logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

ADAAT 5

DALAWANG BESES nag-ring ang tawag ko bago niya sagutin. Malabo ang background niya, para siyang na-edit para maging motion blur ang mukha niya dahil in-adjust niya ito at nagla-lag.
“Hoy, Ru. Na-miss kita!” bungad niya nang unti-unting luminaw ang mukha niya at nakasagap ng magandang internet connection. “Congratulations on the birth of your sweet baby girl.”
Ngumiti ako. “Thank you.”
Suot niya ang uniporme, napakagat-labi ako at nahihiyang ngumiti. Mukhang hindi sumakto sa free time niya ang pagtawag ko.
“Pasensya na kung late iyong congratulations ko. Iyan na ba iyang baby girl ninyo?” tanong niyang dumungaw kunwari kahit nag-uusap lang naman kami sa video call.
Tumango akong itinutok nang bahagya ang camera. “Rosette name niya,” pagpapakilala ko. Nakadilat siyang sumususo sa akin.
“Ang cute!” nanggigigil sa tuwang puri niya.
Napansin ko ang kamay niyang kumukurot-kurot kunwari at ini-imadyin niyang tinutusok ang maliit na braso ni Rosette. “Hindi pa kasi ako makabisita diyan sa inyo. Busy pa ako.”
“Walang problema. Iyong nangyari pala noong nakaraang tatlong buwan,” pag-alala kong ibinalik sa dating ayos iyong phone ko. “Ako na ang humihingi ng paumanhin sa kilos ni—”
“Bestie, wala iyon. Mainit lang ulo ko noong araw na iyon kasi nag-away kami ni Chris,” putol niya sa sinasabi ko habang iwinagayway ang kanang palad. “Wala akong sama ng loob, inis lang kaya huwag mo ng isipin iyon.”
Bumuga ako ng hangin, senyales na nakahinga ako nang maluwag sa mga narinig. “Mabuti naman. Akala ko kasi kaya hindi ka na tumatawag sa akin kasi galit ka.”
Pumainlanlang ang mahina niyang pagtawa. “Hindi, Ru. Nakakatawa ka naman,” sabi niya sabay buntonghininga. “Naging sobrang busy lang ako nitong nakaraang buwan. Hindi na kita matawagan kasi naging madalas din pag-aaway namin ni Chris.”
Nag-aalala akong nag-angat ng tingin. “Okay naman na kayo ngayon?”
Tumango siya. “Oo, okay na. Going strong,” sagot niyang ikinangiti ko.
Matagal din nilang problema ang kanilang relasyon. Ayaw naman nilang maghiwalay. Paminsan-minsan din lang siyang nag-o-open up sa akin tungkol sa relasyon nila ni Chris, kaya nirerespeto ko ang privacy na gusto niya para sa kanila. Ayaw lang talaga niyang pag-usapan.
Sinabi kasi nito sa aking ayaw niyang makarinig ng opinyon na dinidiktahan siya kung ano ang mas magandang gawin.
Tiningnan ko siyang nakahalumbaba, maliwanag sa likuran niya na biglang dumidilim at para bang nasa harap ko lang siyang nakaupo sa couch.
Ibinuka ko ang bibig, pumipila sa utak ko iyong gusto kong bitiwang mga salita, pero naisip kong hindi makabuluhan kaya naitikom ko rin agad ang labi. Lumabi siyang nag-angat ng dalawang kilay.
“May napapansin ako,” basag niya sa segundong katahimikan.
“Ano?”
“May gusto kang itanong, ano?” Naituro pa niya ako.
Umiling-iling akong inilapag nang maingat si Rosette sa stroller na nasa gilid. “Wala. Tinitingnan lang kita,” sagot ko at pilit siyang binigyan ng pagngiti.
Marahan siyang umiling at mahinang tumawa ulit. “Ru, alam kong mayroon kaya huwag ka nang mahihiya.” Itinuro niya ang mukha, ipinapakita sa aking ganoon ang napapansin niya sa akin. “Bukod kay Ate Rica mo na kilalang-kilala ka, aba! Huwag mo akong kalimutan.”
Lumapit siyang ipinatong ang dalawang kamay sa mesa. “Sabihin mo na iyang gusto mong sabihin,” panghihimok niya.
Sumimangot akong nagbaba ng tingin. Iginalaw-galaw ko ang mga daliri sa paa at tatlong beses nagpakawala ng buntonghininga. Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin.
“Pangit na ba ako?”
Namilog ang mata niya. “Anong pangit? Nakapaganda mo kaya,” sagot niyang baligtad sa paniniwala ko.
“Pakiramdam ko kasi ang taba-taba ko at ang pangit ko na.”
Palagay ko hindi na ako kasingganda ng dati. Masasarap ang ulam na inihahanda namin ni manang, pero halos hindi ko pa maubos ang kinakain kaya madalas ay napapanis. Hindi rin naman kumakain si Aziel ng pagkaing left over, kahit hindi pa napanis kasi nasa fridge naman.
“Huwag mo kasing isiping mataba ka at pangit, e, halos wala ngang nagbago sa 'yo. Ikaw pa rin iyong dati.”
Humaba ang labi kong hindi tinanggal ang tingin sa kaniya. Sinasabi lang siguro niya dahil ayaw niyang bumaba lalo ang tingin ko sa sarili. Ayaw lang niyang ipamukha sa aking mataba talaga ako.
“Kung hindi mo mapigilan mag-isip ng ganiyan, mag-exercise ka para kumalma iyang utak mo,” suhestyon niyang ikinabuntonghininga ko nang napakalalim.
“Iyon nga siguro ang kailangan kong gawin.”
“Ako naman ang may tanong sa 'yo,” sabi niyang hindi hinayaang balutin kami nang kahit isang segundo.
Napatungo ako sa kaniya, hinihintay ang mga salitang lalabas sa kaniyang labing kulay pinkish red.
“Nag-aaway kayo ni Azi?”
Inilingan ko. “Simula noong nabuntis ako hanggang sa nanganak ako, hindi na kami nag-aaway,” sagot kong ang kanang mata ay napapataas dahil sa pag-alala ko kung may naganap pang away matapos sa pagitan namin.
“Hindi naman totally away, pero nagkakatampuhan at mag-aayos din naman kami agad kinabukasan,” dagdag ko.
Sa katunayan ay sobrang saya ng puso ko dahil sa wakas ay tinutupad niya ang kaniyang ipinangako. Sana nga ay magtuloy-tuloy habambuhay.
“Sigurado ka?”
Kinunutan ko siya ng noo. “Oo, bakit?”
“Hindi naman siya nanlalamig sa 'yo gaya nang madalas niyang ginagawa sa 'yo dati?”
Ramdam ko ang pagdami ng guhit sa noo ko at pagsalubong ng mga kilay, sabay iling. “Hindi naman.”
“Nakita ko kasi siya,” panimula niyang kinamot ang gilid ng labi. “May kasama siyang babaeng matangkad. Hindi naman naka-business attire iyong babae kasi maikli iyong suot niyang bestida.”
Mas lalo lang nagbanggaan ang kilay ko. “Namukhaan mo ba sila?”
“Hindi. Likod lang kasi niya nakita ko. Medyo magkasingtangkad sila ni Azi saka parang modelo ang dating,” sagot niya. Napatango ako at akmang magsasalita nang bigla itong kumaway-kaway. “Although hindi ako sigurado kung siya iyon, pero pamilyar kasi sa akin nakatagilid niyang mukha, pati iyong damit saka kotse, e.”
Napatango ako, pinapakinggan ang sinasabi niya pero hindi agad tumatakbo sa kung saan-saan ang isip ko. Inaalam ko muna ang detalye ng sinasabi ni Sally.
“Hindi ba may damit si Azi na looney tunes at may customize number ten sa likod?”
Tumango ako. Marami pang nagsusuot ng ganoong customized shirt. Imposibleng si Aziel lang ang may ganoon.
“Saan mo ba sila nakita?”
“Sa parking area ng SM.”
Muli akong napatango. Medyo nabubuo ang pagdududa ko sa isip pero pilit kong iwinawaksi dahil hindi pa naman sigurado si Sally sa nakita.
Kung sakaling maganda ang mood ni Aziel pagdating niya sa bahay, baka itanong ko para mapanatag ako pero. . . Bumuntonghininga ako nang malalim sabay takip sa noo.
Huwag ko na lang banggitin sa kaniya kasi malakas ang kutob kong magiging iba ang tingin niyon para sa kaniya. Nangako pa man din akong hinding-hindi na ako magdududa sa kaniya, kahit mahirap pigilan.
“Namalikmata ka lang siguro. Masaya kami at wala naman akong napapansing kahina-hinala sa kilos niya,” sabi kong pagpapanatag sa loob ko.
Mabait siya at tila nabihisan dahil ibang-iba talaga siya noon. Sana lang ay totoo ang ipinapakita niya.
“Siguro nga. Huwag mo na lang isipin iyong sinabi ko.”
“May manganganak. Kailangan ka raw doon,” sabi ng babaeng kapapasok lang sa kinalalagyang kuwarto ni Sally.
“Ha? Nasaan ba si Maret?” tanong niyang wala sa akin ang tingin kundi sa babaeng nasa gilid niya, na kita ko ang uniporme at kamay nitong may kinukuha sa mesa.
“Kinuha mo shift niya 'di ba?”
Umismid siyang naibalik ang atensyon sa akin at hinawakan ang phone para ilapit. “Oh, may pasyente kami. Midwife duty na ako. Bye!”
Naiwang nakataas ang palad ko sabay ukit na lang ng ngiti dahil hindi pa ako nakapagpaalam sa kaniya.
Inaliw ko ang gising pa ring si Rosette sa pamamagitan ng pagkiliti sa kaniyang mga paa dahilan para tumawa siya. Parang musika ang tawa niya, napakasarap pakinggan.
Tumabi ako kay manang. Kinuha ko ang hawak niyang dalawang pinggan para ilatag sa mesa. Nilingon ko siya sandali sabay tikom ng bibig.
Nagdadalawang-isip ako kung itatanong ko rin ang tanong ko kanina kay Sally. Baka kasi si manang ang magsabi sa akin ng totoo.
Halos takbuhan ko kanina at muntik ipaharap sa dingding ang salaming nakasabit sa tabi ng kabinet sa aming kuwarto. Nalilito ako sa nararamdaman kong parang naalibadbaran ako sa sarili ko. Iniiwasan kong tumingin sa salamin dahil sa bawat sulyap ko ay ibang ako ang nakikita.
Parang ang lapad lahat ng braso ko, kahit sinabi naman ni Sally na parang walang nagbago sa katawan ko dahil payat pa rin ako.
“Manang, may tanong lang ho ako. . .” nag-aalangan kong sabi, hinawakan ang sandalan ng upuan. “Ang babaw ho ng tanong ko pero—” Kusa akong huminto para humugot ng lakas ng loob at binalingan si manang ng tingin.
Lumunok akong ibinuka ang bibig sabay bitiw ng tanong. “Mukha na ho ba akong losyang, manang?”
Tinititigan niya ako nang mabuti. Bumaba pa ang tingin niya para pansinin ang hubog ng katawan ko. “Hindi naman, hija. Normal lang iyan kapag nanganak.”
Umiling siya sa paraang tila walang napansing kakaiba at walang kasamang panghuhusga. Ibinalik niya sa akin ang paningin nang nakakunot na ang noo.
“Sinabihan ka ni Sir Aziel na mukha kang losyang?”
Umiling-iling akong iwinagayway ang palad. “Hindi ho pero parang ganoon ho kasi ang nararamdaman ko.”
“Nako, hija. Huwag kang masyadong mag-alala. Tiyak kong hindi ganoon ang tingin sa 'yo ni Sir Aziel.” Tinapik niya ang balikat ko. “Wala nga halos nagbago sa iyo, hija. Para ka ngang hindi nanganak.”
Bumilog ang mata at labi sa narinig. Naging sapat na iyon para pagaanin ang sarili saka tuluyang magising sa katotohanang wala naman talagang nagbago sa akin.
Napaayos ako sa pagkakatayo pagkahagip ng mata ko sa pagpasok ni Aziel habang pinupunasan ang buhok gamit ang nakasabit na towel sa kaniyang balikat.
“Kumain na tayo,” deklara niyang nag-angat ng tingin at hinila ang upuan sa tabi ko para maupo.
Liningon ko ang paglayo ni manang sa akin. “Sumabay na ho kayo sa amin. Tulog naman na si Rosette,” tawag kong inaalok siyang sumabay sa amin.
Umiling lang siya habang umuupo ako sa tabi ni Aziel. “Sige lang, hija. Pagkatapos n'yo na lang ako kakain. Baka magising si Rosette kaya doon muna ako para bantayan siya.”
Sumara ang pinto pagkalabas niya. Tanging kami lang ni Aziel ang naiwan sa kusina, tunog ng kutsarang kumalansing sa pinggan ang pumainlanlang.
“Kailan ka pala mag-uumpisa sa pag-tutor mo?”
“By next week,” sagot kong inilapit sa kaniya ang mangkok. Langhap na langhap ko ang asim at lansa ng isda na nasa mangkok. Bakasakaling gusto niya kaysa sa pritong bangus at relyenong nakahanda.
Sumandok siya ng sabaw at nilagyan ang maliit na mangkok sa tabi niya. “I'll inform you ahead of time next time. Hindi ko kasi naalalang marami pala akong ka-business meeting kahapon,” sabi niya sabay higop ng sabaw pagkatapos.
“Ayos lang iyon. May ipinainit ako, gusto mo bang paghatian natin?”
Inabot ko ang mangkok na may kalayuan sa harap ko. Si manang ang naglagay doon, nakalimutang ilapit.
Inilagay ko sa gitna namin para makakuha siya. Sinilip niya at inilingan. “Okay na ako rito sa luto ni manang,” sagot niyang naglagay ng sabaw sa kanin. “Katatapos ko lang din kumain. Dumaan ako kanila mama.”
Kumuha ako ng sabaw sa iniluto kong coconut beef curry. “Kumusta naman si tita?”
“Gaya pa rin ng dati,” sagot niya habang may kaunting nginunguya.
Tumahimik kami at hindi siya inabala kahit sumulpot bigla sa isip ko iyong sinabi ni Sally kanina. Pasimple ko siyang sinulyapan. Nagbabalak akong itanong sa kaniya kung saan pa siya galing bago dumaan sa mansion nila.
“May college reunion pala kami bukas at inaaya nila akong pumunta.” Lumingon siya. “You want to come with me?”
“Walang kasama si Rosette. Uuwi si manang kanila tita bukas,” sagot ko.
Pinansin ko ang mukha niyang wala naman akong naramdaman o napansing itinatago niya dahil nakatingin pa siya nang diretso sa mata ko. Sinabayan ko ng pagsubo ng kanin ang pinakawalan kong mahinang buntonghininga. Namalikmata lang talaga si Sally. Iba ang napagkamalan niya.
“Huwag mo akong alalahanin saka reunion naman ng department ninyo iyon. Just enjoy yourself there. Huwag mo lang sosobrahan ang pag-inom,” sabi ko nang maubos ang laman ng bibig.
Tumango-tango siyang ngumiti pagkatapos lunukin ang kinakain.

Komentar Buku (37)

  • avatar
    D.DelaCruzGioMark

    mahihiwalay

    4d

      0
  • avatar
    TurlaoNathaniel

    frufuiairarjajrajfafjfjsfjsjskfskskfskfskfskjfzjfzjfzjfzfjzjfzjffjzfjJfsjfzjafjjfajsjfJffjJFjFjJffjafjajrajfajfafjsfjafjsfjFjsfjsfjsfjsjfsjtsrjsjrsjxkgxjgxhflydydufifigigigifuficjcigifouskthsjtsmsjggnsyhhsgznhxhdjdjfkcifitifjrieldkyudludlufuurukelurlurlujjdmhdlufuldudkudkudkudkydkudukfukdkydkydkydkdyoyeioykydydkykkykydkududludkydlhclhfyldykdkgxkydkyxkydktxgkxyxucicicicucucjvjvhdtsygkbjxfsiglggzoghzhfyhslagsulsgdigsykahdtjajgdjdylsrhsulshykrkyshfstatjdsjtslhskyludlysjtaktsylslysylskylysyldoydoydp

    6d

      0
  • avatar
    Nyl Los

    galing

    20d

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru