logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Chapter 1.

DECINTEIN'S POV:
Masaya ako habang nagre-review sa labas ng bahay namin, excited na kasi ako sa board examination sa susunod na buwan.
Nang tingnan ko si Papa ay naglilinis siya ng kanyang taxi.
Bigla namang dumating ang kanyang kumpare na si Ulagorn. "Pare! Kumusta ka?!"
"Ikaw pala! Okay naman, ikaw ba?"
"Okay lang din ako, pare," tumingin naman sa akin si Ulagorn, "ikaw na ba ang nag-iisang anak ng kumpare ko? Grabe, ang laki mo na!"
Tumango lang ako sabay nagbasa ulit. Hindi ko masabi na hinaan lang ang boses niya kasi nagre-review ako. Tsaka baka magalit si Papa Herpy.
"Pare, alam mo ba na tapos na ang aking anak sa kanyang pag-aaral?! Ang saya ko bilang ama niya!"
"Talaga ba, pare?! Ano ang course na natapos niya?"
Na-curious ako kung ano ang isasagot ni Papa kaya tumitig ako sa kanya.
"Nagtapos siya sa course na criminology. Pangarap ng anak ko na maging pulis! Tingnan mo, nagre-review siya para sa darating na examination." Nag-thumbs-up si Papa sa akin sabay ngumiti.
Kumunot naman ang noo ni Ulagorn, "Gano'n ba? Ang galing naman! Pero baka bumagsak lang siya sa board examination tapos ang magiging trabaho niya lang ay ang maging security guard!"
Tumawa siya nang tumawa.
Napatayo naman ako dahil sa aking narinig. Kahit si Papa ay nagulat dahil sa inasta ko. "Kuya, wala naman pong masama na maging security guard 'di ba? Tsaka take note, hindi po guard lang, ang tamang pagsabi po ay guard lamang. Huwag niyo pong maliitin ang trabaho ng isang guard dahil kung wala sila ay walang magbabantay sa mga malalaki o maliliit na building. They are also enforcing the law but not what police can do na mayroong legal action and exact knowledge. Ang mga security guard, ay nagbabantay na mayroon din na exact knowledge kung paano nila maprotektahan ang kanilang binabantayan, ang mga tao at ang kanilang sarili."
"Pare, mayroon ba akong nasabing mali? Ang defensive naman ng anak mo," ngumisi nang nakakaloko si Ulagorn.
"Tama naman siya pare, minamaliit mo kasi ang kakayahan niya at ang trabaho ng mga guard. Wala pa nga ang board exam result pero nangunguna na 'yang bibig mo na magsabi kung ano ang kalalabasan." Itinapon ni Papa ang basahan sa harap ng kanyang kumpare sabay lumapit sa akin.
Si Ulagorn naman ay napakamot sa ulo sabay nag-bow sa amin at umalis na.
"Okay ka lang ba? Huwag mo siyang intindihin, mag-focus ka lang sa nire-review mo." Akmang aalis si Papa pero bigla kong hinawakan ang kamay niya. Ang sarap sa pakiramdam na ipinagtanggol niya ako.
"Papa, salamat po,"
Tumango lang siya sa akin sabay pumasok sa loob. Bigla namang lumabas si Mama na may dalang mga pagkain.
"Para sa akin po ba 'yan, Mama?"
"Oo anak! Sige na Decint ko, mag-review ka na!" masayang sabi niya sabay hinimas ang ulo ko. Ngumiti lang naman ako kay Mama sabay nag-review na ako kaagad.
Ako si Decintein Cavurn, 23 years old. Simula bata pa lamang ako ay pangarap ko na talaga na maging pulis. Ang gusto ko kasi ay maprotektahan ang mga bata sa kalye kung madu-duty man ako sa street. Gusto ko na i-educate ang mga bata sa kalye sa aking natutunan mula sa aking kurso. Para sa akin, every child needs education when it comes to how life cycle is.
Para sa akin, ang pagiging pulis ay hindi lang basta pulis. Ang pagiging pulis ay hindi lang basta nag-e-enforce ng law, Police can also be an educator. Educator who will educate every unknowledgeable people, especially children. I want to express and tell to them na life is not about revenge.
Kumain ako nang kumain. Bigla ko namang naisip na maaga pa naman kaya magjo-jogging muna ako.
Agad akong pumasok sa kwarto ko. Nagpalit ako ng damit, nagsapatos at nagtali ng aking buhok habang nagbabasa pa rin ng aking reading materials. Sapat na siguro ang mga nabasa ko kaya iiwanan ko muna ang mga ito sa aking kwarto.
Pagkalabas ko ay hindi ko napansin si Mama at Papa sa living room. Siguro ay nasa likod sila ng bahay.
Lumabas na ako sa gate. Ang sariwa ng hangin dito sa aming subdivision kahit na city. Nagsimula na akong tumakbo nang dahan-dahan.
Ano kaya ang maganda kong gawin habang naghihintay ng examination? Ayaw kasi akong pag-apply-in ng magulang ko sa mga trabaho na available. Sabi nila ay mag-focus lang daw muna ako sa aking pagre-review. Pero, gusto ko kasing makatulong. Medyo matanda na ang Mama at Papa ko, kailangan ko silang tulungan.
Saan naman ako mag-a-apply? I was graduated from college naman, kaya confident ako na mayroong tatanggap sa akin.
Habang tumatakbo ako ay marami akong nakikita na mga coffee shop, boutique shop, cosmetics shop and restaurants na p'wede kong apply-an. Napangiti ako dahil p'wede siguro akong magtrabaho as part time sa isang boutique dresses. Nagagandahan kasi ako sa mga dress kahit na hindi ako mahilig magsuot ng mga gano'n.
Agad akong pumunta sa shop. Pagkapasok ko sa loob ay nakataas ang kilay ng isang salesperson habang inaayos ang mga dress.
"Why are you here? Mukha ka namang hindi bibili." Tumalikod siya sabay naglakad papunta sa cashier counter. Tumango lang naman ako. Mayroon namang lumapit na babae na may nakalagay sa template ng uniform niya na manager.
"Mayroon ka bang kailangan? Ano ang iyong nais sabihin? Mayroon ba akong maitutulong sa'yo?" nag-aalalang tanong niya. Grabe, mukha ba akong nakakaawa?
Tumitig ako sa mga mata niya, pero siya ay nakatitig sa aking damit. Nang tingnan ko ang aking damit ay doon ko na-realized na ang nasuot ko pala ay ang damit ni Papa na marumi dahil ganito ang damit niya kapag siya ay naglilinis ng taxi. Paano naman napunta sa kwarto ko ang labahan na damit ni Papa? Siguro ay nagkamali lang si Mama. Grabe, sa sobrang focus ko sa pagre-review ay iba na pala ang nasuot ko.
"Mali po kayo ng inisiip! Hindi po ako pulubi," nahihiyang sagot ko.
"Gano'n ba, Hija? Sorry! Welcome po! Ano po bang type of dress ang gusto niyo?"
"H-hindi po ako bibili, nandito po ako dahil gusto ko pong mag-apply as salesperson po or kahit ano po ang ibigay niyong trabaho." Napakamot ako sa ulo sabay nag-bow.
"High School graduate ka ba or college graduate?"
"I'm proudly graduated po under criminology course po,"
"R-really?! That's was nice, pero Hija based sa iyong itsura ay hindi ka medyo attractive. You even not using makeup and magulo pa ang iyong buhok. But to be honest, p'wede naman kitang tanggapin,"
"Talaga po?!" hinilamos ko ang aking kamay sa aking mukha. "Ako po si Decintein Cavurn, 24 years old. Pero part time job po ang gusto ko, p'wede po ba?"
"Ayusin mo muna ang sarili mo, look at the mirror." Hinawakan niya ako sa braso sabay hinarap sa salamin. Nang makita ko ang itsura ko ay grabe, para akong binugbog.
"S-sorry po, hindi po kasi ako marunong mag-ayos ng aking sarili,"
"It's okay, kahit simpleng pulbo lang naman. I am the manager here, you can call me Miss Vixeco. And about your concern in part time, I will be considerate. You can start tomorrow, and don't forget your resume. Thank you."
"Talaga po? Salamat po!" masayang sigaw ko. Nang tumingin ako sa counter ay ngumiti ang isang babae na tinaasan ako ng kilay kanina.
"Yes, you're welcome. Please, don't forget to put powder on your face and lip tint for your dry lips." Nag-bow siya sa akin. Tumango ako nang tumango.
Naglakad papalayo ang manager. Sumayaw ako nang sumayaw dahil sa sobrang saya. Bigla namang lumapit sa akin 'yung babae sabay may inabot siya na nakalagay sa paper bag.
"Uniform mo 'yan. Sorry nga pala sa inasta ko kanina, nakakainis ka kasi the way you present yourself. Alam mo, dapat ay matuto kang mag-ayos. Ako nga pala si Feria, ako ang magiging partner mo. Magaling ka bang magbenta?"
"I'm Decintein, sorry Feria gano'n lang kasi ako. Oo naman!" masayang sagot ko.
"Tumingin ka sa mga dress, ang ganda 'no?" hinawakan niya ang mga magagandang dress. "Pero mahal ang mga 'yan, alam mo ba na ang halaga ng isa n'yan ay fifty thousand pesos? Grabe."
"A-ano?! Sa halagang iyon ay pang tuition na!"
"Speaking of school, narinig ko na nakapagtapos ka na, bakit dito ka pumunta? Marami pang mga opportunities sa'yo."
"Hindi mo ba narinig na part-time lang ako? Hinihintay ko pa kasi ang examination. Gusto ko kasi na makatulong sa pamilya ko. Magkano ba ang suweldo rito?"
"Twenty thousand every month, pero dahil sa part-time ka pa lang at magsisimula ka bukas ay ten thousand lang."
"Malaki na iyon! Salamat!"
Tumango lang siya sabay ngumiti. Agad akong nagpaalam sa kanya. Tumakbo ako nang tumakbo dahil sa sobrang saya.
Napadaan ako sa bahay nila Maren. Agad kong pinindot ang doorbell. Ang laki talaga ng bahay nila. Si Maren ay anak ng may-ari ng malaking kompanya kaya mayaman sila.
Agad namang lumabas ang yaya niya sabay binuksan ang gate. "Mam, sorry raw po sabi ni Mam Maren dahil hindi ka po niya mahaharap dahil nagre-review po siya. I-text mo nalang daw po siya."
Tumango lang ako at ngumiti. I understand na busy siya kaya I respect her. Pero hindi ako makakapag-text dahil wala pa rin akong cellphone. Sabi kasi namin ni Maren, kapag graduate na kami ng college ay mag-request kami ng gadget. Hindi naman 'yun afford ng magulang ko. Tsaka hindi naman ako mahilig do'n.
**
Kinabukasan.
Maaga akong gumising. Kagabi kasi ay binasa ko ang nakalagay na papel sa paper bag na dapat ay seven ng umaga pumasok, kahalagahan ng oras at description ng boutique and its rules.
Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na ako. Fitted sa akin ang green uniform, ang ganda.
I also filled out my resume yesterday.
Pagkalabas ko sa sala ay napatingin ako sa salamin. Ang dami kong pimples sa noo tsaka ang gulo ng buhok ko. Pakiramdam ko tuloy ay napakapangit kong tao. May nakita naman akong pulbo, agad akong naglagay.
Bakit nagmukha akong aswang?
May nakita rin ako na lipstick, ito 'yung niregalo ni Maren sa akin, i-try ko nga. Nang mailagay ko ang lipstick sa labi ko ay nagmukha akong sinuntok sa labi. Bakit hindi bagay sa akin?
Agad akong maghilamos. Nagluto nalang ako ng breakfast ko. Sigurado ako na tulog pa sila Mama at Papa kaya lulutuan ko sila. Mag-iiwan din ako ng letter na aalis ako. And higit sa lahat ay dadalhin ko ang reviewer materials ko.
Nang matapos ako ay tumingin ulit ako sa salamin. Nagpulbo ako agad tsaka nag-lipstick, bahala na!
I also tied my hair.
Tumakbo ako papunta sa labas. Sakto naman dahil may tricycle na dumaan kaya sumakay ako agad.
Nang makababa ako sa tricycle ay nakita ko agad sa tapat ng shop si Feria.
"Aswang!" sigaw niya.
"Grabe ka naman, ako lang ito, ang part-time na partner mo!" nahihiyang sigaw ko rin.
"Ikaw ba 'yan Decintein?! Sobrang puti kasi ng mukha mo! Pasaway ka! Mabuti nalang dahil nakita ko. Kung sa iba 'yan ay pinagtawanan ka na." Lumapit siya sa akin sabay kinuskos ang mukha ko ng panyo niya.
"S-salamat,"
"Tara na sa loob, we need to work hard." Naglakad siya papunta sa loob kaya agad akong sumunod.
"Feria, araw-araw ba na nandito ang manager?"
"Oo, pero tanghali na siya pumapasok. Sige na, mag-asikaso ka na ng mga dress sa ibat-ibang cabinet."
Tumango ako sabay nilapitan ko ang mga dress. Lumapit naman si Feria, may inabot siyang isang checklist. I-check ko raw kung sa bawat glass cabinet ay mayroong three dresses.
Masaya naman akong nag-check dahil kumpleto naman lahat.
Maya-maya pa ay may tumigil na isang magandang kotse sa tapat ng shop. Halos tumigil ang mundo ko dahil sa television ko lang nakikita ang mahabang sasakyan na iyon. Parang hotdog size 'yung sasakyan.
"Wow!" sigaw ng partner ko.
"Sa atin ba siya pupunta?"
"Oo! Ikaw ang mag-assist sa kanya, okay?!"
"O-okay!" masayang sagot ko. Pero ang totoo ay kinakabahan ako. Pakiramdam ko kasi ay hindi ko kayang makipag-usap sa mayaman na customer, like most of them ay maarte.
Bumaba sa sasakyan ang isang lalaking naka-tuxedo na kulay red. Naka-shades siya at naka-mask. Sayang naman, hindi ko makita ang mukha niya. Siya ay matangkad, maputi, at may magandang pangangatawan.
Bigla namang bumukas ang door. Nagulat ako dahil naaamoy ko na agad ang kanyang pabango.
"Sir Laz!" masiglang sigaw ni Feria, "Sir, ang partner ko nalang po ang mag-a-assist sa inyo. Salamat po!"
Tumango lang naman si Laz. Nagulat ako nang bigla siyang humarap sa akin. "Ang recommendation in dress?"
"H-hindi p-po a-ako s-sure sa sasabihin ko, pero sino po ang bibigyan niyo?"
"My mother, mayroon bang black color? Pero 'yung maganda sana."
"Sir!" biglang sigaw ko kaya agad kong tinakpan ang aking bibig, "s-sorry po, I think hindi po maganda ang black. Bakit po ba itim? Parang ang lungkot po."
"Gano'n ba? Patay na kasi ang Mommy ko kaya gusto ko ay black."
"H-hindi po sa nangingialam ako pero... hindi naman po porke patay na ay black na po ang ibibigay niyo. Saan niyo po ilalagay? Sa lapida niya?"
"I see, no nasa jar siya. She is cremated. Kung hindi maganda ang black, what color naman?"
"Matutuwa po siya sa gagawin niyo hehe! I think po ang magandang color ay blue,"
"Why blue?"
"Kung nasaan man po siya ngayon, alam ko po na payapa na siya. In my own opinion po kasi ay ang meaning ng blue ay payapa dahil kakulay nito ang ulap. Tsaka kapag color blue po ay calm lang but confident." Tumango ako.
"Okay, I appreciate your recommendation. Ipakita mo sa akin ang mga blue dress, now." Umupo siya sa coach.
Agad akong naglakad papunta sa mga cabinet. Kinuha ko agad ang mga available.
Agad ko itong dinala sa harapan niya. "Sir, ito na po lahat!"
"Gusto ko ang nasa unahan, thank you. How much?"
"Three hundred thousand po." Napakamot ako sa ulo. Ang mahal naman. Tumango lang naman si Sir. Mayroon siyang nilabas na cheque sabay pinirmahan 'yon.
"Sinobrahan ko ng fifty thousand, para sa iyo 'yun." Naglakad siya papalapit sa akin. Sobrang lapit na namin sa isat-isa. Hindi ko alam kung nakatitig ba siya dahil naka-shades siya pero sure ako na nakatitig siya sa akin.
"S-salamat p-po!"
Lumapit naman sa amin si Feria sabay inabot ni Sir Laz ang cheque sa kanya.
"Don't forget na sa kanya ang iba d'yan," Laz said. Tumango naman si Feria at ngumiti.
Humarap ulit siya sa akin si Sir. "Salamat sa pag-assist sa akin, pakilagay nalang sa paper bag."
"W-welcome p-po! S-salamat p-po t-talaga, Sir." Agad kong nilagay sa bag ang magandang dress sabay inabot ko sa kanya. Agad naman niyang kinuha sabay tumango sa akin, nahiya ako kaya tumango rin ako.
"Huwag ka sanang ma-offend Miss, pero ang laki ng eyebags mo. I think mayroon namang solution, matulog ka nang maaga. I also recommend na gumamit ka ng concealer."
"Gano'n po ba?! Pasensya na po Sir kung hindi ako presentable tingnan. A-ano po 'yung concealer?"
Nakakahiya na talaga, napansin niya pa ang eyebags ko.
"In my opinion, ang concealer ay isang type ng cosmetics na inilalagay pagkatapos ng foundation. Ito ay inilalagay sa baba ng mata para matakpan ang dark circles. Be confident enough." Nag-bow siya sa akin at kay Feria tapos agad siyang naglakad papunta sa pinto.
Nagulat ako nang bigla siyang humarap. "Your hair, mas bagay kung nakalugay tapos dapat ay suklayan mo rin araw-araw."
Ano raw?! About makeup siguro kasi may word na cosmetics. Ang alam ko kasi sa cosmetics ay sa paa nilalagay 'yun bang nail polish. Pakiramdam ko tuloy ay taong bundok ako.
Agad ko namang inalis ang tali sa buhok ko. Inilugay ko agad habang nakapikit. Pero nang iminulat ko ang mga mata ko ay wala na si Sir.
"Grabe girl! Ang laki naman ng ibinigay ni Sir sa'yo! Bakâ naman may balak kang manlibre!"
"Kumuha ka ng five thousand, sana ay makatulong!"
"T-talaga?!"
Tumango lang ako sabay umupo sa coach. Ang sarap naman sa pakiramdam dahil may maitutulong agad ako sa magulang ko. S-salamat Sir Laz, sana ay makita kita ulit. Pero hindi ko naman masyadong nakita ang mukha niya kaya bakâ hindi ko siya makilala.
"Girl, alam mo ba na billionaire si Sir? Customer namin siya rito, matagal na. Alam mo, wala siyang ibang binibilhan ng dress kung hindi ang Mommy niya lang. Nakakatuwa! By the way back to work na tayo! Salamat ulit!"
**
Pagkatapos ng duty ko ay umuwi na ako. Hawak ko na ang pera, grabe! Ang kapal.
Pagkarating ko sa bahay ay nakasimangot si Papa.
"Saan ka nanggaling?"
"Papa, nag-part time lang po ako sa-"
"Nakapag-review ka ba?! 'Di ba ang sabi ko sa'yo ay huwag mong pababayaan ang mga nire-review mo?"
"P-Papa, sorry po,"
Bigla akong napaisip na oo nga pala tama si Papa. Ang totoo niyan ay nakalimutan kong magbasa.
Lumabas naman si Mama sabay niyakap ako. "Anak, okay ka lang ba?"
Niyakap ko pabalik si Mama. Kinuwento ko sa kanilang dalawa ang about sa part-time job ko and about sa customer na in-assist ko. Natuwa naman sila nang bigyan ko sila ng pera. Hindi nga sila makapaniwala na gano'n kalaki, kahit naman ako.
Agad na pumunta sa palengke ang magulang ko, bibili raw sila ng masarap na ulam. Pero bago sila umalis ay sinabi nila na itago ko raw ang twenty thousand, para sa akin daw iyon. Ano naman ang gagawin ko roon? Siguro ay pag-iisipan ko muna.
Kinuha ko ang mga binabasa ko sa libro at mga printed materials. Umupo ako nang maayos sabay nagbasa ng seryoso. Kailangan ko kasing mag-focus.
Habang nasa kalagitnaan na ako ng binabasa ko ay naalala ko si Sir Laz. Makikita ko pa kaya siya? Napakabuti kasi ng puso niya... gusto kong makabawi.
Hindi ko alam pero ang saya ko, ang saya ng puso ko at lalo na ang isip ko. Hindi dahil sa malaki ang ibinigay niya kundi mayroon akong na-realized sa aking sarili. Iyon ay ang matuto kong i-check ang aking itsura at sarili.
I'm just a simple girl lang naman. Noong high school at college nga ako ay napapagkamalan nila akong tomboy dahil sa bukod sa hindi ako mahilig mag-ayos ng aking sarili ay siga pa ako maglakad.

Komentar Buku (31)

  • avatar
    Rona Mae Faraon Amistoso

    Interesting yung kwento sa introduction palang. Keep it up author, more updates pa. 💋💖

    12/05/2022

      1
  • avatar
    Bandahalaanang

    very good story

    12/08

      0
  • avatar
    John John Pineda

    iiiiiiiigggcgcaskgdcgfjbhlxjxgchlcfxk gzrxhchgkjoyfjblgyfkhudyvbchdjnnk

    05/08

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru