logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Bab 7 Nickname

Light's POV
"SHUT UP?!" Sigaw na bungad sa amin ni Zach pagkapasok niya dito sa room. Ngayon na naman din siya pumasok after a month.
"I love hearing her shout dahil sa sakit" Pabalang sumbat naman ni Irene sa kaniya.
"Then do that sa labas, sakit niyo sa tenga" Inis na sabi ni Zach.
Irene is picking up on me again. She stepped on my hands again rason para mapasigaw ako sa sakit. Pulang pula na ang kamay ko kakatapak niya doon. I took that advantage para tuprahan ng laway ko ang sapatos niyang mamahalin daw.
Alam ko naman na mukha siyang sapatos e, pero ang akin lang sana naman 'wag siyang nananapak ng kamay.
"What the heck?!" Maarteng sumbat niya.
Agad akong itinayo ng dalawang alipores niya at iniharap ako sa babaitang ito. I don't know kung saan ko pa nakuha ang lakas kong sipain siya sa tyan rason oara mabitawan ako ng dalawa niyang kasama.
Ibinaling nila ang atensyon sa kaniya kaya naman agad na akong umalis papunta sa clinic, wala naman kasing ibang tutulong sa akin dito maliban ang sarili ko.
Kung minamalas o sineswerte nga naman oh, nakasalubong ko lang naman si Dan na galing lang ng CR. Tinanong niya kung anong nangyari at bakit ang dumi dumi ko, hindi ko naman siya sinagot agad kaya naman wala siyang ibang ginawa kung hindi samahan nalang ako papunta sa clinic.
Halata din ang pagaalala sa mata niya kaya naman nginitian ko siya just to assure her that I'm fine.
"Bumalik ka na sa room niyo" Sabi ko sa kaniya habang busy ang nurse sa paggamot sa maliliit na sugat sa kamay ko.
"Hindi, sabay tayong babalik. Ihahatid pa kita" Pagmamatigas niya kaya naman hinayaan ko na lang siya.
Ilang minuto lang ang makalipas ay natapos na din ang nurse sa paglalagay ng bandage sa kamay ko. Bumalik na din ako niyan sa room pati din si Dan ay umalis na din para pumunta sa building nila pagkahatid niya sa akin.
Pagkabukas ko ng pinto ay may nagtuturo na na teacher kaya naman tahimik lang akong naglakad dito.
"At saan ka galing Miss Thryknaria?"
"Clinic po" Tipid kong sagot sa kaniya. Tumango lang siya sa akin at nagpatuloy na sa pagtuturo. Akala ko talaga papagalitan niya ako e kasi naman halos patapos na ang period niya nang pumasok ako sa klase niya.
Akmang babalik ako sa upuan ko nang mahalata kong wala ang mga gamit ko doon pati sa desk ko na puno naman ng sulat. Lumingon ako sa paligid ko para hanapin ang gamit ko.
Halos maubusan ako ng dugo ng mapagtantong nasa katabing upuan ni Zach ang gamit ko. Sa masungit pa naman na 'yon? Feel ko tuloy papatayin na naman niya ako ng tingin.
Mukhang hindi ko naman na magagamit pa ang upuan ko at table lalo na at purdoy-purdoy na 'to kaya naman tumabi nalang ako do'n sa bakanteng upuan sa tabi ni Zach. Hindi na muna siguro ako hihinga para makasurvive ako.
"Pwede kang huminga" Biglang bumulong sa akin si Zach rason para magsitayuan ang balahibo ko.
Masyado bang halata?
Nilingon ko ang gawi niya saglit just to see the side of his lips rose up, nakatingin sa akin ng maloko. Pinagtitripan yata ako ng mga ito kaya naman ibinaling ko nalang ang atensyon ko sa klase.
Not that long nang matapos na ang klase namin. Agad akong tumayo at kinuha na ang mga gamit ko para umalis na dito sa room ng biglang may nanghatak sa akin.
It was Zach and he was seryoso this time. I smiled awkwardly at him just to ease the tension overflowing on my blood.
"Pupuntahan mo si Dan?" Tanong nito sa akin, still gripping on my wrist.
"O-opo" Bakit ako nag-opo?!
He chuckled. "Sabay na tayo" He said.
Nauna na siyang naglakad sa akin kaya naman nakasunod lang ako basta sa kaniya. Just why is he so kind to me right now? Ano bang meron?
Feel ko tuloy may atraso ako sa lalaking ito na ewan. Medyo nakakatakot lang kasi knowing na before he treated me so bad tapos ngayon ganito? Nagagawa na niyang tumawa? Nagkulang ba siya sa gamot?
Baka naman hindi lang nakapagalmusal or sadyang namiss niya kapatid niya? Or hindi siguro nakahithit ng mahiwagang gamot? Ewan ko ba. Baka may nakain lang na ewan.
Siguro nga wala siyang sapi ngayon. Napaka-weirdo lang talaga kasi. Binilisan ko ang paglalakad ko ng kaunti, e paano ba naman kasi ang haba haba ng legs niya at nakarating na agad siya sa labas ng building namin.
Napaghahalataan tuloy na pandak ako pero joke, hindi talaga ako pandak sadyang kapre lang siya. Matangkad din kaya ako. Okay naman na kasi height ko eh na mga 5'2. At least umabot ng 5 kaysa naman sa 4 'di ba?
Bahagya siyang napahinto sa paglalakad dahilan para makahabol ako sa kaniya. He glanced at me with his one brow raised. Hindi ko alam ewan bakit siya ganiyan makatingin sa akin. Bakit? May dumi ba ako sa mukha? Wala naman siguro 'di ba?
"Just why are running?" He asked me, obviously trying to tease me.
"Kasi naglalakad ako?" Walang saysay na sabi ko sa kaniya sabay ng pag-ngiti ko nang pilit. I even flipped my hair leaving him dumbfounded para naman mataray at maangas ang dating ko.
Mas nauna akong nakarating sa building nila Dan kaya naman agad ko siyang hinanap. I felt his presence behind me kaya naman hindi na ako nag-abalang lingunin pa siya kasi wala naman akong ibang kasama kanina kung hindi siya lang 'di ba? Pero sana nga hindi talaga multo 'to kasi kung oo, sisigaw talaga ako at wala akong paki kahit hindi pa tapos mag-klase ang ibang sections.
"Dan!" Sigaw na tawag niya sa kapatid na halos kakalabas lang ng room kasabay ang mga kaklase niyang maingay sa pangpipikon at asar sa kaniya kaya naman nakakunot ang noo niya.
Agad naman akong napalingon sa katabi ko nang maramdaman kong inakbayan niya ako bigla. He was smiling sweetly at me at hindi ko alam kung bakit. He leaned closer to me dahilan para mas lalo akong maestatwa sa kinatatayuan ko ngayon.
"Hi, Thryk" He said, smirking.
Only one guy from the past calls me like that...
--- >.<

Komentar Buku (19)

  • avatar
    FloresAlexa

    I like the story 🥰

    04/12/2024

      0
  • avatar
    Cornejo02Prince Jaylord

    ang ganda neto sarap basahin

    20/04/2024

      0
  • avatar
    MoraJordan

    uiuii

    16/04/2024

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru