FEINE ERIN DE JESUS POV "San na ba ang Yokai na yun" wika ni Brenda habang pinapaypayan pa ang kanyang mukha gamit ang kamay. Kanina pa namin inaantay si Lorry na sabi niya pa kanina ay mag-si-cr lang tapos mag-iisang oras na hindi pa din nakabalik. Nag-umpisa na din kaming mag-alala. Dati rati kapag sinabi niyon na babalik agad ay tutuhanin nito. Lorry is a type of friend who does everything she can to fulfill her promise. Even if she's too busy or far away, she will really come anytime. "Baka na traffic yata sa cr...Kalma ka nga nahihilo ako sayo" sita ko nang nagpalakad-lakad si Brenda sa harap ko. Naka-upo kami ngayon sa pinakadulo ng batibot. Pinakahulihang wooden lounge na nakahilira dito. Napadaing naman ako nang binatukan ako nito. "Cr? May traffic? Yokai ka talaga Feine." Aniya at naupo. Napahawak naman ako sa ulo ko na parang tinamaan ng limang kilong bakal. Ang bigat ng kamay ng babaeng to. "O.M.G!" Napatayo ako bigla nang sumigaw si Brenda. Tila na estatwa ito at hindi kumukurap. 'anyare dito' sambit ko saking isipan sabay lingon sa tinitingnan nito. Mga kaibigan ni Frauen, pero nakakapagtaka lang na hindi siya kasama ng mga ito. "Destiny talaga. Look papunta sila dito oh." aniya at kinikilig pa. Tila nataranta naman ako at agad na hinila si Brenda sa likod ng halaman. Baka-sakaling makita pa kami non at sasabihin ng mga yokai na sinusundan namin sila. I was just wondering which of the friends Brenda liked. Even I didn't like one of them even though the whole city knew them. "Balik na tayo sa room" sambit ko at hila-hila pa din siya. Sa likod na pathway na kami dumaan upang hindi nila kami makita. "Wait lang Feine andiyan yung heart ko eh" Nakabusangot na sambit niya pero hindi ko pa din binitawan ang kanyang kamay. Pinaningkitan ko siya ng mga mata. "Heart mo Yokai! Alam mo naman na kapag makikita nila tayo don sasabihin nila na sinundan natin sila." Saad ko at binitawan ang kamay niya at nagumpisa ng maglakad. Sumunod naman ito. Nasa may hallway na kami sa tapat ng classroom namin, muli kong nilingon ang pinaruruunan nila. Tanaw Kasi mula dito ang malawak na batibot sa gilid naman ng pathway na dinaanan namin ay siyang Green house ng school. Bet ko lang na tingnan ang view mula dito. I like to hang out in places with lots of plants. That's what I used to do when I was still in the province. I took a deep breath as I remembered the family I had left behind. 'Kamuta na kaya sila?'. Matagaltagal na rin noong huli ko silang nakausap sa telepono. Habang nasa kalagitnaan ako ng pag-iisip ay may kung sinong tumikhim mula sa likod ko. Nilingon ko naman ito. "Excuse me. Why are you looking at my baby" Taas kilay na sambit pa ni Dianne nang lingunin ko ito. Hindi ko iyon pinansin at nagkunwaring walang narinig. Akala siguro nito na doon ako sa grupo ng magkakaibigan nakatingin. Nakahawak kasi ako sa sink paharap doon, at dahil sa malapit lang sa pinaroroonan nila ang greenhouse ay mapagkakamalan ka talagang nakatingin doon. "Are you deaf? or deafening?" Aniya at bahagya pa akong itinulak tulak. Hinawakan ko ang braso niya at tintigan siya ng diritso sa mga mata. "To tell you prankly Dianne kainin mo yang baby mo! Asa ka naman na aagawin ko yan sayo." sagot ko sa kanya at diinan ko pa ang salitang "baby" bago siya lagpasan. Halos uusok na ang ilong niya dahil sa isinagot ko. Napangiti naman ako saking isipan. If before my tears were easy to shed, well, now if I have to be combative I will do as much as I can. I don't want to be weak in front of them, because I know they will abuse my weakness. "Anong sinabi ng bruha sayo?" Nakangising bungad na tanong pa ni Brenda ng maupo ako sa tabi niya.Ang daldal pa naman ng babaeng to. Kahit pa anong sekretong pilit kong tinatago, napapaamin pa din ako nito. "Wala." sagot ko naman at minabuting magbasa nalang ng libro. Hindi pa man ako nakabasa ng isang salita ay napaangat ako ng tingin naman ako nang biglang may sumingit. "That's imposible! ba't ganun ang reaction non?" Ani Erel at naupo pa sa kaliwang silya. Napatampal naman ako sa aking noo dahil sa kakulitan nila. Wala akong nagawa kundi ang sabihin sa kanila. Mapagkakatiwalaan naman siguro tong mga bago naming kaibigan. Hindi lang ako sanay na makipagkwentuhan sa mga hindi ko pa masiyadong kakilala. "As if naman na aagawin ko yong Yokai na yun sa kanya. Eh sa batibot lang naman ako nakatanaw" naka-pout na wika ko matapos kong sabihin sa kanila ang lahat. "Alam mo ang lakas ng dating mo dzae. Simpling tingnan pero kapag nakikipag-usap lahat tinatamaan.Jusme sapian mo ako dali!" Ani baklang Juhnel. "Tss. normal na talaga sakin t..." Hindi ko na natuloy ang sasabihin nang biglang sumingit ang Yokai na Brenda. "Kaya pala hindi pa nakarating ang bruha eh masama raw ang feelings" aniya at inikot pa ang mata. Yokai talaga to. "Umuwi na ba siya?" tanong ko sa kanya. Parang kapatid na din ang turing ko sa kanila. Noong mga panahon na kailangan ko sila, lagi silang nandon upang damayan ako. Simula ng lumuwas kami dito sa siyudad ay hindi pa din namin pinababayaan ang isa't-isa. Sila pa nga mismo ang tumulong sakin sa paghanap ng trabaho dito hanggang sa napadpad kami kina Frauen. Luckily, tinanggap naman nila ako. "Wait tawagan natin" Wika ni Brenda at nagtipa sa kanyang cellphone. "Ayy Yokai talaga ang babaeng to! pinatay siguro ang cellphone." aniya at ibinalik ang cellphone sa bag. Sa kanilang dalawa ni Lorry si Brenda yata ang pinaka-jolly. Kapag may inaway samin to the rescue agad kahit di pa alam ang dahilan. Kahit nga noong may nakabangga sakin nong high school sinampal niya agad ang lalake. Natatawa pa nga ako na iwan sa reaksiyon ng lalake dahil sa biglang pagsulpot niya. "Iwanan mo ng message ang kapatid mo dzae. Paalala baka hindi yun iinom ng gamot." Ani Lizel at bumalik na sa kanyang upuan na nasa harap lang din namin. Even though I don't know them very well, I feel comfortable with them. Lizel is really mischievous but tender. "Oo na. Hayss ba't ba kasi 'di ako inantay! Ang bored dito." nakabusangot na wika pa ni Brenda habang nagtitipa sa kanyang cellphone. 'Inaatake na naman ng katamaran to.' Wala kasing kaming class ngayon dahil may emergency meeting ang lahat ng professors namin. Dahil sa walang professor nagmumukhang palengke ang room namin sa subrang ingay. May nagpapatugtog, may kumakanta, nakikipagdaldalan na halos magsigawan na, may naghaharutan pa. Minabuti ko nalang na aliwin ang sarili ko sa pagbabasa ng libro. Habang nasa kalagitnaan ng kaingayan ang lahat ay bigla itong natahimik na animoy may dumaan na anghel. Pumasok kasi si Frauen na tila wala sa mood. 'anyare na naman dito?' sambit ko saking isipan at pinagmasdan siya nang maigi. Matapos kunin nito ang backpack na nasa kanyang upuan ay padabog itong lumabas. "Lalabas lang ako saglit" pagpapaalam ko kay Brenda at nagmamadaling hinayon ang pinto. naabutan ko si Frauen na aktong pababa na ng hagdan. "Frauen sandali lang" tawag ko sa kanya. Huminto naman ito pero hindi man lang ako tinapunan ng tingin. "Okay ka lang?" tanong ko ng makalapit dito. Napalunok naman ako ng laway dahil sa subrang lamig ng mga tingin nito na animoy isang yelo. "Ano sa tingin mo?" Pabalang nitong sabi sabay tingin sa kawalan. Nabigla naman ako sa sagot niya. Hindi ko pinahalata sa kanya sa kinakabahan ako. I know na wala akong karapatan na pakialam ang buhay niya, pero kung ano man ang problema niya ay nais ko lang makatulong. "K-kaya nga tinatanong kita. Hindi ka naman ganyan kanina 'diba?" "Would you please stop acting like my mom. You don't know me and I really don't need your presence to confront me!" aniya at nagmamadaling bumaba. Nakatulala naman akong nakatitig sa kinatatayuan niya kanina. Nang matauhan ay lumapit ako sa railings at tinatanaw siya mula rito na papalapit sa mga kaibigang nakaupo sa batibot. Tanaw ko din mula dito na inakbayan siya ni Henry Vohn. 'Tama nga si nanay. hindi lahat ng problema ng mga lalake kayang komprontahin ng babae. Maybe he needs space...' "Oh how sad you are. pakialamera ka kasi sa buhay ng iba. Just try to look at the mirror you're just a strange beggar in this school, an island girl. Hindi ka nababagay dito. Mukha ka na ngang manang, pakialamera ka pa" Sambit ng isang boses mula sa likod ko. napalingon naman ako. Sina Dianne at ang dalawa niyang alagad. Nakangisi pa ang mga ito. Tiningnan ko sila ng masama. Aktong lalagpasan ko ang mga ito ng hilahin ako Dianne paharap sa kanya. "Ano bang problema mo?" mahinahon kong tanong. Ngumisi naman ito ng malapad na tila may masamang binabalak. Nagpalakad-lakad pa ito paikot-ikot sakin habang pinagmamasdan ang kabuoan ko. I stayed calm and did not intend to move. "You. You are my biggest problem! would you please stop acting like you don't care?! Alam ko naman na tinamaan ka sa sinabi ko hindi ba?" anito na tila tumama pa sa luto. Huminto ito sa harap ko habang idinuro-duro pa ako sa balikat. Bahagya naman akong tumawa at tumingin sa kanya. Magkasing tangkad lang din kasi kami ni Dianne pero mas matangkad siya ng kaunti ngayon sakin dahil sa suot niyang heels. Hindi naman bar and school pero ang uniform parang kinulang na sa tila dahil sa subrang ikli nito, sabayan pa ng makapal niyang make-up at naglalakihang earings. "Hindi naman talaga. Bakit naman ako tatamaan kung hindi naman totoo. " Nakangiting tugon ko. Napawi naman ang ngiti nito dahil sa sagot ko. I smiled widely as if I was teasing her. "Well, kung ayaw mo sakin... mas ayaw ko din sayo!"dagdag ko pa. Aktong isasaboy niya sakin ang dalang Starbucks coffee nang may kung sinong kamay ang tumapik dito dahilan upang si Dainne ang nabuhusan. "Oh! sorry my bad" Nakangiting ani Loveighn at kumindat pa sakin.'Anong nakain ng lalaking to?' Inirapan ko lang siya at minabuti na lamang na umalis at hinayon ang locker room. Nang makarating saking paroroonan ay inilagay ko doon ang hawak kong libro kanina at kumuha ng panibong libro. It's a pocketbook actually. Tapos ko na din naman itong basahin. "Great job." Ani ng isang pamilyar na boses habang pumapalakpak pa ito. Hindi ko pa man nakikita ang mukha nito ay nakikilala ko na ang boses nito. "A-nong ginagawa mo dito?" tanong ko nang mapagtantong kaming dalawa lang ang narito. Iba kasi dito sa school kahit walang professor ay hindi nagpapakalat-kalat sa labas ang mga estudyante. Nanatili lamang sa kanya-kanya nilang room at kung may nakikita kamang mga students sa labas ay iyon lamang ang may ginagawa except sa grupo ni Frauen na kahit anong oras ay labas masok. "Surprised? I just wanna make sure that you're safe." aniya. Tila tumayo naman ang lahat ng balahibo ko sa narinig. Hindi ko maintindihan kung bakit niya ito ginagawa. If he's planning to trap me in his cage then he choose the wrong enemy. I already knew that he was an ultimate playboy kaya kilos pa lang alam kong may binabalak siya. "T-teka inutusan ba kita na bantayan ako ha?" Pinaningkitan ko siya ng mga mata. Ngumiti naman siya ng matamis. That smile, no! I shouldn't be attracted to that. "I don't think so, pero parang ganun na nga" Napamaang ako sa sagot niya. 'May sayad yata ang lalaking to. biglang nag-iba Ang awra. Kailan ko ba to inutusan?Maasar nga' Napangiti naman ako saking isipan nang may maisip na kalukuhan. "May sakit ka yata Love?" wika ko at lumapit sa kanya sabay lagay ng palad ko sa noo at leeg niya na para bang kinukumpirma kung mataas ang temperature nito. Tila natigilan naman siya sa ginawa ko. "Hindi naman ah. sinapian ka ba ng Yokai?" dagdag ko pa habang naka-pout at umikot sa kanya. Napahinto lang ako ng hawakan niya ang magkabilang balikat ko at pinaharap sa kanya. "Wala akong sakit... ikaw lang ang magiging sakit ko" aniya at gumuhit ang mga ngiti sa kanyang labi. Aktong ilalapit niya ang kanyang mukha sakin ay agad ko din siyang sinampal. Nabigla naman ako sa biglang pagdampi ng palad ko sa pisngi niya. "Bulahin mo na ang lahat ng Yokai 'wag ako!" sambit ko at sinadya ko pang bangain siya sa balikat at inapakan ang makinis niyang sapatos bago lagpasan. Nabanggit kasi nina Erel kanina na playboy si Loveighn at hindi lang raw iyon ang ginagawa niya kase matapos raw niyang gamitin ang kanyang mga naging babae ay agad din itong nagpapalit.
Terima kasih
Dukunglah penulis untuk menghadirkan kisah-kisah yang luar biasa untuk Anda
good
14/09/2024
0tha'ts good.
22/07/2024
0thank you
11/07/2024
0Lihat Semua