logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

CHAPTER 5: Unang pagkikita

"Guys, ngayon pa lang kabado na ako. Kasi naman, 7:00pm daw ang uwian ng mga panghapon. Alam nyo naman diba?!" Sabi ng isang babae sa dialect ng probinsya. 
"Hala! Paano yan, bilin sakin ni Nanay na wag na wag akong aabutin ng gabi sa daan?" Pag-aalala din ng kausap nito.
"Sana nga no, mabago pa ang time schedule natin." Panalangin na lamang ng isa pang kausap nila.
Nagtinginan kaming tatlo na nakikinig lang sa dialect na usapan ng mga kabataan. Kahit hindi namin naiintindihan ang mga sinasabi nila. Alam pa rin naming natatakot sila base sa tono ng kanilang pagsasalita.
"Natatakot din kaya sila katulad natin?" Takang usal ni Lea sa kumpulan naming tatlo.
"Siguro, Oo. They know this place better than us." Imik kong sabi.
"I've been praying like them." Ani, Annabel. "Hangga't hindi ako nakakaalis dito wag muna silang gumawa ulit ng kasalan nila." Dagdag pa nya.
-----------------
8:00pm
Naglalakad na kami sa daan papunta sa dulo ng baranggay Mabato. Gabi na rin talaga at nasa daan na kami kunsaan nakita namin yung anim na mga kabitilyuhan. 
"Guys, I'm so scared naaaa..." Usal ni Annabel na pabulong.
"Gabi na kasi eh, wag na lang tayong maingay, kahit ako rin naman ay natatakot." Pakli ni Lea dito.
"Wag tayong masyadong maingay, lalo na't madilim, mas nakakatakot kapag nakakarinig tayo ng maraming ingay sa paligid." Sabi ko naman.
Medyo naaaninag naman namin ang daan, dahil maliwanag naman ang buwan at malakas din ang mga huni ng mga kulisap, may kakaiba akong nararamdaman sa paligid.
Ewan ko ba kumbakit nangangalisag ang mga balahibo ko.
Hanggang binabagtas na namin ang palayan papasok sa dulo ng mga kabahayan.
"Sinnate, where are you, I'm really scared!" Ani, Lea na humawak sakin.
"Me too." Si Annabel. "Ang layo pala ng lalakarin natin."
"Bakit kasi hindi pumasok dito sa loob si Manong driver eh?" Naiiyak ring reklamo ni Lea sa kawalan.
Parehas na silang nakahawak sa magkabilang braso ko. Kahit sila, nakakaramdaman din ng kakaibang aura sa paligid na hindi mo malaman kung saan nanggagaling.
"Guys, did you feel something?" Natatakot na bulong ni Annabel habang nakadikit sakin ang braso pati na katawan nito.
"Wala lang yan. Wag nating pansinin. Dalian na lang natin." Panlalaban ko sa takot naming tatlo.
Hanggang umabot na kami sa parang gubatang daan. Maraming puno pero maikli ang mga damo at malamig din ang hangin na nunuot sa balat.
Habang naglalakad kami. Nakaramdam kami na parang mga yabag ng tao na sumusunod sa likuran namin na para bang sinusundan kami.
"Did you feel it, guys?!" Bulong na rin ni Lea.
"Yes, Lea, I'm so scared na talaga!" Bulong din ni Annabel. "Even you say it with a mouth." Nangangatog na sila sa takot at maging ako rin.
Malamig ang simoy ng hangin na tila nanunuot sa mga buto naming tatlo.
"Dalian na lang natin. Wala munang usapan." Bulong ko sa kanila.
Talagang naninindig na rin ang mga balahibo ko sa takot, idagdag pa ang sobrang lamig ng hangin na nanunuot sa balat.
Isang babaeng naka-belong itim ang siyang sumusunod sa likuran naming tatlo, at duguan rin ang bangkay na ito.
Nakapikit mata syang naglalakad ng pauga-uga na parang lasing at nakataas ng arm's forward ang kanyang mga braso sa unahan nya.
Naghihintay lang ang babae sa paglingon namin, pero nabigo sya, ngunit bago nya kami lubayan ay sinabuyan nya kami ng kakaibang uri ng buhangin.
"AYYYYY!!!!" Sigawan naming tatlo sa daan at saka napatakbo kami sa kabiglaanan.
Sentrong-sentro nya itong isinaboy sakin kaya't ako lang ang tinamaan at isa pa sa akin lang sya nakatapat.
Naramdaman ko yun pero dahil sa takot, kaya't hindi ko na lang pinansin.
"Oh? My God, Cousins, I think I'm gonna die." Reklamo ni Annabel ng makalayo kami sa bangkay ng babae.
"So scared, what is that kaya? I guess, its not a human!" Sabi naman ni Lea.
Sa sobrang takot ko ay hindi ko sinabi sa kanilang tinamaan ako ng isinaboy nito samin.
"Guys, ano kaya yung ibinato nya?" Imik naman ni Annabel.
"I guess, buhangin?" Imik naman ni Lea.
Hindi ako umiimik, natatakot ako, tinamaan ako ng isinaboy nito. Hindi ako makaimik, parang tinalian ang dila ko.
*****
8:30pm
Narating namin ang bahay.
Nakita namin si Lola Maria, tiya Maricel, at Camil na naghihintay sa aming pagdating.
"Bakit ginabi kayo?" Tanong agad ni Tiya Maricel.
"Lola, panghapon po kasi kami." Sagot ko dito.
"Magpagpag muna kayo dyan sa labas bago kayo pumasok dito sa bahay." Si Lola Maria.
Nagkatinginan kaming tatlo. Hindi namin ma-gets yung sinabi ni Lola Maria.
"Ano po yong pagpag?" Tanong ko na lang para malinawan.
"Magpagpag kayo dyan sa labas para ang masamang elementong sumama sa inyo, eh hindi ninyo maipasok dito sa bahay. Hindi tayo mamalasin." Paliwanag naman ni Tiya Maricel.
"Paano po magpagpag?" Si Lea.
"Ipagpag nyo lang yang balikat nyo, yang saya nyo, yang mga gamit nyong dala at pati yang mga buhok ninyo. Ganun lang yon kasimple!" Paliwanag naman ni Camil na lumabas ng teres.
Sinunod naman namin ang sinabi nila.
Ngunit may natitira pa ring buhangin sa buhok ko, basta ko lamang kasing pinagpag at hindi ko naman alam na sobrang mahalaga pala nun.
"Nandyan na ba sila?" Sigaw ni Lolo Sito sa labas kasama nya ang lahat ng kanyang mga anak at apo.
"Oo, andito na sila." Sagot kaagad ni Lola Maria.
"Magbihis na kayo at maghapunan na rin." Pautos ni Lola Maria samin.
"Bakit ngayon lang kayo?" Tanong ni Kuya Lester at kasama rin sya nina Lolo Sito.
"Panghapon kasi sila na-schedule. Swerte ko dahil pang-umaga ako." Si Camil ang sumagot para sa amin.
"Naku! Mahirap ang panahon dito kaya mag-iingat kayo. Wag na lang kayong manlalaban pag may nangharang sa inyo na mga talim sa daan." Payo na lang ni Kuya Lester.
"Bakit naman kasi, biglang nagbago ang patakaran sa highschool?!" Reklamo ni Lola Maria.
"Oo nga! Last year wala namang ganun ah?! Ano ba yang principal ng highschool?! Hindi ba sya nag-iisip na pwedeng mapahamak ang mga dalagang studyante?" Reaction din ni Tiya Maricel.
"Kinausap nga po namin ang principal kung maaari kaming ilipat sa pang umaga. Sabi nya lang, hindi pwede, magiging unfair naman daw sa ibang students na malalayo rin ang mga bahay." Sabi naman ni Lea.
"Kung ganun na wala tayong magagawa para maging pang-umaga kayo. Wag nyo na lang papansinin ang mga ingay sa gabi." Bilin ni Lolo Sito saming tatlo.
"Saka isa pa, wag kayong mamamansin ng mga lalaki sa daan. Kahit ano pang ialok nilang tulong sa inyo." Sabi naman ni Kuya Lester. "Yung mga libreng sakay sa tricycle? Nauusong pakulo yon ng mga talim, wag kayong magtataray, pero wag kayong sasama." Dagdag pa nito.
"Naiintindihan po namin." Sabi na lang naming tatlo.
---------------
Natutulog na ang lahat....
Nagdilat ako ng mata at tumayo at naglakad nang wala sa sarili. Lumabas ng pinto ng bahay namin at lumakad ako ng lumakad sa labas. 
Nasalubong ko ang lalaking nakatitigan ko nung nasa Van kami papunta sa bahay nina Lolo Sito.
Mahaba ang buhok nito at lampas sa kanyang balikat, naka-tirintas ito sa likuran. Teenager rin ito kagaya ko, mukhang babae kung titingnan, pero lalaking-lalaki naman ang kilos at galaw, pati na rin sa pananamit.
Nilinga nya ako na diretso lang sa paglakad. Napa-kunot noo sakin ang nagtatakang talim.
Nagpunta ako sa gubat, at tinumbok ko ang lugar kunsaan may bangin. Dahan-dahan akong lumalapit doon habang pikit-mata at walang malay-tao.
Tuloy-tuloy akong naglakad hanggang mahulog ako sa mataas na bangin na batuhan ang ilalim. Bumagsak ako ngunit, nasa bisig na ako ng isang taong sumagip sa buhay ko.
"Oy! Miss, gising!" Pangyu-yugyog ng teenager saking balikat sa pwesto ng bunganga ng bangin.
Nataohan ako sa panggigising nya....
"Huh?! Ah?! Anong nangyari? B-bakit ako nandito? A-anong ginagawa ko rito?" Pagtataka kong tanong sa kawalan.
Nakita ko na malapit kami sa bunganga ng bangin. Isang hakbang ang layo namin at pwede kaming mahulog doon. 
"Ay! Ano yan? Bangin ba yan? Baka mahulog tayo!" Bulalas ko nang mapagtanto na malapit kami sa kapahamakan.
"Aba! Ewan ko sayo." Sabi naman nya sakin."Sinagip nga lang kita eh, tumalon ka dyan sa bangin." Halos natatawa nitong sagot sakin.
"Ano?! Bakit naman ako tatalon sa bangin?" Taka kong tanong dito.
"Malay ko sayo, naglalakad ka ng tulog. Wala ka sa sarili mo kanina." Sabi nya na nagpapaliwanag.
"Ano?! Naglalakad ako ng tulog? Bakit ako maglalakad ng tulog, aber?" Pangku-questioned ko sa kanya.
"Bakit ba ako nagpapaliwanag sayo? Pwede naman kitang iwanan na, okay ka naman na eh!" Medyo masungit nyang sabi sakin pagdaka.
Dagli akong nakaramdam ng takot dahil napuna kong nasa gubat pala kami, walang ibang makikita sa paligid kundi mga punong kahoy at wala ding ingay na maririnig kundi mga kulisap.
"Uh sandali lang, wag mo kong iwanan. Pwede mo ba akong samahang umuwi?" Sabi ko naman na palinga-linga sa paligid dahil sa takot.
"Luh? Iniligtas na nga kita, sasamahan pa kita hanggang sa bahay mo? Pakialam ko naman sayo?" Sabi nyang natatawa sakin.
"Sige na naman oh! Hindi ko alam kung saan ako napunta." Sabi ko na lang sa kanya na nakikiusap ang tono.
Matagal akong tinitigan ng binatilyong talim. Ngunit, hindi ko nahalata dahil wala naman sa aura nya at itsora, black-brown din kasi ang retina ng mga mata nya. Katulad sating mga ordinaryong Pilipino.
Samantala, wala naman akong takot at pangambang naramdaman ng mga oras na ito, dahil siguro sa wala ako sa tamang wisyo at pag-iisip. 
Naka-itim syang damit na may burdang white tribal at pantalon na light brown at may six pocket.
Sinipat ako ng killer eyes nyang mga mata, parang sa anghel ang kanyang mukha at halata sa kanya ang dugong kastila. Feminine looks sya at malakas ang sex apeal nya.
Naakit ako sa gandang lalaki nya, kaya hindi ko namalayan na magkatitigan na pala kami.
"Tara na." Malamig lang na sabi nito.
Lumakad sya at sumunod naman ako.
Maya-maya, nawala na naman ako sa sarili ko. Lumutang na naman ang pag-iisip ko.
"Saan ba ang tirahan mo?" Nakatalikod syang nangusap sakin. 
Walang may umimik sa likuran nya.
"Hoy, aba! Saan ka ba pupunta? Ilog dyan diba?" Hawak na ako nito sa balikat ko at iniharap agad sa kanya.
Nagising na naman ako sa pagkatulala ko.
"Huh??" Nataohan kong sabi at nakaharap na ako sa kanya. Mukha nya ang una kong nakita nang makabalik ako sa wisyo ko.
Tumitig sakin ng kunot noo ang binatilyo na may seryosong expression at tumitig din ako sa kanya na nagtataka.
"Ano bang nangyayari sayo ha?" Aniya. "Bakit nawawala ka sa sarili mo?" 
"Huh? Ah eh, ganun ba? E-ewan ko." Sabi ko lang dahil nababalik na naman ako sa pagkalutang.
"Matutulala ka, at saka maglalakad sa kunsaan, hahanap ka ng lugar na pwede kang mamatay? Bakit?!" Sabi pa nyang nagtataka.
"Hindi ko rin alam eh. Ikaw ba alam mo?" Lutang kong sabi dito.
Hindi ko na alam ang mga ginagawa ko at sinasabi ko. Unti-unti na akong nawawalan ng kontrol sa pag-iisip ko.
"Lumabas ka ng hating-gabi, maglalakad ka ng tulala at tatalon ka sa bangin, tapos pupunta ka pa ngayon sa ilog?" Pagtataka pa rin nyang pagpuna sakin.
Hindi na ako sumagot. Nakatulala na naman ako sa kawalan at wala rin sa sariling pag-iisip.
"Tara na, iuuwi kita." Sabi na lang nya.
Wala ako sa wisyong humawak sa braso nya kahit wala pa syang sinasabi.
Napangisi ng makademonyo ang matapang na mukha nito na parang may masamang naiisip sakin.
"Anong pangalan mo? Saan ka nakatira?" Tanong nito sakin habang naglalakad kami. "Saan ang bahay mo?" Sabi nya pa sakin.
Huminto kami sa paglalakad dahil hindi ako nagsasalita. Nakatulala lamang ako sa kunsaan na parang walang laman ang ulo ko.
Hinarap nya ako at pinagkatitigan. Walang kamalayan ang siyang nasumpungan nya sa mariing pagkakatitig sa mga mata ko.
"Boewe?! Hadke zsat behai ii Aish ney?" (Di nga?! Paano ito nakaya ng Ama ko?) Sinabi nya sa kanyang sarili.
Mariin nya akong tinitigan at saka unti-unting umaamo ang kanyang mukha habang nagtatagal na nag o-obserba sya sakin.
"Saan ang bahay mo?" Tanong nya uli.
Muling nagising na naman ang ulirat ko. "Huh?! Anong nangyari sakin?! Bakit ako nandito?" Pagtataka kong reaction.
"Nawawala ka sa sarili mo. Tumalon ka sa bangin at iniligtas kita." Sabi nya na nagpapaalala ang tono.
Naalala ko ngang tumalon ako sa bangin at naalala ko ring sinalo nya ako ng mahulog ako sa batuhan.
Napatitig ako sa kanya....
Seryoso lamang syang nakatitig sakin.
"Uhm, salamat." Imik ko dito.
"Taga-saan ka? Saan ang bahay mo?" Tanong nyang muli.
"Sa baranggay Mabato." Sagot sa tanong nya.
"Sige, tara na." Seryosong sabi nya.
Nang tumalikod sya sakin ay humawak kaagad ako sa braso nya.
Napangisi sya ng wala sa oras.
"Hindi mo naman ako kilala, nakahawak ka kaagad sakin?" Sabi nya, na walang kalingon-lingon sakin na nasa tabi lang nya at nakadikit din sa kanya.
"Natatakot kasi ako eh." Mabilis kong sabi sa kanya. "Pwede mo ba akong ihatid sa bahay ko?" 
Napangising lalo ang binatilyo ng sekreto. Tila may kinatutuwaan sya sa mga nangyayari. 
Unexpected experience in dealing with a woman. A person who is in her own mind and has free well. 
"Thank you sa paghatid ah." Sabi ko na lang sa kanya.
"Nandito ka na." Malangong na parang paos ang boses nito pero hindi pangit pakinggan.
"Huh? Nandito na agad tayo?" Pagtataka kong bigla at agad na nagpalinga-linga sa buong paligid.
"Ikaw lang." Pagtatama nya sa sinabi ko.
Nagpalinga-linga lang ako sa buong paligid ko. 
"Eh nasaan dito ang bahay ko?" Sabi ko sa kanya habang nagpalinga-linga.
Nanatiling nakatingin lang ito sakin. Pagdaka'y napangisi uli habang sinisipat nya ang mga mata at pisngi ko.
"Nawawala ka sa sarili mo," natatawa nyang imik. "Deretsohin mo lang yang kalye, sa dulo doon, hanapin mo na ang bahay mo." Sabi nito na hindi malaman kung pagtatawanan ba ako o wag na lang kasi nga'y may kakaiba sa akin.
Napasimangot ako, may bahid ng takot ang mga mata ko. Nalaman naman yun ng binata kahit wala akong inimik, nabasa lamang nya sa aura ko na natatakot ang kalooban ko.
Hinawakan nya ang buhok ko. Sinatsat nya ito pailalim sa may batok ko gamit ang kanyang kanang kamay.
Magkaharap kaming dalawa sa isat isa. Kaya kitang-kita ko ang buong mukha nya pati na rin ang hugis ng mga mata nyang nakatingin sa akin. 
Wariy ipinapagpag nya ang buhok ko. Napansin ko na may hikaw sya sa kaliwang taenga at kakaiba ang uri at style nito. May kwintas din itong silver na at may kakaibang ukit, at ang buhok nitong itim na parang bagong rebond. Namimingkish din ang pisngi nito at parang sa Israel ang hugis ng mga mata nya parang sa babae hugis ng mukha nya. 
Litaw ang jawline nya at naka-highlight ang matangos nyang ilong. May magandang kumbinasyon ang mga mata nya at kilay, bagay sa lapad ng kanyang noo at hugis ng mukha.
Hindi ko napapansin na nakatingin din pala sya saking mga mata, at sinisipat din nya ang buong mukha ko. 
Nagtaas sya ng kanang kilay. Nataohan ako, balak sana nyang mapangisi ngunit nagsalita na ako.
"Anong ginagawa mo?" Taka kong tanong dito.
"Ipinapag-pag ko ang mga kuto mo." Sarcasm nyang biro.
"Ha??" Nasabi ko na lang.
Natawa ito sa sinabing biro na hindi ko na-gets. Napansin kong pantay ang mga ngipin nya at healthy ang kulay nito.
Hindi masyadong maputi na parang ipina-pa-dentist. Ngunit, hindi mo naman masasabing naninilaw.
Napangisi ito pagdaka, "Umuwi ka na." Huling imik nya sakin. 
"Jain zsa nee naj antsetedu nom ii soutoh." (Baka hindi ka na makabalik pa sa bahay mo.) Ibang lengwahe nyang sinabi.
Umalis na ako kaagad ng walang dalawang salita.
Na-realized ko kasing may lengwahe syang kakaiba, at baka mamaya isa pala syang talim.
Naiwan syang nakatayo sa kinaroroonan namin ng makalayo ako dahil sa mabilis na paglalakad.
Napangisi ito na kita ang ngipin at may matalim na mata na hindi mo mawari kung ano ang nasa-isip.
*****
Samantala... 
Nang makauwi na ako...
Nakita ko silang nagkakagulo sa labas ng bahay at pati ilan sa mga kapit-bahay ay nabulabog dahil sa paghahanap sakin.
"Oh?! Ito na yata yung hinahanap nyo!" Ang isa sa mga nakatanaw sakin.
"Saan ka ba nagpuntang bata ka!" Si Tiya Maricel na umiiyak.
"A-anong nangyayari?" Taka ko pa.
"What's happened to you, Sinnate?" Si Lea na lumapit agad sakin.
"Hindi ko rin alam eh. I Don't know what happened, basta nagising ako, nasa labas na ako." Biglang nangilid ang luha ko dahil saka pa lamang ako nakaramdam ng matinding takot dahil sa nararamdaman kong tension na ganun pala ang effect sa kanila ng pagkawala ko.
Lahat na sila ay pinuntahan na kami sa kinaroroonan naming tatlo nina Annabel.
"Saan ka ba nagpunta?! Diba sabi ko sa inyo wag kayong lalabas ng gabi. Wag nyo na lang pansinin yung mga ingay sa gabi." Dismayadong sabi ni Lola Maria na pinagalitan ako.
"Sorry po talaga kasi, hindi ko rin po alam kumbakit ako nasa labas ng bahay eh. Nataohan na lang ako, nasa gubat na ako at may lalaking nagligtas sakin." Sabi ko habang inaalala ang mga nangyari sakin kanina. "Inihatid nya ako pauwi dito." Dagdag ko pang sabi.
"Sinnate, thanks to God that you're okay! We got nervious, akala namin kung napaano ka na!" Mataas ding reaction ni Annabel.
"Paano na lang pala kung napahamak ka?!" Sabi naman ni Tiya Maricel. 
"Sorry po talaga." Malungkot na sabi ko lang.
Hindi ko alam kung paano magpapaliwanag, dahil hindi ko rin talaga naiintindihan ang mga nangyayari sakin. Walang may pumapasok na ideya sa isipan ko para maunawaan ang naging pangyayari sakin.
"Ayos na ba kayo?" Tanong ng isang ale sa sarili nilang dialect.
"Maraming salamat po, Manang, Manong." Magalang na sabi naman ni Camil sa dialect ng lugar.
Nagbalikan na sa kani-kanilang tahanan ang mga kapit-bahay na tumulong. 
*****
Pumasok na kami sa loob ng bahay.
"Ate Sinnate, nakayapak ka pa pala." Pansin ni Camil.
Noon lang din namin napansin na nakayapak nga ako.
"Ay! Oo nga ano!" Nasabi ko at bahagyang napatawa.
"Sus, Ginoo!" Reaction na lang ni Lola Maria.
"Buti at hindi ka nakatapak ng bubog?" Ani, Tiya Maricel.
"Hindi naman po." Imik ko lang.
"Malas mo kung bubog! Ano pa kaya kung poo-poo?!" Malokong biro ni Camil sabay tawa.
Nagtawanan kami pagdaka sa naging biro sakin ni Camil.
"Camil, bibig mo! Pasmado na naman!" Saway ni Tiya Maricel sa anak.
"Ayun, sina Lolo mo, hinanap ka kung saan-saan." Sabi sakin ni Lola Maria. 
Tumahan na rin ito sa pag-iyak.
"Ano na, Maricel? Naandyan na ba?" Sigaw ni Tiyo Badong mula sa malayo.
Nakaupo kami sa loob ng teres dahil hinihintay sila.
Magkakasama ang lahat ng mga lalaki ng angkan nina Lolo at Lola, pati na rin mga lalaki sa kapit-bahay. 
"Oo, Nandito na. Awa ng Diyos, hindi sya napahamak." Sagot kaagad ni Tiya Maricel at agad sinalubong ang asawa.
"Oh! Naandyan na pala. Wala na kayong aalalahanin pa, babalik na kami sa aming mga bahay." Ang isang lalaki sa dialect nila.
"Salamat sa inyo ng marami." Sabi ni Lolo sito sa dialect nila.
Nag-alisan na ang mga tao. Pumasok na sila Lolo Sito sa bahay ng matapos makapag-pagpag sa labas.
"Ano bang nangyari? Bakit lumabas ka ng bahay na hindi namin alam?" Sabi ni Lolo Sito na may galit ang tono.
"Hindi rin daw nya alam. Nagising na lang ang ulirat nya, nasa gubat na sya." Si Lola Maria ang sumagot para sakin.
Nakaupo ako sa long sofa na kahoy at katabi sina Lea at Annabel. Nakatungo lang ako ng aking ulo habang napapagalitan.
"Ginawa mo bang magpagpag bago pumasok dito?" Tanong naman ni Kuya Lester.
"Ehhhh Opo." Sagot ko lang habang nakatungo. "Kaso bakit ganun? Hindi ko po talaga maintindihan."
Napapaisip ako sa mga oras na ito, mahalaga pala yon? Akala ko, wala lang yon, muntik na akong mamatay kanina kung hindi ako iniligtas ng isang talim.

Komentar Buku (39)

  • avatar
    darling

    wwwwoooooooooowwwwww😍😍😍😍😍

    17d

      0
  • avatar
    レアリー 撮影

    nice

    09/08

      0
  • avatar
    Johwa Frances

    nice

    25/07

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru