logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Chapter 2

Mga 8 o’clock ang assembly time namin sa school at siyempre always punctual yata ako kaya nga nakarating ako ng school mga 7 o’clock pa lang. Naka- black blouse ako ngayon at naka-jeans with matching black sketcher shoes. Mukha ngang napagkamalan akong a-attend ng burol eh. Ready na ready din ako sa aming biyahe mamaya kaya nga may dala akong mga finger foods. Nag-aantay ako ngayon dito sa harapan ng aming college building at maya-maya pa’y nakita ko ang ibang school drivers na nagpapaandar ng ibang bus.
Malapit na magalas-otso at wala pa rin si Geoff. “Nagreply na ba siya, Antoinette?” tanong ko.
“Malapit na raw siya, Flor.”
“Eh, kanina pa siyang nagrereply ng ganyan e wala pa rin siya.” ani ni Marie at mukhang nafru-frustrate na kasi mukhang malapit nang mapuno ang bus. Ang tagal kasi ng bakla. Dapat daw sama-sama kaming apat na pumasok sa bus. Hayss.
“Beks!” sigaw ni Antoinette habang tinatanaw na tumatakbo si Geoff papalapit sa amin. Tinulungan naman siya ni Antoinette sa mga dala niya at pawis na pawis talaga ang hitsura niya.
“Okay beks, here I come!” sabi niya habang pinupunasan ang mga pawis nito sa mukha.
“Guys, tara sumakay na tayo rito sa bus may slots pa for 4.” sabi ko na nakangiti.
Sumakay na kaming apat at tuluyan nang umalis sa school papuntang daungan ng mga Ro-Ro ships. Naglakbay kami ng halos 12 hours bago namin narating ang probinsiya ng Iloilo. Mukhang maiikumpara mo naman ito sa Maynila kasi pareho itong maunlad at sibilisado.
Marami ring mga buildings ang nagtatayuan at mga european-style inspired architectures na makikita sa paligid. Kahanga-hanga talaga. Nagpalipas muna kami ng isang gabi sa hotel at agad nagpatuloy sa aming destinasyon kinakaumagahan. Habang nakasakay kami sa bus, isa sa aming clinical instructors ang nagsalita habang nakaupo siya paharap sa amin.
“Well, interns this is it! Alam kong excited na kayo para sa inyong hospital assignment here in Iloilo and regarding for our medical missions here, we just wait for the announcement from the local DOH kung when tayo magsisimula.”
Lahat ng mga mata namin dito ay tumitingkad habang nakikinig.
“And I would also to announce na medyo malayo-layo pa ang ating lalakbayin so as much as possible ay kumain muna kayo para hindi kayo magutom for our 2 hours trip.” sabi ni ma’am.
Nagulat naman ako sa sinabi ni ma’am. “Ma’am.” Naka-raise ‘yung hand ko. “Hindi ba rito sa kabisera gaganapin ang medical mission?” tanong ko.
“Hindi, Ms. De Luna. Sa bayan ng Anillo ang unang gaganaping medical mission at katuwang natin ang ahensiyang pangkalusugan ng kanilang bayan. And before tayo makabalik sa kabisera, we need to go and see Dr.Velasquez for the confirmation of the schedule at kung saan pang mga bayan gaganapin ang iba pang medical missions ninyo.” sabi niya.
“Wow, mukhang excited naman ‘yan.” ani ng isa kong kasamahan.
“Eh, may library po ba roon?” tanong ko.
Nakakunot naman ang mukha ni ma’am. “Ba’t mo naman tinatanong iyan?”
“Oy, Doray. Ba’t gusto mo bang pumunta sa library, ha?” tanong ni Geoff na sa aking kaliwa. Magkatabi kami ngayong apat malapit sa pintuan ng bus. Mabuti na lang dahil malapad yung inuupuan namin.
“Ano ka ba naman Geoff. Siyempre gusto niya ring magpalipas ng oras at makapag-aral din. Tatanungin ko rin sana if may library sila roon.” sabi ni Antoinette na nasa tabi ni Geoff. Malapit siya sa bintana ng bus.
Napangiti naman ako kay Antoinette.
“Hindi naman tayo magtatagal doon, Ms. De Luna. After natin ma-meet si Dr. Velasquez ay agad naman tayong aalis pabalik ng kabisera.” sabi naman ni ma’am.
“Wait, ma’am. Can I clarify some things? You mean, ang aming isasagawang medical missions ay gaganapin sa sinasabi mong bayan ng Anito…”
“It’s Anillo, Mr. Tabanag.” Correction ni ma’am sa kaniya.
“Yeah, I mean ANILLO (pagbibigay niya ng emphasis) at regarding naman sa aming hospital assignment ay nandoon lang kami sa kabisera, ganun po ba ma’am?” tanong ni Geoff. Wow, ang taray. Napataas naman kami ng kilay nina Antoinette at Marie.
“Yes. At si Dr. Velasquez lamang ang nakakaalam kung saan kayo magpapatuloy ng inyong internship. Baka naman sa Western Visayas Hospital kayo ma-aasign.” sabi ulit ni ma’am.
“Feel ko sa bayan ng Anillo ang unang gaganapin na medical mission.” sabi ni Antoinette habang kumukuha ng kaniyang curls sa bag.
“Eh, sa bayan talaga ng Anillo tayo gurl. Hindi mo ba narinig? Mukhang nakalutang na naman yung kaluluwa mo.” sabi naman ni Geoff habang ningunguya ‘yung bubblegum na bago niyang kinain. Hinampas lang siya ni Antoinette gamit ang kaniyang libro sa mataba niyang braso. “Oy gurl ang sakit ha?” sabi naman ni Geoff sabay tawa.
“Mukhang mapapasubo tayo rito mga beks. Tingnan niyo may halos 100 na barangay mayroon ang lalawigan.” Mukhang na i-stress si Marie nasa aking kanan habang iniisa-isa niyang tinuturo ‘yung mga lugar sa kaniyang mapa. Napatingin na lang kaming tatlo sa kaniya.
“Sobra ka naman Marie. Hindi naman siguro lahat ay pupuntahan natin.” ani naman ni Antoinette habang sumisipsip ng juice. Napatango naman kami ni Geoff sa kaniyang sinabi.
“Hoy, Flor. ‘Di ba marunong kang magsalita ng kanilang lenggwahe? Ano ba ‘yun tawag? Ah, ‘yung Hiligaynon tama?” tanong ni Geoff.
Napatango ako ulit. “Oo, pero hindi masyadong pulido. Kasi yung uncle ko ay isang Ilonggo kaya minsan kung mag-uusap sila ng auntie ko ay nagsasalita siya ng Hiligaynon. Actually, nakasanayan ko na ring maririnig yung mga salitang kaniyang binabanggit kung kaya minsan ay nagpapaturo ako sa kaniya.” paliwanag ko naman.
“Weh? Sample nga?” sabi naman ng bakla habang hinahampas pa sa akin ‘yung plastic bottle na walang laman.
“Sige na, Flor. Gusto rin naming magpaturo.” sabi naman ni Marie na mukha ring excited.
Napalunok na lang ako at saka nagbigay ng halimbawa. “O, sige…” At silang tatlo ay nakatingin sa akin.
“Palangga ta ka.” sabi ko na may malambing na tono. “Ang ibig sabihin ‘nun ay mahal kita.” At napa-wow naman sila sa akin.
“Oh my God, Doray you’re so sweet naman.” habang niyakap ako ng bakla nang walang dahilan. Ang sinasakyan naming bus ngayon ay puno na ng aming ingay at lahat kami ay masayang-masaya habang tinatanaw ang mga kabukiran habang bumibyahe.
**********
Mga ilang oras na ang nagdaan at sa wakas ay nakarating din kami sa kabisera pagkatapos naming puntahan si Dr. Velasquez sa bayan ng Anillo. Mukhang pagod na pagod kami habang tinatahak namin ang malapad na hagdan patungo sa aming kwarto sa apartment. Dito muna kami titira sa halos na anim na buwan. Buti na lang at may kakilala si uncle at dito muna kami titira sa apartment.
Nang pumasok kami sa aming kwarto ay agad naming nilagay ang mga gamit sa aming napiling kama. Malaki ang espasyo ng aming kwarto at may maliit itong dining area na tamang-tama sa aming apat. Medyo malaki rin ang aming kama na magkatabi lang naman at may mga cabinet din doon. May maliit din itong aircon sa tabi ng aking kama at mayroon ding maliit na refrigerator na nakapatong sa mesa ng aming dining area. Lahat kami ay nakaratay na sa aming kama at medyo nananakit na rin ang aking puwetan dahil sa matagal na pagkakaupo kanina sa biyahe.
“Beks, saan nga tayong ospital naka-assigned?” panimula ni Geoff habang hinihimas-himas ‘yung unan niya.
“Sa Western Visayas Hospital, Geoff. Don’t worry malapit naman dito sa ating apartment.” sagot ko naman habang pinilit ang aking sarili na umupo sa kama. Talagang ang sakit ng puwet ko. Huhu
“Doray, okay ka lang? Hoy, mga bruha bumangon nga kayo riyan!” sabi ng bakla habang pinagbabato sa kanila ang kaniyang mga unan. Tumawa na lang ako sa kanila.
“Hoy, Geoff. Ano ka ba?!” sigaw naman ng dalawa at agad silang bumangon sa kama. Mukhang mag-pipillow fight ang mga loko kong kaibigan ha.
“Bwisit kang bakla ka!” sigaw ni Antoinette habang hinahampas niya ng unan si Geoff sa likuran. Si Marie naman ay hinahampas ang ulo ni Geoff. Tinawanan ko lang silang tatlo kaso bigla namang may bumato sa akin.
“Hoy, huwag kang tumawa riyan tulungan mo ako rito!” sigaw ng bakla habang tumatawa.
Napangiti na lang ako at agad sumugod sa kanila. Naghahampasan kami ngayon ng aming mga unan na parang mga bata at sa buong maghapon ang aming kwarto ay puno na ng ingay at tawanan.
Umaga na’t umalis na kami papuntang ospital kung saan kami naka-assigned. Medyo hindi kami sanay sa aming paligid sapagkat baguhan lang kami sa nasabing lugar. Maganda ang umaga sapagkat hindi masyadong traffic at talagang mararamdaman mo ang malamig na hangin sa paligid. Walang masyadong usok at talagang pollution-free ang nasabing lalawigan. Ang mga tao roon ay makikita mong bakas na masayahin habang naglalako ng mainit na pandesal sa tabi-tabi. Ang iba naman ay magbubukas pa lang ng kanilang tindahan at kainan.
“Feeling ko talaga nasa iba akong planeta?” pagbasag naman ni Geoff dahil alam akong medyo nawi-weirduhan na siya sa kaniyang paligid.
“Sshhhhh! Huwag kang maingay beks. Baka may makarinig sa’yo.” suway naman sa kaniya ni Antoinette.
“Don’t worry guys. Mamaya pag-uwi natin tuturuan ko kayo.” sabi ko sa kanila sabay ngiti.
“Infainess ha, hindi stressful ang lugar. Feeling ko nga parang may electric fan sa harapan ko.” sabi ng bakla habang nagmo-model siya sa daan habang nakapikit. Medyo malakas at malamig kasi ang simoy ng hangin. Sana man lang nagdala ako ng jacket. Medyo nilalamig din ako.
“Hoy, Geoff baka mabangga ka sa ginagawa mo.” suway ulit ni Antoinette habang sinusundan siya sa unahan.
“I DON’T CARE! I LOVE-----” Tumigil siya sa pag-awit nang may bumangga sa kaniya sa daan. Nawalan siya ng balanse at napasigaw na lang kami nang muntik na siyang mahulog sa kanal. Napatapik naman ako sa aking bibig at nagulat nang may sumagip sa kaniya. Napanganga na lang kaming tatlo sa aming kinatatayuan.
“Don’t worry. I got you!” sabi ng mistoryosong lalaki na nakaputi nang hawakan at hihilahin niya ngayon si Geoff. Mukhang nabibigatan na rin siya at pinagpapawisan habang nakahawak sa matabang braso ng bakla. Si Geoff naman ay tulala habang minamasdan ang lalaki.
“OMG! Geoff!” sigaw ni Marie habang kaming tatlo ay papunta sa kinaroroonan ni Geoff. Tinulungan namin ang lalake na hilahin si Geoff hanggang sa tuluyan na rin siyang nakalabas ng kanal. Hinihingal kaming tatlo habang ang lalake naman ay mukhang pagod na pagod. Ikaw ba naman hihila ka ng parang isang sakong kabigat.
“Geoff! Ang bigat mo!” ungol naman ni Antoinette habang minamasahe ang kaniyang wrist. Ako naman parang namanhid ‘yung kamay ko.
“Okay ka lang ba?” pagbasag ng misteryosong lalake na nakatingin ngayon kay Geoff. Sa mukha pa lang ni Geoff ay nakita mo na parang nasa langit na siya dahil nailigtas siya ng isang lalake. Napa-ehem naman kaming tatlo sa kaniya para bumalik na sa kaniyang katinuan.
“Salamat.” pabebeng sinabi nito habang naka-blinking eyes na patago ngunit nakita naman ito ng lalaki.
Naka white uniform ang nasabing lalaki. Matangkad, bilugan ang mga mata, matangos ang ilong, at may kayumangging balat. In short tall, dark, and handsome. Kaya nga siguro nakatulala ang bakla kanina kasi sa kagwapuhang tinataglay nito. Nasa early 30’s na siguro ang edad ng lalaki. Napatingin din sa amin ang lalaki sabay ngiti.
“Pasensiya na kayo lalo na sa pagbangga ko sa inyong kaibigan. Nagmamadali kasi akong umalis galing ospital at patungo ako ngayon sa aking kotse dahil may mga nakalimutan akong mga papeles na dapat dalhin.” sabi niya sa amin. Napanganga na lang kami sa kaniya dahil nagsasalita siya ng tagalog.
Ngumiti naman siya ulit sa amin. “May nakapagsabi sa akin na may mag-iintern daw dito galing Maynila at napagtanto ko na baka isa kayong apat na magpapatuloy ng inyong internship dito sa aming ospital.” sabi niya sa amin.
Tiningnan ko ang lalaki. Aside sa naka white uniforn siya, kitang-kita mo na napakalinis nito mula ulo hanggang paa. Naaamoy din namin ang kaniyang pabango na sobrang bango na ‘di ko alam kung anong pabango ‘yon hanggang sa napansin ko ang kaniyang I.D na nakasabit sa kaniyang leeg at binasa ito.
“Doctor?” sambit ko.
“Well, I’m Dr. Matthew Casquejo. Isa akong resident physician sa West Visayas Hospital. Puwede ko bang malaman ang mga pangalan ninyo, interns?” sabi niya habang nakangiti at agad tumingin sa akin. Napalunok na lang ako sa pagkabigla.
“I’m Florabelle De Luna and these are my friends Joe Marie Alcantara…” sabay turo kay Marie. “Antoinette Joy Lacuesta...” tinuro ko naman si Antoinette. “and Geoffrey Mark Tabanag…” at tinuro ko naman si Geoff na hanggang ngayon ay nag-gloglow pa rin ang mga mata nito sa kagwapuhan ng doktor sa aming harapan.
“Masaya akong makilala kayo. Sana’y masaya kayo habang nananatili sa aming institusyon. Sige, mauuna muna ako sandali.” At agad siyang umalis sa aming harapan. Sa sandaling iyon, napatingin na lang kaming apat sa isa’t isa.
“OH MY GOSH!” bigla namang sumigaw si Geoff na parang baliw sa aming tabi habang nagwa-walling sa malaking puno na nasa aming likuran. Namumula na siya sa sobrang saya.
“Mga beks sa totoo lang ha, first kong makakita nang ganoong kagwapo!” kinilig naman si Antoinette habang hinahawakan ang kaniyang magkabilang pisngi.
“Hoy, paalala ko lang sa iyo Antoinette ha. Huwag mong aagawin ang asawa ko!” sabi naman ni Geoff habang tinuturo si Antoinette. Naku, eto na naman sila.
“Anong asawa? Ang feeler mo no? Hindi ka ba nahihiya kanina? Nabibigatan sa iyo si doc! Naku!”
“Inggit ka lang kasi nailigtas ako ng aking asawa!” sabi naman ni Geoff habang kinukurot ngayon ang pisngi ni Antoinette.
“Ano ba! Ang sakit ‘nun ha!” sigaw ni Antoinette at aakmang kukurutin ang matabang braso ni Geoff. Mukhang nagkasiyahan ang dalawa habang kami namang dalawa ni Marie ay natutuwa sa kanilang pinanggagawa.
Habang minamasdan ang dalawa ay bigla na lang nag-riring ang phone ko sa aking bulsa at saka binuksan ito. Tumawag pala ang aming hospital leader.
“Flor, asan na kayo? Kayo na lang ang hinihintay dito sa labas ng lab. Bilisan niyo nang pumunta rito baka papagalitan kayo ni ma’am kapag wala pa kayo.”
Napapikit na lang ako nang makita ko ang oras. Mag-aalas otso na pala.
“Sige, salamat.” sabi ko na lang.
“Guys, kailangan na nating bilisan. Baka maabutan pa tayo ni Ma’am Intal ‘pag wala pa tayo sa labas ng lab.” sabi ko sa kanila habang tuluyan nang umalis sa aming kinatatayuan. Mabilis naman naming tinahak ang daan papuntang ospital na nasa kalahating metro lang ang layo.
**********
Mga alas-singko na ng hapon at natapos na rin ang unang araw ng aming internship this second semester. Orientation lang naman ang naganap kanina at nag-uumpisa na kaming magplano tungkol sa unang medical mission na gaganapin ngayong sabado sa bayan ng Anillo.
Agad kaming umuwi sa aming apartment at diretsong humiga sa aming kama. Nakakapagod ding umupo at makinig sa buong araw. Binuklat ko ang aking phone at agad tumambad sa akin ang isang text message ng aking kapatid.
Fauna
Ate, nakagawa ka na ba ng aking assignment? Next Wednesday na kasi ang aming deadline. Kapag natapos mo na e-email mo sa akin agad, ha? Salamat. Muah!
Mukhang nakalimutan ko ‘atang gawin ang assignment ni Fauna. Napabuntong hininga na lang ako at saka umupo sa kama. Nakadagdag stress naman si Fauna. Napa-isip na lang ako kung saan ang library na tinutukoy ni Fauna na matatagpuan sa lalawigang ito.
“Guys, saan tayo magdi-dinner? Kasi------” ‘Di na natapos ni Marie ang kaniyang sasabihin dahil biglang sumigaw si Geoff sa kaniyang kama.
“WAAAHHH!” sigaw niya habang nakatingin sa kaniyang phone. Nagkatinginan naman kaming tatlo at agad pinuntahan si Geoff.
“Oh my God. Look at this, fb friends na kami ngayon ni doc, este asawa ko pala. Hahaha!” tawa niya habang ipinapakita sa amin na talagang friends na sila sa facebook ni doc Matthew. Mukhang mababaliw na talaga si Geoff.
“Oy, ikaw Antoinette. Fb friends na ba kayo ni doc?” sabay taas kilay ng bakla.
“Well, later. E a-add friend ko pa si doc. There’s no need for me to rush kasi.” sabi naman ni Antoinette habang naka-rolled eyes sa bakla.
“Ngayon mo lang siya e-add friend teh?” pang-aasar naman ni Geoff sa kaniya na humantong na naman sa kanilang masasayang kulitan. Napatingin naman si Marie sa akin.
“Sige, ako na lang muna bibili ng ating hapunan. Bantayan mo muna ang mga loko-lokong ‘yan.” tawa ko habang papalabas na ng aming kwarto.
Pagkalabas ko ng aming apartment, medyo madilim na at lalong lumalamig ang simoy ng hangin. Napayakap na lang ako sa aking sarili habang tinatahak ang daan. Nagsisimula ring lumiwanag ang mga lamp post na nasa gilid ng daan at marami ring mga tao ang nagsisi-uwian sa kani-kanilang tahanan. Naalala ko tuloy sina auntie Vilma at uncle Jordan pati na rin si Fauna. Hayyss.
Nang lumiko na ako sa kanto, bigla ko na lang nakita ang isang pamilyar na mukha. Napangiti na lang ako nang muling makita si doc Matthew. Nasa gilid lang siya ng kaniyang kotse habang napayakap din sa kaniyang sarili. Mukhang may hinihintay siya. Tatawid na sana ako sa kabilang kanto nang tawagin niya ang aking pangalan. Nabigla ako tuloy at agad humarap sa kaniya.
“Florabelle, right?” sabi niya habang papunta sa akin. Napatango na lang ako sa kaniya.
“Saan punta mo?” sabi niya sabay ngiti.
“Uhm, bibili ng pagkain doc.” tipid kong sagot.
“Well, by the way. Ako pala ang makakasama ninyo during your first medical mission na gaganapin sa bayan ng Anillo.” sabi niya sa akin at agad akong tumingin sa kaniya.
“Mukhang exciting ang magaganap ngayong sabado. Sana’y magiging masaya ang pagbisita natin doon.” sabi niya sabay tapik sa aking ulo. Mukhang uminit ang aking pisngi nung sandali.
Agad ko namang napansin ang bitbit niyang libro na nasa kaniyang kaliwang kamay at may naalala sandali. Napatingin ulit ako kay doc. “Doc, puwede po bang magtanong kung nasaan ‘yung library niyo rito?”
Mukhang nagulat si doc Mattew sa aking tanong at muling ngumiti sa akin. Sinundan ko naman siya papunta sa kaniyang kotse sa ‘di kalayuan.
“Library? May hinahanap ka bang libro?” tanong niya. Napatango naman ako sa kaniya.
Ngumiti siya sa akin at sinabing, “Ang library na hinahanap mo ay nasa loob na iyan, Flor…” sabay turo ‘yung malaking ancestral house na nasa harapan namin. Napalunok ako ngayon.
“Kaya ako nandito ngayon kasi may hinihintay akong tao na nasa loob ng ancestral house. Galing din ako riyan kanina kasi humiram ako ng libro.” sabay pakita ng libro na hawak- hawak niya. “Kaya lang nauna ako rito lumabas kasi magsasarado na ang library.”
Nagtaka naman ako sa mga oras na iyon. “Kung sarado na ang library sa oras na ‘to, nasaan na ‘yung hinihintay mo, doc?” tanong ko sa kaniya.
Napalingon siya sa akin. “Nasa art room siya ngayon.”
“Woah. May art room din sa loob ng ancestral house na iyan?” sabi ko sa kaniya na may pagkamangha.
Napatango siya sa akin. “Subalit siya lang ang puwedeng makapasok doon. Siya lamang at wala ng iba.” Napatingin na lang ako sa kaniya nang sinabi niya ‘yun.
Nananatiling malamig ang simoy ng hangin at tuluyang nilamon ng gabi ang buong paligid. Pero biglang nagliwanag ang madilim na paligid nang magsi-ilawan ang mga naka-display na lights sa plaza na malapit sa amin.
Muli kong tiningnan ang ancestral house na nasa aking harapan. Dito sinasabing may library sa loob at dito ko rin mahahanap ang libro. Pero pala-isipan din sa akin ang sinabi ni doc Matthew tungkol sa nasabing art room na siya lamang ang maaaring makapasok ‘dun.
Sino kaya ‘yun?

Komentar Buku (34)

  • avatar
    Fernandes MelgarEduardo

    bom

    17/01/2025

      0
  • avatar
    DimapilisJudyann

    5.0

    02/12/2024

      0
  • avatar
    LaugoJocel

    very nice ,, super , and it's can relieve my stress

    20/10/2024

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru