logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Chapter 6

"Wala ka na naman sa sarili mo?" puna sa'kin ni Jessie habang tumatambay kami sa may Ministop.
Nagulat ako at napabaling sa kanya, tinaasan niya ako ng kilay saka inismiran. I rolled my eyes on her.
"Lagi naman yan, e. Di ka pa sanay" umay na singit ni Mecca saka tumayo at pumunta sa counter at bumili ng sundae.
"I'm just thinking of something" I said in monotone and sip on my drink.
"H'wag mo akong english-in! Alam mo namang Tagalog lang ang alam ko" hasik niya sa'kin sabay irap pa.
"I'm not used of speaking in Tagalog, you know that" depensa ko and she laughed mockingly.
"You're used to speak in Tagalog, ayaw mo lang talaga magsalita" aniya at nagpatuloy sa pagkain n'ya.
While scrolling through my phone, I received a message from Fynlae and I'm expecting na about yun sa mga lapis niya, and iyon nga!
From: Fynlae
-Hi, can I get my pencils na? I'm here at OLFC:)
I agreed with him and I bid my goodbye to my friends. Dali-dali akong tumawid ng kalsada at hindi ko rin maintindihan ang sarili ko kung bakit ako tumatakbo patungo sa simbahan kung saan siya naroon.
Huminto ako sa tapat ng computer shop, sa tapat niyon ay ang simbahan na, kinalma ko muna iyong sarili ko, baka mag-assume iyon na uhaw ako sa kanya, ano ba!
Nang hindi na ako hinihingal ay luminga-linga ako at hinanap siya, wala siya sa plaza kaya naman pumunta ako sa likod at naroon nga siya, nakaupo sa bench. He's busy with his phone at nilapitan ko naman at napahawak siya sa dibdib niya nang makita niyang nasa tapat na niya ako.
"H-hey" gulat na bati niya at tumango lang ako. "Ahm, where's my pencils?" nakabawi na yata siya sa pagkagulat at ako naman ang nagulat.
Oo nga pala, nasa bahay yung mga lapis! Yawa ka, Eisha! Bakit ka nagmamadali na wala naman sayo yung lapis?!
"Ah-eh, hindi ko dala" nahihiyang nagyuko ako ng ulo ng sabihin iyon and I heard his soft chuckles.
"Bakit hindi mo dala?" natatawang tanong niya at napanguso ako.
"Galing pa ako sa Ministop, hindi pa ako nakakauwi at nagulat ako dahil nandito kana, nakakahiya naman kung hindi kita siputin or paghintayin pa kita-
"Pero hindi ba mas nakakahiya kung wala yung bagay kung bakit ako narito ngayon? Hmm?" pagputol niya sa mga sasabihin ko kaya naman napaawang ang labi ko.
Hindi ako agad na nakakibo. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko, he's right, kaso hindi ko naman kasi naisip yun.
"Di bali, since hindi mo naman dala ang mga kailangan ko, I guess I can get them next time, gotta go" malamig na sabi niya at akmang tatalikod na ay bumaling muli s'ya sa'kin. "Please, next time...bring the things that needed, not just yourself, I don't need you anyway" dagdag niya na nagpalaki ng tsinita kong mga mata!
Tumalikod na agad siya at mabilis na sumakay sa tricycle na nakaparada sa tapat ng simbahan.
How dare him to say that to me? Kahit na ba walang nakarinig nun, syempre mapapahiya ako sa sarili ko, hindi man lang niya ako pinagsalita! Ang bastos, grabe!
Tumambay pa ako ng mga ilang minuto bago nagpasyang umuwi, naglakad lang ako dahil malapit lang naman iyon samin.
Nadatnan ko si Daddy na nagbabasa ng dyaryo sa sala, nilagpasan ko siya ngunit nang makarating ako sa hagdan ay bigla niya akong tinawag.
"Eisha, what the hell is your problem?" seryosong tanong niya na kahit nakatalikod ako ay nai-imagine ko parin ang kanyang mukha.
Hindi ako kumibo at hinintay ko ang susunod niyang litanya.
"Hindi ka na nagpapaalam sa'kin, hindi mo na rin ako kinakausap, tell me, ano bang problema mo kay Daddy, huh?" medyo lumambing ang kanyang boses ngunit sadyang naging matigas na yata ako simula ng makita ko ang bagay na lubos kong kinamumuhian.
Hindi pa rin ako humaharap sa kanya, I'm fucking pissed! Alam niya ang problema ngunit gusto niya talaga na ipamukha ko pa sa kanya kung gaano siya kababoy?
Unti-unti akong lumakad patungo sa kwarto ng hindi lumilingon sa kanya, nang makarating ako sa silid ay pabagsak kong sinarado ang pinto at pabagsak din akong umupo sa kama.
I sighed.
Tumayo ako at binaba ko ang bag ko sa may couch saka tumungo ako sa banyo upang maglinis ng katawan. Pagkatapos ko doon ay nagbihis ako at kinuha sa cabinet ang mga lapis ni Fynlae at lumabas ng walk-in closet.
Tumungo ako sa kama at kinuha ang cellphone ko, agad akong nagtipa.
To: Fynlae
- What's your address? Ipapa-deliver ko na lang ang mga lapis mo.
Naghintay pa ako ng reply niya...lumipas ang ilang minuto, oras, hanggang sa mabagot ako at nakatulugan iyon.
Nagising na lamang ako at madilim na ang labas, nakabukas kasi ang bintana ng kwarto ko kaya kita ko ang buwan na sumisilip sa'kin. Napabuntong hininga ako dahil pagka-check ko ng phone ko ay wala pa din siyang reply.
God! Anong gagawin ko dito, ayoko naman nang magkita pa kami dahil sa pagkapahiya ko kanina!
Huminga ako ng malalim at nagpasyang bumaba sa kusina, nakapatay na lahat ng ilaw at ang nasa labas na lang ang nakabukas. Napakunot ang noo ko dahil ang aga pa para magpatay ng ilaw.
Kumuha na lang ako ng kanin at sinigang na niluto ni Nanay. Binaba ko sa may dining table ang mga plato at naupo na saka nag-umpisa nang kumain.
Nagulat ako ng biglang bumukas ang pinto at niluwal niyon ang kapatid ko na naka-uniform pa kaya naman bigla akong kinilabutan!
"Bakit ka ba nanggugulat, kuya?!" inis na asik ko at pinandilatan ko siya.
Matunog siyang ngumisi at lumapit sa'kin saka ako niyakap mula sa likuran, amoy ko ang kanyang hininga, pinaghalong alak at mint ang amoy!
"Bakit naman inaabot ka ng madaling araw sa pagkain ng dinner, hmm?" malambing na tanong niya at kinalas ang pagkakayakap sa'kin saka umupo sa tabi ko at imbes na ako ang sumubo ng pagkain ay inagaw niya iyon at siya ang kumain!
"Nakatulog ako" sagot ko at sumimangot sa kanya.
Tumawa siya sa'kin at sinabayan ako sa pagkain, nang matapos kami ay hinintay niya ako hanggang sa mahugasan ko ang mga plato at sabay kaming umakyat sa kwarto ko, sumama siya doon at nauna siyang humiga.
"Hoy! Bakit diyan ka natutulog?" sita ko at wala akong narinig sa kanya kaya naman nilapitan ko siya at mahimbing na ang kanyang pagkakatulog. He's snoring!
Bumuntong hininga ako bago pumasok sa banyo upang mag-toothbrush. Pagkatapos ko ay inayos ko ang kumot ni Kuya at tinabihan siya at nakatulog na rin.
***
"Good morning, pangit!" pupungas-pungas pa ako pagkagising ko at ito ang bumungad sa'kin!
Inirapan ko siya at tumungo agad ako sa banyo upang maligo, may pasok pa ako kaya naman binilisan ko pa. Nag-uniform lang ako at hindi na nag-abala pang magpulbos at liptint.
Pagkalabas ko ay nakangisi sa'kin ang lintek kong kapatid! Kinuha ko ang bag ko, aalis na sana ako ng hilahin ng kapatid ko ang siko ko kaya naman napaharap ako sa kanya na nakakunot ang noo.
"Bakit?!" inis na tanong ko sa kanya at hindi pa rin nawawala ang ngisi sa kanyang labi.
"Hindi ka pa nagsusuklay!" sermon niya at inirapan ko saka tumalikod na sa kanya ngunit hinila na naman niya ako, male-late na ako! Pinandilatan ko siya at matunog siyang tumawa! "Kiss ko muna" mapaglarong aniya at tuluyan ko ng inagaw ang kamay ko at patakbong umalis ng bahay.
Ilang minuto na lang at male-late na talaga ako, punyeta ang kapatid ko! Lakad takbo ako papuntang school, sa hagdan ay nakasabay ko pa ang adviser namin at tumingin siya sa'kin kaya naman binati ko siya.
"Good morning, Sir" pormal na bati ko at ngumiti sa kanya at sinabayan siya sa paglalakad.
"Morning" bati niya pabalik at diretso na sa paglalakad.
Pagdating sa room ay patakbo akong nagtungo sa pwesto ko at tinawanan ako ni Jessie.
"Taray! First time ma-late" puna niya at saka mahinang tumawa at nagdasal na kami.
Pagkatapos ng dasal ay agad na nag-discuss si Sir dahil madami daw kaming hahabulin na lesson. Nagpa-quiz din siya bago maubos ang oras niya.
Buong oras ng klase ay tahimik lamang kami dahil sa nalalapit na ang first grading exam, I need to burn my eyebrows to get a high grades. My father will be disappointed if I'll get 90 below, but my mom would be happy if I'll just chill and not to be bothered just because of those numbers in report card.
"Milktea tayo" aya sa'kin ni Jessie ngunit umiling ako.
"I'll study, next time na lang. Pagod din ako" sagot ko at malungkot siyang tumango.
"Sige, sakay na ako ng jeep, ingat ka pauwi" paalam niya at niyakap niya ako pagkakalas ng yakapan namin ay lumapit siya kay Mecca ay ito naman ang niyakap niya, pagkatapos niya ay ako naman ang yumakap kay Mecca.
Nagpaalam na din ako sa kanila at naglakad patungo sa bahay namin. Dalawang bagay bago makarating sa amin ay kita ko na ang mga kotseng nakaparada sa tapat namin kaya agad akong kinabahan, baka kung sino ang mga iyon.
Huminga ako ng malalim bago pumasok ng kabahayan at agad na bumungad sa'kin ang mga bisita na nasa living room. Lalagpasan ko na sana ngunit bigla akong tinawag ng epal ko ng ama, at pagkabaling ko sa kanila ay nakangisi sa'kin ang kapatid kong ang lakas mang-asar! Alam niyang ayaw kong humaharap sa mga bisita, e!
Umupo ako sa tabi ni Kuya at kinuha naman niya ang bag ko at tinabi sa kanya saka niya pinunasan ang pawis sa noo ko.
"Eisha, this is your Tita Gina" pakilala niya at tinuro ang ginang na siguro ay mas matanda kay Mommy ng tatlong taon. Tinaasan ko lamang sila ng kilay at hindi nagsalita. "Gina, she's my unica hija" nakangiting aniya sa ginang at hinawakan ang kamay nito kaya naman kumunot ang noo ko at tumingin sa kanila ng may pagtataka.
"Who is she?" diretsong tanong ko at nanlaki ang mata ng babae sa akin.
"She's our Mom" malamig na sagot ng lalaki na nasa tabi nito at halatang ayaw sa'kin.
"I didn't ask you, I'm asking my father" masungit na wika ko at tumingin ng diretso kay Daddy.
"Anak, she's my girlfriend-
"Girlfriend? Gago ka ba? Si Mommy nagpapakahirap sa ibang bansa para maibigay lahat ng pangangailang natin tapos may gana ka pang magloko? Yung totoo, Dad, nag-iisip ka ba pa?" putol ko sa kanya at galit na tumayo saka binalingan ko ang kapatid ko. "Ikaw naman!" turo ko sa kanya na kinagulat niya. "May gana ka pang ngumisi sa'kin pagkarating ko at hindi mo man lang tinutulan ang magaling nating ama? Bobo ka? Magsama nga kayong dalawa, putangina!" galit na sabi ko at nagmartsa patungo sa kwarto at hindi na nag-isip pa, tinawagan ko si Mommy thru Messenger.
Ilang ring pa ang hinintay ko, lumuluha ako nang sagutin ni Mommy ang tawag ko, nag-aalala siyang tumingin sa'kin.
"What happened, anak?" tanong niya at napakagat ako sa labi ko.
"Mom, hiwalay na ba kayo ni Daddy?" diretsong tanong ko at nanlaki ang mata niya.
"Anak-
"So hiwalay na nga kayo-
"Anak, hindi! Sa papel hindi pa, pero kayo na lang ang inaalala ko. Matagal na kaming wala ng Daddy niyo" umiiyak na paliwanag niya at natulala ako.
"So lahat ng pinapakita niyo samin tuwing nagse-celebrate ng holidays ay arte niyo lang?! Mom! Pwede niyo namang ipaliwanag samin, e. Hindi niyo na kailangang itago pa! Kailan pa?" nanghihina na ako sa mga nalalaman ko, tangina pagod ako, e!
"Since you were nine" mahinang sagot niya na lalong kinagalit ko.
So matagal na pala nilang nililihim iyon?
"Why didn't you tell us earlier?" inis na tanong ko sa kanya.
"Because you were too young to know that kind of stuff-
"Yes! I was young but I will understand! Mom, you know na kahit itago niyo pa yan sa kailaliman ng impyerno, mauungkat at mauungkat iyan! Maiintindihan ko naman, matatanggap ko din naman, bakit hindi mo sinabi? Kasi bata pa ako? Bullshit!" galit na wika ko at binabaan siya.
Dahil na din sa inis ay naihagis ko pa ang iPad ko sa pader at dumapa ako sa kama, hindi ko alam kung paano ako tumahan mula sa pag-iyak, nakatulugan ko na yata iyon.

Komentar Buku (7)

  • avatar
    Ben Gie

    good

    27/04

      0
  • avatar
    HueMaggie

    Catching title... Nice story line

    29/02

      0
  • avatar
    Jilie Jean L. Cawa

    500

    14/01

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru