logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

TGP 5

Walang nagawa si Marissa kundi sumang-ayon na lang sa gustong mangyari ni Meghan. Ayaw kasi niyang maulit ang pagtatangkang pagpapakamatay nito kaya minabuti niyang doon muna si Meghan sa bahay nila sa Manila. Sa Mommy Margarette niya.
Mabuti at nadala agad si Meghan sa hospital. At sa awa ng diyos, nakaligtas siya.
Ang laki ng pinagbago nito, hindi na siya madaldal. Tahimik at hindi na siya lumalabas pa ng kwarto niya mula ng nagtangka siyang magpakamatay.
Sa takot ni Marissa, pinalagyan niya ng CCtv ang kwarto ni Meghan para kahit hindi ito lumabas, hindi na siya mag-aalala pa, dahil makikita niya ang mga galaw ng anak sa silid nito.
Nang sumunod na linggo, nagpasya na siyang dalhin si Meghan sa Manila.
"Anak, okay ka lang ba dito?" Tinitigan niya ang anak ngunit tango lang ang nakuha niyang sagot. Alam niya subrang nasaktan ito sa mga nangyari. Ngunit wala siyang magawa, doble ang sakit na nararamdaman niya ngayon dahil dalawang taong mahal niya ang lumalayo sa kanya,
"Alam kong kahit anong gawin kong paghingi ng tawad ay hindi mo ako mapapatawad. Basta tandaan mo anak, mahal na mahal kita. Sana huwag mo na ulit, uulitin pa ang ginawa mong pagpapakamatay." Hindi niya maiwasan na mag-alala. Pigil na pigil ang luha habang pinagmamasdan ang anak na walang buhay.
Biglang bumukas ang pinto at bumungad si Donya Margarette, "Apo, okay ka lang ba sa bagong silid mo? Nagustuhan mo ba?" Tanong nito habang nakangiti.
Bumaling si Meghan sa granny niya at biglang nagliwanag ang mukha niya, kahit may lungkot sa mga mata nito. "Oo, Mamita, maraming salamat. Gusto ko na po sana magpahinga. Mamaya na lang po ulit tayo mag-usap."
"Mabuti naman kong nagustuhan mo, Apo. Masaya ako at hindi na ako mag-iisa dito. Payakap nga muna ulit sayo?" Magiliw na lumapit si Donya Margarette sa kanya at niyakap siya ng mahigpit,
"Mahal na mahal kita at tandaan mo, nandito lang ako palagi." Nakangiting sabi nito at hinalikan siya sa noo.
"Thank you, Mamita. I love you too." Niyakap din niya pabalik ang mamita niya.
Samantala, si Marissa ay nasa gilid at nanunuod lang sa maglola. May ngiti man sa kanyang mga labi dahil sa wakas nakita na niya ang ngiti sa labi ng anak, ngunit nasasaktan siya at parang pinipiga ang puso niya sa nakikitang lungkot sa mga mata nito. Ang mga ngiti niya ay hindi umaabot sa kanyang mga magagandang mata.
Subrang nagsisisi siya sa nagawa niyang pagkakamali sa nakaraan. Dahil sa pagiging brat niya noon kaya nangyayari ang lahat ng ito sa kasalukuyan.
"Sige na apo, magpahinga ka na. Dahil may ipapakilala ako sayo bukas. Siya ang magiging tour guide mo dito sa Manila at doon ka rin mag-aaral sa pinapasukan niyang University.
"Sige po, Mamita. Salamat po."
Nang nasa labas na ang mag-ina ay yugyog ang mga balikat ng mga ito habang pumapanaog sa hagdanan.
"Mommy, masama ba akong anak? Masama ba akong nanay? Alam ko naman po na marami akong pagkakamali no'ng kabataan ko, pero hindi naman po ako masama hindi ba? Naluluhang napasulyap si Marissa sa mommy niya.
"Anak, alam kong spoiled brat ka nang kabataan mo at may naambag ako kung bakit naging ganito ang lahat ngayon. Kung hindi ako naging konsentidor sayo noon, baka hindi naging ganito ang buhay mo ngayon. Nadamay pa tuloy ang apo ko." Malungkot na sagot ng matanda.
"Mommy naman eh, huwag mong sisihin ang sarili mo. Dahil ako naman talaga ang puno't dulo ng lahat ng pagkakamali sa buhay ko ngayon." Niyakap niya ang mommy niya ng mahigpit.
"Anak, maging matatag ka, nandito na 'to kaya harapin mo at intindihin mo ang anak mo. Huwag na tayong magsisihan pa dahil hindi na maibabalik ang mga nakaraan. Ang mabuti natin gawin ngayon, mag-move on at ibalik ang dating Meghan na masayahin at malambing." Ngumiti si Donya Margarette at hinaplos ang buhok ng anak.
"Salamat sa pag-iintindi sa akin, Mommy. You are the best mommy in the world. Kaya mahal na mahal po talaga kita. Ngayon ko lang naintindihan ang lahat ng mga sinasabi ninyo dati sa akin. Mahirap pala talagang maging mommy." Nagpunas siya ng mga luha at giniya ang ina sa garden.
"Alam mo bang pumunta dito si Sonny? Gusto niyang makita si Meghan." Sinulyapan ni Donya Margarette ang anak.
Napahinto siya sa pag-inom ng kape niya, "Mommy, hindi pa ako handang makita si Sonny. Malaki ang kasalanan ko sa kanya dahil nilayo ko si Meghan."
"Anak, hindi naman siya nagtanim ng galit sayo. May asawa at may anak na din siya. Ang gusto niya lang ay makita si Meghan at mapakilala sa pamilya niya. Mabait ang naging asawa niya anak. Alam mo bang pinupuntahan nila ako lagi dito. Lalo na 'yong anak ni Sonny." Nakangiting kwento ni Donya Margarette.
"G-Ganun po ba? Bakit ngayon mo lang sinabi ang lahat ng ito, mommy? Hindi ba sabi mo wala tayong lihiman na dalawa. Ang daya mo talaga." May pagtatampo na sabi niya.
Sina Marissa at ang mommy niya ay close sa isa't-isa. Lumaki si Marissa na walang ama. Dahil hindi pinanagutan ang mommy niya dati ng daddy niya. Kaya naging brat siya dati dahil sa pagrerebilde sa nangyari. Ngunit naintindihan naman niya dahil ipinaintindi ng mommy niya na hindi lahat ng nangmamahalan ay nagkakatuluyan. May mga bagay daw talaga sa buhay na mahirap ipaliwanag at walang exact explaination kong bakit ang lahat ng masasakit na pangyayari sa buhay ng tao ay nagiging komplikado. Lalo na kapag mga bata pa na pumasok sa pakikipagrelasyon.
"Anak, gusto kong ipakilala si Meghan sa daddy niya at kapatid niya. Karapatan nila na magkakilala." Hinawakan ng matanda ang kamay ng anak at pinisil ito.
"Ikaw po ang bahala mommy. Kung ano po ang makakabuti, gawin po natin. Baka nga po ito na ang panahon na itama lahat ng pagkakamali ko." Sagot niya at ngumiti.
"Bakit hindi na lang kaya tayo mag-set ng dinner date with Delgado Family. Bestfriend mo naman si Sonny kaya hindi naman siguro masyadong magiging awkward 'di ba? Saka anak, matagal na at ilang dekada na din naman kaya move on na din kapag may time. Ikaw na lang yata ang naiwan sa nakaraan eh, " bulalas ng matanda habang humahalakhak.
"Mommy talaga! Alam mo naman kong gaano ako karupok kay Arnold. Pero susubukan ko po, para kay Meghan. Kay Meghan ko na po itutuon ang lahat ng atensyon ko para hindi niya ma-feel na mag-isa siya." Sagot niya at ipinagpatuloy na ang pag-ubos sa kape niya.
"Oh, siya. Maiwan muna kita at may gagawin pa ako. Magpahinga ka na din, Marissa." Tumayo ang matanda at naglakad na, ngunit humarap ulit ito sa anak, "Anak, bumalik ka na lang din dito sa bahay. Para naman makasama mo dito ang anak mo. Ang business mo doon, iba na lang ang pahawakin mo. Pwede mo naman iyon bisitahin na lang everyweek." Suggest ng matanda.
"Pag-iisipan ko po, My. Salamat po." Ngumiti siya at napabuntong hininga.
Nang mag-isa siya, bumalik sa nakaraan ang ala-ala niya.
Tatlo naman talaga silang magkakaibigan. Matalik na magkaibigan rather. Si Via, at si Sonny ang mga kababata niya. Halos sabay silang lumaki. Ngunit nang tumuntong sila sa college, may nakilala si Sonny na bagong kaibigan, si Arnold. Isang Varsity player at naging matalik din nilang kaibigan ito.
Ngunit si Marissa ay may lihim na pagtingin kay Arnold. At si Arnold naman ay may lihim na pagtingin kay Via. Samantala si Sonny ganun din kay Marissa. At si Via ganun din kay Arnold.
Biruin mo naman maglaro ang pag-ibig. May nagmamahal sayo, may mahal kang iba. At ang mahal mo, may mahal na iba.
Bakit hindi na lang gawing madali ang lahat? Kailangan pa ba na may masaktan?
Isang araw, may usapan ang apat na mgkikita sa hangout place nila, si Via at Arnold ang naunang dumating, nang papasok na sana sa loob si Marissa ay may narinig siyang pagtatalo. Kaya hindi muna siya tumuloy, nakinig siya sa pagtatalo ng dalawa sa loob,
"Via, mahal kita. Una pa lang kitang makita, nagkagusto ako sayo. Ang hirap pigilan ng damdamin ko lalo na halos araw-araw tayong magkasama." Pagtatapat ni Arnold kay Via.
Nabigla si Via sa rebelasyon ni Arnold,
"Ano ang sinabi mo? Mahal mo ako? No. Hindi pwede Arnold, may gusto sayo si Marissa. Mahal ka ng bestfriend ko. At ayokong masaktan siya." Sagot ni Via.
"Via, maiintindihan tayo ni Marissa. Ngayon, isang tanong isang sagot, mahal mo din ba ako?" Tanong ni Arnold kay Via.
"Arnold, hindi mahalaga ang nararamdaman ko sayo. Mahal ko si Marissa. At hindi isang lalaki lang ang makakasira ng pagkakaibigan namin." Pagmamatigas na sagot ni Via.
"Mahal mo ba ako o hindi? Via, please kung mahal mo rin ako. Huwag mong pigilan ang sarili mo. Pwede naman natin ilihim ang relasyon natin sa kanila eh, at umamin sa akin si Sonny. Mahal na mahal niya rin si Marissa." Pagpupumilit ni Arnold.
Bumuntong hininga si Via, "Ayokong magkalamat ang pagkakaibigan namin ni marissa. Gagawin mo lang komplikado ang lahat, Arnold. Kung gusto mong maging magkaibigan pa tayo. Huwag na huwag mo na akong tatanungin pa about sa nararamdaman ko sayo. Dahil kahit anong gawin mo, hinding-hindi kita papatulan at hindi magiging tayo."
"Via, intindihin mo naman ang nararamdaman ko. Para na akong mababaliw sa kakaisip ko sayo. Pagbigyan mo naman ang sarili mong mahalin ako. Dahil hangga't tinitiis mo ang nararamdaman mo. Parehas lang tayong masasaktan.
Hindi na nakatiis pa si Marissa at pumasok na sa loob,
"Huwag n'yo nang pigilan pa ang mga sarili ninyo. Huwag n'yo akong alalahanin. Parehas ko kayong mahal. Kaya kahit masakit , masaya na rin ako para sa inyong dalawa."
"M-Marissa... Besh.... " Hindi malaman ni Via ang gagawin.
"Marissa, mahal ko ang bestfriend mo. Kung totoong mahal mo ako. Sana maiintindihan mo ako." Nakiiusap na sabi ni Arnold.
Hindi mapigilan na tumulo ang luha ni Marissa, "Naiintindihan kita, Arnold. Mahirap pigilan ang damdamin. Dahil lalo mong pinipigilan, lalo ka lang nasasaktan..." Binalingan niya si Via, "Bff, huwag mo na akong alalahanin pa. Okay lang ako. Hindi ba nag-promise tayo sa isa't-isa na hindi lalaki ang makakasira sa pagkakaibigan natin?" Ngumiti siya kahit sa loob-loob niya. Para siyang dinudurog sa sakit.
"M-Marissa, I'm sorry pero alam mo naman na ikaw ang pipiliin ko. Ayokong masaktan ka,"Sagot ni Via na tumutulo na din ang mga luha dahil ramdam niya ang sakit na nararamdaman ni marissa.
Lumapit si Marissa kay Via at niyakap ito, "Mahal ko kayong pareho ni Arnold. At mahal ninyo ang isa't-isa. Besh, kahit hindi mo sabihin sa akin, alam kong mahal mo rin si Arnold. Huwag mo nang pahirapan pa ang mga sarili n'yo. Go, besh, susuportahan ko kayo." Pagpaparaya na sagot niya.
Biglang bumukas ulit ang pinto, "Anong nangyayari dito? Bakit kayo nag-iiyakan? Bro?" Tumingin si Sonny kay Arnold.
Napakamot lang sa ulo si Arnold at napanguso sa dalawang babae.
"Sige Besh, aalis na muna kami ni Sonny. Mag-usap kayo." Pinunasan niya ang kanyang mga luha at pilit na ngumiti kay Via at Arnold.
"Sonny, samahan mo muna ako sa labas. May bibilhin lang ako saglit." Malungkot na napasulyap si Marissa kay Sonny at hinila na ito palabas. Hindi na niya hinintay pa na makapagsalita pa si Sonny.

Komentar Buku (422)

  • avatar
    Mark Reandel Tabura

    gusto Nako Maka kwarta

    4d

      0
  • avatar
    Anne Gomez - Jonas

    👍👍👍

    9d

      0
  • avatar
    VillarPrinces

    kgood

    10d

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru