logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Chapter 7

“READY ka na ba para sa contest?” tanong ni Gabriel kay Marielle. Kasama niya ang babae sa lobby ng hotel. Mamayang gabi na ang contest ngunit hindi niya pa naririnig ang contest piece nito. Ayaw kasi nitong iparinig sa kanya dahil sorpresa raw iyon.
“Yes. Masyado ka namang excited, ang aga-aga pa, mamayang alas-siyete pa ang contest,” natatawang wika nito.
Tumawa rin siya at inalok na lamang ito ng kape. Natutuwa talaga siya sa ipinagbago ni Marielle simula noong unang beses niya itong makita. Ang mga mata nito ay hindi na matamlay at tila laging iiyak. Nagniningning na ang mga iyon.
Maging sa kanya ay may nagbago rin. Naging mas makulay ang mundo niya nang makilala ito. Dati-rati, araw-araw ay pare-pareho lamang, he had nothing to be excited about every morning. Sa tuwing gumigising siya sa umaga ay trabaho lamang ang nasa isip niya but now it was different. Mayroon na siyang isang taong iniisip bago siya matulog sa gabi at pagkagising niya sa umaga. And every time he thinks about her, his heart always skipped a beat. Just thinking about her can make him happy and contented.
“Oo, gusto ko ng kape,” sagot nito kapagkuwan.
“Tara, doon tayo sa bahay. May bitbit na kape si Adara kanina, imported daw iyon. Binyagan natin,” yaya niya rito saka siya tumayo at iniabot ang kamay rito. Tinanggap naman nito ang kamay niya. Magkahawak-kamay silang lumabas ng hotel at nagtungo sa bahay niya.
Holding her hands was simply heaven, no one ever made him felt that way, only Marielle. Unang beses niya pa lamang itong nakita ay tinamaan na siya rito kaya naman kahit ano ay gagawin niya, mahulog lamang ang puso nito para sa kanya.
“Masarap ang kape na ‘to, infairness. Saang bansa ito galing?” tanong ni Marielle sa kanya. Nakaupo ito sa pasemano ng front porch at siya naman ay nakatayo lamang at pinagmamasdan ito. Para siyang nanunuod sa isang Diyosa habang hinahangin ang mahaba at pula nitong buhok. She was simply pretty even without make up. She was pretty in her simple loose yellow shirt and maong pants. She was gorgeous without high heels in her feet.
She was a goddess without giving a try. At si Marielle lamang ang i-d-in-escribe niya sa ganoong paraan. Sa kanyang mga mata ay wala nang mas gaganda pa rito, her beauty was exceptional.
“Why are you looking at me like that?” nagtataka ngunit nakangiting tanong ni Marielle sa kanya. Napabuntong-hininga siya nang salubungin siya ng ngiti nito.
“Wala. Ang ganda mo lang,” aniya. Kung anuman ang sinabi niya ay totoo iyon sa puso niya.
“Nagiging bolero ka na, Gabriel,” napapailing nitong wika saka bumaba sa pasemano at lumapit sa kanya. Iniabot nito sa kanya ang tasa na wala nang laman. “Salamat sa kape. Babalik muna ako sa hotel room ko, maghahanda ng isusuot para mamaya.”
“Gusto mo ibili na lang kita ng susuotin mo para mamaya?” alok niya rito.
“Hindi na. I'm not into material things, Gabriel. Kung liligawan mo ako, huwag sa ganyang paraan dahil hindi iyan uubra sa akin,” seryoso nitong wika. And that was what he liked about her. Karamihan sa mga naging nobya niya ay nag-e-enjoy sa mga materyal na bagay. They loved shopping, they loved to receive signature items from him. Si Marielle ang uri ng babae na hindi mabibili.
“Sabi ko nga, bossing. I'll just wait for you at the lobby this afternoon. Sabay na tayong kumain,” aniya.
“Fine. Sige na, maiwan na muna kita.”
Pinagmasdan ni Gabriel si Marielle habang naglalakad ito palabas ng bakuran niya. Napapangiti lang siya, alam niyang hindi na siya magmamahal nang ganoong katindi kahit kailan. Kailan ba siya napangiti ng isang babae nang walang dahilan? Kailan ba siya naging masaya at kontento nang dahil lamang naiisip niya ang maamo nitong mukha?
He was just a normal guy; he went to bed with every girlfriend he had for the past years. But it was different with Marielle, hindi niya kailanman naisip na dalhin ito sa kama. Kahit kailan ay hindi pumasok sa isip niya na iyon lamang ang pakay niya rito. Hindi niya maatim kahit isipin man lang na maisasama niya ito sa kama niya outside marriage. Yes. He can imagine his future with her. It was kind of scary. Pero masarap sa pakiramdam.
Hindi niya rin alam kung bakit sa kabila nang maikling panahon ay inibig niya ito. He didn’t know that was possible. Puwede pa lang sa unang beses ay makakakilala siya ng isang tao na makakapagpabago sa pananaw niya sa pag-ibig at sa buhay.
Papasok na sana siya sa bahay nang may isang kotseng tumigil sa harap ng kanyang bahay. Lumabas mula sa passenger seat ang step-father niya. “Daddy!” salubong niya rito.
“How are you, son? Kumusta ka naman dito sa bahay mo? Ang pasaway mong kapatid, nasaan na?” nakangiting wika nito saka sila sabay na pumasok sa bakuran niya.
“Nasa resort si Adara, Dad. Baka kinukulit na naman niyon si Ylbert,” kaswal niyang wika. “Gusto niyo po ng kape?”
“Hindi na. At sino naman ang Ylbert na iyon?” kunot ang noong tanong ng step-father niya. Ang Daddy Joaquin niya ang tatay ni Adara, hindi siya nito tunay na anak ngunit minahal siya nito nang higit pa sa pagiging kadugo nito. He lost his father when he was ten and his Daddy Joaquin gave him the love he needed.
Malaki na siya nang tuluyan itong tumira sa bahay nila. Madalas ay padalaw-dalaw lamang ito sa kanila kahit anak na nito at ng mommy niya si Adara. Masayang-masaya siya noong magdesisyon itong mag-stay na sa kanila for good.
Nang mawala ang mommy niya, nais sanang hanapin ng Daddy Joaquin niya ang pamilya nito upang magkasama-sama ang lahat ng mga anak nito, kasama na siya. Ngunit wala itong lakas ng loob na gawin iyon. Malaki ang naging kasalanan nito sa pamilyang iniwan nito ngunit sa tingin niya ay magkakaayos ang mga ito kapag nag-usap at humingi ng kapatawaran ang Daddy Joaquin niya.
“Hijo, who is Ylbert?” untag sa kanya ng matandang lalaki.
“Ha? Si Ylbert po ay isang crew ng KTV Bar ko. Apple of the eye siya ngayon ng 'mabait' kong kapatid,” natatawang wika niya.
“Bakit mo pinapayagan ang kapatid mong lumapit sa kung kani-kaninong lalaki?”
“Dad, Adara is an adult now. Hindi na siya iyong teenage girl na kailangan nating bantayan lagi. Saka, hindi naman siya gusto ni Ylbert kaya hinahayaan ko lang,” nakangisi niyang wika.
“Masasaktan ang kapatid mo kung ganoon,” nag-aalalang wika nito.
“That's okay, dad. Hangga't maaga ay kailangan niyang masanay na masaktan para sa susunod ay hindi na niya indahin iyon. Pain can make her stronger.”
“Pero, hijo, she'll always be my little baby,” may pag-aalala pa rin sa mga matang wika nito.
“Dad, hayaan mo na muna si Adara. Mabuti pa mag-enjoy ka na muna rito sa resort.”
“Hindi, aalis din ako agad. Kailangan ako sa kompanya, nais ko lang kayong kumustahin. Nami-miss ko na kayong dalawa. Dati ikaw lang ang wala sa bahay natin, ngayon ay dalawa na kayo ni Adara. Can you imagine how lonely am I at home?” pangongonsenya pa nito.
“Uuwi rin naman kami ni Adara, dad. At saka nagbabakasyon lang naman si Adara rito, babalik at babalik iyon sa Maynila. Mabuti pa, ipapatawag ko na si Adara sa resort para ipaalam na narito ka.”
“Mabuti pa nga, hijo.”
PALABAS si Marielle ng kanyang hotel room upang kumain nang pagbukas niya ay nakatayo sa harap ng pinto ang Ate Faye niya. Tila balisa ito at may malalim na iniisip.
“Ate naman! Ano ba ang ginagawa mo riyan at bakit hindi ka kumakatok? Muntik na akong atakihin sa'yo!” aniya saka hinila papasok ng kwarto ang pinsan niya. “May problema ba?” tanong niya rito nang makaupo na sila sa couch.
“Wala naman,” anito ngunit alam niyang may gumugulo sa isip nito.
“Huwag ka ngang magsinungaling, ate.”
“I'm not. Nag-away lang kami ni Ken,” anito.
“May bago ba diyan, ate?” natatawa niya pang wika.
“May itatanong pala ako sa iyo, kasi may kaibigan akong may problema at hindi ko alam ang ipapayo ko sa kanya.”
“Sige, tanong lang.”
“Kasi iyong kaibigan ko, iniwan sila ng father niya para sa ibang babae. Ngayon, itong kaibigan ko, na-in love, ang hindi niya lang alam, iyong guy pala na gusto niya ay anak ng babaeng sinamahan ng father niya kaya sila nito iniwan. Galit na galit iyong kaibigan ko 'dun sa tatay niya. Hindi niya ngayon matanggap na minahal niya ang lalaking mas pinili nitong arugain kaysa sa kanila ng pamilya niya. Ano sa tingin mo ang ipapayo ko sa kanya?”
“Grabe naman iyang sitwasyon na iyan, ate. Kung ako iyong babae na iyon, mahihirapan talaga akong tanggapin na minahal ko iyong lalaking ipinagpalit sa amin ng tatay ko. I mean, example, ako iyong babae 'tapos minahal ko iyong lalaking inalagaan ni tatay, baka mamundok na lang ako. Hindi ko kayang tanggapin iyon,” sagot niya pa.
“Hindi mo talaga matatanggap iyong lalaki kung saka-sakali?” nag-aalala pang tanong nito.
Tinitigan niya ito nang mataman, parang mas bahalang-bahala pa ito kaysa sa kaibigan na sinasabi nito. “Siguro, unfair na idamay iyong lalaking mahal niya, pero masakit talaga iyon. Naranasan ko kung paano maiwan ng isang ama at ang isipin lang na mamahalin ang lalaking nagtamasa ng pagmamahal ni tatay ay hindi ko ma-take kasi iyong pagmamahal na iyon, para sa aming magkakapatid dapat iyon, eh.”
“Sabi ko nga,” sang-ayon na lang ito.
“Eh, bakit ba kasi parang alalang-alala ka?”
“Kaibigan ko kasi ang involve. Saka mabait na tao iyong lalaki, mahal niya ang kaibigan ko,” anito.
“Hayaan mo, ate. Malay mo mas manaig ang pag-iibigan nila kaysa sa galit ng kaibigan mo. Mabuti pa, samahan mo na lang kami ni Gabriel na mananghalian.”
“Sige, tara na sa baba.”
“GABRIEL, can we talk?” ani Faye. Nilapitan siya ng babae habang nasa loob siya ng KTV Bar.
“Sure. About what?” tanong niya rito.
“Puwede ba sa isang pribadong lugar tayo mag-usap?” pakiusap pa nito.
“Sige, tara roon sa office ko.” Pagdating nila sa opisina niya ay pinaupo niya ito sa upuan sa harap ng mesa niya. “Tungkol ba saan iyan, Faye? You looked so tense. May pinag-awayan na naman ba kayo ni Ken?”
“This is not about me and Ken, Gabriel. It's about you and my cousin,” seryoso nitong wika.
Napakunot ang noo niya, hindi niya alam kung anong nakababalisa sa kanya at kay Marielle. “Okay. Tell me, ano ang problema?”
“Tama ba ako na si Joaquin Diaz ang step-father mo?” diretsong tanong nito sa kanya.
“Yes. He is Adara's father and my mom's second husband. May problema ba roon?”
“Siya ang ama ni Marielle,” ani Faye. Tila bombang sumabog sa harap niya ang sinabi nito. “At galit na galit si Marielle sa tatay niya, alam mo iyon, Gabriel. Maaaring hindi niya matanggap na ikaw ang inalagaan ng tatay niya imbes na sila ng mga kapatid niya.”
“Nasabi mo na ba kay Marielle ang nalalaman mo, Faye?” nag-aalalang tanong niya. Bakit pa parang pinaglalaruan sila ng tadhana? Kung sino pa ang babaeng minahal niya ay maaaring hindi siya mahalin kailanman dahil sa kakaibang sitwasyong kinasusuungan nila.
“Hindi pa. Ayokong mabigla siya, hindi ngayon ang tamang panahon dahil may contest siyang sasalihan.”
“Huwag mo munang sasabihin sa kanya ang lahat, Faye, please,” pagmamakaawa niya sa babae. “I'm the one who'll be telling it to her. But not now.”
“Hindi kaya mas maging komplikado ang lahat kung patatagalin pa natin?”
“Isikreto muna natin sa kanya ang lahat, Faye. Please, not now. Malalaman niya rin ngunit gusto kong ihanda siya.”
“Mangako ka lang, Gabriel, na bago niya pa malaman ang lahat ay talagang maihahanda mo siya. Alam kong mahal mo ang pinsan ko ngunit maaaring hindi niya matanggap ang lahat. Pareho lamang kayong masasaktan. Ang nais ko nga sanang i-suggest sa iyo ay layuan mo na lamang ang pinsan ko para hindi na siya masaktan pa nang todo-todo. Ang makilala ang pamilyang ipinagpalit sa kanila ng tatay niya ay masakit na para sa kanya. Ano pa kapag nalaman niyang minahal niya ang lalaking isa sa pamilyang iyon?” ani Faye saka bumuntong-hininga.
“I can't, Faye. Mahal ko talaga siya, hayaan mo na akong dumiskarte rito.”

Komentar Buku (20)

  • avatar
    de los santosrodellyn

    nice story i love it

    21/06

      0
  • avatar
    France J Baylon

    nice

    06/06

      0
  • avatar
    GanduhaoRogen

    nice

    27/04

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru