logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Chapter 7: I am a woman

SUNOD-SUNOD na nagsipatakan ang aking mga luha. Hindi ko na napigilan ang pagbugso ng aking damdamin, kahit na anong pigil pa ang gawin ko'y tuluyan nang sumabog ang nag halo-halo kong emosyon.
Nangunot ang noo ni Papa at napatitig sa akin, "Saan ka galing? Bakit ngayon ka lang?"
"Ako po ang sasama, 'Pa." Sa halip ay sagot ko.
"Anong-- tang— naman! Umayos nga kayo! Hindi ko kayo binubuhay para magdesisyon ng basta-basta. Manahimik kayo!" Ramdam na ramdam ko ang pagiging problemado ni Papa, at nangangamba akong baka atakihin na naman siya ng sakit niya.
"'Pa," Pumiyok na ako, "Kumalma po kayo. Baka atakihin kayo ng--"
"Paano ako kakalma?! Paano--"
"'PA!"
"LOUIE!"
Sabay-sabay kaming kumilos upang saluhin ang natumbang si Papa. Mas lalong bumigat ang dibdib ko, mas lalo ring lumakas ang paghagulgol ng mga kapatid ko, maging si Mama ay nakikita ko na rin ang panghihina.
Tuloy ay hindi ko na alam ang gagawin ko sa buhay ko, sa amin, sa pamilya ko. Hindi na ako tuluyang lumapit sa kanila, napahawak ako sa aking sintido at umiiyak na napaatras.
"Argh, hindi mo ibubuwis ang buhay mo..." Nanghihina at putol-putol na saad ni Papa habang itinuturo ako, "Mananatili ka rito!"
"Papa naman! Tingnan niyo naman ang sarili niyo! Hindi niyo na nga kayang manatili sa ilalim ng tirik na araw, hindi na rin kayo nakakatagal na magbuhat ng mabibigat!" Humahagulgol kong saad at pinunasan ang aking mga luha.
Palakas ng palakas ang ugong ng naglalakihang sasakyan, palapit na sila ng palapit sa amin.
"Lalaki! Lalaki ang--" Hindi na naituloy ni Papa ang sasabihin niya nang muli na naman siyang manghina.
"Louie! Kalma, kunin niyo nga ang mga gamot ng tatay niyo!" Tarantang saad ni Mama habang inuutusan ang mga kapatid kong agad namang nagsikilos.
"Wala pong sinabing bawal ang babae, 'Ma, 'Pa," Malumanay kong saad. Pilit na ikinakalma ang sarili at para na rin mabawasan ang tensyon na namamagitan sa aming lahat. "Walang sinabing bawal ang babae, natatakot lang kayo, ang bawat isa dahil pinaniwalaan na ng lahat na mahihina kami!"
"Manahimik ka, Kornalina! Hindi ka sasama!" Matigas na saad ni Papa habang pilit na tumatayo kahit na nanghihina.
Tuloy ay mas lalo akong nanghina sa aking loob loob, ngunit hindi ito ang oras upang ipakita ang kahinaan ko.
"Papa naman!"
"Ako ang sasama! Mamatay man ako!"
"LOUIE!"
"PAPA NAMAN!"
Hindi ko na napigilan ang emosyon ko. Tuluyan na akong napasandal sa dingding upang alalayan ang sarili ko. Ang hirap panuorin ng mga magulang mong naghihirap, at patuloy na lumalaban sa gitna ng hirap para lang mabigyan kayo ng magandang buhay.
"Kornalina, hindi ka aalis dito! Magiging katulong ako sa palasyo. Lahat kayo, mananatili rito!" Matigas na utos ni Mama na patuloy paring inaalalayan si Papa na nagmamatigas parin.
"Manahimik ka, Nonie! Hindi ka--"
"Buo na po ang desisyon ko. Kahit ayaw niyo, ako ang sasama sa incursion. Mananatili kayo dito." Singit ko at marahang lumapit kay sa mga magulang ko, "Papa naman, magtiwala naman kayo sa akin katulad nang araw na ipinagkatiwala niyo ang espada niyo sa akin."
"Manahimik ka! Sinabing tumahimik ka!" Sigaw ni Papa, ramdam ko ang frustration niya bilang padre de pamilya. Nagkakagulo na kami.
"Papa naman!"
Kulang na lamang ay tumumba ako sa panghihina. Wala na akong pakialam kung naririnig man kami ng kung sino-sino. Alam kong hindi lang kami ang pamilyang umiiyak sa sandaling yaon.
"At bakit ka sasama doon? Paano ka nakakasigurong makakaya mo ang pagsasanay--" Muli na namang nahinto si Papa dahil naubos siya ng malakas.
"Lumaki ako sa gubat. Lingid sa kaalaman ninyong marami na akong nahuling leon, tigre, iba't-ibang mababangis na hayop habang pinoprotektahan ang mga tupa. Magtiwala naman kayo sa akin!"
"Babae ka, Kornalina! Paniguradong ikaw ang pag-iinitan nila!" Matigas paring saad ni Papa.
Matalim akong dumeretso sa isang drawer at kinuha ang gunting roon. Itinaas ko ang mahaba kong buhok at ang gunting.
"Gugupitan ko ang buhok ko." Saad ko at inambahan ng gupit ang aking mahabang buhok. Ngunit hindi ko pa iyon nagagawa ay tumilapon ang gunting at bumagsak ako sa sahig.
Ganoon ako kabilis na napigilan ni Mama.
"Hindi mo gugupitin ang buhok mo!" Matalim at nakakatakot nitong wika.
Literal kaming nanahimik at napaatras.
Muli kong narinig ang pag-ugong ng mga sasakyan. Dumagundong ng napakalakas ng aking puso, kasabay ng pilit kong pagtayo ay ang paglabasan ng aking mga pangil dahil sa pagiging agresibo. Sinubukan akong muling itulak ni Mama upang pigilan sa mga plano ko ngunit buo na ang desisyon ko para sa pamilya ko, hindi na ako mapipigilan.
"Hindi. Ka. Aalis." Matalim na wika ni Mama.
Ngunit lumaban ako. Ang mga kamay niyang nakapatong sa aking balikat na pilit akong itinutulak pabalik ay pilit kong inalis. Pwersahan kong kinokontra ang pagtulak niya sa akin papasok sa isang silid. Alam kong ikukulong niya ako doon katulad ng palagi niyang ginagawa sa amin kapag nagkakaroon ng problema sa Heimdall. Doon niya kami itinatago at sabay sila ni Papa na humaharap sa anumang hindi ko matukoy na problemang iyon.
Ngunit desidido ako.
"Pakiusap, 'Ma. Magtiwala kayo sa akin. Maawa kayo sa mga sarili ninyo. Manatili ka rito para sa mga kapatid ko," Iyak ko at bumaling kay Papa at nakahandusay at nanghihina, "'Pa, pakiusap naman oh. Wag nang matigas ang ulo, manatili kayo rito para kanila Mama."
"Pa'no? Hindi mo pa alam ang anyo mo, ni hindi ka sigurado kung makakapagpalit ka pa ng anyo!" Sigaw ni Mama na ikinataas ng tensyon na nararamdaman ko.
Morphing is really important to us, but it doesn't matter right now. I need to stand for my family.
"Hindi na iyon mahalaga! Magtiwala lang kayo! Babalik ako ritong buhay, babalik akong may medalya! Babalik akong rerespetuhin na ng lahat ang mga babae!"
Nakita ko kung paano gumuhit sa mukha ni Mama ang gulat. Maging si Papa ay kumalma na rin. Masuyong dumating ang mga kapatid ko upang painumin ng gamot si Papa. Lumuwang ang pagkakahawak sa akin ni Mama at lumayo sa akin.
"Wala ba kayong tiwala sa anak ninyo? Kapag hindi ako makapasa sa pagsusulit, babalik ako rito. Sama-sama tayong magpa-alipin sa palasyo." Matalim kong wika at tumayo sa harap nilang lahat, "Ngunit hindi ako papayag. Gagawin ko ang lahat para makapasa, para makapasok sa sandatahang lakas ng Fatum. At oras na makauwi ako rito'y may dala na akong medalya, pangako iyan."
"Pero babae ka..." Nangangambang saad ni Papa na inalalayan nilang lahat upang makatayo.
Muling namuo ang luha sa aking mga mata. Umiling-iling ako, at kasabay ng pagkurba ng aking labi upang magbigay ng tipid na ngiti ay ang muling pagpatak ng aking luha.
"Tama po kayo, babae ako. Hindi ako babae lang. Babae ako."

Komentar Buku (60)

  • avatar
    Lanie Pecson Orgas

    ggs

    13h

      0
  • avatar
    Hayati Umaiza

    very nice story

    25d

      0
  • avatar
    Ikaw Lng Sapat Na

    nice

    16/07

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru