logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Chapter 7

"Mugto mata mo" puna sa'kin ni Jessie ngunit hindi ko iyon pinansin. Nagsusulat ako ng essay para sa English namin, hindi ko kaso nagawa kahapon.
Hindi pumasok ang adviser namin kaya wala kaming ginagawa, si Jessie ay kanina pa ako kinukulit kung ano daw ang nangyari ngunit hindi ko na lang siya kinikibo, ayoko din naman kasing magsabi sa kanya baka marinig pa ng iba naming kaklase at makiusyoso pa!
Naubos ang oras ng apat na  subject at late kaming  pinalabas ng last teacher namin for breaktime, hindi ako bumaba kahit na inaya ako nina Jessie, I told them that I'll finish our report on MAPEH, buti na lang at pumayag sila, bumili ako ng dalawang carbonara kay Andrei dahil gutom na gutom na ako kanina pa, hindi ako nag-dinner at hindi rin ako nag-almusal.
Puro sama na lang yata ng loob ang kinakain ko sa maghapon, so far nabubusog naman ako.
"Eisha!" napa-angat ako ng tingin nang tawagin ako ni Paul at nakangisi. Tinaasan ko siya ng kilay dahil hindi ako makasagot, puno pa ang bibig ko. "May report na tayo sa MAPEH?" tanong niya at tumango naman ako. "Ako na lang mag-re-report, nakakahiya naman kung wala akong ambag" dagdag niya.
"Sure" sagot ko at nagpatuloy na sa pagkain.
"Thank you!" aniya saka sumama sa mga kaibigan niya na bababa yata papunta sa canteen.
Hindi ko pa nauubos yung carbonara ko nang dumating sina Jessie.
“Oh, Yakult!” inabot niya sa'kin ang isang Yakult at ngumiti siya. “Kung may problema ka, sabi ko naman sa'yo pwede kang mag-open sa'kin, e” dagdag niya at napangiti ako.
“Okay” walang kwentang sagot ko at tinanggap ang yakult na bigay niya. Napatingin ako sa relo ako at nagulat dahil time na pala for MAPEH!
“Nandiyan na si Ma'am” anunsiyo nina Paul na kakapasok palang ng room. Lumapit siya sa'kin. “Kain ka lang ng kain, Eisha. Kami ng bahala sa report, wag kang papagutom” aligagang sabi niya at natawa ako.
“Okay...please, pakiayos ang pag-re-report” bilin ko at tumango naman siya.
Dumating na si Ma'am, madami pa rin naman kaming kumakain kaya hindi ako nahihiya.
“Good morning, class!” magiliw na bati niya at binati naman namin siya pabalik. Nanliit ang mata niya samin ng ilibot ang kanyang paningin. “Bakit ang dami pang kumakain sa inyo? Oras na ng klase.” tanong niya na may aliw na tono.
“Ma'am siksikan kasi sa canteen–
“Hindi naman nabibili yang carbonara sa canteen, ah?” naguguluhan na sabi ni Ma'am Bermundo at natawa kami.
“Ma'am wala na kasing natira na maayos na pagkain sa canteen, kanya ganun” palusot na naman ni Paul, halatang pinagtatakpan kami.
“Ikaw, Paul, kanina ka pa singit ng singit, hindi naman ikaw ang kumakain” puna sa kanya ni Ma'am.
“Eh, Ma'am, ako po yung spokeperson nila” biro niya at natawa si Ma'am.
“Late ba kayong pinag-recess?” tanong ni Ma'am at tumango kaming lahat. “Kawawa naman kayo.” pang-aasar ni Ma'am at parang mga baliw ang mga kaklase ko na tawa ng tawa kaya nahahawa din ako.
“Sige, kain lang kayo habang nag-re-report ang mga kaklase niyo, basta siguraduhin niyong may ambag kayo, huh?” aniya at sumang-ayon naman kami.
“Eisha, yung manila paper?” tanong ni Paul at kinuha ko naman iyon sa bag ko at inabot sa kanya.
Kami ang unang pangkat, our report is all about abduction and kidnapping.
Smooth naman ang pagrereport nila ang kaso lang ay nagtanong na naman ang bida bida naming kaklase, I don't know what's wrong with her, ang ayos naman ng paliwanag ni Paul at Katherine.
“May tanong ako.” si Nayi at tumayo pa nga ito, sinulyapan ko si Ma'am na may bahid ng ngisi sa kanyang labi.
“Ano iyon?” may bahid ng inis ang tono na tanong ni Paul kaya natahimik si Nayi at tinatantya yata niya ang ekspresyon ni Paul. “Akala ko ba magtatanong ka?” tanong ulit ni Paul kaya naman parang natauhan si Nayi.
“Yeah, ahm, what's the difference between abduction and kidnapping?” nag-aalangan niyang tanong at napalunok pa.
“Sa kidnapping, yung kumidnap ay nanghihingi ng ransom at sa abduction naman ay hindi. Depende na sa nag-abduct kung ano yung gagawin niya, might the abductor won't balik balik the victim to their family.” seryosong sagot ni Paul na ikinatawa naming lahat.
This is the first time I heard him being conyo!
“Conyo ka pala, Paul!” puna ni Ma'am at natatawa pa siya.
“Ma'am, hindi naman po, hindi ko lang alam kung ano bang English ng balik balik” biro ni Paul at nagkamot sa batok niya, nahihiya siya pero hindi niya iyon pinapahalata, I like how he managed to make us laughed without embarrassment trace on his face.
“Oh siya! Ikalawang pangkat na, nauubos na ang oras natin.” ani Ma'am at niligpit na nina Paul ang ginamit nilang mga visuals at pinasa iyon kay Ma'am.
“Epal talaga si Nayi.” bulong sa'kin ni Katherine habang nakaharap siya sa blackboard.
Tumango lang ako at nakinig ng maayos, Gillianne rolled her eyes nang magtanong na naman si Nayi, buti na lang at ubos na ang oras, kaya hindi na iyon sinagot ng group 2.
Lumipat na naman ako ng pwesto, sa pinakaharapan ako at mismong tapat ni Ma'am Jen. Nakangiti ito palagi kaya hindi naman ako nahihiya.
“Okay class, you need to submit all of your outputs for first grading so that hindi kayo mahirapan na maghabol sa mga grades niyo, this Friday niyo isa-submit para walang problema.” imporma niya at sumang-ayon naman kami.
Nagsimula na siyang mag-discuss at recitation ang sumunod, nagpagawa din siya ng activity, pagkatapos niyon ay nagpahinga kami ng ilang minuto bago naglinis ang mga cleaners at kami naman ay pinauwi na.
“Anong booth sa inyo sa foundation, Eish?” nagulat ako nang tanungin ako nang isa sa mga seniors na nakasalubong ko.
“Wedding booth.” sagot at tumango siya.
“Pwede ka bang ayain sa Mega nun?” tanong ulit niya kaya hindi ako makaalis alis sa pwesto ko.
“Hindi ko sure.” sagot ko at buti na lang ay nakita ko si Primo kaya tinawag ko siya. “Primo!” sigaw ko at agad naman siyang bumaling sa direksyon ko.
Tumango siya at lumapit sa'kin.
“Hindi ka pa ba uuwi?” tanong niya sa'kin.
“Uuwi na, ikaw ba?” balik tanong ko sa kanya, halatang nag-iisip pa siya.
“Uuwi na sana kaso nagugutom ako.” sagot niya na nakangiwi pa sa'kin.
“7/11 muna tayo, nagugutom na rin ako.” sabi ko at hindi na pinansin yung mga seniors.
“Sige, libre na kita.” aniya saka ako pinauna na maglakad. “Hula ko, pinopormahan ka ng mga yun, no?” aniya at umiling ako.
“Ewan ko, ang dugyot nila.” may halong pandidiri na sabi ko.
Oo gusto ko yung medyo matanda sa'kin, pero ayoko naman yung same school, feeling ko kasi ang awkward, e. Tapos hindi naman sila gwapo!
“Grabe ka naman, Eish.” komento niya na natatawa pa. “Malay mo naman, kung hindi pinalad sa mukha ay sa ugali naman napunta.” dagdag niya na lalo kong kinairita.
“Sus! Baka parehong hindi pinalad, Prim. Tsaka hindi ko nai-imagine yunh sarili ko na magkakagusto sa ka-schoolmate ko, no!” iritang sabi ko at lalo siyang natawa.
Hindi na siya nagsalita pero tawang-tawa siya hanggang sa makarating kami sa 7/11. Nilibre niya ako ng sisig with rice and tubig.
“Bakit pala mugto yung mata mo kanina?” tanong niya at natigilan ako.
Sinulyapan ko siya at agad din akong nag-iwas ng tingin nang makita kung gaano siya ka-curious.
“Confidential.” tipid na sagot ko.
Tumango siya at nagpatuloy sa pagkain. “I understand, but if you want someone to listen, I'm here. Huwag kang mahiya.” aniya kaya nag-angat ako ng tingin sa kanya.
We're classmates since grade seven, pero hindi kami ganu'n ka-close, nag-uusap kami pero hindi ganu'n kadalas tulad nina Jessie. First time niya din akong nilibre, himala nga dahil hindi naman daw siya nanlilibre.
Mabilis naming naubos ang pagkain at niligpit ang pinagkalatan. Paglabas namin ng 7/11 ay tumingin muna siya sa'kin at sa daan.
“Hatid na kita.” alok niya ngunit umiling agad ako.
“No need, lapit lang ng amin. Ikaw kailangan mo ng umuwi, maghihintay ka pa ng jeep, diba?” baling ko sa kanya at tumango naman siya.
“Sige, ingat ka, Eisha.” paalam niya at tumawid na ng kalsada para mag-abang ng jeep.
Naglakad ako pauwi at nadatnan ko na naman ang Daddy ko na kasama iyong babae niya, hindi ko na sila pinansin at nagpatuloy ako na tumungo sa kwarto pero–
“Eisha, kumain ka na ba?” si Daddy, natigilan ako at napalunok.
Hindi ko alam kung sasagot ba ako pero nagpasya na akong tumuloy na talaga sa kwarto. I may look heartless but I just can't stand seeing them happy like they aren't hurting me.
Naligo ako ng ilang minuto at nagbihis ng pambahay, lumabas ako ng kwarto at saka tumungo sa kusina upang magtimpla ng kape, hindi pwedeng makatulugan ang mga activities ko na ipapasa ngayong Biyernes.
Habang nagtitimpla ako ng kape ay biglang bumukas ang pinto at niluwal niyon ang ginang na aking kinaiinisan.
“Mahilig ka rin pala sa kape?” magiliw na puna niya ngunit hindi ko iyon pinansin, pinagpatuloy ko lang ang aking ginagawa.
Kumuha ako ng dalawang cream-o sa cabinet at kinuha ko ang kape, nilagpasan ko siya at tumungo na ako sa kwarto ko upang makagawa na ng mga requirements this first grading.
Before ko simulan ang dapat kong gawin ay chineck ko muna ang phone ko kung nagreply na ba si Fynlae. I badly want those pencil go away! Parang habang nagtatagal yung mga lapis na yun' dito ay iba ang nararamdaman ko!
Hindi siya nagreply kaya naman naisip ko na baka natabunan iyon sa inbox niya, cinopy and paste ko iyong message ko na last sa kanya at sinend ulit.
Ni-lock ko ang phone ko at tinabi iyon, nilabas ko ang mga bond paper, highlighters and ballpen. Nagsimula na akong mag-design at nang matapos ay sinimulan ko na ang essay, pagkatapos niyon ay ang infographic.
Nagulat ako nang biglang bumukas ang pintuan ng kwarto at niluwal niyon si Fynlae! My lips parted and my heart can't stop beating like I'm having a race!
“Anong ginagawa mo dito?” tanong ko nang bumalik ako sa katinuan.
He's serious while looking at me intently!
“Where's my pencils?” malamig na tanong niya at napalunok ako.
Tumayo ako upang kunin sa walk-in closet iyong mga lapis, paglabas ko ay prente siyang nakaupo sa computer chair ko at tinitingnan iyong ginawa kong infographic.
I cleared my throat and I got his attention.
“Here.” ani ko at inabot sa kanya iyong paper bag, tiningnan muna niya ang kabuuan ng aking mukha at bumaba iyon sa aking kamay kung saan hawak ko ang bag.
Ngumuso siya at kinuha iyon, dumampi ng bahagya ang kanyang hinliliit sa aking palad na dahilan kung bakit parang may kuryenteng dumaloy sa aking balat.
Agad kong binitawan ang paper bag at seryoso siyang tiningnan.
“Pwede ka nang umalis? I have so many things to do.” seryosong sabi ko at tinuro ang mga bond paper na nasa harap niya.
Napakurap-kurap siya at saka tumayo ng dahan-dahan.
“Oh, sorry. I gotta go.” nahihiyang paalam niya at tinalikuran na niya ako.
Naupo agad ako sa computer chair at nanibago sa amoy niyon, sigurado akong pabango niya iyon. Hindi naman matapang ang amoy, nakaka-relax nga, e. Feel ko niyayakap niya ako habang nakaupo kami rito.
Argh! What the heck I'm thinking right now? Napabaling ako sa pintuan at nakita namang nakasarado iyon kaya nabawasan ang hiya ko sa sarili.
Kinurot ko ang kamay ko para naman magising mula sa ilusyon ko!
Pinagpatuloy ko ang paggawa ng infographic at yung drawing na hindi ko natapos nung isang gabi. After that, I take a nap cause my eyes already give up!

Komentar Buku (7)

  • avatar
    Ben Gie

    good

    27/04

      0
  • avatar
    HueMaggie

    Catching title... Nice story line

    29/02

      0
  • avatar
    Jilie Jean L. Cawa

    500

    14/01

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru