logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

ADAAT 6

TANGING BABA at dibdib lang ng kung sino ang nakita ko noong sagutin nila ang tawag ko. Kulay asul ang damit at mukhang babae dahil nahuli ko ang buhok niyang hinahangin ng electric fan galing sa likuran niya.
Tumikhim ang taong nasa harap ko. “Caleb, nandito na iyong magtuturo sa 'yo!” sigaw niyang tama ako sa hinalang babae nga.
Iyong boses niya medyo may pagkamatinis, pero hindi naman ganoon kasakit sa tainga kasi malumanay rin naman.
Umubo siya at tumayo. “Tawagin ko lang, miss,” paalam niyang inilayo ang electric fan para makadaan siya ng maayos.
Ang harap ng camera ng gadget nila ay pinto agad at paglingon sa kaliwa, na kanan kapag nandoon ako mismo ay ang hagdan. Sinundan ko ang pagpasok niya sa kuwarto sa ilalim ng hagdan na kuha pa ng camera.
“Caleb, halika na. Naghihintay na iyong magtuturo sa 'yo,” tawag ng mama yata noong batang tuturuan ko at may guwapo rin palang pangalan ito.
Tanging huni ng electric fan ang naririnig ko noong tuluyang pumasok ang babae sa loob ng kuwarto, naisara pa ang pinto kaya wala akong narinig na pag-uusap nila. Ilang sandali pa ay bumukas din agad ang pinto at naaktuhan ko ang paglabas nila, pero mukhang napunta sa gadget nila ang tingin noong bata kaya nagtago sa pinto.
Bumalik ang mama niya pagkalingon nang mapansin niyang walang sumusunod sa kaniya. Bumalik siya roon at nahagip ng mata ko ang paghawak ng babae sa kamay ng bata.
“Huwag kang mahihiya. Halika na. Nasa tabi mo lang ako,” pangungumbinsi niyang may kasamang pagpapanatag sa kaniyang tono.
Akala ko magmamatigas pa iyong bata, pero nakatingin lang siya sa mama niya habang nagpapatianod. Kagat-kagat ang daliri niyang naupo sa harap ng camera, at idinikit ang pisngi sa braso ng kaniyang kasama.
In-adjust namang babae ang gadget kaya mas nakita ko rin ito nang malinaw, hindi na iyong baba at didbib nito ang nakikita. Napansin ko ang puting buhok niya sa gilid, pero mas nangingibabaw ang pagka-brown ng kulay ng kaniyang buhok na tumatama sa sikat ng araw galing sa butas ng pinto sa likuran niya.
Tiningnan ko si Caleb na nakatingin lang sa akin. Hindi ako sigurado kung tama ba iyong narinig kong pangalan niya kanina. Nakangiti akong kumaway. “Good morning, kumusta ka?” masigla at mabait ang tono kong tanong.
“Okay lang po,” mahina niyang sagot, halata ang pagkamahiyain sa tono niya.
“How old are you?”
Pinunasan ng babae ang buhok ng kausap ko kaya bumungad ang noo niya, at masasabi kong mas bagay niya ang walang bangs. May maliit siyang nunal sa ilalim ng kaniyang kanang mata, malapit sa bridge ng ilong niya. Naalala kong iyakin daw ang mga batang ganito kapag may nunal. Hindi rin nakatakas sa mata ko ang nunal pa niya sa taas ng gilid ng kaniyang labi.
“Five 'ka mo,” pagturo ng mama niya. Kinuha pa niya ang kamay ni Caleb para ipakita sa akin ang limang daliri pero agad bumagsak nang ayaw gawin ni Caleb.
Sinilip niya ang bata at itinaas din nito ang palad, sinasabing gayahin niya ang ginagawa. “Sabihin mo five years old, ma'am,” utos niyang sinikil siya, pero nanatiling nakadikit lang ang pisngi niyang wala na sa akin ang paningin.
“Pagpasensiyahan n'yo na, miss. Hindi naman gaanong mahiyain pero hindi lang talaga nagsasalita kung first time niya makita iyong kausap niya.”
Napatango ako. Karamihan naman sa mga batang nakakausap ko noon bago kami mag-start sa tutorial ay katulad niya. Bihira lang iyong mga batang napunta sa akin na sobrang gulo. Iyong itatanong ko pa lang kung anong pangalan at ilang taon, ipapakilala agad ang sarili sa napakabibong paraan.
“Ayos lang ho, ma'am. Hindi pa sanay sa akin kaya ho ganiyan.”
Bumalik ang tingin ko sa bata. Nakatingin lang siya sa daliri niyang nakapatong sa mesa. Inalis na rin niya ang kagat-kagat niyang daliri kanina.
“Hi, Caleb. Tama ba nabanggit kong name mo?” paniniguro ko. Tumango siya kaya mas lalong lumapad ang ngiti ko dahil unti-unti rin siyang nagre-respond.
“Hi, Caleb. Ako si Ma'am Ruth,” ulit kong banggit sa pangalan niya at pagpapakilala sa sarili.
Tumingin si Caleb sa katabi niya. “Lola,” tawag niyang hindi ko ipinahalata ang pag-awang ng bibig nang matakpan ko agad.
Itinuro ako ni Caleb. “Papa call like this.”
Bahagyang nagsalubong ang kilay ko sa sinabi niya. Ganito rin sila mag-usap ng papa niya? Ibig sabihin, wala sa Pilipinas ang papa nito. Hindi ako sigurado kung tama ang pagkaka-interpret ko.
“Sabi niya ganito rin daw sila mag-usap ng papa niya. Through video call,” paliwanag ng lola niyang napatango ako.
“Kausapin mo, ah,” masuyong utos niya kay Caleb. “Hindi naman mangangagat si Ma'am Ruth. Mukha namang mabait oh, hindi gaya ng titser na palagi mong isinusumbong sa akin.”
Napadilat ako sa narinig. “Hala, bakit? Pinapalo ka ba ng teacher mo?”
Nakalabi siyang tumango. “Palo dito sa puwet, tapos ganoon,” sumbong niya sa aking iminuwestra ang tila pagkurot.
Grabe naman iyong teacher na iyon. Pati bata pinapatulan. Hindi dapat ganoon ang pagdisiplina niya kung sakaling magulo man si Caleb sa klase.
“Naisumbong n'yo na ho ba ma'am sa principal? Hindi ako licensed teacher pero ang alam ko ho bawal gawin saktan ang bata,” sabi ko. “Unless kung may magulo iyong bata, pero mukha namang hindi ganoon si Caleb,” nag-aalangan kong sabi.
Mukha namang mabait na bata, hindi pasaway base sa ipinapakita niya sa akin. But it's too early to judge. Marami rin kasing katulad niya na sa una mahiyain, pero biglang lumabas ang kulay. Manageable naman ang kakulitan nila at sanay na ako dahil ilang taon din akong naging tutor ng bata after kong mag-quit sa pagiging midwife.
“Nasumbong na namin sa principal. Tinanggal iyong teacher na iyon. Hindi lang pala si Caleb iyong sinasaktan niya, lahat pala. Sa mga niya bata ibinubuntong iyong inis sa asawa.”
Umawang ang bibig ko. Ang sama naman ng teacher na iyon. Mabuti at natanggal siya, pero nakapag-alala lang kung nasaang school siya ngayon at baka ganoon din ang ginagawa niya sa mga estudyanteng handle niya.
“Ang sama naman ng teacher mo. Very good ka Caleb kasi hindi ka natakot isumbong ang totoo sa lola mo,” puri ko sa kaniya.
We talked cassually and little by little, I made him talk about himself. Nalaman kong magulo rin daw siya, hindi naman iyong sobra. Nakakataba lang sa puso dahil unti-unti kaming nagkakapalagayan ng loob. Nang makuha ko ang tamang timing, nag-umpisa kami sa pag-aaral ng math at english, saka reading kasi medyo mahina pa siya sa pagbabasa.
***
Ipinagpantay-pantay ko ang pagkakahilera ng mga notebook at libro sa bookshelf, nasa tabi ng cabinet namin.
“Anong inaayos mo diyan?” tanong niyang kalalabas lang ng palikuran. Tumayo siya sa likuran ko.
“You're still cleaning at this hour?”
Dinaanan niya ako. May sariling kuwarto si Rosette sa kabila, naayos na nga iyon pero ayaw ipaiwan ni Aziel doon. Gusto niyang kasama namin sa pagtulog ang Rosette sa kuwarto, kaya naglagay kami ng crib, malapit sa kama.
“Hindi, may inaayos lang ako.” Lumingon akong tumayo habang hawak ang photo album na nakadagan sa paa ko.
Inalis ko ang mga nakalagay na hindi kabilang sa book shelf. Bigla lang akong sinipag mag-ayos ng bookshelf kaya hindi ko rin alam kung bakit napunta rito ang photo album na ito, e, sa pagkakaalala ko ay inilagay ko ito sa maliit na box.
“Tingnan mo itong nakita ko rito,” sabi ko sabay pakita ng kulay yellow na photo album. May nakadikit pang flower stickers at letters.
“Hi, Rosette, dad is here.” Kumaway-kaway siyang pinisil nang marahan ang pisngi nito. Binuhat niya si Rosette at maingat niyang inihiga sa kama.
“Ano iyan?” tanong niya pagkalingon sa akin.
“Photo album natin noong high school tayo,” sagot kong binuklat pagkaupo sa kama.
Humilata siya nang patagilid, nakaharap kay Rosette at bale may agwat kaming dalawa dahil nasa kabilang panig siya ng kama.
“Naalala mo pa ba ito?” Itinuro ko iyong may puting tela akong nakapatong sa ulo ko habang may malawak na ngiti.
“Ah, that. . .” sabi niyang tinitigang mabuti ang nakaharap na picture. Ngumisi siyang natawa nang mahina noong maalala. “Iyong hinila-hila mo pa ako para lang maranasan natin iyang marriage booth,” dugtong niya.
Tumawa ako. Magkahawak ang kamay namin, nakataas nang kaunti para ipakita sa camera ang puting singsing na gawa sa straw. Parehas pa kaming naka-school uniform nito, pero iyong mga kaibigan ko dati ay pinag-trip-an kami, kaya iyong palda ko tinakpan pa nila ng puting cartolina para idugtong sa puti kong blouse, na may pulang ribbon. Samantala, tinakpan naman nila ng itim na cartolina ang polo ni Aziel para mag-match sa pantalon niya.
Nakakatawa dahil ayaw niya talagang subukan ang marriage booth, kaso hinila ko at napilitan lang siya hanggang sa nagustuhan din niya.
Hinaplos ko ang nasa ibabang picture. Magkaharap kaming dalawa habang may napakalapad na ngiti sa isa't isa. Nadala kami sa hiya at kilig noong araw na ito, kaya napakaganda ng pagkakuha at sobrang lagkit ng tinginan namin. Katatapos lang ideklara ng kunwaring pastor sa harap namin, aming president sa classroom namin ang salitang "you may now kiss the bride". Alalang-alala ko pa ang kantiyawan at malakas na tilian ng mga nanood.
Alanganin pa siya kung hahalikan talaga niya ako o hindi, pero sa noo lang niya ako hinalikan kasi baka makarating sa parents namin. Wala pa man din kami sa legal age. Seventeen pa lang kami rito at six months pa lang ang relasyon namin.
Dati pa lang ay habulin na ng babae si Aziel. Sabi nga nila ang suwerte ko kasi nabingwit ko siya. Guwapo na nga raw, matalino at mayaman pa.
“Tapos iyong sa horror booth,” sabi niyang itinuro ang mukha kong nakasimangot samantalang tumatawa siya roon sa picture. Kalalabas lang namin dito sa horror booth at hindi pa ako nakababawi sa gulat at takot.
“Hindi ko talaga sinasadyang gawin kang panangga,” natatawa kong sabi nang matitigan ang kabilang pahina ng album.
“You forced me to go there and you ended up like a scared cat,” natatawa niyang pag-alala sabay pindot nang magaan sa pisngi ni Rosette, na nakikinig din sa aming kuwentuhan.
“Hindi ko naman kasi alam na napakagaling nilang manakot kahit naka-costume lang sila,” depensa ko sa sarili.
“But I enjoyed those days with you,” nakangiting sabi niya bilang pagbabalik-tanaw sa karanasan namin noon. “I'm glad you forced me to experience those things way back.”
Napansin ko ang tingin niya nasa akin habang ang mga mata ko ay nakatutok kay Rosette. Nilaro-laro ko ang kamay nito.
“Napansin ko kasing masyado ka ng nakatutok sa pag-aaral. Halos buong display ng Encyclopedia nabasa mo na yata,” sabi kong ikinatawa niya.
Nakigaya si Aziel sa paghawak sa kamay ni Rosette sa kaliwa. Dinampian pa niya ng halik sa maliit nitong braso.
“Mataas kasi ang standard ni mama simula pa lang. I don't want to disappoint her, even though, sometimes, I feel suffocated.”
“Kaya nga napakasaya ko noong nakilala kita, lalo na iyong sinagot mo ako.”
Sinulyapan ko ang labi niyang napakaganda ang ukit ng ngiti. Pagtaas ko ng tingin ay eksaktong nakatingin din pala siya sa akin. Sa mga mata niya ay ramdam ko ang ipinapakita niyang saya na makilala ako.
“Ang galing mo kasing bumanat, kaya ayon, nahulog ako.”
Mahina siyang tumawa. “Mahal kasi kita,” sagot niyang kinindatan pa ako.
“Rosette, mahal na mahal ko, mom mo. Tandaan mong sinabi iyan ni dad, ha?” bilin niyang ikinatawa ko nang napakahina.
“Ano iyong happy moment mo noong high school pa tayo?” tanong kong isinandal ang likod sa headboard.
Binubuklat pa rin ang album. Inaalala ang bawat masayang moment namin sa picture.
“All of them,” sagot niyang humarap humilata nang maayos, hinarap ang kisame.
“Ako iyong first date natin,” sagot kong nilingon siya. Ang kaniyang kamay ay nasa hawak pa rin niya ang maliit na kamay ni Rosette.
“Kuwento mo nga kung bakit iyon ang napakasaya mong memory?”
“Kasi imbes na subukan natin lahat ng rides sa amusement park, nandoon lang tayo sa claw machine,” natatawa kong pag-aalala.
-FLASHBACK-
“Ziel, tama na iyan. Baka maubos lang pera mo,” saway kong may pag-aalala.
Ilang oras na kaming nandito. Hindi pa namin nalilibot ang buong amusement park. Bago pa kami makarating dito ay napakarami niyang sinasabi, na gusto niyang maranasan na kasama akong subukang sakyan iyong ferris wheel at vikings.
Napasabunot siya sa kaniyang buhok at tinampal ang button sa claw machine. “Aish! Why this thing is difficult to play?” himutok niya.
“Okay lang naman sa akin kahit hindi mo makuha. Hindi naman kita pinipilit.”
Itinuro ko lang naman itong claw machine noong makita ko iyong magkasintahang nakakuha ng stuffed toy sa bagay na ito.
“Gusto kong kunin para sa 'yo,” pursigido niyang sabi habang ang mata ay nasa larong kanina pa niya hindi inaalisan.
Naghulog siya ng token bigla at iginalaw-galaw nang maingat kasabay ng pag-obserba niya sa direksyong gusto niyang itutok.
“Kapag wala ka pang nakuha—”
“Aish! Ang dali-dali lang dapat nito!” reklamo niyang hinampas-hampas ang button.
Hinuli ko ang kamay niya dahil baka masira pa nito. “Doon na lang tayo sa ferris wheel. Tama na—”
Binawi niya ang kamay sabay taas ng hintuturo. “One more. Last na, promise,” pakiusap niyang buong palad ang intinaas.
Buntonghininga akong tumango. “Last na iyan.”
Pinanood ko ang paglalaro niya, subalit, gaya ng kanina pa nangyayari, palaging nauuwi sa pagkabigo
Bagsak ang balikat niyang hinarap ako habang nakasuksok ang kanang kamay sa bulsa. “One more. Pinakahuli na talaga ito,” sabi niyang nagmamakaawa habang dahan-dahang itinataas ang malayang kamay.
-END OF FLASHBACK-
Tumatawa akong naglipat ng pahina. Hinaplos ang picture naming magkaakbay, nakasuot pa ng couple shirt at tumingkayad pa ako rito para maabot lang nang maayos iyong balikat niya at magkapantay ng tangkad.
“Iyong naubos ang araw natin sa kasasabi mo ng 'one more'. Wala, memorable lang talaga sa akin iyon,” kuwento ko sabay ngiti at kinagat ang ibabang labi, hindi mapigilan ang sarili sa kilig. “Kasi first date ko iyon at first boyfriend kita, kaya iba talaga epekto sa akin.”
“Tapos ang nakuha mo sa akin sa kalalaro mo doon iyong maliit na palaka,” sabi ko noong makita ko ang picture kong hawak ang napanalunan niya. Siya mismo ang kumuha ng picture ko. “Nandito pa rin iyon sa akin kahit nakagat-kagat na ni Bruno.”
Isinara ko ang album at inilapag sa paanan ko para tumayo. Pagkalingon ko sa kaniya ay napangiti ako at napabalik sa pag-upo.
Hinaplos ko ang buhok niya at balak ko sanang tanggalin ang kamay nila, pero biglang may ideyang pumasok sa akin. Maganda ang posisyon nilang dalawa. Nakapikit na si Aziel, samantala, nakadilat si Rosette na nakalingon sa Dad niya.
Inilabas ko ang phone at tumayo ako sa kama, itinutok ang camera ng phone ko sa kanila sabay click ng capture button.
Nakangiti kong ibinaba ang phone sabay upo at lumapit sa kaniya. “Sleep tight, Ziel,” malambing kong saad kasabay ng pagdahan-dahan kong pagtanggal sa magkahawak nilang kamay ni Rosette para ibalik ito sa crib.

Komentar Buku (37)

  • avatar
    D.DelaCruzGioMark

    mahihiwalay

    4d

      0
  • avatar
    TurlaoNathaniel

    frufuiairarjajrajfafjfjsfjsjskfskskfskfskfskjfzjfzjfzjfzfjzjfzjffjzfjJfsjfzjafjjfajsjfJffjJFjFjJffjafjajrajfajfafjsfjafjsfjFjsfjsfjsfjsjfsjtsrjsjrsjxkgxjgxhflydydufifigigigifuficjcigifouskthsjtsmsjggnsyhhsgznhxhdjdjfkcifitifjrieldkyudludlufuurukelurlurlujjdmhdlufuldudkudkudkudkydkudukfukdkydkydkydkdyoyeioykydydkykkykydkududludkydlhclhfyldykdkgxkydkyxkydktxgkxyxucicicicucucjvjvhdtsygkbjxfsiglggzoghzhfyhslagsulsgdigsykahdtjajgdjdylsrhsulshykrkyshfstatjdsjtslhskyludlysjtaktsylslysylskylysyldoydoydp

    6d

      0
  • avatar
    Nyl Los

    galing

    20d

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru