logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Chapter 05

GSA05.
Kasalakuyang nakaupo si Mama sa dining table nang makababa ako. Tahimik akong bumaba ng hagdan para pumuslit. Pero ilang hakbang palang ay nagawa ko ay narinig ko na ang pagtawag ni Mama sa akin. Napahinto ako at mariin na napakapit sa straps ng aking bag nang sumeryoso iyong boses niya.
"Why would you skip breakfast? Hindi mo ba ako gustong makasabay?" prangkang tanong niya.
Hindi ko siya sinagot ni tinignan. Matunog akong bumuntong hininga at naglakad palapit sa dining table. Kaagad naman akong pinagsilbihan ng mga kasambahay namin. Pinigilan ni Mama ang si Imelda na maglagay ng pagkain sa aking plato. Imbes ay siya ang gumawa noon.
"So? How's school?" tanong ni niya na para bang ganoon siya kainterisado sa aking pag aaral.
Hindi ako nakasagot agad, hindi iyon dahil may nginunguya ako kundi ay ayaw kong sagutin iyong tanong niya. Ayaw kong mag salita ng kahit na ano. Pero hindi naman iyon tama. Isa pa, nakakapagod mapagsabihan.
"Good morning my beautiful daughter."
Bahagya akong nagulat sa biglang pagbati na iyon ni Papa. Tumayo ako para salubungin ang yakap niya. Matunog niya namang hinalikan ang gilid ng ulo ko. Hindi ko alam kung bakit siya narito gayong andito pa si Mama. Base sa aking obserbasyon ay iniiwasan niya ito.
"Good morning, Pa" bati ko pabalik.
Tumayo sana si Mama para bumati at yumakap rin kay Papa pero kaagad siyang sinensiyahan ni Papa na umupo nalang gamit ang kamay. Katuwa-tuwang ngumiti parin siya pagkatapos noon. Kahit anong gawin niyang pagmamabuti kay Papa ay halatang hindi na nito natatablan si Papa. Kahit naman anong gawin niya, hindi niya narin ako magawang makumbinsi pa.
Dahil iyong nakita at narinig ko, tumatak na iyon sa aking isipan. At kahit ano pang gawin ko, hindi na iyon mawawala pa roon. Hindi na niya magagawang maialis ang galit at puot sa aking puso na siya rin naman ang nagdulot nito.
Tumingin si Papa sakin nang may malawak na ngiti. "Kakain ako iyon ay dahil namiss kong kumain kasama at kasabay ang aking prinsesa."
Tumingin ako sa kanya at unti unting kumurba ang aking labi—iyon ay kusa at ayaw ko iyong pinigilan. Naiisip ko si Papa na nagtitiis at nananatiling matatag para sa akin. Kase alam kong ayaw niyang mawatak ang pamilyang mayroon kami. Ayaw niyang makaapekto iyon sa aking pag aaral.
Habang kumakain ay panay lang ang kuwento ni Papa tungkol sa kanyang trabaho. Masigla naman akong nakikinig dahil gusto ko iyong trabaho niya. Si Papa ay isang Civil Lawyer. Balang araw, gusto ko rin maging kagaya niya. Hindi lang kilala dahil may maraming taong natutulungan kundi kilala dahil mahusay at magaling na Abogado. Sigurado akong iyon ang kukunin kong kurso pagkatapos ng kolehiyo.
Pilit na sumasabat si Mama sa aming usapan kaya nakikinig rin kami sa kanya. Minsan ay may mga tanong rin siya at si Papa ang madalas na sumasagot doon. Iyon nga lang, sobrang kaswal na ng tono ni Papa kapag si Mama iyong kausap niya. Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay parang kumakausap lang siya ng isang ordinaryong kliyente kapag si Mama na ang kanyang nakakaharap. Hindi kagaya sa iba na mabait at mahinahon ang tono niya.
Nang natapos kaming kumain ay nagpaalam narin ako sa kanila. Niyakap ako ng mahigpit ni Papa at mahinang tapik lang sa balikat at ibinigay ko pabalik sa kanya. Si Mama naman ganoon rin ang ginawa. Tahimik lang akong tumatango sa mga bilin niya.
Ginagawa niya talaga ang lahat. Akala niya kase walang ibang nakakaalam. Akala niya kase hindi namin alam. Pero kung hindi ko nga alam, hindi naman siguro ako ganoon ka tanga. Dahil iyong mga panahon na ginagawa niya iyon ay marami na akong pagdududa. Kinailangan ko lang talagang masaksihan ng mismong dalawang mga mata ko para maging tamang hinala ang lahat ng mga mali kong akala.
"Alam kong hindi ka maayos kaya hindi na kita tatanungin pa. Pero gusto ko lang malaman mo na kahit ano pang problema mo o kahit ano pang sabihin mo, makikinig ko."
Napatingin ako sa kanya na ngayon ay seryosong nakatitig sakin. Naikurba ko muli ang aking mga labi. Wala akong balak na sabihin sa kanya ang mga hinaing ko dahil hindi pa ako sigurado sa ngayon. Pero nasisiguro ko na balang araw ay magkakaroon din ako ng sapat na tapang at lakas ng loob upang ilahad sa kanya ang mga iyon. May karapatan siyang malaman dahil siya lang iyong palaging nangungumusta sa kalagayan ng aking isipan.
At ayaw kong mawala ang nag iisang katulad niya.
Bukod kay sa aking ama ay wala nang ibang taong nagpaparamdam sakin na isa akong pamilya at nang mahalaga ako. Ni minsan ay hindi ko naramdaman na kakaiba ako kahit pa iyon ang kadalasan na tingin ng mga tao sa akin. Lahat ng nais ko ay ibinibigay niya. Lahat ng pagkukulang ay kanyang pinupunan.
Si Theodehn ang aking lahat lahat.
Hindi ko makakalimutan iyong minsan niyang sinabi na sakin na kung sana ay may kakayahan siyang kunin ang lahat ng mga pag aalala at kalungkutan na nararamdaman ko ay gagawin niya, masiguro lamang na walang bumabagabag sa aking isipan sa buong araw at nang masigurado niyang mahimbing ang aking sa gabi. Medjo nakakatawa mang pakinggan pero talagang walang halong biro niyang sinabi iyon sa akin.
"...Salamat, Theodehn."
"Naiintindihan kita, Jorjynna."
☽ ☽ ☽
Tahimik akong umupo doon sa aking upuan pagkatapos magpaalam ni Theo sa akin na pupuntahan niya na daw muna ang mga kaibigan niya. Binuklat ko iyong libro na nasa aking arm rest at nagbasa doon. At natigil iyon ng bahagya nang muling umiral ang kalikutan ng mga mata ko.
Pinanuod ko si Theo na ngiting ngiti habang nakipag kuwentuhan sa mga kaibigan niya. Hindi ko alam kung ano na namang kabalastugan ang sinasabi niya dahil panay high five ang dalawa na sina Oscar at Conrad habang tumatawa ng malakas. Ganoon rin ang mga babae at si Janella panay hampas pa sa braso niya.
Wala sa sarili akong napairap at pagkatapos ay suminghap. Iniisip ko na pwede lang naman sigurong normal na mag uusap lang at walang hampasan. Kung usap, usap lang. Walang hampasan.
Mabilis naman silang tumayo at nagsibalikan sa kani-kanilang mga upuan nang mag anunsyo ang bida bida naming ka-klase na parating na daw ang aming guro. Lahat ay biglang tumahimik at naupo na ng maayo at sabay na naghintay sa pagdating ng aming guro. Ang tingin ko nandoon sa pintuan pero kita sa gilid ng mga ko ang tingin ni Theo sa akin. Pero hindi ko iginalaw ang ulo at nanatili lang doon ang tingin.
Sa wakas ay dumating narin ang aming guro. Tumayo muli kami para magdasal. Pagkatapos naman ay nakinig kaagad kami sa kanya dahil may importante daw siyang i-aanunsyo.
"Okay class, magkakaroon tayo ng visitor today. And I need you all to please behave dahil hindi basta basta ang bisita natin" pahayag nito.
"Sino po ba siya Ma'am?"
"Walang iba kundi ang ating pinakamamahal na si Mayor Veronica Rodriguez."
Binalot agad ang buong silid ng bulungan. At bago paman nila ako usisain at matignan ay yumuko na ako sa aking arm rest. Pilit na iniisip kung ano ang maaring dahilan ng biglaang pagbisita ni Mama dito.
"What time po Ma'am?"
"I'm not sure pero sigurado ako na darating na rin iyong maya maya. So much for that, let's now proceed to our new lesson."
Umayos ako ng upo at bumuga ng hangin, pilit na kinakalma ang sarili. Ang atensyon ko nasa guro namin na nagsasalita sa harap pero malayo ang lakbay ng isip ko.
Sinadya niya kayang hindi ipaalam iyon sa akin kanina para hindi na naman ako mawala? Kase iyon ang gawain ko dati. Sa tuwing maririnig kong bibisita siya sa aming paaralan ay talagang gagawa ako ng paraan para magtago o tumakas. Iyon ay dahil iniiwasan ko siya dahil nahihiya ako. At dahil sa kanyang ginawa na nasaksihan ng dalawang mata at tainga ko mismo at triple na ang hiyang aking nararamdaman. Hindi ko maintindihan. Imbes na siya ay ako iyong nahihiya para sa kanya.
Noong matapos ang klase namin sa unang subject ay inanunsyo na nakarating na daw si Mayor. Sa mga oras na iyon ay magsisimula na klase sa aming pangalawang subject. Kanina ko pa hinanda ang sarili ko.
Dahil abala ang mga ka-klase ko sa paghihintay ay sinamantala ko ang pagkakataon na iyon para tumakas. Mukhang wala namang nakapansin sa kanila dahil nasa pinakadulo at pinakalikod ako nakaupo. At iyong iba ay tumayo na para sumilip doon sa pintuan sa parating.
Pagkarating sa likod ng buong building ay wala akong ibang naisip kundi ang akyatin iyon—alintana ang haba. Mabilis kong hinubad ang saya at isinilid sa bag dahil masiyadong sagabal iyon at may shorts naman akong suot bukod non. Ni-adjust ko rin ang straps ng aking bag sa pinakamahigpit na kapit nito sa aking likod. Confident ako habang ginagawa iyon dahil ilang beses ko na itong ginawa at walang nangyaring masama sa akin. Walang ibang nakakaalam bukod sakin.
Sinimulan ko na ang pag akyat ng pader. Mayroon naman akong mga inukit doon na siyang daanan ko pag akyat. Narating ko rin ang tuktok noon ng walang kahirap hirap. Ang kulang nalang ay tumalon ako para matapos na lahat. At bago pa ako makatalon ay may narinig na akong boses na nagbabanta.
"Joji bumaba ka riyan! Ano bang ginagawa mo?" mariin at istriktong boses ay narinig ko mula kay Theo.
"Bababa na ako, umalis ka na" sagot ko dahil ayaw kong mahulog sa mga seryosong tingin niya.
"Dito ka sa harap dumaan" utos niya nang makalapit at tumingala sa aking direksyon. "Sasaluhin kita ano man ang mangayari."
Pero hindi sapat ang kasiguraduhan na iyon para sundin ko ang utos niya.
"Pasensya kana pero hindi iyan ang nais kong mangyari" pagkatapos kong sabihin iyon ay mabilis akong tumalon sa likod.
Bumagsak akong walang galos kaya kaagad akong naglakad patungo sa di kalayuang puno ng mangga. Isinandal ko ang bag sa puno ng mangga at ginawa iyon unan. Humiga ako ng bigla akong nakaramdam ng hindi inaasahang antok. Ini-angat ko ang kaliwang braso at ipinahinga iyon sa aking mukha nilang driver pantakip sa nakakasilaw na liwanag.
Ilang saglit pa ay nakaramdam ako ng yabag ng mga paa. Kaagad ko inalis ang braso sa mukha at idinilat ang mga mata. Bahagya namang nanlaki ang mga iyon dahil sa aking namataan. Si Theo na nag alala ang mukha. Pero hindi iyon ang nakakuha sa atensyon ko kundi ang gilid ng uniform niyang medjo gusot, napunit at... may pula.
Potek!
Anong nangyari?
Kaagad na nabuhay ang pag aalala sa aking dibdib. Aligaga akong tumayo at lumapit sa kanya. Maingat ko siyang inalalayan hanggang makaupo siya doon ilalim ng puno ng mangga. Agad siyang sumandal doon at pumikit.
Marahan kong itinaas ang polo niyang may dugo at isang mahaba at dumudugong hiwa ang bumungad sakin. Nanlaki ang mga mata ko kasabay nang daha dahan na panginginig ng kamay ko.
Gusto ko siyang pagalitan sa kanyang pagsunod sa akin dahil sugat lang ang inabot niya. Pwede naman niya akong hayaan lang dahil ayos lang naman ako dito. Pero dahil sa sitwasyon niya ngayon ay hindi ko iyon magawa. Mas lalo lang akong na-guilty dahil sa aking ginawa.
Awtomatikong naghanap ng pantakip sa sugat niya ang mga mata ko. Hinalughog ko iyong buong bag ko pero nabigo ako. Dahil doon ay mas lalo akong kinabahan at mas lalo lang nanginig ang mga kamay ko. Hindi ko maiwasang hindi sisihin ang sarili. Dahil sa akin nasugatan siya. Dahil sa akin napahamak siya.
"Theo umuwi tayo, gagamutin natin 'yang sugat mo..." pakiusap ko sa kanya habang nakaluhod sa kanyang harapan.
Tinakpan ko ang aking mukha dahil sa matinding hiya na aking nararamdaman. Halos maupo ako ng tuluyan sa lupa nang maramdaman ko ang mga kamay niya sa mga kamay ko. Pilit niyang inalis iyon sa aking mukha kaya agad na bumagsak ang mga tingin ko. Hindi ako makatingin sa kanya ng diretso.
"Tumingin ka sakin."
Inipon ko ang lahat ng lakas na loob na natitira sa akin at tsaka ay nag angat na ng tingin. Nagulat ako ng nakangiti lang siya doon habang ginagawang unan ang kamay at doon sumandal. Dahil sa postura niya ngayon, parang wala talagang nangyari sa kanya. Ano ito? Pinaglalaruan niya ba ako?
"Bakit mo ako sinundan? Ayan, napahamak ka."
Dahan dahan siyang ngumiti at kampanteng sumagot. "Kase hindi po kita kayang iwan."
Napapikit ako sa sagot niyang iyon.
"Theo hindi ako nakikipaglaro sayo. 'Yang sugat mo--"
Umiling siya. "Nasagi pa kase sa kawad, e. Wala po 'yan, malayo po sa bituka. Pahiram nalang ako."
Pahiram? Nagtataka ko siyang binalingan. Ngumisi lang siya sakin dahilan para mangunot iyong noo ko. May kinuha siya sa kanyang bag at sabay na bumilog ang mga mata at bibig ko nang malaman kung ano iyon.
Sanitary pad... Bakit may ganyan siya?
Tuluyan na akong hindi nakapagsalita nang binuksan niya iyon at kinuha ang laman. Maingat niya tinakpan ang kanyang sugat noon. Suminghap ako at umiling. Pabaliw na ang isang ito.
"Theo..."
"Ang ganda po pala nito, hindi mainit tsaka malaki" nakangiting sambit niya na para bang komportable siya masiyado doon habang iniayos iyon.
Muli ako napapikit at napasapo sa noo.
Pagkatapos niyang takpan ang sugat ng sanitary pad ay nakangiti siyang bumaling sa akin. Nahihibang na nga siya. Matalim ko siyang tinignan.
"Bakit ka nakangiti?"
"May nahanap po kase ako."
Nahanap? Ano na naman iyan? Baliw na yata siya.

Komentar Buku (9)

  • avatar
    John Jelo Pasion

    Ganda super

    20/08

      0
  • avatar
    MontejoRaymond

    500

    15/08

      0
  • avatar
    FFEmpresrio

    tvvyyg

    18/07

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru