am still your mother." She gave me a deadly look. Napansinghal ako. "Hah! How can you do this to me? You are my mother but you don't make me feel like I'm your child. And can you stop controlling my life? I'm not a child anymore..." I looked at my dad. "Dad, please make a way to stop this marriage." He looked at me. "I'm sorry son, but we have already talked to the Sanchez and they have also agreed on this matter. On the day Janine will introduced to you, we will sign for the partnership." "Wow... You have already decided on my future ... And now you will marry me to a woman I have never seen before," hindi makapaniwalang sabi ko. Lumapit sa akin ang mommy ko at hinawakan ako sa magkabilang balikat. "My son, listen to me, this is for you, this is for your future. Imagine, our business will grow even more because the Sanchez's are already our partners. The Sanchez's can help a lot in our business because they can influence different parts of the world, especially in the fashion industry." "Kung gusto mong mas malaki ang makuha mong mana sa lola't lolo mo, mag papakasal ka." "And just think son, your aunts and uncles will never step on us again. Dahil darating ang araw na lahat ng business ng mga Montreal ay mapupunta sa pangalan mo..." "But why me? I have many cousins ..." Mas lalong humigpit ang hawak ni mommy sa balikat ko. "Don't you understand yet, Alec? We are doing this for your own sake! Because you are our child! Because you are our son! Gusto ka naming bigyan ng mas maganda pang buhay!" Hindi ako nag salita. Hindi ko na alam kung ano ang sasabihin ko. "Okay? Marry the unica hija of the Sanchez, marry Janine Sanchez... At hindi lang ikaw ang hindi pa nakakakita kay Janine, pareho lang tayo. But if you want to know something about your future wife, watch her parents' interview." - RHIANNON'S POV "Bakla," Hinayaan kong mag lakbay ang utak ko, wala na akong pakialam kung hindi na siya bumalik o hindi. Ang sakit sa ulo ng may utak. "Hoy girl, lutang 'yan?" Bwisit. Ano nang gagawin ko ngayon? "Hoy baklang Rhiannon!" Nahulog ako sa kinauupuan ko ng biglang may tumulak sa akin. Mabilis akong tumayo at tiningnan 'yung tumulak sa akin. Nahulog tuloy 'yung librong hawak ko. "Seph, bakit ka naman nanunulak jaan?" naiinis kong sabi. "Ay bakla, hindi ka yata aware, kanina pa kita tinatawag pero snob ka." Umikot si Joseph para makaupo siya sa bench na inuupuan ko. "May problema ka ba, ha? Puwede mong i-share 'yan, huwag kang madamot sa information bakla, share-share din 'pag may time," Tiningnan ko siya at hinihintay niya akong sumagot. Pero napabusangot lang ako. Eh paano ba naman kasi, nag e-echo pa sa tenga ko 'yung mga sinabi ni Ma'am Jerica sa akin. At napaka-sariwa pa sa utak ko ang mga pangyayari sa mansion ng mga Sanchez. »[FLASHBACK]« "N- nawawala si Janine at hindi namin alam kung nasaan siya... puwede bang ikaw muna ang maging anak naming si Janine?"
Ayaw pumasok ng mga sinabi ni Ma'am Jerica sa utak ko. Para akong biglang tinakasan ng mga salita kaya wala akong masabi na kahit ano. "Hindi niya nagustuhan 'yung idea na magpapakasal siya sa anak ng mga Montreal, kaya lumayas siya at nag tanan kasama ang boyfriend niya. At ngayon hindi namin alam kung nasaan si Janine," sabi ni Sir Gerald. "H-hindi namin alam kung ano ng gagawin namin... para naman sa kaniya ang ginagawa naming ito... may isang buwan na lang para ipakilala namin siya sa mga Montreal pero nawawala siya, at ikaw na lang ang nakikita naming magiging sagot sa problemang ito..." sabi naman ni Ma'am Jerica. "P-po? Pero bakit po ako?" "Dahil kilala mo na siya," Oo kilala ko na nga siya. Hindi ko rin nga yata kayang kalimutan 'yung ka-demonyitahan niya. "Pag-isipan mo ng mabuti Rhian, mayroon ka pa namang isang buwan para paghandaan ang pag kikita niyo ni Alec Montreal." Hindi ko na kailangan mag handa, matagal ko ng nakita ang lakaking iyon. Karibal ko pa nga eh. "Pero huwag kang mag-alala, nasisiguro kong hindi rin mag tatagal ay mahahanap namin si Janine. Mahihirapan lang kami dahil hindi namin kilala ang mga nakakasalamuha niya, pero ang kailangan mo lang gawin ay mag handa para kung sakaling hindi namin mahanap si Janine bago ang pag pirma ng kontrata namin sa mga Montreal, ikaw ang ipapakilala naming anak namin." - "Ate, ayaw ko. Ayaw kong magpakasal." Hinawakan ko ang kamay ni ate Rachel at nag makakaawa akong bawiin niya ang sinabi niya. "Pero Rhian, nangako naman sila na sila na ang mag papa-aral sa 'yo kapag college ka na," "Hindi ko kailangan ng pera nila, ate. Kaya kong sumide-line ng trabaho. Puwede ulit akong mag hanap ng scholar, basta huwag ka lang pumayag na ipakasal ako sa lalaking iyon." Binitawan ko ang kamay niya. "Alam mo naman kung gaano ko kinamumuhian ang lalaking 'yon, tapos ikakasal ako sa kaniya?" Si ate naman ang humawak sa kamay ko. "Rhian, naniniwala ako kina Sir Gerald na mahahanap nila si Janine. At kapag nahanap nila siya, hindi mo na kailangan mag panggap pa. Ikaw lang ang magiging kapalit ni Janine kung sakaling hindi siya matagpuan ng mga magulang niya." "Eh paano kung matagpuan nga siya pero huli na? Paano kung ako na 'yung maipakilala nilang anak nila? Paano kung matuloy ang kasal... at ako 'yung mapakasalan? Ano ng mangyayari no'n ate? Hindi tayo sigurado. P-paano na 'yung mga pangarap ko?" Mabilis kong pinunasan ang luhang tumulo sa kabila kong mata. Naramdaman ko ang pag patong ni ate ng kamay niya sa likuran ko. "Rhian, mag tiwala—," "Mag tiwala ate? Kanino? Sa kanila? Hah, ate alam ko matagal kang nag silbi sa kanila pero hindi natin alam ang mga totoong motibo nila. Kung ang sarili nga nilang anak, ipinag papalit nila sa pera, ako pa kaya na hindi naman nila kadugo?" Tiningnan ko si ate sa mga mata. "Hahayaan mo na lang ba silang gamitin ako para sa sarili nilang kapakanan? Hahayaan mo ba silang tanggalin lahat ng kasiyahan, at kalayaan ko para sa pera? Para sa negosyo nila?" "Kapag naikasal ako sa Alec na 'yon, makikilala ako ng maraming tao. Mawawalan ako ng privacy. Hindi ko na magagawa ang mga ginagawa ng mga kabataan, bawal ako makipag date sa iba. Mawawala ang kalayaan ko ate dahil sa mata ng mga tao, kinasal na ako, may asawa na ako..." Mas lalong dumausdos ang luha ko dahil sa pag palupot ni ate ng mga bisig niya sa akin. Hinagod niya ako sa likod na akala mo'y pinapatahan. "Ang laki mo na talaga bunso... Napalaki na nga kita kahit hindi halatang lumaki ka..." "Ate naman!" "Hahaha..." Inilayo ako ni ate sa kaniya at hinawakan niya ako sa mag kabilang balikat. "Nasa'yo ang desisyon Rhian, nasa sa iyo kung papayag ka o hindi pero Rhian, pag isipan mo muna, okay? Pag-isipan mo muna. Kung ano man ang magiging desisyon mo, susuportahan ko." »[END OF FLASHBACK]« "Bakla! Nakatulala ka na naman! Pangit mo naman ka-bonding," Tiningnan ko siya at napalabi ako na parang naiiyak. "B-bakla ..." bulong ko. "Bakit, bakla? Ano 'yon?" "BAKLA ANO NANG GAGAWIN KO?!" Sinabunutan ko siya ng paulit-ulit pero mahina lang iyon. Hinawakan niya ang kamay ko para mahinto ko ang pag sabunot sa kaniya. "Bakla ka, ang sakeeeetttttt!" //
Terima kasih
Dukunglah penulis untuk menghadirkan kisah-kisah yang luar biasa untuk Anda
i like this, but it's still not done. 2026 na
10/05
0i appreciate it
11/01
0Ang Ganda ng kwento
02/01
0Lihat Semua