Ang kasalukuyan, 2017 May meeting kami ngayon sa aming college department ng aming unibersidad tungkol sa mga gagawing events ngayong second semester. Naka white blouse at pants ako ngayon at patuloy na nagsusuklay ng short hair ko habang naglalakad papasok sa aming campus. Ang aga ko naman yata pumunta rito at malas lang kasi dahil hindi ko alam kung saan gaganapin ang nasabing meeting. Si Paul kasi hindi pa rin nagrereply sa mga text ko. Nakakainis naman! Patuloy akong naglalakad habang nagtetext pa rin kay Paul hanggang sa nauntog ako sa isang estudyante. Aray! Napaupo ako sa sementong daan habang siya naman ay nakatayo na parang walang nangyari. Ang laki laki naman ng taong ito. Halata naman sa pangangatawan niya. “DORAY! Oh my God, Doray!” bulalas niya habang hinihimas-himas yung healthy niyang braso. Diyan ‘ata ako nabunggo kanina. Kung sa bagay hindi naman ako nasaktan dahil napakalambot nung nabunggo ko. “Doray, kanina ka pa naming inaantay. Andun sa conference room ang ating meeting. Pasalamat ka pina-reserve ka namin ng upuan.” sabi niya habang nakangiti. “Ganun ba?” sabi ko habang tumayo na. Tiningnan ko rin ang pants ko baka may dumi galing sa pagkakabagsak ko kanina. Mabuti naman dahil wala namang dumi. Tiningnan ko agad ang tatlo kong kaibigan na nasa aking harapan habang tinitingnan din nila ako. “Bakit kayo ganyan makatingin?” “Nakakapanibago lang kasi Flor ang hitsura mo. Mukhang bagay na bagay ka sa bago mong hair style.” ani ni Antoinette habang inaayos ang manipis kong bangs. “Oo nga. Next year magpapagupit din ako ng ganyang style.” dugtong naman ni Marie na nasa tabi ni Antoinette. “Kaya nga Doray ang tawag ko sa kaniya girl eh.” at humagikgik pa ang bakla. “Oy, huwag niyo bigyan ng meaning to lalong lalo kana, Geoff! Naku, kung anu-ano naman iyang pinagsasabi mo. Gusto ko lang kasi nang bago, kaya eto…” At binigyan ko sila ng magandang ngiti. Napataas naman ang mga kilay nila. “Eh, nasaan naman si Paul?” tanong ni bakla. “Ewan ko. Kanina ko pa nga siya tine-text eh.” habang pinipindot ang phone ko. “Naku, mag e-8 o’clock na. Baka andun na yung academic supervisor natin.” sabi ni Antoinette at dali-dali naman kaming tumakbo patungong conference room na nasa gilid lang ng aming college building. Pagpasok namin sa conference room ay agad kaming pumunta sa aming mga puwesto at nagsitahimik. Mukhang magsisimula na ang aming meeting sa pangunguna ng aming academic supervisor. Mukhang good mood ata si sir ah! “Okay. Good morning dear interns and to my fellow clinical instructors blah...blah...blah…” Kahit kailan si sir ay palaging may mahahabang introduction every meeting. Kaya mostly sa mga estudyante ay mukhang bagot na bagot at wala nang pakialam sa kaniyang pinagsasabi. Halata naman sa amin noh. Kaya minsan napapaisip na lang ako kung paano kami pinalalampasan ni sir sa aming pinanggagawa. “Flor….” May taong tumawag sa akin mula sa aking likuran. Pero hindi ko siya pinansin. Hmmp! Eh, hindi rin naman siya nagrereply sa mga text ko. Bahala siya! “Flor!” tawag pa niya. “Florabelle De Luna! Bingi ka ba?” At bigla na lang hinagis ang pabilog na papel sa aking likuran. “Ano ba?” bulong ko habang tiningnan ko siya sa likuran. “Sorry, wala akong load eh. Hindi kita ma replyan.” sabi niya. Napasimangot na lang ako at saka binuksan ang bagay na ibinato niya sa akin. Sissy, sorry na plesh. Kung makapagsalita ay parang wala siyang girlfriend. Tiningnan ko lang siya at saka ngumiti. Pasalamat siya dahil mabait akong kaibigan. “Okay. I proudly announce that the PAMET had chosen us to be in a partnership with the different medical missions held in the different areas of our country due to our outstanding performances during the board examinations.” Patuloy ng aming academic supervisor. Lahat kami ay napa-wow sa kaniyang sinabi. Tunay ngang nakakaproud at lahat kami ay excited sa naturang announcement. At nagsimula na ang ingay sa paligid. “This second semester of your internship will eventually change since you’ll be assigned on the different hospitals where you will participate in the medical mission. So, some of you will be sent in the provinces of Luzon, some in the Visayas, and some in Mindanao. Your internship will take 6 months along with the weekend activities like medical missions assigned by local DOH. Hopefully you’ll finish and completed all of your quotas and practicals during internship in order for you to graduate by the end of March.” “Don’t worry, kung sino ang makakasama ninyo sa clinical lab assignment nung last semester ay sila pa rin ang makakasama ninyo.” At lahat kami ay napasigaw sa tuwa at unting-unti nang nilamon ang conference room ng aming ingay. Akala ko naman hindi ko na makakasama sina Geoff, Antoinette, at Marie. Tuwang-tuwa pa kami habang naghahampasan ng empty plastic bottles na hawak namin. “Your assigned clinical lab last semester will randomly pick kung saan kayo ma-aassign using this fish bowl method para walang daya.” At nagsimula na siyang bumunot ng isang naka-roll na papel sa loob ng hawak niyang fish bowl. Lahat ay tumahimik at naghihintay sa sasabihin ni sir. Napalunok ako nang kaunti. 150 kaming mga interns ngayon at na-divide kami sa anim na clinical lab assignment during our first semester. Kaya tig-25 kaming mga tagapag-silbi ng aming mga seniors sa kung saan kami naka-assign dati. Mabuti na lang at nakasama ko ang mga classmates ko noon na sina Geoff, Antoinette, at Marie. Kahit papano’y masaya ang naging internship ko last sem. Lahat kami ay excited nang magsimulang magsalita si sir. “Ang unang grupo na ma-aasign sa Luzon ay ang mga interns na galing sa……” Lahat ay napanganga sa paghihintay sa sasabihin ni sir. Si sir talaga mahilig magpa-thrill (with drum rolls). “St. Clement General Hospital Clinical Laboratory!” At lahat ay nagpalakpakan. Diyan ‘ata nag-iintern si Paul dati so it means sa Luzon siya naka-assign. Saan naman probinsiyang ‘yon? Tiningnan ko si Paul sa aking likuran at nakitang ngumiti siya sa akin. Bumunot ulit si sir sa fish bowl at binasa ang nakasulat sa naka-roll na papel. Lahat kami ay nag-aantay na sa kaniyang sasabihin. “Okay so together with St. Clement, it’s from MedLab Clinical Laboratory!” Lahat ay muling nagpapalakpakan at masayang tinanggap ang bawat assignment. Mukhang nag-volume up ang aming ingay kaya sinensyahan na kaming tumahimik muna. “Paano ba iyan Flor, mukhang mapapalayo na naman tayo.” sabi ni Paul sa aking likuran. Napalingon na lang ako sa kaniya at saka siya binelatan. “Oh my God, honey you’re here…” Pag-eeksena naman ni Geoff na may pa-winking eyes pang nalalaman. Landi naman! “Yes, babe. I’m always at your side.” habang pinipiga ang fats ni Geoff sa braso with matching kissable lips. Haha! Parang mga baliw ang mga kaibigan kong ‘to! “Akala ko naman honey magkakasama na tayo pero hindi pala…” pag-iinarte ng bakla. “Pero huwag kang mag-alala, kahit magkakalayo tayo hinding-hindi kita-----” bigla ko namang tinakip ang mabunganga niyang bibig dahil magsasalita na ulit si sir. “Okay. Be ready for the next, interns (with drum rolls).” At bumunot na naman siya ulit ng naka-roll na paper sa loob ng fish bowl. Lahat kami ay napalunok at excited nang marinig sa mga susunod na sasabihin ni sir. “Ang susunod na grupo na ma-aassigned sa Visayas ay ang grupo na galing sa……” “Santa Maria District Hospital Clinical Laboratory…” At bigla na lang tumayo ang mga balahibo ko nang banggitin ni sir ang aming institusyon dati. Lahat kami ay nagpalakpakan muli at masayang-masaya sa aming mga upuan. Napa-yehey ang iba kong mga kasamahan at ang iba naman ay excited dahil mukhang hindi pa sila nakakapunta sa ganoong lugar. Ako rin naman oh! Haha “Bakla! My, God! Sa Visayas tayo naka-assigned! I’m so excited!” Pagyug-yog naman sa akin ni Geoff habang naka-wave sa itaas ang kaniyang kanang kamay na may hawak na pink handkerchief. Feeling sa beach lang teh? “Uy, mag-iingat kayo ‘dun ha? Baka makagat pa kayo ng mga aswang!” sabi ng ibang interns habang nagtatawanan at ang iba ay nakipaghagikgikan pa. Mga bwisit talaga at ang iingay pa. Hmmp! “Hoy! FYI lang ang dami kayang mga gwapo ‘dun. At saka ang lapit lang ng Boracay so puwede pa ako makapunta dun! Mga echosera talaga…” At nag-wink ang bakla sa akin. “Uy, talaga beks? Daming gwapo ‘dun?” tanong ni Marie na parang nagglo-glow ‘yung eyes niya. “Nakakapunta ka na ‘dun, ha?” tanong naman ni Antoinette. Basta usapang mga gwapo diyan talaga sila active especially ‘yung mga lalaking may abs. Tssk! Habang nag-uusap sila sa kanilang mga upuan, bigla na lang nagsalita si Paul sa aking likuran. Medyo madrama talaga ang friend kong ‘to. “Flor, mukhang 6 months na tayo ‘di magkikita. Wala na ‘ata akong kukulitin. Kawawa naman ako.” pagbubusangot niya. “Tigilan mo nga ‘yang drama mo. ‘Di bagay sa’yo promise.” sabi ko sabay tawa. “Talagang mami-miss kita Flor. Basta lagi kang mag-iingat doon at kumain ka nang marami para tumangkad ka naman nang kaunti.” Talagang kitang-kita mo ‘yung kasiyahan niya sa kaniyang pinagsasabi. “Oo na. Mag-iingat ako roon. Ikaw din. Alagaan mo din ang sarili mo para hindi na mag-alala si Alexa.” sabi ko sa kaniya. “Wow. Concern talaga ang sissy ko kaya ikaw talaga ang pinaka-fave friend ko.” ani niya with a pouty face pa. Eh kung sasampalin ko kaya ‘to? haha Hindi ko alam pero masaya ako sa mga nangyayari ngayong araw. May panibagong experience na naman ako kaya dapat ko itong kakayanin at e-enjoy ang bawat sandali. Pero mukhang mapapalayo ako sa aking pamilya for almost 6 months na pagsasanay sa aking internship. Saan naman akong probinsiya ma-aassign sa Visayas? ********** Mga alas-sais ng gabi ako naka-uwi sa amin dahil nanggaling pa kami ng mall kanina after ng meeting at medyo traffic na ang uwian. Nakakapagod talaga kapag kasama mo ang mga kaibigang mong baliw. Lakad dito, lakad doon at kung saan-saan pa dinadala ng aming mga paa. Mukhang busog na busog din ako nung nilibre kami ni Marie ng tig-iisang king size burger at si Geoff lang talaga ang nakakaubos ‘nun. Pagpasok ko ng gate, sinalubong ako ng auntie ko at hinalikan sa pisngi. Nakita ko din ang uncle ko na bihis na bihis at diretsong papasok sa kanilang car para paandarin ito. May pupuntahan ba sila? “Flor, pasensiya na kung iiwan muna namin kayo ni Fauna rito sa bahay. May lakad kami kasi ng uncle mo sa Cavite para sa business event. Huwag kang mag-alala kasi may sinaing naman ako riyan at nagluto din ako ng adobo para sa inyong hapunan.” sabi niya. “Huwag din kayong mag-alala dahil kasama niyo naman sina Manang Delia at Manang Joy dito sa bahay. Mag-iingat kayo rito. Huwag niyo ring kalimutan na i-lock ang gate at ang mga pintuan natin, ha?” dagdag pa ni uncle habang binubuksan ang gate sa labas. “Opo auntie, uncle. Mag-iingat kayo sa inyong biyahe.” sabi ko habang niyayakap si auntie. “Sige, Flor. Aalis na kami.” Sumakay na sina auntie at uncle sa kanilang car at bumiyahe na sila papuntang Cavite. Agad ko nang isinara ang gate at saka pumasok na sa loob ng bahay. Sina auntie Vilma at uncle Jordan ang tumatayong ina’t ama namin nang simulang maaksidente ang tunay naming mga magulang ni Fauna nung maliit pa lang kami. Isa silang magaling na entrepreneur kung kaya’y madali nilang nilago ang kanilang food business. Kung dati ay nagtitinda lang sila sa karenderya, ngayon ay may mga elegante na silang restaurant at marami na silang mina-manage na mga branches sa Manila. Ang swerte nga namin ni Fauna sa kanila. Kahit hindi sila nagkaanak, itinuturing pa rin nila kaming mga tunay na anak. Pagpasok ko ng kwarto, bigla na lang ako sumigaw nang tinakot ako ng aking kapatid. Nakasuot siya kasi na para bang pang- aswang ang costume. Ikaw ba naman kung makakita ka na may mga malalaking pangil tapos may mahahabang kuko’t pakpak sa likod hindi ka ba matatakot? Tuwang-tuwa pa ang bwisit kong kapatid habang minamasdan ang reaksyon ko. “Ano naman ba ang ginagawa mo?” tanong ko sa kaniya. “Eto, sinubukan ko lang naman suotin ang costume ko para sa nalalapit naming Halloween party sa school.” ngiti niya. Napasimangot na lang ako at saka umupo na lang sa kama. Minamasahe ko lang nang kaunti ang aking wrist at mukhang pagod na pagod ako sa araw na ito. Nilagay ko ang backpack ko sa study table at agad namang nag-dive sa aking kama. Gusto ko nang matulog. “Ate Flor…” sabi niya. “Ano ‘yun? Kung gutom ka mauna ka nang kumain sa ibaba. Mamaya na lang ako. ” sabi ko naman. “Puwede bang tulungan mo ako sa aking research sa history?” “Hah?” “Sige na, please.” pagmamakaawa niya. Tumabi siya sa kama ko at bigla na lang niya ako niyug-yog. Ang kulit-kulit niya talaga. “Akala ko ba favorite mo ang history kaya nga kumuha ka ng kursong AB History ‘di ba?” pagdidiin ko sa kaniya. “Alam ko kaso busy ako ngayon eh….” Ang sabihin mo tamad ka lang. Naku, ang bulok ng style mo. “Eh, ano naman ‘yang ipapa-research mo?” tanong ko habang pilit na umupo sa kama. “Yehey! Tutal sa Iloilo ka naman naka-assigned for medical mission, so eto ‘yung ibinigay ng propesor ko na dapat i-research.” At agad ibinigay sa akin ang isang pirasong papel. Tiningnan ko siya at binilugan ng mata sa sinabi niya. “Iloilo? Ano ang pinagsasabi mo? At saka paano mo nalaman na sa Visayas ako naka-assigned?” Mukhang na-shock ako sa pinagsasabi ng kapatid ko. “Ano ka ba naman, ate. Eh, nakita ko lang ngayon sa newsfeed ko ang post ni Geoff. O, tingnan mo.” sabi niya at saka ipinakita ang post ni Geoff sa kaniyang fb. Geoffrey Mark Tabanag is with Florabelle De Luna and 2 others Posted 30 minutes ago OMG!!! Tara na’t makipagtusok-tusok in ILOILO. So egzoyted! #happinessoverload “Egzoyted?” “Excited ‘yun ate. Napaka anti-social mo kasi kaya hindi ka marunong maka-intindi ng mga upgraded words. Ni wala ka man lang tweeter account or IG man lang. Tsssk!” napailing-iling siya sa kaniyang nasabi. Napataas naman ang kilay ko. “Sige na nga. Tutulungan na kita sa iyong research.” At agad ko nang binasa ang nais niyang ipa-research sa akin sa papel. The Fallen Town of Iloilo “Teka, teka. Eh puwede naman itong i-search sa google Fauna ah…” sabi ko. “Sinubukan ko na ate pero wala akong makita na articles. At sabi ng prof ko may iisang libro lang ang may article about sa naturang topic.” “At?” “At sabi niya ang librong ito ay makikita lamang sa Iloilo.” dagdag pa niya. Napanganga ako sa sinabi niya. “Eh, sira pala ‘yung teacher mo eh. Bakit binigyan ka niya ng ganiyang topic kung ang mga infos naman ay nasa iisang libro at makikita lang sa Iloilo?” “Gusto ko nga sanang magpa-change ng topic bukas kay prof kaso, ayan nakita ko ang post ni Geoff na aalis kayo papuntang Iloilo for the next few weeks so nag-decide ako na tatanggapin ko na lang ang topic. At saka tutulungan mo rin ako ‘di ba?” Napa-isip naman ako sa mga sandaling ‘yun. Naku, kung hindi ko lang siya kapatid talagang hinding-hindi ko siya tutulungan. “Promise ate, kapag may concert ang BTS o NCT dito sa ‘pinas ililibre kita ng ticket pang- VIP pa.” ngiti niya. Napangiti naman ako. “Promise ‘yan ha?” “Oo naman.” At nagthumbs-up siya sa akin. After ‘nun bumaba na siya kaagad para makapag-hapunan na kami at sumunod naman ako. Nung binuksan ko na ang phone ko, nakita ko ang message ni Geoff sa akin. Nag-message siya sa akin kaninang 5:20 o’clock at binasa ito. Geoff Doray, sa Iloilo tayo naka-assigned sabi ng ating clinical lab. in charge. After 2 weeks na tayo aalis so be ready na gurl! Kahit kailan ang excited naman ng baklang ‘to. Haha. Napatingin ulit ako sa mga letrang nakasulat sa papel na ibinigay ng aking kapatid. The Fallen Town of Iloilo. Hindi ko alam ngunit biglang nag-iba ang aking pakiramdam habang inuulit na binabasa ang mga salitang iyon. Parang may anong kirot na dumampi sa aking puso na ‘di ko maipaliwanag. Biglaan lang ang nangyari kung kaya’y bigla na lang din ako nahilo at napasandal sa gilid ng pintuan. “Ate? Okay ka lang ba?” tanong ng aking kapatid habang kumaripas siya ng takbo papunta sa akin. Ngunit bigla ring nawala ang aking pagkahilo nang makita ko siya. Tiningnan ko si Fauna na may pangamba sa kaniyang mukha. “Wala. Wala ito. Okay lang ako.” “Ate, naman. Tara na’t maghapunan na tayo.” Sumunod ako sa kaniya at muling tiningnan ang papel sa aking palad. Hindi ko alam ngunit parang may kakaiba akong nararamdaman. Bakit nagkaganun ang aking pakiramdam kanina? Ano kaya ang ibig sabihin ‘nun? Napa-iling na lang ako at saka dumiretso sa aming hapagkainan.
Terima kasih
Dukunglah penulis untuk menghadirkan kisah-kisah yang luar biasa untuk Anda
Biaya 66 berlian
Keseimbangan: 0 Berlian ∣ 0 Poin
Komentar Buku (34)
Fernandes MelgarEduardo
bom
17/01/2025
0
DimapilisJudyann
5.0
02/12/2024
0
LaugoJocel
very nice ,, super , and it's can relieve my stress
bom
17/01/2025
05.0
02/12/2024
0very nice ,, super , and it's can relieve my stress
20/10/2024
0Lihat Semua