logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Chapter 02

GSA02.
"Sigurado ka po bang ako 'yung magsusulat?"
Umiling ako sa pangatlong tanong na iyon ni Theo. Hindi ako kumibo at kinuha ang marker at tumayo nalang at lumapit sa kanya, hudyat na magpapalit kami ng puwesto. Alam ko na parang kinahigan ng manok iyong sulat kamay niya dahilan para labanan ko ang matinding katamaran ko sa pagsusulat.
Siya iyong nagbabasa at ako naman iyong seryosong nagsusulat doon sa manila paper. Hindi naman ganoon kaganda ang sulat kamay ko pero natitiyak kong klaro iyon. Kase sa pagdating doon sa guro namin na siyang nagpasimuno nito, may dagdag points rin kapag malinis, maayos at maganda iyong visual aid.
Kaya naman noong natapos akong magsulat, nag cut out lang kami ng kung ano anong mga klase ng pang koloreti. Mabuti naman at tahimik lang din si Theo. Mukhang nagfo-focus rin siya doon sa ginagawa. Binasa ko lang ulit iyong aking sinulat kanina at baka may mali. Ngumingiti ngiti pa naman si Theo na parang hibang kanina habang nagbabasa.
"Kape ka muna at mukhang seryoso na seryoso ka dyan" pag tingin ko doon sa mesa ay nakalapag na ang isang tasa ng kape.
Dahan dahan kung kinuha iyong tasa at hinipan ang laman doon bago ininom. Hindi ko namalayan iyong pagtayo niya kanina. Masiyado lang talaga akong nakatutok doon sa aking ginagawa.
"'Tandaan mo ang timpla na 'to dahil sa tuwing magpapatimpla ako sayo, ganitong lasa dapat ang matiktikman ko" banayad na wika ko.
Bigla ay kinuha niya iyong baso ko at humigop doon. Huli narin ang lahat para mapigilan ko siya. Seryoso akong nag angat ng tingin sa nakatayong siya. Ang napakaayaw ko sa lahat ay iyong may ibang humigop sa kape ko.
"Sorry" agad niyang tugon. "Tinikman ko lang dahil baka makalimutan ko po 'yong lasa" depensa niya pa.
Walang kibo ko siyang iniwan doon bitbit ang tasa ng kape. Hindi ko naman kayang iwan nalang doon ang kape lalo pa at swak na swak talaga saking panlasa ang ganoong timpla.
Nang pumasok ulit ako sa loob ng bahay ay bahagya akong natigilan sa pag aakyat ng hagdanan ng marinig ko si Mama na mahinang humagikhik habang may kausap sa kanyang telepono.
"They're not gonna know so we don't have to worry."
May kung ano akong nararamdaman na siyang dahilan para kumulo ang dugo. Ayaw kong isipin na totoo ang kutob ko at lahat ng mga pagdududa ko... Kahit na ganoon paman ay pinilit ko ang sarili na kumalma at umakto na parang bang wala akong narinig.
Nagpatuloy ako sa paglalakad papunta sa kwarto. At bago ko pa man tahimik na buksan ang pinto ay tumigil kaagad ako ng marinig kong tinawag niya ang aking pangalan.
"Kanina ka pa ba?"
Blanko ang mukha ko nang lingunin ko siya at pagkatapos ay tipid na umiling. Hindi ko na hinintay pang may sasabihin pa siya dahil pagod na akong pakinggan ang mga iyon. Pagod na akong makarinig ng mga panibagong kasinungalingan.
Pasalampak kong inihiga ang sarili sa kama. Sa mga narinig ko at mga pagdududa ko, ayaw ko paring maniwala dahil ayaw kong umabot sa punto na magigising nalang ako isang araw na too pala ang mga iyon.
Kase parang hindi ko iyon kakayanin.
☽ ☽ ☽
"Ready kana ba sa reporting?" tanong ni Theo nang matapos kaming kumain ng tanghalian.
Tinignan ko siya ng maramdaman ang kaonting kaba sa kanyang boses. "'Wag kang kabado" sambit ko at muling tumingin sa kawalan.
Gumuhit ang ngiti sa kanyang mga labi. Ang ngiti na tanging nagpapakalma sakin sa tuwing kinakabahan ako husto at ang ngiti na nagpapakalma sakin sa lahat ng unos na dumating sa buhay ko. Ang ngiti na sa hindi maipaliwanag na dahilan ay siyang nagbibigay lakas sa akin.
Nang sampung minuto nalang bago mag ala una ay nagpasya na kaming pumasok. Sinadya naming mauna para maidikit na namin sa pisara ang report. Ang sabi pa ni Theo ay may kaonting minuto pa siya para mag review. Natutuwa akong isipin na inaaral niya rin talaga iyong report namin.
Tahimik lang akong naupo dito sa aking upuan dito sa likod. Hindi ko naman ugali ang mag aral ng ilang minuto bago magaganap ang report o kung mga quiz man dahil kapag ganoon, pakiramdam ko, napi-pressure lang ako dahilan para hindi na mag absorb sa utak ko iyong mga binasa at napag aralan ko, kahit na iyon pa ang ginagawa ng mga karamihan.
"Todo aral pa kami sa aming report pero mukhang sa visual aid lang pala kami tatalunin" komento ni Oscar—iyong isa sa mga kaibigan ni Theo nang makapasok sila sa silid.
Tumawa si Theo habang ako naman ay dahan dahan na dumistansya sa kanila.
Sumunod naman ang isa pa na si Conrad habang tinitignan ang kanyang relos. "It's already 1 but Mrs. Demaculang isn't here yet."
Bigla namang sumulpot iyong isa pang kaklase namin. "Ready na kayo guys, parating na si Ma'am!"
"Oh andyan na pala, good luck sa inyo dude!" sabi ni Oscar at tumango sa aming dalawa ni Theo bago nagtungo sa kanyang upuan. Ganon rin si Conrad.
Dumating na nga iyong guro namin kaya umayos kaagad kami. Pagkatapos mag prayer ay sinimulan narin namin ang report. Todo suporta naman ang mga kaibigan ni Theo samin.
Salamat at sa wakas ay natapos rin namin ang aming report. Katuwa-tuwang nasagot rin namin ang mga tanong na ibinato samin maging iyong mga tanong ni Ma'am maging iyong mga naging follow up questions niya. Pakiramdam ko ay sinadya talaga ng mga kaibigan ni Theo ang hindi magtanong dahil kahit iyong sina Guia at Conrad na pala-tanong, tahimik lang buong pagtayo sa namin sa dito harap.
Nang sumunod na subject ay inanunsyo ng aming guro na magkakaroon daw kami ng field trip sa susunod na linggo. Isa isa kaming binigyan ng parent's consent na ibabalik rin namin kinabukasan para malaman kung sino iyong sigurado na makakapunta.
Humikab lang ako habang nakasandal sa upuan ng sasakyan at ang tingin ay nasa gilid lang. Gusto kong umidlip pero ayaw kong mabitin ang tulog ko kaya doon nalang talaga ako sa bahay matutulog.
Sa gilid ng mga mata ko ay kita ko ang mga tingin ni Theo sakin. Tinignan ko naman siya at halos matawa ako dahil walang emosyon ang kanyang mukha. Pero hindi ako mahilig tumawa kaya seryoso parin ang tingin ko. Ginagaya niya ba ako?
Pagdating sa bahay ay iniwan ko lang si Theo doon sa baba at dumiretso na sa paborito kong parte ng bahay na ito—ang aking kwarto. Si Theo na ang bahalang magbigay alam kay Mama patungkol doon sa field trip. Wala namang halaga kung ako iyong magsasabi dahil tatanungin niya parin naman si Theo pagkatapos non na para bang hindi talaga ako sapat para pagkatiwalaan niya.
Nasanay narin naman ako sa ganoon. Ang hindi ko lang maintindihan ay kapag tanong siya ng tanong kung bakit palagi daw akong tahimik at madalas ay walang emosyon ang mukha. Bakit naman ako magsasalita kung hindi rin naman siya makikinig? Kung puro lang din naman siya kontra. Mas mabuti pa sigurong tanungin niya nalang ang sarili niya at baka may makalap pa siyang sagot.
☽ ☽ ☽
Dumating ang araw ng biyernes. Hindi kami ganoon kaaga na pumasok sa dahil alas nuebe pa naman kami aalis para sa naturang lugar na pupuntahan namin. Ngunit maaga akong naghanda at lumabas ng bahay.
"Oh Joji anak, magandang umaga sayo. Balita ko, may field trip daw kayo ngayon? Halika at ipaghanda na kita ng iyong almusal. Pababa narin ang Mama mo" salubong ni Aling Martina—ang ina ni Theo.
Tumingin muna ako sa mahabang mesa bago bumaling sa kanya. "Pwede bang sa inyo nalang po ako kakain?" tanong ko. Hindi dahil hindi ko nagustuhan ang mga pagkain, hindi ko lang talaga gustong makasabay si Mama.
"Pwede naman pero ang dami kase ng niluto ko" napahilot sa balikat si Aling Martina at nahihiyang na ngumiti sa akin.
"Walang problema. Pakihanda nalang po at dadalhin ko nalang mamaya."
Mas lalong lumawak ang ngiti niya. "O siya, sige na nga. Mag iingat at mag enjoy kayo doon ha?" habilin niya pa at niyakap ako.
Tumango lang ako bago tumuloy. Habang naglalakad ay itinaas-taas ko pa ang isang paa ko dahil natanggal sa pagkabuhol iyong sintas ng aking sapatos. Nang makarating ako sa bahay nina Theo at itinaas ko ulit iyon at ipinatung doon sa sementong upuan sa labas ng bahay nila para ayusin. Pero sa isang mabilis na paraan ay nagawa niya akong naunahan doon.
"Good morning, Jorjynna Dawn" nakangiting bati niya.
Pinangunutan ko lang siya ng noo. Hindi ko alam kung bakit parang kumalabit sa dibdib ko nang marinig ko mula sa kanya ang buong pangalan.
Nilagpasan ko lang siya at dumiretso na sa kanilang kusina. Pagkadating ko doon ay naroon na ang mga pagkain sa mesa. Mayroon ring kape na umuusok pa dahil sa init. Nakahanda ang pagkain na para bang alam niyang dito ako kakain kahit hindi naman.
Hindi pa ako nakapagsimulang kumain nang maramdaman ko ang palad niya sa aking ulo. Mula sa itaas hanggang pababa na pabalik balik lang. Ngayon ko lang napagtanto na hindi pala ako nakapag suklay kanina. Nang hindi sadyang masagi ng daliri niya ang aking tainga ay napalunok ako ng mariin, na sa totoo lang ay hindi ko rin maintindihan. Mabuti nalang at hindi na siya nagtagal pa doon.
Nang natapos kaming kumain na dalawa ay naghanda narin kami. Pinagtimpla ko ulit siya ng kape para babaunin ko mamaya. Sinunod niya naman iyon at nagtimpla rin ng kanya. Inggitero. Iyong kanya nga lang ay nilagyan ng gatas para daw masarap parin kahit hindi na mainit.
Natapos rin kami at nagpasya nang magpahatid sa school. Habang nasa biyahe ay tahimik lang kami. Laking pasalamat ko na hindi talaga nahawa si Theo sa mga kaibigan niya na ang iingay. Kung nagkataon ay baka Hindi kami magkasabay na pumasok sa school. Ayaw ko lang talaga kase ng maingay. Salamat rin dahil naiintindihan iyon palagi ni Theo at madalas niyang ibinibigay iyon sa akin.
Pagdating namin sa school ay nasa labas na iyong mga ibang grade 9 na estudyante na naghihintay rin ng bus na masasakyan. Dalawa ang bus na dumating dahil apat ang section sa grade 9 at sa bawat bus ay dalawang section ang nandoon. Isa Isa agad kaming pumuwesto. Pinili kong doon sumakay sa pinakaharap kung saan kitang kita ko ang kalsada.
Nang tinignan ko ang tabi ko ay walang umupo doon kaya doon ko iniligay ang bag ko. Kinuha ko rin iyong earphones ko at ibinaon iyon sa tainga ko at tsaka nagpatugtog. Hindi naman iyon ganoon kalakas dahil narinig ko pa nang inanunsyo na noong isang guro na maupo na daw ang lahat dahil tutulak na daw kami nang bigla nalang may kumuha sa bag ko sa aking tabi at inilagay iyon sa harap.
"Ayaw mo ba ng may katabi?" may bahid ng pag aalinglangan ang kanyang boses.
Tinapunan ko lang siya ng tingin. "Dyan kalang."
Ipinikit ko nalang ang mga mata ko at sumandal. Ilang saglit pa ay naramdaman ko na ang kamay niya sa gilid ng ulo ko. Napadilat rin ako bahagyang binalot ng amoy ng white flower iyong ilong ko.
Walang emosyon akong pumikit muli. Nakangiti ako sa loob ko dahil bigla ko nalang naramdaman na parang may humaplos sa aking puso. Nilalagyan niya ng white flower ang gilid ng ulo ko dahil alam niyang madali akong mahilo at sumakit ang ulo ko kapag hindi de-air con ang sinasakyan ko kahit pa hindi naman ganoon kahaba ang biyahe.
Sa ginawa niya ay nakaramdam ako ng kaginhawaan.
Pagkarating namin dito sa nasabing lugar ay halos lahat ay excited na bumaba. Nandirito kami ngayon sa isang rabbit farm. At bago pa kami magsimula ay may maraming habilin at paalala pa aming mga guro samin. Binigyan din niya kami ng mga instructions sa kung Anong gagawin namin dahil pagkatapos daw nito ay mayroon kaming activity patungkol dito sa aming field trip na ito.
Hindi pa nga nakakapagsimula at tinatamad na ako.
Lumayo ako doon sa karamihan. May nakita naman akong malaking dahon kaya kinuha ko iyon at ginawang sapin at tsaka umupo. Agad namang nahanap ng mga mata ko si Theo bitbit ang dalawang bag habang nakipag usap sa mga kaibigan niya. Lumilinga linga pa siya at nang mamataan niya kung nasaan ako ay kaagad siyang nagtungo dito.
May kinuha siya sa bulsa ng kanyang bag at mas lalong lumapit sakin. Itinupi niya ang isang tuhod umupo sa dulo noon. Noong nagkatapat kami ay tinignan niya muna ako sa mga mata ng taltlong segundo at tsaka bumaba ang mga tingin sa braso ko.
Nagsimula na siyang mag spray ng off na spray sa magkabilang braso ko at mahinang hinagod iyon para malagyan lahat. Nakapantalon naman ako kaya wala ng rason para malagyan din iyong mga binti ko.
"Baka malamok doon" seryosong sabi niya.
Randam ko ang tingin ng ibang estudyante samin pero hindi ko iyon pinansin. Maliban nalang sa mga kaklase ko dahil sanay naman sila at alam naman nila kong ano ko talaga si Theo.
"O ayan, sigurado akong wala nang makakalapit sa makakatikim na lamok sayo niyan" kampante at natatawa niyang sinabi.
Binigyan ko lang siya ng isang thumbs up at malapad namang ngiti ang iginanti niya.
Tumayo narin kami ng naglakad na ang ibang mga kasamahan namin. Pinaspasan ko ang likod ko at wala sa loob akong napatingin sa harapan, sa unahan. Ngunit nanlaki lang ang mga mata ko nang matagpuan doon ang isa pang saksakyan ni Mama sa bahay. At mas lalo pang bumilog ang mga mata ko nang masaksihan ang isang pamilyar na lalaki ang pumasok doon.
Ilang saglit pa ay hindi umalis doon ang kotse. Kung ano namang mga masasamang bagay ang pumasok sa utak ko kaya halos kumulo din ang dugo ko sa loob. At hindi pa nga ako naka-recover sa aking nakita ay mabilis na akong hinila ni Theo palayo.

Komentar Buku (9)

  • avatar
    John Jelo Pasion

    Ganda super

    20/08

      0
  • avatar
    MontejoRaymond

    500

    15/08

      0
  • avatar
    FFEmpresrio

    tvvyyg

    18/07

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru