logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Chapter 2.

Fillaz's POV:
Ako si Fillaz Bulgarin. 24 years old. Three months ago, I became the CEO of our company. And I'm very happy. 
Pagkapasok ko sa opisina ko ay nakita ko si Dad na nakatalikod.
"Hindi ka lang basta CEO sa company natin, kasabay nang pag-announced ko noon ay ang kahulugan na sa iyo na ang Bulgarin." Humarap sa akin si Dad sabay inabot ang papers.
"Ano po ito?" I asked. Pero hindi siya sumagot kaya binasa ko na lang.
"Sign a contract. It's a proof na sa iyo na ang company natin. Hindi lang ang Bulgarin kundi ang nine companies ko pa. Ikaw lang ang nag-iisa kong anak kaya sa iyo lahat 'yon. At least ngayon, may contract na proof. At kahit na i-fake pa ng tao na magtatangkang kunin sa'yo ang kompanya ay hindi siya magtatagumpay." Lumingon si Papa sa isang maliit na camera sabay lumapit dito. "The General officer friend of mine is now recording our action and conversation, so sign the papers."
Tumango ako. I get the pen and signed the papers. I sit in my chair and roll the pen in my hand.
"Anak, do you have plan to get married?"
"Why do I? Sapat na 'yong sakit na naranasan ko kay Mommy." Tumayo ako. Humarap ako sa kanya ng diretso.
Bumuntonghininga siya, "I'm sorry for hurting you anak."
"Akala mo po ba ay bayad ka na sa kasalanan mo porke sa akin mo ibinigay ang mga kompanya? I think responsibilidad mo po 'yon dahil sa it's already part in our family blood to transfer the company for the biological son."
"Fillaz, p'wede ba na magsimula tayo ulit?"
"Paano tayo magsisimula kung may trauma na ako sa binuo at binasag mong pamilya?" I whispered, "all my life, wala akong ginawa kundi ang mag-aral at sundin lahat ng gusto niyo. Pero bakit naging unfair ka po sa akin? Oo you're rich, pero sapat na po ba na dahilan 'yon para gawin niyo ang bagay na ikinamatay ng Mommy ko?"
Dad's eyes become dramatic. I read in his eyes how he wants to express his pain. But I don't care, I'm also in pain.
"What will I do to melt your stone heart, anak?"
I just stared at him. Pero siya ay umiwas ng tingin. Umupo na lang ako ulit.
Naglakad siya papunta sa aking table. Mayroon siyang kinuha sa isang paper bag. Nang tingnan ko ay isang mahabang box.
"Anak, we must talk about our business." Binuksan niya ang box. "It was released yesterday. It's a new concealer of cosmetics of us. Hindi lang nito matatakpan ang maitim sa ibaba ng mata kundi kapag ito ay inilagay sa mata ay magbibigay ito ng kinang."
Agad niyang binigay sa akin ang bago naming product. Nang tingnan ko ang isang concealer ay mayroon akong naisip na tao. I remembered the salesperson sa boutique na binibilhan ko ng dress.
Hindi ko namalayan na bigla akong napangiti. She is too innocent. I also noticed that the powder on her face is too white, but she is beautiful.
We have two types of concealer and it's for people who had white skin and brown skin. And ang ipinakita ni Dad ngayon ay for black skin which is very good to see and to know. High demand kasi ang concealer para sa maputi na skin and 'yong tama lang na kulay sa balat kaya 'yon lang ang sinusunod ng one department. Now, there is no discrimination in Bulgarin cosmetics sa aming inilalabas na color of skin tones. It's equal for every men and women skin.
And of course, I'm the one who proposes that type of skin color.
"You smiled anak, I knew it! Nagustuhan mo ang bago nating pampaganda. And I also appreciate you, Fillaz. You're the one who planned this and I am so grateful to you." Niyakap niya ako. And he tapped my back.
Hindi niya alam na because of a one person kaya ako napangiti.
"Dad, uuwi muna ako sa bahay." Naglakad ako papalapit sa pinto. Nang makalabas ako ay maraming mga nag-bow na employee so I also bow to them to give respect.
**
Nakarating na ako sa Bulgarin mansion. Ang another property namin. Maraming mga exclusive VIP ang nakatira rito.
Pumasok ako sa aming mansion. Agad akong dumiretso sa kwarto ko. I saw the blue dress. Agad ko itong kinuha. Lumipat ako sa kabilang kwarto, ang kwarto ni Mommy. Lumapit ako sa jar niya sabay inilagay ko sa tabi ang dress.
"I miss you Mommy. I will never forget you. You are like electricity. I can't live without you because you are the one who gives light to me. My light of life had been brownout, and I can't escape from it. But every day, I'd still let myself to live because even you are not here, I know you want me to pursue life." Sinindihan ko ang kandila. I closed my eyes and prayed.
May kailangan pa pala akong puntahan. Isang bahay na matagal ng nasunog. Nakaramdam ako ng kirot sa aking puso dahil mayroon na naman akong naalala. Every time na naiisip ko ang pangyayari na 'yon ay parang kinukurot ang aking puso.
Lumabas na ako sa room ni Mommy. Pagkapasok ko sa room ko ay napatingin ako sa matagal ko nang iniiwasan na uniform.
Ang uniform na 'yon ay pinaghalo na kasalanan at pag-give up sa isa ko pang pangarap.
Pupunta ako sa Rint subdivision, nandoon ang bahay na bibisitahin ko.
I went down to the top of our house. I go straight outside. And I saw our driver.
"Sir, aalis po ba kayo? Saan niyo po ba gustong sumakay? Sa sasakyan niyo po ba or sa service na sasakyan po rito?"
"In my car, Hex." I bowed. I walked away and immediately got in my car.
I immediately reached the subdivision. I smiled but suddenly recovered from being conciliatory every time I saw the house I was going to visit.
I have reached the opposite side of the house. I put down the flower I was carrying. I also lit the candle.
"I'm sorry. I didn't mean what happened," I whispered.
Tatalikod na sana ako para umalis pero mayroon akong narinig na sumigaw.
"Tulong!" sigaw ng isang babae. Na-curious ako kaya umakyat ako sa pader. Pagkarating ko sa taas ay may nakatalikod na babae habang sumisigaw at 'yong lalaki naman ay inaagaw ang cellphone niya.
Inalis ko ang isa kong sapatos sabay ibinato ko sa lalaki mula sa taas ng pader. Malakas ang pagbato ko sa sapatos kaya ang mga mata ng lalaki ay nanlaki. Binitawan niya agad ang cellphone ng babae.
Magsasalita na sana ako pero parehas silang tumakbo sa magkaibang direksyon.
Tumalon ako mula sa taas. May nakita ako sa lupa na isang libro at ilang printed papers. Ito 'yong hawak ng babae kanina. Nang basahin ko ang libro ay ito ay about sa criminology course and ang printed papers naman ay about question and answer. I think nag-re-review siya.
Paano ko naman ito maibabalik sa kanya?
Nag-vibrate ang phone ko. Nang tingnan ko ay one message from my secretary. May small debate meeting daw ngayon sa Bulgarin. My favorite.
Umakyat ako ulit sa pader. Dinala ko ang naiwan ng babae.
Pagkababa ko ay agad akong sumakay sa aking kotse.
After ten minutes ay nakarating na ako sa Bulgarin. Naglakad ako papasok. Halos lahat ng empleyado ay nag-bo-bow.
Pero bakit ang awkward ng reaction nila? But still, I smiled at them like I'm the happiest one.
Agad akong pumasak sa debate office. Sinalubong ako ng aking gay secretary na si Bondair Sakri.
"Sir!" sigaw niya.
"What? Bakit parang gulat na gulat ka?"
"Sa sobrang excited niyo po sa debate ay hindi niyo na nasuot ang isang pair ng sapatos niyo." Tinuro niya ang kaliwang paa ko. Nang tingnan ko ang paa ko ay napapikit ako dahil sa isa lang ang suot kong sapatos.
Bakit sa dami ng maiiwan ko sa lugar na 'yon ay ang sapatos ko pa?
"Sir! Ako na ang bahala, I will get your new shoes sa inyong office! Wait po!"
Tumango lang ako sa kanya at ngumiti. Nang lumingon ako sa unahan ay nakaupo na ang mga ka-meeting ko.
Umupo ako sa first center chair. I faced them with confident.
"Good morning, Fillaz! Nandito ulit kami. And of course, para sa ating second small debate," sabi ng isang investor na si Marn.
"Are you ready? Dapat lang," tanong ng babaeng investor na si Delaila.
"Fillaz, don't fail us please," pang-iinsulto ni Kerl. Investor too.
Kaya ayaw kong makaharap ang mga investors dahil sa tono ng pananalita nila ay nakakahiya. Binababa kasi nila ang confidence ng isang tao. But I will never make them win. I will still fight with the deepest knowledge I have. 
Bumuntonghininga ako, "Let's start. What is the topic, Kerl?"
"Ang topic na dapat ay ikaw ang manalo keysa sa amin para mag-invest kami sa kompanya mo ay ang about sa foundation cosmetics as limited stock only for VIP," sagot ni Kerl.
"Are you serious, Kerl? This is not acceptable. The topic is about discrimination!" I shouted.
"It's a prank, Fillaz. Don't be so serious. Marn, tell to Fillaz what is the real topic."
"I'm not too serious, Kerl. I have just awareness in every individual's sensitivity," sagot ko.
Ngumisi lang naman silang tatlo. I know them, alam kong inaasar nila ako.
Bigla namang bumukas ang pinto. Bumungad sa amin si Bondair. Tumango siya sa amin sabay ngumiti. Lumapit siya sa akin sabay inabot ang bagong pair ng sapatos.
"Thank you, Bondair," I whispered. Ngumiti lang naman siya sabay tumayo lang sa tabi ko.
"Our topic is about your proposal." Inilabas ni Marn ang mga papel. "Why do you want to produce lip tint? Instead of staying in what should we invest in for your lipstick product? Sigurado ka ba na tatagal iyan sa labi ng mga customers? Ano naman sa tingin mo ang maiaambag niyan? Huwag na tayong maglokohan, Fillaz. We all know that lipstick looks better on every woman and man. And mas mabenta ang lipstick ng Bulgarin."
"Oo nga naman Fillaz, bakit ka maglalabas ng isang lip tint product kung hindi naman mabenta?" tanong ni Delaila.
"Alam niyo, hindi naman ako maglalabas ng isang product kung alam ko na wala itong purpose. Alam niyo ba kung bakit naisip ko na maglabas ng lip tint? I use my observation and my curiosity."
"Be specific, Fillaz!" sigaw ni Kerl.
Ako naman ang ngumisi sa kanila. I know na they are too curious. Kahit na tinataasan nila ako ng boses ay okay lang. For me, business is business. Pero mapaglaro ang aking isip, gusto ko na manggigil sila.
"Kayong tatlo ay investors 'di ba? Bakit hindi niyo alam ang purpose ko? Halos lahat ay nasa papers na. Pero hindi niyo mage-gets dahil mayayaman kayo." Uminom ako ng kape.
"Ang nakalagay kasi rito ay para sa teenager ang gusto mo. Seryoso ka ba, Fillaz? They are not ready to use it and not afford to purchase! Itago na lang nila ang pera nila keysa naman ibili nila ng pampaganda! Parang kinukunsinti mo sila na gumastos lalo." Ibinato ni Delaila ang mga papel sa harapan ko.
I whispered, "What do you mean na hindi sila handa at hindi nila kayang bumili, Delaila? Huwag mong sukatin ang kanilang sariling desisyon at ang kanilang bulsa. Tsaka hindi ko sila kinukunsinti. Para sa akin, ang mga kabataan ay gusto lang na maging confident sa kanilang sarili. And also, they are telling na maglabas tayo ng isang product na bagay sa kanila. Para sa akin kasi ay hindi naman sila nagpapaganda lang. It's the way of them na i-express ang sarili nila. Kaya nga sa aming product, gusto ko na ang Bulgarin cosmetics ang kasama nila sa pagdala nila sa kanilang confidence."
"Gano'n pala, may point siya," bulong ni Kerl.
"Ano naman ang benefits ng lip tint sa lips nila? Baka naman display lang at mabilis mabura," sabat ni Marn.
"Take note, ang liptint ay p'wede sa lahat not only for teenager. In fact, from vegetables ang isa sa mga ingredients. And also, para sa akin ay mas magaan ang tint sa labi and magiging komportable sila do'n. Niloloko mo ba ako, Marn? Wala namang naimbento na cosmetics na hindi nabubura. Mabuti sana kung tattoo lip tint." Pinaikot ko ang ballpen sa aking kamay.
"What my point is mag-focus na lang tayo sa lipstick, Fillaz. High demand ba sa mga teen ang sinasabi mo? Sa una lang sila mag-pu-purchased. And after all, hindi na. Tsaka Fillaz, marami ng may ganyang product," sabat ni Delaila.
"Oo na Fillaz," sagot ni Marn.
"Delaila, can I ask you something? Hindi ka ba aware sa paligid mo? Paano mo nasasabi na sa una lang sila mag-pu-purchased? Hindi mo ba alam na sa lipstick ng Bulgarin ay sila ang nangunguna na nagpu-purchased? Hindi para sa kanila kundi para sa magulang nila. 'Di ba hindi sila selfish? Nagre-request lang naman sila sa lip tint para sa sarili rin nila so bakit hindi ko sila pagbibigyan? They are trusting my company. And nakikinabang kayo roon," Inayos ko ang mga paper na ibinato ni Delaila. "Ang sa akin lang, maging magandang influence sana tayo sa mga kabataan. And also our products. Tsaka ang gusto ko ay affordable lang ang ilalabas namin. Sa business, oo nanunukat tayo ng pera ng mga customer. Pero hindi ba natin naisip na customers din tayo sa ibang product? 'Di ba naisip na rin natin dati na magtipid? Pero sabagay, mayaman kayo kaya hindi niyo alam. Nag-aral nga kayo pero wala naman kayong awareness sa individual."
"Pinapalabas mo ba na stupid investors kami, Fillaz?" tanong ni Kerl.
"This is debate, Kerl. Oo nag-i-invest kayo sa company na ito. Pero sana ay huwag lang kayong maging investors! Sana naman ay buksan niyo ang mga mata niyo! Oo marami kayong pera. Pero sapat ba na dahilan na talikuran niyo na intindihin ang mga pangangalilanagan ng mga customers ng dahil lang sa pera?"
"Pero Fillaz, huwag naman puro fight for mabulaklak na salita para sa kanila. Ang kailangan natin ay pera nila!"
"Oo kailangan natin iyon at kailangan pa natin! Pero naisip niyo ba ako? Ako ba ay nagreklamo kahit na ako ang gagastos sa lahat? Bulgarin does not make any distinctions. Bulgarin is providing knowledge and benefits to every customer."
"I tell you Marn and Kerl, wala tayong mapapala sa proposal niyan. We must invest na lang ulit sa lipstick nila na ilalabas. Not in lip tint," suggest ni Delaila.
"No." Tumayo si Kerl. "Gusto ko nang mag-invest sa proposal ni Fillaz. Na-realized ko kasi na dapat pala na maging aware rin tayo sa gusto ng mga customer. Na-enlighten ako sa sinabi ni Fillaz na ang mga teenager ay nag-purchased sa products ng Bulgarin pero not for them. But for their love ones. So i like it."
"I also agree to him, Delaila. Kung ayaw mo ay maghintay ka na lang sa bagong ilalabas ng Bulgarin. Pero matagal pa iyon," sabi ni Marn.
"Fine!" sigaw ni Delaila sabay tumayo. At nagmadali siyang lumabas.
Nakipag-shake hands naman sa akin sina Marn at Kerl.
Lumabas na ako sa office. Naramdaman ko naman na kasunod ko si Bondair.
"Sir! Gusto niyo po ba na balikan ko ang sapatos niyo? Saan mo po ba ito naiwan?"
Humarap ako sa kanya. "Huwag na, ako lang ang p'wedeng pumunta sa lugar na iyon. Hayaan mo na, salamat nga pala kanina."
Tumango siya. "Sir, may meeting ka pa po,"
"Mayroon ba? Kanino?"
"Kay Madam Calbri po. Mag-i-invest daw po siya."
"Bakit ngayon mo lang sinabi?"
"Sir, kaka-text lang po sa akin ni Madam. And sabi niya po ay nasa office niyo raw po siya."
Tumango ako sa kanya at naglakad papalayo.
Binuksan ko ang door ng office. Bumungad sa akin ang magandang babae na si Calbri. She was my schoolmate when we were in college.
"Hi Fillaz." Lumapit siya sa akin sabay hinalikan ako sa pisnge. "Kumusta ka na?"
"Hello Bri, okay lang naman ako. Ikaw ba?"
"Okay ako kapag okay ka." Umupo siya sa upuan ko sabay itinaas ang dalawang paa niya sa table ko.
"What are you doing?"
"Masama ba, Fillaz? Ginagawa ko naman ito dati,"
"Dahil ba sa close tayo? Please, umupo ka nang maayos. Nabalitaan mo ba ang isang cosmetics na gusto kong i-produce kaya ka nandito? Do you want to invest too?"
"I want to invest myself in you, again. Malaki ang maitutulong ko sa 'yo Fillaz at sa pagkalalaki mo." Tumayo siya sabay lumapit sa akin.
Siya si Calbri Xerg. Ang aking ex. She is the owner of the boutique dress kung saan ako bumibili ng dress. Mayroon siyang twenty boutique sa city.
"Talk about business, Bri. Mag-i-invest ka ba or hindi?"
"I'm a lipstick user. I think cheap ang bago mong proposal."
"Ano? Nandito ka ba para laitin ang aking produkto? Hindi ako papayag."
"Oo! Gusto ko kasi na mag-focus ka sa akin! Kaya tayo nag-break ay dahil sa business mo!"
"Businesswoman ka rin 'di ba? Bakit hindi mo ako maintindihan?"
"Kaya naman nating pagsabayin, Fillaz!"
"Hindi na ako handa sa relasyon, Bri. Simula nang mawala si Mommy ay ayaw ko na."
"Fillaz naman! Nasa right age na tayo! Tsaka matagal nang wala si Tita."
"Matagal na siyang wala, pero ang takot ko ay nandito pa rin. Hindi na tayo. And hindi kita mundo, Bri. Hindi sa 'yo iikot ang puso ko. Hayaan mo naman ako na mahalin muna ang sarili ko. Tsaka ayaw kong mas masaktan ka dahil sa pagkatao ko. Hindi mo ako kilala, Bri." Agad akong naglakad papalayo. Pagkalabas ko ay agad akong nagtungo sa parking lot.
Masakit sa akin na hinahabol pa rin ako ni Bri. Pero ayaw kong mas masaktan ko siya dahil lang sa wala na akong nararamdaman sa kanya. Ayaw kong pilitin ang sarili ko.
Nang makasakay ako sa kotse ko ay naalala ko ang sigaw ng babae kanina na inaagawan ng cellphone.
Bakit parang familiar ang boses niya?
**
Nasa kwarto na ako. Umupo ako sa table ko. Pinagmasdan ko ang bintana.
I whispered, "Hanggang kailan ko dadalhin ang konsensya na ito? Araw-araw akong nagdarasal para gumaan ang aking pakiramdam. Ngunit masakit pa rin. Masakit dahil totoo ang aking nararamdaman at totoo ang aking hangarin."
Lumapit ako sa aking uniform noon. Kinuha ko ito sabay itinago ko agad.
Ayaw ko nang makita 'yon.

Komentar Buku (31)

  • avatar
    Rona Mae Faraon Amistoso

    Interesting yung kwento sa introduction palang. Keep it up author, more updates pa. 💋💖

    12/05/2022

      1
  • avatar
    Bandahalaanang

    very good story

    12/08

      0
  • avatar
    John John Pineda

    iiiiiiiigggcgcaskgdcgfjbhlxjxgchlcfxk gzrxhchgkjoyfjblgyfkhudyvbchdjnnk

    05/08

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru