logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Chapter 01

GSA01.
Pinanuod ko si Theo nang may kinuha siyang supot sa kanyang bag. Kinuha niya ang balot doon at nakita kong isa iyong lunch box. Pero alas nuebe palang ng umaga kaya recess time pa namin. Ang aga niya namang mananghalian.
"Kumain ka" utos niya.
"'Di pa tangahalian."
"Agahan po" usal niya at nagpatuloy sa ginagawa.
Hindi ako kumibo. Nanatili ang tingin ko roon sa pagkain sa lunch box. Sa malaking lalagyan ay naroon ang kanin, sa dalawang magkahiwalay naman ay ang spam at hiniwang pipino.
"Kumain ka dahil hindi ka nag almusal kanina" ngayon ay puno ng awtoridad ang kanyang boses.
Kaya pala siya nagdala ng pagkain kase nalaman niyang hindi ako nag almusal. Tumingin ako sa kawalan. Wala akong takas.
Tumayo at ako umambang umalis pero mabilis na nasakop ng malaking palad niya ang kamay ko. Natigilan ako at bumaba ang tingin sa kamay naming dalawa. Nag angat nalang ako ng tingin nang hindi niya pa binitiwan iyon.
"Bibilhan kita mamaya ng kung anong gusto mo. Lagyan mo muna ng kanin ang tiyan mo bago ang ibang mga pagkain" seryosong sambit niya tsaka binitiwan ang aking kamay.
Hindi naman na ito bago sa akin. Nagagalit talaga siya sa tuwing malalaman niyang hindi ako kumakain ng agahan.
Pabagsak akong umupo sa upuan. Umupo rin siya at pinanuod lang akong kumain. Sa kanyang tingin ay halatang sinisigurado niya na nasa tiyan talaga ang bagsak ng bawat pagsubo ko at hindi sa sahig.
Kinuha niya rin ang tumbler sa kanyang bag at inilagay sa aking harap. "Sabihin mo lang kung may gusto ka pa."
"Ayos lang ako dito. Puntahan mo na ang mga kaibigan mo" sambit ko at muling sumubo.
Napatingin siya sa akin pero hindi ko na siya pinansin. Nagpatuloy lang ako sa pagkain. Hindi niya naman ako kailangan bantayan dahil hindi naman ako tatakas kung iyon ang iniisip niya.
Ngumiti siya at itinukod ang dalawang braso sa mesa at ipinatong ang ang kanyang mukha sa palad. Mukhang tuwang tuwa siya sa nagaganap sa kanyang harapan. Binigyan ko lang siya ng blankong tingin.
"Mas gusto ko dito."
Tumingin ako sa kabilang direksiyon. Nakita ang mga kaibigan niya doon na kumakain at masayang nagku-kuwentuhan habang siya naman ay andito sa harap ko at binabantayan ako.
Ayaw ko iyong nasa akin lang halos ang kanyang oras at atensiyon. Hindi lang naman ako iyong tao sa buhay niya. May mga kaibigan rin siya, hindi kagaya ko na isa lang ang kaibigan at siya iyon. Kahit na may sahod siya sa pagiging alalay ko, ayaw ko parin siyang limitahan at pigilan sa mga gusto niyang gawin.
"Wala namang tinik 'tong spam kaya 'wag kang mag alala. Ayos na ako dito. Doon ka na."
Patuloy ang pagkumbinsi ko sa kanya na puntahan ang mga kaibigan niya at kumain doon. Salamat naman dahil pumayag rin siya. Hindi naman pwedeng tumitig lang siya sakin habang kumain dahil hindi naman siya mabubusog pag ginawa niya iyon.
Tsaka sa mga kaibigan niya, marami sila at lagi silang magkasama. Magkasamang kumain, gumawa ng projects at assignments, magkuwentuhan at kung ano pa. Sa pag uwi lang si Theo hindi makasabay sa kanila dahil lagi kaming magkasabay dahil may sundo naman ako.
Noong una ay sinubukan ni Theo na isali ako sa kanilang barkada ay umayaw ako. Sinubukan ko naman kaso hindi ko talaga kayang makipag sabayan sa kanila. Bukod sa madalas silang kumakain at parang hindi na nabubusog, ang ingay pa nila.
Sinubukan kong mag adjust para lang mafit-in sa grupo nila, kaso hindi talaga kaya. Doon ko napagtanto na okay lang naman mag isa. Hindi mo naman kailangang pilitin ang sarili para maramdaman mong belong ka sa kanila.
As long as you're happy of what you are doing and as long as you're not causing any harm to others, then you're great. You're all good. You can be your own company. Being alone is not bad.
Gusto ko ng kapayapaan at katahimikan.
At si Theo lang nagbibigay sakin noon.
Tumayo ako kaagad ng matapos ng kumain. Tinignan kong muli ang gawi nila kasama ang mga kaibigan niya. Nakangiti na siyang nakikipagkuwentuhan doon. Hindi na ako nagpaalam pa at dumiretso na sa silid aralan.
Pagdating naman dito sa mga kaklase ko, wala namang masiyadong kumakausap at lumalapit sakin at iyon ang nagustuhan ko. Tahimik lang naman ako dito sa likod sa pinakagilid, malapit sa bintana. Hindi ko alam kung nai-intimidate ba sila sa ugali ko o dahil lang sa anak ako ng Alkalde dito sa aming siyudad. 
Puwera nalang kong iyong mga anak rin ng politiko o mga kilalang tao dito sa lungsod ang lumalapit sakin. Wala naman silang pakialam basta nagagawa nila gusto nila. Wala rin namang may malakas na loob ang aawat sa kanila.
Hindi naman ako kagaya ng ibang anak ng politiko na may maraming kakilala, maraming koneksiyon at maraming arte sa buhay. Gusto ko lang naman mamuhay ng marangal, simple at matiwasay. Sa ano mang klase ng buhay ang meron ako ngayon, hindi ako nagsisi sa naging desisyon ko.
Ilang saglit pa ay nagsidatingan narin sina Theo kasama ang barkada niya. Isinabit niya ang bag sa likod ng kanyang upuan. Tumigil siya ng bahagya at tinignan ang direksyon kung saan ako nakaupo. Para niyang chini-check kung maayos lang ba ako doon.
Tinitigan ko lang siya at hindi na nagtangkang gumalaw pa. Nang makuntento siguro ay kusa rin niyang binawi at tingin at nagtungo sa pisara para tulugan sa pagdikit ng kanilang visual aid sina Devy at Lia para sa kanilang report.
Noong dumating na ang guro namin ay umayos na agad sila ng upo. Nagsimula naring mag discuss sina Devy at Lia sa kanilang report sa harapan. Muling tumingin si Theo sakin pero hindi parin ako nagbigay ng kahit na anong reaksiyon.
Pagsapit ng lunch break ay dumiretso lang ako roof deck habang sumisinghot sa maliit na bote ng white flower na aking dala. Ito ang laging kong baon dahil hindi ako napapakali kapag wala ito. Maiwan na ang perfume ko, huwag lang ito.
Habang umaakyat ay humihikab ako dahil dinalaw na naman ako ng antok. Mga ganitong oras talaga ang schedule ng antok ko. Humiga kaagad ako gamit ang bag bilang unan ko. Gamit ang braso ay tinakpan ko ang mga mata mula sa medjo nakakasilaw na liwanag.
Masarap tambayan dito sa roof deck dahil bukod sa kita mo na ang buong malawak na lugar, nakakalanghap ka pa ng preskong hangin. Lalo na ngayon na perpekto lang iyong weather para sakin. Hindi mainit, pero mahangin at maulap ang kalangitan.
Iyon nga lang simula noong tumambay ako dito, wala nang iba pang estudyante ang nagtangka pang pumunta dito. Hindi ko naman sila pinagbabawalan, sila lang talaga iyong kusa na lumalayo.
Naramdaman kong may umupo malapit sa aking paa at alam ko na kung sino iyon. Hindi ako gumalaw at nakiramdam lang sa paligid.
"Kumain kana po" magalang na utos niya.
"Hindi ako gutom, ikaw na ang kumain niyan" sagot ko at nanatili parin sa ganoong posisyon.
"Kahit may siopao, ayaw mo parin? Sige, akin nalang 'to."
Bago paman siya makatayo at makalayo at mabilis pa sa kisap mata akong bumangon at hinablot iyon mula sa kamay niya.
Noong nakuha ko iyon ay kaaga kong kinuha ang supot, nilagyan ng ketchup tsaka kumagat doon.
"Ang cute niyo po... hehe, parang siopao" nahihiya ang boses niya pero ang kapal ng mukha niya ng sabihin iyon sa akin.
"Hindi ko hinihingi ang opinyon mo. Makakaalis kana" sabi ko at tumalikod sa nakatayong siya.
"Sorry po Joji, hindi na mauulit. Sige aalis na ako at kumain kana rin."
Hindi ko na siya nakita noong umalis na. Hindi rin naman ako na-offend doon sa sinabi niya kase wala naman akong pakialam kahit ano pang maging hitsura ko. Ang akin lang ay gusto ko lang mapag isa.
Nakatayo lang ako doon habang malalim ang iniisip. Iyong madalas na sumasagi sa utak ko iyong kung paano kaya kung hindi ako anak ng isang Alkalde at ng isang kilalang Abogado, ano kaya ang magiging buhay ko? Masaya kaya? Kahit hindi ganoon ka katahimik, ayos parin kaya?
Sa gitna ng aking pag iisip ay nasagi ng tingin ko iyong mga estudyante dumadaan sa ibaba. Si Theo kasama iyong pitong barkada niya. Nagtama ang tingin naming dalawa. Gumuhit ang ngiti ang kanyang labi at bahagya rin siyang kumaway kahit pa natitiyak kong wala siyang nakikitang emosyon galing sakin.
☽ ☽ ☽
"Jorjynna" dinig kong tawag ng aking tatay kaya napahinto ako.
Napahigpit ang kapit ko doon sa libro at manila paper na hawak ko. Bumuga ako ng hangin at hindi nagtangkang lumingon. Mayroon akong narinig na mga yabag ng paa kaya nasisiguro kong palapit na siya sa akin.
"Na miss kita, prinsesa ko" malambing na tugon niya at matunog akong hinalikan sa noo pagkatapos akong yakapin, na dahilan para maramdaman kong may kung anong pumiga sa aking puso.
Pero hindi ko siya nagawang yakapin pabalik. Nanatili lang akong nakatayo doon na parang isang tuod na kahoy.
"Kumusta ka naman? Mag aaral kayong mabuti, kayong dalawa ni Theo, ha?" paalala niya habang nakatingin sakin pero nanatili sa harap ang tingin ko.
Hindi ko maintindihan kung bakit laging wala si Papa dito sa bahay. Kahit naman gaano siya ka-busy dati ay nagagawa niya parin namang umuwi dito pero ngayon para sadya niyang iniiwasan itong bahay.
Dati ay kating kati akong tanungin siya kung bakit hindi madalang nalang siyang umuwi dito sa bahay. Na kung masiyado ba talaga siyang busy sa kanyang trabaho dahil sa isang buwan at parang isang beses ko nalang siyang nakikita.
Meron ding mga buwan na lumilipas pero ni anino niya ay hindi ko nakikita. At sa tuwing umuuwi siya ay iyong wala dito si Mama sa bahay. Baka nga ay hindi na sila nagkikita. Kahit sa pagkain ay hindi ko madalas kasabay ni Mama. At hindi ko maintindihan kung bakit ganoon dahil wala ni isa sa kanila ang nagpasyang kumausap sakin.
Pero hindi ko inaasahan ang nangyayari ngayon.
Hindi ko kailanman naisip na darating ako sa puntong ito... iyong hinahayaan nalang sila at hindi na inaabala pa.
"'Wag niyo na po akong alalahanin. Mag aaral naman akong mabuti kahit hindi niyo pa sabihin" sagot ko iniwan siya doon.
Kasabay ng mga hakbang ko ay ang hindi mabilang na mga buntong hininga ko habang pilit na iniangat ang mga mabigat na balikat ko na bumagsak kanina.
Matagal bago ako pumunta sa bahay nila Theo dito lang sa likod ng bahay namin. Umupo muna ako roon sa may garden at ipinahinga ang utak. Ayaw ko iyong naghahalo sa utak ko ang problema dito sa bahay at ang pag aaral ko.
Kahit mahirap... kahit sobrang hirap... hinding hindi ko hahayaan na maapektuhan ng problema dito ang pag aaral ko. Iyon lang ang pinakaiingatan ko dahil iyon ang laging takas ko sa lahat.
Nang medjo gumaan na ang pakiramdam ko ay tumayo na ako at naglakad na papunta sa bahay nina Theo. Wala iyong mga magulang niya dito tuwing araw dahil iyong tatay niya ang driver namin habang ang nanay niya naman ang mayordoma namin.
Bukas ang kanilang pintuan kaya dumiretso lang ako pagkapasok. Walang akong taong nadatnan dito sa sala kaya ibinaba ko muna ang mga gamit para sa pag gawa ng report sa mesa nila at nagtungo roon sa kusina.
Doon ay nakita ko si Theo na nakatalikod at paranag may hinihiwa, walang damit pang itaas at nakasuot lang ng apron. Bagsak ang buhok at mukhang kakagaling sa pagligo. Bagong gupit at naamoy ko ang presko kahit sa ilang dipa na agwat namin.
Makintab ang kanyang malaking likod dahil sa pawis. Ngayon ko lang napansin ang kanyang katawan. Bigla akong napaisip kung ano ba ang mga ginagawa niya at naging ganoon kapormado ang kanyang katawan kahit sa mura pang edad.
Nalunod ako sa aking pag iisip kaya naman nang humarap si Theo sakin ay mariin akong napalunok at nag iwas ng tingin nang tumambad sakin ang katawan niya. Masiyadong maliit ang apron na suot niya kaya kinain lang iyon ng kanyang katawa. Randam ko rin ang di inaasahan na paghina ng mga tuhod ko, na siyang nahihirapan rin akong ipaliwanag iyon.
Pumunta lang naman ako dito para sa report na gagawin namin, hindi para mawalan ng lakas ng tuhod ko at manginit ng husto ang mukha ko.
"Andyan kana pala. Upo ka muna doon at tatapusin ko lang 'to" uto niya na diretsong nakatangin sakin.
Ako iyong amo rito pero ako iyong laging inuutusan ni Theodehn.
Hindi ako sumagot at matulin na naglakad pabalik sa kanilang sala. Iyon ang napala ko sa pagiging malikot.
Dati sa tuwing tumingin ako sa katawan niya, wala naman akong nararamdaman na kahit na ano. Ibang iba sa nararamdaman ko kanina. Para akong nasilaw sa matingkad niyang likod. At parang sumigla bigla ang aking mga mata.
Dahil ba iyon sa lumalaki na iyong katawan niya o may iba pang dahilan? Kung ano man iyon ay ayaw ko nang malaman pa. Ilang minuto pa ay sumunod rin siya sakin.
"Kumain muna tayo dahil baka hindi kana naman kumain ng tanghalian?" patanong na sabi niya at tipid na tumawa.
Napatayo ako nang maramdaman ang biglang pagtalon ng aking puso. Nagulat ako kaya mabilis akong nagtungo sa kusina at iniwan na siya doon. Sana ay hindi niya iyon nahuli.

Komentar Buku (9)

  • avatar
    John Jelo Pasion

    Ganda super

    20/08

      0
  • avatar
    MontejoRaymond

    500

    15/08

      0
  • avatar
    FFEmpresrio

    tvvyyg

    18/07

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru