logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Chapter 3.

Decintein's POV:
Pagod akong umuwi sa bahay from boutique. Ang daming customer kanina. Sa katunayan ay kaya ako mas napagod dahil sa kakahanap ko sa reviewer ko kahapon. Binalikan ko roon sa lugar na inaagawan ako ng lalaki ng cellphone, pero wala talaga.
Mayroon pa naman akong reviewer. Kaso ang nawala sa akin ay mahalaga. Madali na lang bumili ng bagong libro ngayon at magpa-print pero ayaw ko.
Ang ganda-ganda kasi ng cellphone ko kaya nawala ako sa wisyo kahapon. First time ko lang kasi na magkaroon nito. And alam ko na mas magagamit ko ito, soon.
Agad akong nagtungo sa lamesa. "Mama, kakain na po ba tayo?"
"Oo, anak! Huwag na nating hintayin ang Papa mo dahil may hahanapin daw siya." Binigyan ako ni Mama ng plato.
"Mama, himala naman dahil marami kang niluto!" masayang sigaw ko.
"Nakalimutan mo na ba agad, anak? Dahil ito sa pera mo. Kumusta ka nga pala? At ang binili mong cellphone? Hay naku! Kamuntik ka pang mapahamak!"
"Oo nga pala, Ma. Okay lang po ako. Mama naman! Sorry na." Tumayo ako sabay niyakap ko siya agad.
Kumain kami nang kumain ni Mama. Nababasa ko sa mga mata niya kung gaano siya kasaya.
'Mama, kapit lang po. Malapit ko na po kayong maiahon sa hirap ni Papa.'
Maya-maya pa ay may biglang kumatok. Agad na tumayo si Mama papalapit sa pinto sabay binuksan ito.
Bumungad sa amin si Lola Gar. Ang nanay ni Papa.
"Ma, kumusta po?" Maupo po kayo rito, Mama Gar." Inalalayan ni Mama na makaupo si Lola. Pero bigla akong magulat nang alisin ni Lola ang kamay ni Mama sa kanyang balikat.
"Nasaan ang anak ko, Filer?"
"Ma, may hahanapin daw po siya."
"Wala bang pasok ang anak ko? Manghihingi sana ako ng pambili ng bigas,"
"Lola." Lumapit ako kay Lola. Ngumiti ako sa kanya sabay pasimple ko siyang inabutan ng pera. Iyong pera ko from Sir Laz.
Tiningnan ni Lola ang pera. "Totoo ba ito, apo? Mayroon ka na bang trabaho?"
"Wala pa po Lola. Part-time job pa lang po. Naghihintay pa po kasi ako sa darating na board examination."
"Gano'n ba? Ano nga ulit ang course mo, apo?"
"Bachelor of Science in Criminology po, Lola. Pangarap ko po na maging pulis. Tsaka Lola, alam mo ba na masarap ang mag-aral sa kurso ko? Marami po akong natutunan!" masayang sabi ko.
"Gano'n? Criminology pala? 'Di ba madali lang na course 'yan? Balita ko ay patapon lang na estudyante ang kumukuha niyan."
Uminit bigla ang ulo ko.
"Paano niyo naman nasabi, Lola?"
"Marami kasi ang nakapagtapos sa kurso na 'yan pero hindi naman pumapasa sa board. Tsaka ayon sa kwento ng mga kaibigan kong matatanda."
"Iyon po ang basehan ninyo? Hindi po totoo iyan, Lola. I think kaya hindi pumapasa ang iba dahil sa mahirap talaga, tsaka baka hindi pa po nila oras at dapat natin na irespeto iyon keysa po sa ma-disappoint tayo sa kanila. Disappointed na po sila sa sarili nila so bakit pa natin dadagdagan? And I admit na sobrang hirap po ng course na iyan. Marami pong pinag-aaralan do'n. Tsaka ang course na iyan ang nagturo sa akin kung paano palawakin ang respeto sa iba, maging aware sa karapatan ng iba, maging mabuti sa iba, huwag gagawa ng krimen, at lalo na po ang lessons na hindi ko na iisa-isahin. Alam niyo rin po ba na habang nag-aaral ako ay nage-execute pa kami ng exercises? Such as push up, sit-ups and iba pa. Alam niyo po ba na ang binabasa ko dati na modules ay halos hundred of pages? Hindi mo po alam iyon. Sana po ay huwag niyong husgahan ang course ko. Dati po ay akala ko ay madali rin, pero kapag wala ka sa kurso na iyon ay hindi mo malalaman kung gaano kahirap."
"Nagmamagaling ka na niyan, apo? Hindi ko naman sinasadya. Tsaka madali lang naman ang ginagawa mo dati, nag-aaral ka lang naman. Masisisi mo ba ako kung may students na mga pasaway at mga guro sa course na iyan?"
"Para po kasi sa akin, ang mas magandang pagtuunan ng pansin ay ang sarili keysa sa iba. Huwag po ninyong sabihin na madali lang ang ginagawa ko noon. Wala po kayong alam na maraming luha ang lumabas sa aking mga mata."
"Ikaw na ang magaling, apo! Mataas ang pinag-aralan mo 'di ba? Pero huwag kang mayabang. Baka kasi sa sobrang taas ng tingin mo sa sarili mo ay maging guard ka lang." Tumayo si Lola sabay umalis. Bigla naman akong niyakap ni Mama.
Simula bata pa lang ako ay ganyan na sa amin si Lola. Si Lola ay lasenggera at mahilig magsugal kaya madalas ay napapagalitan siya ni Papa dahil ang binibigay sa kanya ng mga anak niya ay mabilis maubos. Binigyan ko siya ng pera dahil umaasa ako na hindi niya iyon gagamitin sa bisyo niya.
Makalipas ang ilang minuto ay bigla kaming nagulat ni Mama dahil biglang bumukas nang malakas ang pinto.
"Anak, wala talaga roon sa sinabi mong lugar ang reviewer mo! Marunong ka naman ng self defense 'di ba? Bakit hindi mo ginamit sa lalaki na 'yon?" makapangyarihang tanong ni Papa.
Bigla naman akong natakot. Oo tama si Papa, marunong ako sa self defense dahil kasama 'yon na inaaral sa subject namin sa criminology. Pero lutang kasi talaga ako noong nangyari 'yon.
"P-Papa, hayaan niyo na po. Bibili na lang po ako ng bago at magpa-pa-print."
"Ano?! Dahil ba sa may pera ka? Hindi mo man lang ba naisip na mahalaga ang mga highlight na inilagay mo roon? Mag-isip ka naman!"
"Sorry, Papa!"
"Nakakainis ka, Decintein! Ang sarap itapon ng cellphone mo! Nakakainis din 'yang part-time job mo! Kaya ka naman naming buhayin, ah!"
"Herpy, huwag mo namang sigawan ang anak natin." Hinawakan ako sa kamay ni Mama.
"Papa, patawarin mo po ako!"
"Patawarin mo 'yang kilos mo, Decintein! Ang tanong, nakapag-review ka na ba?!"
"Hindi pa po, Papa. Na-late po kasi ako kanina sa job ko po,"
"'Yan ang sinasabi ko! Ang sarap mong kurutin sa utak, Decintein! Nag-aral ka 'di ba? Bakit hindi mo naisip na habang nagtitinda ka ay nagbabasa ka rin?!"
Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Umiyak ako nang umiyak dahil minamaliit na ako ni Papa.
"Tama na, Herpy! Masyado mo nang sinasaktan ang anak natin!" sigaw ni Mama. "Tsaka bakit mayroon kang hawak na isang pair ng sapatos?! Kanino 'yan?"
"S-sorry! Iniisip ko lang naman ang anak natin dahil malapit na ang exam niya." Itinaas ni Papa ang sapatos. "Ito ba? Ito ang nahanap ko roon sa lugar na sinabi ni Decintein. Sa palagay ko ay mahal ito, hinahanap ko nga ang isa pang pair kaya ako natagalan. Sayang, kasya pa naman sa akin."
"Papa." Tinakpan ko ang bibig ko. "'Yang sapatos na 'yan yata 'yung binato ng lalaki na tumulong sa akin! Hindi ko siya nakita dahil nagulat ako kaya tumakbo ako agad."
"Talaga? Mayaman siguro ang tumulong sa 'yo. Sana ay hinanap mo siya. Nakakahiya dahil hindi ka man lang nagpasalamat. Tsaka anak, huwag ka namang masyadong mabait. Alam mo kung paano mag-execute ng self defense pero hindi mo kayang manakit ng masasama. Paano kapag naging ganap na pulis ka na? Baka tawagin mo pa ako at ako ang gawin mong shield."
Yumuko lang ako dahil sa kahihiyan.
Dumiretso si Papa sa table kaya sumunod na kami ni Mama.
"Bumili ka na lang ng bagong libro anak. May pera ka pa naman." Hinimas ni Mama ang likod ko. "At ikaw naman Herpy, hayaan mo na ang anak natin."
"O-opo,"
Nagulat kami ni Mama nang biglang bumagsak si Papa sa sahig.
"Pa!"
"Herpy ko." Agad na tumayo si Mama sabay inalalayan si Papa.
"Decintein, Filer, hindi ako makahinga!"
"Anak! Humingi ka ng tulong sa labas!"
Agad akong tumakbo papunta sa labas. Bigla ko namang nakita si Ulagorn.
"Oh?! Bakit ka namumutla?"
"Si Papa po kasi ay nahihirapan huminga!"
"Gano'n? Buhatin mo na lang. Criminology student ka 'di ba? Nag-practice kayo ng basic helping strategies kaya ikaw na lang. May pupuntahan pa ako." Naglakad siya papalayo.
Kumirot ang puso ko.
Tumingin ako sa mga bahay ng lahat ng kapitbahay namin pero sarado na ang kanilang mga bahay.
Agad akong bumalik sa bahay. Bumungad sa akin si Mama habang umiiyak.
Kinuyom ko ang kamao ko sabay nilapitan ko si Papa.
"Ma, ako na ang magbubuhat." Inalalayan ko si Papa sabay binuhat ko.
"A-anak! Kaya mo ba talaga?!"
Hindi ako sumagot. Masama ang loob ko dahil nakakadalawang patama na sa akin si Ulagorn.
Wala talagang ibang aasahan ang pamilya ko, kundi ako lang.
Naramdaman ko naman na inaalalayan ako ni Mama sa likod gamit ang kamay niya.
Nakarating kami agad sa paradahan ng tricycle.
"Ang ganda mo naman, hija. Pero bakit mo karga ang iyong ama? Grabe, mabuti na lang dahil nakaya mo ang iyong ama! Wow!"
Tumango lang ako.
Habang nasa tricycle kaming tatlo ay iyak nang iyak si Mama. Ako naman ay nakahawak lang ng mahigpit sa kamay ni Papa.
Sana ay walang mangyaring masama sa 'yo, Pa. Sorry po, Papa. Pakiramdam ko po kasi ay kasalanan ko dahil baka napagod kayo kakahanap sa reviewer ko.
**
Nasa hospital na kami.
Lumabas ako sa kwarto kung saan nagpapahinga si Papa. Lumabas ako dahil aabangan ko ang doctor. Sabi kasi ni Doc ay babalik siya agad.
"Hija, ikaw ba ang anak ng pasyente sa loob?"
Humarap ako agad. "Yes po!"
"Sumunod ka sa akin." Naglakad siya papunta sa office niya. Sumunod naman ako agad.
Umupo siya sa kanyang upuan. "Ang iyong ama ay kailangan mag-maintain ng gamot para sa kanyang sakit. I find out na mayroon siyang heart disease."
"A-ano po? Malala po ba? Pero ano po ang causes? Wala naman pong bisyo ang Papa ko. Pero may time po na tumataas ang blood pressure niya."
"Hindi naman, hija. Alam mo, sometimes heart disease cannot control sa edad at sa family history. Pero p'wede pa rin namang ma-cure." May inabot siya na isang maliit na papel. "Bilhin mo na ngayon ang gamot na 'yan. Nasa reseta na kung ilang beses sa isang araw."
Tumango ako at ngumiti. "Salamat po."
Lumabas ako agad sa hospital. Habang naglalakad ako ay nakatitig lang ako sa reseta na binigay ng doctor.
Mayroon akong nakita na isang drug store kaya agad akong pumasok. Ibinigay ko sa cashier ang reseta sabay tumango lang ito.
"Madam, p'wede po ba na maghintay muna kayo? Tatawagan ko lang po ang manager kung may stock po kami nito."
"Okay." Tumango ako sabay tumalikod. Naglakad ako papalapit sa cosmetics area. Napangiti ako dahil may nakita akong powder and lipstick.
Mabuti na lang talaga dahil mayroon pa akong pera. May pambili pa ako ng gamot tsaka pambayad sa hospital. Salamat talaga, Sir Laz.
Mayroon akong nabasa sa isang cosmetics na ang nakalagay ay concealer. Ito ba 'yong sinasabi ni Sir Laz?
Hinawakan ko ang concealer sabay binasa ang description. Ang ganda pala ng purpose nito. Napangiti ako dahil ang ganda ng layunin ni Laz. Kaya niya pala sinabi 'yon sa 'kin dahil sa madadagdagan ang confidence ko.
Pero hindi muna ako bibili ng mga ganito. Uunahin ko si Papa. Agad akong dumiretso sa cashier. Ibinigay naman agad ang gamot sa akin.
Pagkalabas ko ay may nakita akong book store. Naglakad ako papunta roon.
Bumungad agad sa akin ang makapal na reviewer about sa course ko. Maglalakad na sana ako papalapit doon pero biglang kumirot ang dibdib ko. And na-out of balance ako.
"Okay lang po kayo, Mam?" tanong ng isang staff.
Tumango lang ako sabay umalis na agad.
**
"Ma, narito na po ang gamot ni Papa." Inabot ko agad kay Mama. Ngumiti naman sa akin si Mama sabay kumuha ng tubig.
"Herpy, gising." Hinimas ni Mama ang pisnge ni Papa. Iminulat naman agad ni Papa ang kanyang mga mata.
"Decintein, nakapag-review ka na ba? Huwag mo akong alalahanin." Hinawakan niya ang kamay ko sabay hinimas.
Napakamot ako sa ulo dahil ang totoo niyan ay hindi pa ako nakakapagbasa.
"Anak, magbasa ka na," dagdag pa ni Papa.
"Opo Pa, inumin niyo po muna ang gamot niyo." Pinisil ko ang pisnge niya.
"Decint, p'wede bang umuwi ka muna sa bahay? Para makapag-review ka. And alam ko na mayroon ka pang pasok bukas sa boutique," sabi ni Mama.
"Pero Mama-"
"Makinig ka sa amin, anak. Umuwi ka na. Ang Mama mo ang bahala sa akin kaya huwag ka nang mag-alala. Mag-focus ka sa examination. Kapag sinunod mo ako ay hindi ako tututol sa part-time job mo."
Tumango ako sabay niyakap ko silang dalawa.
Hindi ko na nasabi sa kanilang dalawa ang sakit ni Papa. Pero, bakit kalmado lang sina Mama at Papa? Matagal na ba nilang alam ito?
**
Pagka-uwi ko sa bahay ay bumungad sa akin ang sapatos. Kinuha ko ito agad. Bigla naman akong napangiti.
Bigla kong naisip si Sir Laz. Pero imposible naman na sa kanya 'to. Ano naman kasi ang gagawin niya sa Rint subdivision?
Napahawak ako sa dibdib ko dahil kumikirot na naman. Agad akong pumunta sa kusina sabay kumuha ako ng tubig.
"I think dahil lang ito sa pagod. Tsaka sa stress dahil sa nangyari kay Papa," bulong ko.
Nagulat ako nang bumukas ang pinto.
"Girl!" sigaw ni Maren.
"Ikaw pala! Kumusta ka?!"
Lumapit ako sa kanya. Pinaupo ko siya agad sa upuan.
"Okay naman ako Decint, ikaw ba? Bakit parang namumutla ka?"
"Si Papa kasi ay dinala sa hospital. And nalaman ko na may heart disease siya."
"Hala!"
"Pero nabawasan ang lungkot ko dahil may pera naman ako para sa gamot at pambayad sa hospital. Maren, kumusta ang pag-re-review mo?"
"Gano'n ba? Mabuti na lang. Okay naman! Masaya ako dahil pakiramdam ko ay marami na akong alam. Sorry kasi hindi ako nakakapag-update, huh!"
"Alam ko na busy ka kaya no problem,"
"Wala ka pa rin bang cellphone, Decint?"
Inilabas ko sa bag ko ang cellphone ko. "Mayroon na!"
"Wow! Nice, gusto mo ba na ilibre kita ng load? Para naman makapag-browse and search ka rin sa internet ng mga topic natin. In fact, nasa internet na halos lahat. Mas better kasi 'di na gagamit ng hard copy for the review. Tsaka 'di mawawala kung sakali dahil p'wede namang i-save."
"Talaga, Maren?!"
Nakakagamit ako ng computer sa school kaya 'di naman ako masyadong ignorant. Hindi lang ako aware na mayroon pala sa cellphone na ganoong features.
"Oo naman." Inilabas niya ang phone niya. "Ano ang number mo?"
Binigay ko naman agad sa kanya. Maya-maya pa ay may nag-text. Nakakatuwa naman. Nagpasalamat ako sa kanya ng marami.
Tinuruan ako ni Maren kung paano gamitin ng tama ang trusted website na pag-se-search-an ko ng mga information.
Nang matapos kami ay sumandal siya sa braso ko. "Ang totoo niyan Decint ay hindi talaga ako okay."
Humarap ako sa kanya. "Bakit?"
"Nakita ko kasi kagabi na bukas ang kwarto ni Mommy at Daddy. And girl, sumisigaw si Mommy habang pinipilit siya ni Daddy na makipag-sex sa kanya."
"Alam mo Maren na marital crime 'yon. Pero alam ko rin na malaki ang respeto mo sa Mommy mo kaya 'di ka agad nagsumbong sa mga pulis. And also, alam ko na mahal mo ang Daddy mo. Lumapit ka sa akin dahil kaibigan mo ako, and nandito ako para makinig sa 'yo. Hindi ko huhusgahan ang feelings mo dahil valid 'yon."
Niyakap niya ako nang mahigpit. "Salamat, Decint. Alam ko na matagal nang naghihirap si Mommy kay Daddy pero wala akong magawa! Ang hindi ko matanggap ay bakit gano'n si Dad?! Alam naman niya na mayroong sakit si Mommy pero pinipilit niya pa rin na may mangyari sa kanila!" sigaw niya sabay umiyak siya nang umiyak.
Hinimas ko ang likod niya sabay hinalikan ko siya sa pisnge.
Makalipas ang isang oras.
Nagpaalam na si Maren.
Natuto ako kung paano mag-save ng files sa aking phone dahil kay Maren. And napag-usapan din namin ang iba niya pang problema.
Hindi ako mapakali. Gusto kong puntahan si Papa at Mama.
Nagsuot ako ng face mask sabay agad akong lumabas. Sakto dahil may dumaan na tricycle.
Nasa tapat na ako ng hospital.
Papasok ba ako? Hindi. Alam ko kasi na magagalit sila. Pero kanina ay pinagmasdan ko ang kwarto ni Papa. Mayroong bintana doon na nakabukas. At sa labas no'n ay may puno.
Agad akong pumunta sa gilid ng hospital. At doon ko nakita ang malaking puno.
Agad akong umakyat sa puno at umupo sa gitna ng bahagi ng puno. Nang tumingin ako sa gilid ay sakto ang view dahil nakikita ko na sina Mama at Papa. Si Mama ay tulog na katabi ni Papa at gano'n din si Papa.
Napangiti ako ng sobra. Sana ay makalabas na bukas si Papa.
Binuksan ko ang cellphone ko sabay nagbasa ako ng topics about my course.
Marami pa rin na terminologies and its meaning ang hindi ko pa name-memorize pero kakayanin ko. Iintindihin ko at mas pipilitin ko pang unawain.
"Papatayin ko siya!" sigaw ng isang lalaki.
Bigla akong nagulat kaya naman dahan-dahan akong sumilip sa baba. Nakita ko ang dalawang lalaki na parehong naka-mask at naka-sunglasses.
"Boss, alam mo na mas mayaman siya sa 'yo at maimpluwensiya! Tsaka alam mo naman na wanted tayo!"
"Wala akong pakialam! Alam mo ba ang ginawa niya?! Pinatay niya ang pamilya ko." Dinuro sa noo ng unang lalaki ang isang lalaki.
Tumingin ako sa direction nila Mama. Kunwari ay wala akong narinig. Nang tumingin ulit ako sa baba ay wala na ang dalawang lalaki.
Panibagong crime na naman. Nakakalungkot na ang iniisip ng isang lalaki ay ang pumatay. At mas nakakalungkot ang kanyang dahilan dahil sa pinatay raw ang pamilya niya.
"Wala na ba sila?" tanong ng isang lalaki.
Bigla akong kinilabutan. Tumingin ako sa taas na bahagi ng puno, may isang lalaki na naka-ninja outfit.
"Ikaw ba ang hinahanap nila?! Ikaw ba ang pumatay sa pamilya ng lalaki?"
Nagulat ako nang bigla siyang tumalon pababa. "Hindi ko sinasadya 'yon. At labis ang aking pagsisisi sa nangyari. Masakit din sa akin 'yon dahil sa hindi ko pinagbabayaran ang crime na nagawa ko. Kahit ako ay hindi ko mapatawad ang sarili ko. Kaya ikaw, huwag na huwag kang gagawa ng krimen. Ayon sa nabasa ko sa nire-review mo ay isa kang criminology student. Sana ay pumasa ka sa board at maging ganap na pulis."
"Teka! Kung nagsisisi ka ay bakit hindi ka na lang sumuko?!" sigaw ko.
"Ayaw ng isa kong kamag-anak. Sorry."
"Bakit naman? Bakit siya ang sinusunod mo? Kamag-anak mo lang naman siya!" sigaw ko ulit mula sa taas. Siguro naman ay walang nakakarinig sa amin.
"Gusto niya kasi na ipagpatuloy ko ang buhay ko! Tsaka, may gusto pa akong linawin. Pagkatapos no'n ay handa na akong sumuko."
"Hindi 'yan totoo! Ang gusto ng kamag-anak mo ay ipagpatuloy mo ang buhay na mayroon kang dinadalang konsensya! Masama ang hangarin niya! Tama ako 'di ba?"
Biglang nanahimik ang lalaki.
"Kung magiging pulis ba ako soon ay susuko ka sa akin?!" dagdag na tanong ko.
"Oo, susuko ako sa 'yo." Agad siyang tumakbo nang mabilis.
Natulala ako sa sinabi niya. Seryoso ba siya?
Uuwi na lang ako. Kampante na ako na nasulyapan ko sina Mama at Papa. Babalikan ko na lang sila bukas.

Komentar Buku (31)

  • avatar
    Rona Mae Faraon Amistoso

    Interesting yung kwento sa introduction palang. Keep it up author, more updates pa. 💋💖

    12/05/2022

      1
  • avatar
    Bandahalaanang

    very good story

    12/08

      0
  • avatar
    John John Pineda

    iiiiiiiigggcgcaskgdcgfjbhlxjxgchlcfxk gzrxhchgkjoyfjblgyfkhudyvbchdjnnk

    05/08

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru