Chapter 4 Liane’s PoV It’s been days na kakatapos ko lang mag-enroll and here I am now at my new apartment. Kahapon pa sana ako rito, kaya lang pina-una ko lang ang mga gamit ko, and besides bumili pa ako ng mga pangangailangan ko. Atsaka malayo ang bahay para uuwi nalang ako dun pag lunch, pero di naman ata hassle pag prepared na. Maybe I’m being used to, uuwi pag lunch dahil malapit ang school ko noong high school. “Nak, okay na ba tong room na napili mo?” paniguradong tanong ni papa. “Yes pa, salamat sa tulong mo kahit busy ka sa work.” Sagot ko at yinakap si papa. “walang anuman basta kung anong kailangan mo anak, tumawag ka lang. Para yung kanta, “One call a way “.” Tumawa kami. Parang bagets rin mga parents namin. Diniskarga na namin yung gamit ko, kunti lang. Hindi pa kasi alam kung ano ang uniform namin. Medyo marami yung pants ko, hindi ako mahilig sa shorts. Sumama na muna ako sa bahay, dahil pupunta pa kami ni mama sa grocery bukas. Nilock ko muna yung room ko, and mama talks to the owner. Mabait ang may-ari, and she got kids too. Sa bahay. “So, pahinga ka na muna sa room mo anak. Pupunta tayo bukas sa mall at makabili nang mga gagamitin mo. New life will start soon, hope I could get through. I opened my account, scrolling down the news feed, I read some posted stories para iwas bored minsan. I’ve got books, pero natapos ko nang basahan iyon. Minsan na rin akong nagpasama kay mama para bumili ng libro, and end up a week lang tapos ko na basahin. I love to read, and I also wrote poems. Minsan ngang hinihingi ng kaklase ko ang gawa ko dahil babasahin daw at ang ganda, komento nila. Kinabukasan. Maaga pang umalis sina papa at kuya. Pass 7 na ako nagising, siguro napagod ako kahapon. Naligo at naghanda dahil aalis na kami ni mama mamaya at didiretso na ako sa apartment ko. “Tara na Anak, mainit na mamaya kung mamaya pa tayo lalakad.” Sigaw ni mama. “Coming ma, nagsusuot pa po ako ng damit.” Binilisan ko na, baka mainit na talaga. At the moment nasa grocery store, sinamahan ako ni mama na bumili. Nasa Hygiene part pa kami, namili ako ng gamit at pang monthly use ko. Pumili rin si mama para sa gagamitin rin sa kusina at kanya rin. Dalawang cart ang dala namin. “Nak, bumili ka na ba para sa personal hygiene mo?” Tanong ni mama habang namimili. “Yes ma, nasa cart na po. Ma, pwede padagdag nalang rin ng prutas, hehe.” Ani ko Kay mama. “Sure anak, atsaka pamproteksyon mo na rin sa kalusugan.” Mama knows well. Mahilig kasi ako sa prutas at gulay na rin. I can cook, but not well as my family. Lutong bahay ang nakasanayan ko, at siguro it’s a way na makaluto na ako. Nakakahiya naman sa asawa ko sa future na ganda lang ang ambag ko at di marunong magluto, how can I impress my future in-laws, ayyts nvm. Hayss, wag nalang kaya ako mag-asawa para di hassle, ayy sayang lahi namin, nakangisi kong saad. Baka pauwiin pa ako sa amin kung hindi ako marunong sa mga gawaing bahay, kahiya naman nun, ansisipag ng pamilya ko at palamunin lang ako, hindi ko yun deserve. “Nak, okay ka lang?” pinitik ni mama noo ko. Nasa harapan ko pala si mama habang nasa imaginasyon island. “Ouch, sakit nun ma, sumbong kita kay papa.” Sakit kaya ang pagpitik niya. “Ehh, kanina ka pa tulala dyan. Ano bang iniisip mo? Ehh, pwede ka namang umuwi sa bahay kung di ka busy.” Aning mama. “Wag kang mag-isip ng negatibo Anak, think positive Ika nga nila.” “Ma, inisip ko lang kung ano kaya ang buhay ko mag-isa, kakayanin ko kaya.” Lungkot Kong sabi Kay mama. “Kaya mo yan anak, kaya mo ngang maglakad mag-isa yan pa kayang mabuhay mag-isa. Nandito kami nang kuya at papa mo, tawagin mo kami kung kailangan mo ng tulong, okay ba yun anak.” “Yes ma, thank you po.” Hinalikan ko sa pisngi si mama. “Btw, nak may tao saa likod mo, usod mo na yang kart mo sa unahan ohh.” Kinamot ko ang ulo ko kahit di naman makati, eh kasi naman kahiya may naghihintay pala sa likod. Umalis si mama, may kinuha pa ata. Nakalimutan nya ata. Liningon ko ang nasa likod ko, and wahhh ang cool lang ang kabog ng dibdib ko, ngayon ko lang to naramdaman. Parang ligtas ako, sa tuwing nasa paligid sya. Narinig nya kaya ang pinag-uusapan namin ni mama kanina. Hayss. Reysie’s POV Nandito ako sa kwarto, nagscroll sa mahiwagang Facebook. May mga nagchat, mga pabebe pa. “Hi babe, I’m single.” “Hi love, kita tayo. Libre ko.” Hayss mga babae talaga, desperada at kita nga nilang ayaw ko sa kanila. “Hi Rey, date Tayo.” Mga pag-aya nilang ayaw ko, gusto ko kasi ako gagawa ng paraan hindi ang babae ang mag-uuna sa pag-aya. Hindi sa mapili ako, sadyang nagbibigay ako ng respeto. Scrolling down the timeline, may nababasa akong news. After, naglog-out at in-open ang YouTube, searching a funny videos. Kaya naman napagkamalan akong baliw, dahil tumatawa ako na mag-isa sa kwarto. Flashback~~~ “La, si Tata parang baliw.” Sigaw ni Mike kay Lola. “Bakit Mike, apo?” tanong ni Lola, curious rin. “Ehh, tumatawa ng mag-isa ehh.” Tawang sagot ni Mike. “Okay lang yan apo, kaysa naman nagsasalita ng mag-isa.” Ayy wow, supportive si Lola sumusobra. “Grabe ka naman la, parang hindi mo ko apo niyan.” Tampong sagot ko rito. “Yang si Mike kasi.” Sagot ni Lola. End of flashbacks… It’s been days na rin, at umuuwi ako kina mama atsaka tumutulong rin ako sa kanila sa bukid. Yes, may bukid kami na pinundar ng parents namin sa amin. “Apo, pabili muna nang mahiwagang ingredients ko. Nakalimutan natin kanina, hindi mo kasi ako sinabihan.” Sabi ni Lola. “Pasensya na La, bibilhin ka na po.” Sagot ko rito. “Kunin mo sa lamiseta ko apo.” Utos ni Lola. Nagbike nalang ako, nandito naman bike ni Michael, Anak ni Tito na minsan ring tumatambay dito kina Lola. And now, kina Lola ako. Kakatapos lang namin bumili ng bilihin, at nakalimutan ni Lola ang kanyang mahiwagang ingredients hehe. Ayyts, si Lola talaga. Makakalimutin, mahaba ang pila sa Grocery store and I’m willing to wait kaya nakapila ako. Di ako chismoso kaya lang narinig ko lang ang usapan ng mag-ina sa unahan ko. The voice seems familiar. Di kaya sya si Liane, my dear girlfriend. They’re so sweet, like my parents. Umalis mama nya, sya ang pinapila. Gusto ko sana syang kausapin, kahiya naman kung makipagchismisan pa ako. Next time around, My lady. Ng biglang lumingon ito, biglang nanlaki ang mata nya. Parang owl yan. “Sorry my dear di ako multo, wag kang ganyan. Ang pogi ko kaya.” Pabulong Kong ani. “Hangin.” Sagot nito. Narinig nya pala, ang lakas ng hearing sense nya. Humarap na ito at bumayad na rin ang mama nya sa pinagbibili nila. Ang dami naman nun. Wish I could help, pero in rush ako. Sorry. Saad ko at bumalik ako sa bahay dahil kailangan na ito ni Lola sa niluto nya. “the magic ingredients,sabi nya.” Lola talaga, mapagbiro pa. “Ta, pwede padagdag?” text ni Lola, pero si Mike nagsend. “Okay, pakisabi na rin kay at babalik na ako.” Reply ko at ibinaba ang cellphone. Nilagay sa bulsa.
Terima kasih
Dukunglah penulis untuk menghadirkan kisah-kisah yang luar biasa untuk Anda
Nice story ❤️
13/10/2024
1Nice story. Waiting for next update♥️
11/10/2024
0super cute
02/08/2024
0Lihat Semua