logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Chapter 1

Dalmea PoV
Bumalik na ako sa empress palace nakaseperate kasi ang palasyo namin ng emperor bale nasa palasyo ako nang yumaong ina ni Dalmea at dito na siya nanatili. Sinamahan ako ni Kaede pabalik sa empress palace. Ayoko sanang magpasama dahil sa tuwing nakikita ko ang mga male leads ni Cecelia para akong kinakapos sa hininga.
Kailangan ko silang iwasan at paplanuhin ko yon ngayon. Hindi ako nagsalita hanggang sa nakarating na kami sa empress palace. Nagbigay galang ito saakin habang nakayuko ang ulo nito. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kaya yumuko din ako.
Nang iangat ko ang ulo ko bakas sa mukha nito ang gulat. Wala naman siguro akong ginawang mali?
"May problema ba?" Kinakabahan talaga ko pero pinilit kong hindi pumiyok ang boses ko. Okay try your best Sasha!
"Wala mahal na prinsesa. Maaring na kayong pumasok, maghihintay ako dito hanggang sa makapasok ka." Magalang na sambit nito.
"Salamat." Sambit ko at mas nagulat pa nga ang ekspresyon ng mukha nito. Magugulatin ba to?
Pumasok na ako ng empress nasa hallway na ako ng may nakita akong servants na makakasalubong ko. Lalapitan ko na sana pero pangatlong hakbang ko palang mangiyak ngiyak na itong lumhod sa harapan ko.
"Maawa ka prinsesa! Huwag niyo Po akong saktan! Aalis ako ngayon din sa harapan niyo huwag niyo lang akong parusahan." Takot na takot na sambit nito. Naikuyom ko ang kamao ko dahil ngayon ko lang narealize na masama talaga ang reputasyon ng Dalmea sa palasyo. Nakalimutan kong napakasama ng babaeng iyon. Ba't kasi naging Dalmea ako!?
"Tumayo ka. Hindi Kita sasaktan makikiusap lang sana kung puwede mo akong ihatid sa room ko." Hinawakan ko ang kamay nito at pinatayo siya. Pinahid nito ang mga luhang tumulo sa mga mata niya.
"Prinsesa Hindi mo ako na sasaktan?" Napatingin ako sa pasa ng mukha niya. Baka nga ito ang huling dampi ng kamay ng totoong Dalmea.
"Hindi ko na gagawin yon. Mula ngayon magiging mabait na ako sainyong lahat." Nagulat siya sa sinabi ko at mas lalong bumuhos ang mga luha nito. Hinatid ako nito sa chamber ko at naabutan ko pa ang duke na nakaupo sa sofa.
Nilapitan ko siya at nagbigay galang dahil yon ang nakasanayan ng may mga taong may dugong bughaw ayon sa mga kuwentong nababasa ko. Umupo ako sa katapat ng sofa at binaling ang tensyon ko sakanya.
"Pasensya na sa ginawa ko sana mapatawad mo ako sa kamalian ko, Gusto ko sanang sabihin na pinatigil ko na ang arrange marriage na ni request ko sa emperor. Napatigil Ito at bumaling atensyon nito saakin.
"Nabigla talaga ako sa desiyon mong iyan pero mabuti naman at natauhan ka ng maaga na hindi ikaw Mamahalin ko." Sabi nito.
"Alam ko, Mula ngayon ayoko nang naisin pa na makita ang duke. Sana Ito na ang huling pagkikita natin."
"Alam mong imposible mangyari iyan Prinsesa Dalmea. Normal na magkikita tayo lagi dahil may koneksyon ako sa emperor.
"Kung ganon pala... Wala akong magagawa." Hirap na hirap na akong maging magalang hindi naman ako ganito. Pero kailangan dahil baka magsuspetiya itong mga taong to! Tapos execute agad ako. Huwag naman sana....
Napag alaman ko palang si Natalia ang babaeng servants nakasama ko kanina. Naawa ko sakanya dahil napaglupitan talaga siya ni Dalmea..... Kakalbuhin ko talaga si Dalmea pag nagkausap kami sa afterlite.
Ayon sa kuwento ikalawang bago hinanap ni Dalmea si Cecelia upang pagtangkaan ang buhay nito kaya safe na ako ngayon dahil na kansela ko na ang arrange marriage niya sa Duke. Kaya ngayon kailangan kong pumunta sa Baises para gawin ang misyon ko na makatulong.
Isa akong social worker matapos kung magtapos ng Doktrina at nong nagsawa ako napunta ako ng engineer tapos nabored ako naging accountant ako ng 5 years tapos nakakapagod so naisip ko mag community social worker at doon ko nalaman na yon pala talaga ang gusto ko. Ang gaan sa pakiramdam na makatulong sa iba kaya nakakalungkot na namatay ako sa edad na 45 years old at hindi ko na naipagpatuloy yong project na gagawin namin.
Umalis na ang duke at ngiting tagumpay ako, kailangan ko lang gawin ngayon ay maghanap ng blacksmith..... Sa panahon na to hindi nag eexist ang baril makaluma Ang mga armas. Tanging pana at espada lang ang nakikita kong armas sa mundong to.
Siguradong magiging masaya na ang kuwento dahil Wala ng hadlang sa pagmamalan nila Cecelia at Dyrus. At ako Naman maglalakbay sa parte ng mundo upang tumuklas ng interisadong bagay.
Gabi na at inaya ako ng emperor na sumama sa dinner. Sinamahan ako ni Natalia papuntang dinning room sa palasyo. Nang makarating na kami napansin kong mahaba ang mesa at parang napakabored kapag ganito.
Dati saamin nong nabubuhay pa ako sa mundo namin sama sama kaming magpamilya kumakain at nagkakatuwaan. Napansin ko din na parang pagod na pagod na ang emperor pero wala siya magawa dahil siya ang hari ng emperyo. Kaya nga pupunta ako ng Baises para kahit papaano makatulong ako sa emperyo. Kapag nakuha ko ang loob ng mga taga Baises maari nila akong tulungan para sa gagawing Kong proyekto.
Kailangan ko ng mga tao kaya desidido talaga akong makatulong para mabawasan ang kahirapan sa nasasakop ng emperyo.
"Sigurado ka na ba talaga na pupunta ka ng Baises? Napakadelikado ng lugar na iyon at ayoko kitang ilagay sa kapahamakan." Halatang nag aalala ng sobra ng emperor sa magiging desisyon ko at medyo nalungkot ako dahil wala siyang kaalam alam na hindi na ang totoong anak niya ang kaharap niya ngayon at ibang tao na.
"Opo mahal na emperor.. buong buo na ang desisyon kung pumunta ng Baises." Ngumiti ako sa emperor at bakas Ang gulat sa mukha nito.
"Kung iyan gusto mo... Mukhang Wala na akong magagawa sa desisyon mong iyan pero palagi mong tatandaan na alagan mo ang sarili mo Dalmea. Ayokong mawala kapa saakin katulad pagkawala nang iyong ina." Tumango ako at tumayo.... Niyakap ko ng mahigpit Ang emperor para ipahiwatig sakanya palagi kong iingatan ang sarili ko. Naalala ko tuloy si papa sakanya. Napaka nerbiyuso non kapag ginagabi na kami ng uwi magkakapatid halos sigawan niya kami dahil nga sa sobrang pag aalala saamin. Kaya hindi na kami nagpapagabi kapag uuwi kami ng bahay bumalik na ako sa kama ko at natulog. Iniisip ko kung ano Kaya ang mangyayari no? Bahala na nga bukas!
Kinabukasan......
Naihanda na lahat ng mga kakailanganin ko at may isang akong kasama. Nakiusap ako sa emperor na Kung puwede isang commoner lang na knight ang ipasama niya saakin kasi alam kong mababait ang mga nasa lower rank Hindi sila plastik katulad ng mga royal Knight.
"Ako po si Gamor Mahal na prinsesa Ang magsisilbi at sasama sainyo sa paglalakbay." Magalang na pagbati nito. Ngumiti lang ako pero ang totoo gusto Kung magwala dahil mukhang magkakasundo kami nitong Knight parang ang bibo kasi. Kaso Hindi puwede ayokong ipahiya ang emperor sa emperyo na baka pag chismisan pa akong baliw at walang delekadesa. Uso kasi dito mahinhin at yon daw ang ikinagaganda ng isang babae.
Naku huwag ako! Balasubas at burara akong kumilos sa totoo lang pero pinipigilan ko lang sarili ko. Pumasok na kami sa karwahe at nag umpisa na itong maglakad. First time kung sumakay ng karwahe at Isa lang masasabi ko....
Parang pinipiga ang sikmura ko at nahihilo ako.... Ayoko talaga ng ganito! Mas gusto Kong mag motor at magbisekleta yon Ang mga sasakyan na kung saan ako komportable.
Nakalayo na kami ng emperyo at medyo malayo na talaga ang nilakbay namin. Usap usapan dito na may umaaligid na mga halimaw rito tuwing gabi. May halong kaba at excitement ang nararamdaman ko. Gusto ko talaga makakita ng halimaw sa totoong buhay pero hindi ko naman hiniling na mapatay kami ng halimaw no! Helurrr halimaw kayo yon!
Napahinto ang karwahe dahil masiyadong nang madilim Kaya nahinto kami sa isang masukal na gubat. Malayo pa rito ang Baises kaya tatlong araw ang biyahe patungo doon. Nakalimutan Kong banggitin na kasama ko ngayon si Natalia dahil siya talagang bulontaryo na samahan ako kaya isinama ko siya.
Natulog kami at may narinig akong kaluskos na ikinatayo ko. Napatingin ako sa gilid at mukhang napansin din ni Natalia at Gamor. Tumayo ako at nilapitan si Gamor.
"Gamor puwede mo ba akong pahiramin ng espada mo?" Bakas Ang gulat sa mukha nito kinuha ko nalang ang espada sakanya at parang wala siyang pag asang kumibo. Hawak hawak ko lang yon pero ang totoo meron akong naisip na ideya Kong sakaling susugudin kami ng halimaw.
Pinakiramdaman ko ang buong paligid hanggang sa may lumabas na sa mayabong na damuhan. Mga grupo ng mga lobo, Isa dalawa tatlo apat lima, sampo silang lahat na nakapaligid saamin. Nagkadikit dikit ang mga likod naming tatlo para Makita ang bawat aatake.
"Pasensya na mahal prinsesa kung hindi sapat ang karanasan ko sa ganito. Bago Lang Po ako!" Sambit ni Gamor kitang Kita ko sa mga Mata nito ang takot. Sinasabi ko na nga ba at masama ang kutob ko sa Kaede na iyon. Ganito ba siya gumanti saakin? Dahil lang sa pang aalispusta ko Kay Cecelia. Sinadya niya talagang dalhan ako ng taong commoner na Hindi magaling sa pakikipaglaban. Naintindihan ko yon na kinamumuhian nila si Dalmea at Wala akong magagawa doon pero dahil ako na ang may ari ng katawan na to hindi puwede na magpatalo ako!
Buhay ko to nato! Kaya dapat ko ilaban..... Sumugod na Ang mga lobo saamin at salamat SA pagiging basagulera ko ng highschool pa ako dahil bukod sa matalino Ang pag iisip ko nabibiyaan din ako galing sa pakikipag away o labanan. Hindi ko nasabi na naging miyembro ako noon ng mga most troublemaker sa school namin. Sumasama ako sa ramble at ako utak ng kaguluhan sa school dahil palagi kong ginagawan ng paraan para may away sa classroom. Boring Kasi Kaya naisip ko na pag awayin mga kaklse Kong lalaki
Mabuti nalang at walang nakagat saamin dahil mukhang gutom na gutom tong mga lobong to at balak pa kaming gawing hapunan so ang nangyari sila ang ginawa naming hapunan. Hindi na rin masama ang lasa sa sikmura. Marami rami din karne to.
"Ang galing mo talaga Mahal na prinsesa! Nahihiya ako bilang isang Knight na Hindi ko man Lang kayo maipagtanggol sa lobo at ikaw pa itong nanguna sa pakikipaglaban." Malungkot na sambit nito kaya binatukan ko.
"Anong ako? Tayong tatlo no! Kung Hindi dahil sa tulong niyo baka na dedo na ako o tayong tatlo Walang tayong gawin kundi magtulungan."
"Paano ka pala natutong humawak ng espada? At Basi sa paghawak mo para Kang propesiyonal." Hmmm paano nga ba? Ah Alam kona? Nakikipag espada kami ng kaoatid ko dati ng walis o di Kaya dustpan sa bahay kahit nga matanda na ako yon pa din routine namin tuwing may papasok sa pinto kaya palaging may reserbang dustpan sa gate namin nakareserba. Kaya siguro gumaling ako dahil ako palagi ang nanalo. Sabi pa nga ni Eman at Ronald parang reincarnation daw ako ng anime na si Batusai (Samurai X) mga hay*p na yon.
"Ewan... Baka talent ko lang yon."

Komentar Buku (62)

  • avatar
    Catherine Bas Azucena

    super Ganda nya

    24/06

      0
  • avatar
    Ryan Hongayo

    nice

    20/04

      0
  • avatar
    CleofasCamelia

    ang Ganda Po Ng story pls update Po kau

    10/02

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru