logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Chapter 5

"B-bakit?" ngayon lang yata niya naproseso ang tanong ko kaya nautal pa siya.
"Wala, curious lang ako...ang bango kasi" casual na sagot ko.
Tumango siya at sa tingin ko ay nag-isip. “Lewis&Pearl rain” sagot niya at nanlaki ang mata ko.
It's an affordable cologne, pero ang bango!
“Weh?” di makapaniwalang tanong ko at natawa siya sa'kin.
“Oo, bakit?” natatawa pa rin siya sa reaksyon ko.
“Wala...hindi kasi kapani-paniwala kapag ikaw nagsabi kasi ang yaman mo!” depensa ko sa kanya kaya lalo siyang natawa.
“Hindi ako mayaman, Eisha. Yung magulang ko iyong mayaman” pagtatama pa niya sa'kin kaya napa-irap ako. “Hindi porke't binibigyan nila ako ng pera ay gagastusin ko na lahat para sa luho ko. Choice ko na bilhin yung mura at mas magagamit ko kesa naman sa mahal na mga bagay tapos manghihinayang lang ako kasi mahal nga iyon, hindi ko kayang gumamit ng mga mamahaling pabango o kung ano man kasi alam kong pinaghihirapan ng magulang ko yung pera, pwera na lang sa sapatos kasi matagal ko naman yung magagamit” paliwanag niya at namangha ako.
He's so mature for his age. Ang galing kasi naiisip niya yung mga bagay na ganu'n. Kung ibang tao ang nasa pwesto niya ngayon ay hindi ito manghihinayang sa mga gagastusin, as far as I know his father is a chemical engineer and her mom is a CEO of a cosmetic line.
His family is humble, buti nga at pinag-aral sa public school ang anak nila.
Hindi na lang ako nagsalita dahil kung bubuka man ang bibig ko ay puro kuryosidad ang lalabas doon, mahirap maging interesado sa isang tao, lumalim ang mga bagay na dapat ay nasa mababaw lang, ang sabi ni Mommy, kapag lumalalim na, may tiyansang hindi ka na makakabangon pa mula sa kailaliman.
Mabilis na tumakbo ang oras at nang 7:45 na ay nagpaalam na ako sa kanya, ngunit pinilit niyang ihatid ako kaya wala naman akong nagawa...pagdating sa tapat ng gate namin ay agad siyang nagpaalam, hinintay ko munang mawala siya sa paningin ko bago ako pumasok ng may sama ng loob sa kabahayan.
Gustuhin ko mang hindi umuwi ay wala naman akong mauuwiang ibang bahay. Mabuti na lang talaga at wala akong nadatnan sa sala kaya dire-diretso akong nagtungo sa kwarto ko at pagod na nahiga sa kama. Tumitig ako sa puting kisame at nag-isip isip.
Bawat oras na lumilipas ay palaki ng palaki ang guilt na dinadala ko, naisip ko kung sina Kuya, Nanay Edna at Kuya Bong ay ganu'n din? Hindi ba sila galit kay Daddy? Kung umasta sila ay parang walang nangyari! Kung normal lang iyon para sa kanila, hindi kaya ay matagal ng ginagawa ni Daddy iyon? Sabagay, matagal na din naman si Mommy sa ibang bansa, e!
Nakakasama ng loob dahil sa feeling ko pinagtutulungan namin si Mommy, naaawa ako sa kanya, wala naman siyang ibang ginawa kundi ang magtrabaho para samin, pero sinasaksak na namin siya patalikod, oo wala kaming ginawa, iyon na mismo ang kasalanan namin sa kanya, hindi namin sinasabi ang totoo sa kanya! Ginagawa namin siyang tanga!
Hindi ko namalayan ay tumutulo na pala ang mga luha sa pisngi ko, inabot ko ang unan at tinakpan ko iyon sa aking mukha. Unan na lang palagi kong karamay, oo may mga kaibigan ako, pero natatakot ako na sabihin sa kanila, baka husgahan nila ako kapag nalaman nila ang mga pinaggagagawa ng ama ko. Ang masakit ay baka layuan nila ako.
I don't know if what time I slept last night, maga ang mga mata ko paggising. Nag-ayos agad ako at nagbihis ng uniform, kinuha ko ang bag ko at wallet saka umalis na ng bahay ng walang paalam kahit na nakasalubong ko na si Nanay Edna sa sala.
As usual, naglakad lang ako papasok at dumiretso ako ng 7/11 para bumili ng almusal dahil naalala ko na wala pa akong kain mula kagabi.
Kumuha ako ng sisig with rice at iced coffee na nasa bottle saka tumungo sa counter. Binayaran ko iyon at hinintay na mainit yung sisig. Pagkatapos namang iinit ay binigay agad sa'kin at kinuha ko naman. Tumungo agad ako sa classroom namin, wala pang tao kaya naman kinain ko na lang yung binili ko.
Nakakalahati ko na ang kanin at ulam ng sabay na dumating si Kuya Axl at Mecca, hingal na hingal sila, siguro dahil sa taas ng nilakad nila. Fourth floor kasi ang room namin kaya hingal talaga ang aabutin mo bago makapasok ng room.
“Morning, Eish! Sarap ng kain, ah!” bati ni kuya Axl at tumango lang ako. “Pasubo ako” aniya at nilapit ko naman sa kanya ang pagkain. I'm not madamot naman kaya binibigyan ko sila kung mayroon din namana ako. Sumubo siya ng isa at agad na binalik sa'kin. “Thank you” aniya kahit puno pa ang bibig niya.
“Ako din” si Mecca at binigay ko na sa kanya iyon dahil kaunti na lang din naman. “May tubig ka?” tanong niya ng maubos na yung pagkain. Tumango ako at binigay sa kanya ang tumbler ko, uminom siya roon at sumunod naman si Kuya Axl.
“Hindi ka kumain kagabi, no?” puna ni Mecca na kinagulat ko. “H'wag kang magsinungaling, hindi ka naman kumakain sa loob ng room kung nag-almusal at kumain ka kagabi” dadagdag niya pa at napanguso ako.
“Nakatulog kasi ako ng maaga” sagot ko at inirapan niya lang.
“Sus! Hindi ka natutulog ng maaga, Eisha!” mataray na sabi niya na kinatawa ni Kuya Axl. “Ano bang nangyari? Hindi ka naman kasi nag-o-open samin, e. Nakakatampo ka!” hindi ko alam kung totoo nga ba siyang naiiyak dahil normal lang naman sa kanya ang parang paos ang boses.
“Hala, wala namang nangyari!” depensa ko ngunit hinawakan niya ang pisngi ko na kinadaing ko.
“Walang nangyari? Bakit may pasa yang pisngi mo? Bakit maga iyang mata mo, huh? Walang nangyari?!” nanlaki ang mata ko nang tuluyan na siyang umiyak.
Hindi ko alam kung paano ko siya aaluin.
“Iyan kasi ang problema sa'yo, Eisha! Puro ka okay ka lang! Kahit naman na halata na, ikakaila mo pa din! Kaya nga natawag kaming mga kaibigan mo, para may mapagsabihan ka at mapaglabasan ng sama ng loob o kung ano pa man–
“Mecca, tama na!” awat na kuya Axl dahil may mga taga-kabilang section na dumadaan at nakikiusisa. “Mamaya na yan, baka may makarinig pa sa inyo” kalmadong dagdag ni kuya Axl.
Huminga ng malalim si Mecca at nagulat ako ng yakapin niya ako. “Magsabi ka lang, promise, hindi kita ija-judge” bulong niya at hinigpitan pa ang yakap sa akin. Tumango ako sa kanya at kinalma na siya.
“Bakit ka umiiyak, Mecca?” nagulat ako ng dumating na si Sean!
“Bet ko magdrama, e, pake mo ba?” mataray na sagot ni Mecca sa kanya at napangiwi naman ang lalaki at napabaling sa'kin at nginitian ako.
Umupo siya sa pwesto niya at nagsimula ng kalikutin ang kanyang cellphone, ganu'n din ang ginawa ni Mecca, medyo nababahala ako baka lahat sila ay mapansin iyong pasa sa pisngi ko.
Nagsidatingan ang mga kaklase ko at  iba ang tingin sa'kin kaya naman nailang ako. Paano ba kasi itago itong pasa na ito?!
“Anyare sa pisngi mo?” nakakunot ang noo na tanong ni Jessie at nagkunwari akong hindi ko siya narinig.
“Oo nga, Eish? Bakit may pasa iyan? Nakipag-away ka ba?” nag-aalalang tanong ni Reese na nakaupo sa tapat ko at umiling ako.
“Nauntog lang yan” walang kwentang sagot ko.
“Ay nalipat na pala ang noo sa pisngi?” sarkastikong tanong ni Jessie at inirapan ako, halatang naiinis sa'kin. “Sasagot ka ng maayos o sasagot ka?”banta niya at natawa ako. “Huwag kang tumawa, sumagot ka kasi” inis na dagdag niya.
“Mamaya” sagot ko at tinuro si Sir na kakarating lang ng room.
Nag-umpisa na siyang mag-discuss at bumalik na ang routine namin, nag-report din kami with quiz pa! Ang tibay talaga.
Nang dumating naman ang recess ay hindi nagpalabas sina kuya Axl dahil kailangan ko daw mag-explain kung bakit ako may pasa sa pisngi, labag man sa loob ko ay napilitan akong magsabi sa kanila.
“My Dad slapped me yesterday” paos na panimula ko at nagsimula ng nangilid ang mga luha sa aking mga mata dahil sa naalala ko na naman ang nangyari kahapon. “Please don't judge me” nagmamakaawang sabi ko at kumunot ang noo nilang lahat sa'kin. Mga chismoso pa naman sila kaya ayokong magtiwala pero isusugal ko ngayong araw.
“Bakit ka naman namin ija-judge? Sino ba kami? May iba't-ibang problema tayong pinagdadaanan, Eish. Kaya naman naiintindihan ka namin” seryosong sabi ni Marianne at ngumiti sa'kin.
“Kahit ano pang sabihin mo, Eish, hindi naman kami magagalit sa'yo, ang gusto lang naman namin ay magsabi ka kung may problema ka...mahirap kung kikimkimin mo iyang mag-isa” si Vincent na seryosong nakatingin sa akin.
Tumango ako at napangiti sa mga sinabi nila, kahit ganu'n lang ay napagaan nila ang nararamdaman ko ngayon, pagkatapos kong magsabi ay kumain nalang kami sa loob ng room, nagbebenta naman kasi si Andrei ng siomai rice, carbonara at siopao. Binili ko iyon lahat para ilibre sila kaya natuwa din sila.
Natapos ang araw na maayos ang pakiramdam ko, not until I come home, hindi ko alam kung matatawag ko pa ba itong H.O.M.E,ang tingin ko na lang ay para akong preso dito, nagsisikap na mabuhay sa isang araw na hindi kinakain ng guilt.
Kuya texted me earlier, sa condo niya muna daw siya uuwi dahil sa exam week nila, pagod siya sa school at mahaba ang biyahe kung uuwi pa siya rito at naintindihan ko naman.
Pumasok ako sa loob ng kabahayan at dumiretso sa kusina upang humanap ng makakain ngunit nadatnan ko si Daddy at Nanay Edna na nag-uusap habang nagluluto pa si Nanay.
Natigilan sila nang makita ako, agad naman akong tumalikod at hindi na sila hinintay na magsalita, mukhang umurong ang gutom ko at tumungo na sa kwarto. Nagbihis ako ng pambahay at as usual ginawa ko na din ang mga kailangan kong gawin, bago ako magbasa ng Wattpad, I'm currently reading Chasing The Sun by Inksteady, isang upuan ko lang siya binasa.
The story is really good, sa una lang iyong kilig, the rest...puro sakit, the leading man is the most flawed character, I think even he had he's character development, he doesn't deserve Sol, the leading lady. It's just my opinion though, but the whole story is really good, I learned a lot, mas madami pa yata akong natutunan dito kaysa sa mga aralin ko sa math!
Nang matapos ko mismo ang story ay pinahinga ko muna ang sarili ko, masyado na akong pagod...pagod sa lahat...gustuhin ko mang matulog ay hindi ako makatulog, hindi ko alam kung bakit.
Ilang oras akong pabago-bago ng pwesto sa higaan upang makatulog pero wala pa din, naisipan kong mag-tiktok pero agad din akong nagsawa, nag-scroll naman ako sa Facebook.
Si Mecca, Jessie at Sean ang laman ng news feed ko, puro sila shared post! Hindi kaya sila napapagod? Kada minuto–scratch that! Segundo nga lang ang pagitan ng mga shi-ni-share nila! Kahit hindi related sa kanila, kahit mga puro kalokohan!
Sean Reynh Cordova shared a post:
Napa-facepalm nalang ako, how can they shared a post without experiencing those? Nakaka-stress!
Lumipat naman ako sa Instagram upang tumingin ng mga bagong post ng mga stan ko at mga writers na hinahangaan ko. Wala namang update kaya pumunta nalang ako sa Twitter, madami namang tea doon.
Bumungad sa'kin ang thread ni Danica, rant iyon tungkol sa family niya, binasa ko lahat iyon at hindi ko na pala naalala kung anong oras na, naaaliw ako sa pagbabasa dahil ramdam ko iyong hinanakit niya. Naisip ko kung paano kung ako yung nasa sitwasyon niya at ganu'n siya sa'kin? How will things go kaya? Is it the same?
Ah! I hate it when I'm overthinking, napupunta sa kung saan-saan ang mga iniisip ko, napakagulo!

Komentar Buku (7)

  • avatar
    Ben Gie

    good

    27/04

      0
  • avatar
    HueMaggie

    Catching title... Nice story line

    29/02

      0
  • avatar
    Jilie Jean L. Cawa

    500

    14/01

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru