logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Chapter 03

GSA03.
Mabigat ang loob ko habang hila-hila ako ni Theo papunta sa loob. Mukhang nahuli nga kaming dalawa dahil wala na kaming ibang estudyanteng nakasabayan. Huminto naman kaaga kami ng maabutan ang ibang mga kaklase.
Hindi ko parin magawang burahin sa isipan ko ang nakita ko kanina. Kung pwede lang lugurin ang gilid ng ulo ko para mawala iyon ay gagawin ko, pero hindi. Parang noong oras na nakita ko iyon ay tumatak din iyon sa aking kukote. Na hindi na maiiwasan. Hindi na mapipigilan.
Sana lang ay walang ibang nakakita noon maliban sakin. Sana ay mali ang naiisip ko.
"Ayos ka lang?" tanong niya nang makaupo kami.
Nabalik ako sa ulirat sa tanong na iyon ni Theo. Umupo ako doon sa espasyo sa tabi niya. "Ayos lang" sambit ko at tumango.
Hindi agad niya nagawang ialis ang tingin sakin. Huminga ako ng malalim, inayos ko ang sarili at pilit na inalintana ang mga bagay-bagay na pilit sumisiksik sa aking isipan. Kahit nakatingin ako sa harap at nakinig doon sa taong nagsasalita ay randam ko ang tingin ni Theo mula sa gilid ng aking mga mata. Binalewala ko lang iyon.
At ang hindi ko kayang balewalain ay iyong nakita ko kanina. Masiyadong mahirap. Nasaksihan na mismo ng dalawang mata ko. Kahit anong iwas ang gawin ko, alam kong nakaukit na iyon sa aking utak at nang mahirap na iyon mabura pa.
Dumayo pa kami sa iba't ibang parte ng farm. Nandoon ang atensyon ko pero wala doon ang isip ko. Lumilipad yata at hindi ko alam kung nasaan. Naglalakad kami, nakaapak sa lupa ang mga paa ko pero pakiramdam ko ay sobrang lutang ko. Mahirap mag concentrate lalo na kapag may bagay na talagang gumulo sa utak mo.
Nang natapos kami ay saktong lunch time iyon kaya kumain narin kami. Sinabihan ko si Theo na bigyan ang mga kaibigan niya doon sa ulam na dala namin. Dito sa isang mahabang table ay nasakto kaming lahat. Sobrang saya naman nila.
"Luto ba 'to ni Auntie Martina? Sobrang sarap, Theo!" eskrima ni Janella.
"Yeah like alam ko na kung saan pala nagmana si Theo" sambit rin ni Lia.
Tumikhim si Conrad kaya natahimik ang lahat at napabaling sa kanya. "Thank you dito dude ah?"
Tumango lang si Theo at tsaka ay tinignan ako. Mahina siyang hinampas ni Janella pero malakas siyang tumawa. Nagsimula na silang kumain habang ako ay nanatili lang ang tingin doon sa pagkain.
"Hindi pwedeng hindi ka kumain Joji" seryoso at mahinang wika niya pero nag iwas lang ako ng tingin. "Kahit kaonti lang po" pakiusap niya.
"Joji kain tayo" bulong ni Devy na katabi ko at tsaka ngumiti.
Wala akong nagawa kundi ang kumain nalang. Kinuha ni Theo iyong lunch box ko at nilagyan ng ulam. Nakita kong ngumiti si Conrad sa gawi namin. Hindi ko maintindihan kung bakit bigla nalang akong nagkaroon ng gana. Siguro ay dahil ganadong ganado iyong mga taong kumakain sa aking harapan. Lalo pa at isang tingin lang doon sa mga ulam ay paniguradong masarap na.
Nakinig lang ako sa kanila habang nagtatawanan at masayang nag uusap. Hindi naman nila ako kinakausap, iyon ay dahil sanay na sila sa akin. Nauna akong natapos sa pagkain kaya tumayo ako at nagpaalam muna saglit sa kanila.
"Babalik ako kaagad" paniniyak ko sa nagtatanong na si Theo.
Nagpaalam rin ako saglit doon sa guro namin. Pumayag naman siya at sinabing huwag daw akong magtagal.
Nagsimula na akong maglakad. Wala akong ideya kung saan talaga ako pupunta. Hanggang sa natagpuan ko nalang ang sarili ko na malapit na sa entrance. Nagpatuloy ako sa paglalakad. Wala sa sariling hinanap ng mga mata ko ang sasakyan ni Mama.
Hindi ako sigurado sa desisyon kong ito pero wala ng panahon pa para sa pagdadalawang isip. Hanggang kailan pa niya iyong ililihim? Ayaw ko nang madagdagan ang mga pagdududa ko.
Gusto kong malaman ang katotohanan.
Nawala iyon doon sa kung saan iyon naka-parking kanina. Habang nagkalakad ay tumitingin tingin sa iba't ibang direksiyon. Huminto lang ako ng mamataan ko iyon sa aking unahan. At hindi pa talaga siya umalis. Binaha agad ang utak ko ng mga tanong.
Ito na ba ang sagot sa mga tanong ko simula dati?
Dito ba ang tagpuan nila?
Kailan pa ito? Bakit niya iyon nagawa?
Bakit ang anak pa ng Congresswoman?
Alam na ba ito ni Papa kaya siya umiiwas?
Ayaw kong makain ng kuryusidad na unting namumuo sa kalooban ko kaya unti-unti kong nilapitan iyong sasakyan sa di kalayuan. Heavily tinted iyon kaya hindi na ako nagtangkang sumilip pa. Maraming body guard si Mama na kasama niya sa kahit saang lugar siya pumupunta. Pero ngayon ay wala akong nakita ni isang anino sa kanila. Wala rin akong alam kung saan sila itinago ng aking magaling na ina.
May nakita akong hindi kalakihan pero hindi rin naman ganoon kaliit na bahay. Kaagad akong nagtago ng may makita akong dalawang body guard na nakatayo lang doon sa labas ng bahay. Nag isip ako ng paraan kung paano ba ako makakapuslit doon.
Sinubukan kong dumaan doon sa gilid kung saan naroon ang mga maraming tanim para hindi ako makita. Maingat akong tumalon doon at mabilis na tumakbo hanggang sa maabot ko iyong pinto sa gilid. Maingat at mahina kong pinihit ang pinto pero nabigo ako dahil naka-lock iyon.
Natagpuan ng mga mata ko ang kulay asul na slinding glass. Sinubukan kong buksan iyon at mas lalo pa akong kinabahan nang malaman na bukas lang iyon at hindi naka-lock. Hindi na ako nag alinlangan pa. Wala akong ibang choice kundi ang akyatin ang maliit na sliding window at doon na pumasok.
Sinilip ko muna ang loob bago ako tuluyang maingat na pumasok doon. Sarado at naka-lock ang pinto sa harapan. Madilim dito sa loob at dahil iyon sa mga maraming tanim at malalaking puno sa labas. Mabilis namang hinanap ng mga mata ko ang kwarto.
Hindi ko binuksan iyong pinto dahil malamang ay mahuhuli nila ako. Katuwa-tuwang nasa likod pa ang bintana ng kwarto na iyon kaya kinailangan ko ulit na lumabas.
Maingat ulit akong lumabas at tahimik na tumakbo papunta sa likod. Doon ay hindi sarado ang bintana pero may kurtina na kasing nipis ng papel ang nakatakip doon. Pero hindi iyon dahilan para tuluyan ko na silang panuorin.
Pagod akong sumandal sa tabi ng bintana at paunti-unting dumausdos. Doon ay narinig ko ang hindi kanais nais na tinig nila. Doon ay narinig ko ang paulit ulit na pagtawag ni Mama sa pangalan ng lalaki—imbes na kay Papa sanang pangalan ang dapat. Lahat ng sinabi at ipinangako ni Mama doon sa lalaki ay narinig ko lahat. Wala ni isang nakatakas sa tainga ko.
Nakakuyom na ang dalawang palad ko habang dahan dahan kong napagtanto na totoo ang lahat ng mga pagdududa ko noon. Kung gaano kabigat ang loob ko ay ganoon rin kabigat ang mga mata ko—na kahit ano mang segundo ngayon ay bibigay na iyon.
At ngayon ito, si Mama mismo ang nagpatunay na totoo ngang ginawa niya iyon. Trinaydor niya si Papa, trinaydor niya ako... trinaydor niya kami.
Sinira niya ang pamilya namin.
Ayaw kong maniwala pero ang hirap.
No matter how much the doubts we had, we still continue to seek even for a tiny chances... even though most of time, we see no any chance... that the things inside our head... seemed to be right.
Sometimes, those aren't enough.
Sometimes we need still need to be hardly slapped by the reality. Sometimes, we still need to hear and see things not for us to be more conflicted but for us to believe to the things which we couldn't easily take and accept... which we had believed that are the most impossible things in the first place... which is the truth.
No matter how we convince ourselves, if that's the truth then we couldn't change it. Even it's unacceptable, even if it caused us much pain, at the end of the day, truth will always prevail.
Pero... ang hirap talaga tanggapin.
Randam ko ang panginginig ng mga balikat ko. Hindi ko na kinaya. Tuluyan nang bumagsak ang mainit na likido mula sa aking mga mata na kanina ko pa pinipigilan. Kasama ang naninikip na dibdib at nanghihinang tuhod ay mahina akong tumakbo palayo doon. Tumakbo ako hanggang sa makarating ako sa loob ng bus at nang tuluyan na akong nanghina.
Bumalik ulit ako sa naging pwesto ko kanina. Sumandal ako doon, matunog na humihinga, at tumingala, pinipigilan ang mga luhang nagbabadyang pumatak muli. Pinilit kong pumikit. Naramdaman ko ang bahagyang pagkabiyak ng aking puso na kung kaya ayaw rin magpaawat ng mga luha ko. Tuluyan ko nang hinilamos ang buong mukha.
Nang nakitang parating na ang mga estudyante sa bus ay mabilis kong inayos ang sarili. Ilang saglit pa ay dumating narin si Theo. Tahimik siyang umupo sa tabi ko. Pero ang hindi tinakasan ng pag aalala ang kanyang mukha.
☽ ☽ ☽
Narinig ko ang ilang munting katok mula sa pinto ng aking kwarto. Ngunit nanatili akong tulala sa kisame habang nakahiga. Hindi ako tumayo para pagbuksan iyon. Pagod ako at ayaw ko munang humarap ng kahit na sinong tao.
Naramdaman ko ang bahagyang pagbukas noon at malamang ay may pumasok. Nakangiti si Theo habang papalapit sa akin. May bitbit siyang tray na may lamang maraming pagkain, juice at gatas. Ayan na naman ang ngiti niya. Iyong ngiti na nangu-ngumbensi sa aking ngumiti rin kagaya niya. Pero iyon nga lang hindi ko iyon magawa.
Tanda ko pa iyong araw kung saan ay tumigil ako sa pag ngiti. Iyong araw na nag away ang mga magulang ko. At may narinig akong hindi ko inaasahan... hindi kanais-nais. 8 taon palang ako noon. Sobrang bata ko pa para marinig na may isang magulang na nagsisisi dahil dumating ako sa mundong ito.
Umupo siya sa gilid ko at tinignan ang mga mata ko. "Akin na ang mga kamay mo."
Iniangat ko ang kamay at ibinigay sa pag aakalang hihilutin niya ang mga iyon dahil iyon ang madalas niyang ginagawa. Hinawakan niya iyon ng mahigpit at bigla nalang akong napabangon dahil malakas niyang hinila iyon. Bumagsak naman ang katawan ko sa kanya. Doon ay niyakap ako ni Theo.
Gusto kong kumalas pero mas nangingibaw sakin ang pang aasam sa yakap niyang iyon.
Marahan niyang ipinahinga ang ulo ko sa kanyang mga balikat habang mahinang hinahaplos ang aking ulo. Wala siyang imik habang ginagawa niya iyon—palibhasa, alam na niya na sapat na sakin ang katahimikan na kanyang maibibigay. Binalot ang ilong ng kakaibang preskong amoy na siyang isa sa mga dahilan para gusto kong manatili ng matagal sa ganoong posisyon. Kahit sa katahimikan, kahit sa simpleng yakap at haplos lang, naa-appreciate ko ng husto ang ginagawa niya.
Nagpapasalamat ako. Dahil kahit isa ay may rason ako para maging masaya. Kase si Theo, hindi niya ako iniwan. Siya iyong laging andyan para sa akin. At siya... siya ang pinagkakatiwalaan ko sa lahat.
"Ang dami naman nito" tukoy ko sa pagkain dahil higit na higit talaga iyon.
Napahilot siya sa sentido. "Gusto ko sanang sabayan ka kung ayos lang sayo."
Umupo na kami doon sa isang pang maliit na mesa katabi ng study table ko. Pinanuod ko lang siyang lagyang ng pagkain ang plato ko. Kinuha rin niya mula sa tray ang isang baso ng gatas. Tinapunan ko ng tingin ang juice bago tumingin sa gatas sa aking harapan.
"'Wag kang mag alala, bibigyan naman po kita" sabi niya habang nakataas-baba ang dalawang kilay.
Nagsimula na kaming kumain. Marami siyang ikinuwento sakin patungkol doon sa naganap na field trip. Iyong iba ay naaalala ko pa pero may iba rin na hindi na. Tahimik naman akong nakinig sa kanya.
"Ang cute ng rabbit doon! Kung sana pwede lang ampunin" aniya habang patuloy sa pagsubo.
"Gusto mo bang mag alaga ng rabbit?"
Umiling siya. "Hindi masiyado. Mas gusto ko pong mag alaga ng tao... hehe."
"Marami nga kaming picture doon sa iPad ni Guia, sayang at wala ka."
Hindi ko alam pero bigla akong naawa sa kanya. "Pasensya kana."
"Ayos lang po" sagot niya at kaagad na gumuhit ang mga ngiti niya sa labi.
Pagkatapos kumain ay dinala ulit ni Theo ang tray sa baba. Inutusan ko siya na magdala ng tubig at kape. Sumunod naman kaagad siya kaya agad rin siyang nakabalik.
Nakatayo lang ako dito sa bintana habang pinapanuod ang langit na may mga tala. Napapikit rin ako ng bahagya nang maramdaman ang dapyo ng pang gabing hangin. Nang nilingon ko siya ay seryoso lang siyang nakatingin sakin. Lumapit ako sa kanya nang may inabot siya.
"Notes po 'yan para sa quiz natin sa lunes" nakangiting sabi niya.
"Salamat" talaga. Iyon ang gusto kong sabihin pero hindi ko magawa.
Kinuha ko ang kape at muling dumungaw doon sa bintana.
"Jorjynna Dawn" mahinang pagtawag niya sa pangalan ko.
Nahinto ako sa pag higop ng kape at napabaling sa kanya. Alam na alam niya kung paano kuhanin ang aking atensyon.
"Gusto ko lang malaman mo na..."
Nanatili ang tingin ko sa kanya. Tahimik ko siyang hinintay sa susunod niyang sasabihin.
Tumingin siya sa aking mga mata. Hindi ko rin maialis ang tingin ko doon. Tila kinandado ng mga mata niya ang mga tingin ko.
"Higit ka pa sa sapat."

Komentar Buku (9)

  • avatar
    John Jelo Pasion

    Ganda super

    20/08

      0
  • avatar
    MontejoRaymond

    500

    15/08

      0
  • avatar
    FFEmpresrio

    tvvyyg

    18/07

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru