logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Chapter 3

Naghintay pa ako ng ilan pang minuto pero hindi pa rin lumalabas ng banyo si Rix. Kanina pa siya sa banyo.
Kanina pa ako nag-iisip na tama ba na ngayon ko lang sinabi. Ngayon ko lang sinabi kay Rix ito, na aalis ako patungong ibang bansa para sa pangarap ko.
Sana pala noon ko pa sinabi sa kaniya na sa ibang bansa ako makakapasok.
Tinawagan ako ni Gi, magiging manager ko at ng iba pang makakasama ko, na sa ibang bansa ako makakapasok dahil iba raw ako.
Malalim akong huminga bago tumingin sa pinto ng banyo. Tumayo ako sa kama at lumapit doon. Kumatok ako ng tatlong beses pero walang nagbubukas.
"Rix, Love? " Marahan kong sabi habang kinakatok pa rin ang pinto ng banyo.
Walang Rix na lumabas. Bumalik ako sa kama at humiga. Sa tagal kong naghintay na lumabas si Rix ay buminigat na ang talukap ng aking mga mata.
"Kakausapin ko nalang siguro siya bukas. " bulong ko bago tuluyang nakatulog dahil sa pagod.
Nagising ako kinaumagahan ng walang tao sa aking tabi. Agad akong tumingin sa banyo at nakabukas na ito.
Umalis kaya siya kagabi.
Para akong piniga sa aking nararamdaman. Ang aga-aga, nasasaktan ako. Hindi ako kinausap ni Rix. Nagtatampo siya saakin. Agad na may lumandas na luha sa aking mga mata habang nakatitig sa pintuan ng veranda ng kwarto.
May sikat na ang araw at mukhang maganda ang panahon. Buti pa ang panahon maganda ang umaga, ako hindi. Nagtuloy tuloy lang sa pag-agos ang aking mga luha.
I need this. Ganito ako kapag nasasaktan. Kailangan kong ilabas lahat dahil kung hindi, hindi ako mapapakali.
Nasaan kaya si Rix ngayon. Natulog ba siyang katabi ko kagabi? O sa kabilang kwarto siya natulog.
Naputol ang aking pag-iisip nang may pumasok sa kwarto. Agad kong pinunasan ang luha sa aking mga mata bago maayod na tumayo at humarap sa taong pumasok sa pinto.
Tumitig ako kay Rix na may dalang tray ng pagkain. Nagtatanong akong tumingin sa kaniya at sa tray na dala niya.
"S-sorry." Aniko at yumuko. Nagbabadya na namang tumulo ang mga luha sa mga mata ko pero pinigilan ko ito.
Hindi siya nagsalita. Inilapag niya ang tray ng pagkain sa mesa. Nakayuko lang ako nang may yumakap saakin. Yakap na gusto kong madama kagabi.
Mahigpit akong niyakap ni Rix at ako naman ay tumulo na ang luha sa aking mga mata.
"I'm sorry, Rix, I didn't tell you—"
"Shhh. It's okay now. " putol niya sa sasabihin ko. Niyakap ko siya ng mahigpit.
"Galit ka ba sa'kin? " Tanong ko.
"Why would I? " aniya.
"Hindi k-ko sinabi sa'yo yung—"
"Kagabi? Nagtatampo lang ako Rise, but it's okay now, I understand... I'm sorry. "
"H-hindi ka na nagtatampo?" tanong ko.
Kumalas ako sa yakap niya at pinagkatitigan siya. Tumitig ako sa mga mata niya ang kita ko roon ang masayang mga mata. Napangiti ako.
Nagtataka ako sa itsura niyang mukhang nag-iisip ng sasabihin.
"Hmm... nagtatampo pa rin ako. " aniya.
"Huh? akala ko ba?"
"But it will fade away if you'll kiss me. " aniya sabay kindat saakin. Hindi na ako nagatubili pa hinila ko ang damit niya at hinalikan siya.
Yumakap ako sa kanyang batok upang mas lumapit pa ako sa kaniya. He grabbed my waist at mas inilapit niya pa ako sa kan'yang katawan.
Nang mas lumalalim pa ang aming pinagsasaluhang halik ay siya na ang humiwalay at hinalikan ang aking noo sabay niyakap ako ng mahigpit.
"I'm sorry. I love you. " he whispered.
"I'm sorry din. " aniko. Pinagkatitigan ko siya at nakita ko ang nagtatanong niyang mga mata.
"Sorry for what? " tanong niya.
"Kasi hindi ko agad sinabi sa'yo ito, kaya nabigla ka. "
Hindi siya nagsalita bagkus ay niyakap niya nalang ako ng mahigpit at ginawa pabalik sa kaniya ang pagyakap.
"It's okay I understand. "
"Thank you. " bulong ko.
Ang saya sa pakiramdam ang ganitong eksena namin. Ngayon ay may lakas na ako ng loob na harapin ang mga nakaatang saaking pagsubok sa ibang bansa. Magiging singer ako.
Matutupad ang mga pangarap ko. I'll claim it.
Lagi kong pinapaalala sa sarili ko na kakayanin ko lahat ng pagsubok na haharapin natin sa buhay. Lahat naman ay dumadaan sa matinding pagsubok ang iba ay nakakayanan nila at nalalagpasan, ang iba naman ay sumuko na kahit alam nilang malalagpasan nila iyon.
Lahat ng problema may solusyon sa buhay. Lahat ng pagsubok ay malalagpasan basta magtiwala lang sa Diyos. Lahat magiging ayos. At kasama mo, na nasa tabi mo lang ang mga mahal mo sa buhay, nakasuporta at nakaalalay, at tiwala na rin sa sarili. Matutupad mo iyon.
"Are you done? " tanong ni Rix nang makapasok sa kwarto. Nag-aayos ako ng sarili dahil lalabas daw kami ni Rix at lalo namang nabuhayan ang sarili ko nun.
"Yeah. Let's go. " aniko. Lumapit na ako sa kaniya at kumapit sa kaniyang braso.
"Saan tayo pupunta? " tanong ko nang makalabas kami ng bahay. Dumeretso kami sa sasakyan tsaka niya ako pinagbuksan ng pinto. Nang makapasok ay tsaka lang siya nagsalita.
"Basta. You will surely like it. " aniya sabay kindat saakin. Nag-iwas ako ng tingin dahil sa kindat niya.
Shit! Doon sa kindat niyang iyon ako unang nahulog! He's so damn sexy when he do that.
Tahimik ko lang na pinagmamasdan ang labas habang nagmamaneho si Rix. Hindi ko alam kung saan talaga kami pupunta pero nang dumaan kami sa isang lugar na puro puno lang ay pamilyar agad saakin 'yun.
Pamilyar na pamilyar saakin ay lugar na ito. Ang isang mansyon na nakatindig na dinaanan namin. Ang isang parke na may naglalarong mga bata ang pangalawa naming nadaanan.
Sabi na at kilalang kilala ko ang lugar na ito.
"We're here. " ani Rix at ipinarada ang sasakyan namin. Agad naman akong bumaba sa sasakyan para pagmasdan ang lugar.
Napaka ganda pa rin ng lugar na ito. Ilang taon na rin simula nang makita ko ang lugar na ito. Walang nagbago.
Ang simoy ng hangin at sarap ng hangin ay nakakagaan ng pakiramdam.
Ang mahalimuyak na amoy ng mga bulaklak sa isang hardin sa tabi ng isang maliit na bahay.
At ang magandang katubigan sa aking harapan. Napaka payapa.
"Na miss mo ang lugar na ito? " tanong ni Rix.
"Super. "
Sobra sobra ko itong na miss. Agad kaming pumunta ni Rix sa tabing dagat, ang puting buhangin, ang kulay asul at malawak na karagatan. Napaka sarap sa pakiramdam.
Unti unting bumalik ang masasayang ala-ala sa lugar na ito.
Dito ako dinala ni Rix, January 1 2013. The night sky where you can see the stars twinkling. Ang masarap na simoy ng hangin. Ganito rin ang naramdaman ko noong unang punta ko rito.
At 'di nagtagal may putok ng fireworks ang tumama sa utim na kalangitan. Kulay pula iyon at maya-maya ay may nababasa na akong sulat.
'Will you be my girlfriend? '
Iyon ang nakasulat.
Napakasaya ng araw na iyon dahil kumpleto ang pamilya ko at mga kaibigan. Naroon silang lahat.
"Love, let's go inside. " Tawag ni Rix na nakapag pabalik sa aking pag iisip. Napaka sarap balikan.
"Are we gonna stay here? " i asked.
"Uh-hmm. Just for tonight. At si Mang Noli ay pina-uwi ko muna. "
"Bakit mo naman pinauwi? " tanong ko. He tilted his head at humakbang siya palapit sa'kin.
Pumunta siyang likuran ko at niyakap ako mula roon. He kissed my cheek and it made me blush.
"Gusto ko tayong dalawa lang ang nandito. " he whispered on my ear.
Napapikit ako sa ginawa. Shit! nagtayuan lahat ng balahibo ko sa katawan. At feeling ko namumula na ako.
I heard him chuckled in my ear and it makes me shiver. Hinigpitan niya ang yakap saakin at hinalikan niya ang pisnge ko. All I can do is to smile dahil sa ka sweetan niya.
"I love you. " he whispered.
"I love you too. " I whispered and he kissed me on my lips.

Komentar Buku (9)

  • avatar
    Chin18

    very nice story guys, recommended to you!

    07/06

      0
  • avatar
    Erica Ferrer Baral

    good

    16/05

      0
  • avatar
    Ashley Gwen Jalbuena

    good

    26/01

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru