- SAAN PATUTUNGO - Ala-una ng madaling araw. Wala na ang mga nag-iinuman, nagsi-alis na ang mga ito kasama ang amain ni Isabel. Marahan ang mga hakbang ni Isabel. Hindi niya nais na maistorbo ang tulog ng dalawang kapatid. Sinilip niya ang dalawa sa silid na tinutulugan. " Pa-pasensya n-na ka-kayo.. B-bukas na-nandito na s-si nanay.. " bulong nito. " A-alis n-na si a-ate, p-pero ba-balik d-din ako a-agad ta-pos b-b-bili ko ka-kayo pa-pasalubong h-ha?! " malungkot na sabi niya. Malungkot ang kanyang tingin sa dalawang natutulog na kapatid. Aalis na sana siya ngunit.. Tila may pumipigil sa kanya at.. Pumasok siya sa loob ng kuwarto, kinumutan ang dalawang kapatid. " Ma-mahal n-na ma-mahal k-kayo ni a-te ta-tandaan n'yo.. Ka-kapag s-sinaktan ka-kayo ta-tatay n'yo s-sumbong ka-kayo-yo s-sa akin ha?! " Ang muli niyang sabi sabay tuluyan na umalis. Binitbit na ang kanyang bag. Binilang ang perang natitira sa loob ng maliit na kahon. " Sa-sapat n-na si-siguro 'to.. " Walang tigil sa pagtulo ang kanyang luha habang lumalabas ng bahay. Isinara niyang mabuti ang pintuan at tumayo muna sandali sa harapan ng kanilang bahay. " Ba-balik a-ako ri-rito ka-kahit a-ano ang ma-ma-mangyari.. " Ang mga huling salitang binitiwan niya. Ngunit.. " Ti-tiyo D-Domeng?! " Nagulat siya nang makita ang kanyang tiyuhin na nakatayo sa tarangkahan ng bakod nila. Nanginig ang buong katawan ni Isabel sa takot. " Saan ka pupunta Isabel?! " tanong nito. Hindi sumagot si Isabel bagkos ay marahan siyang lumakad paatras, sa likod bahay siya dadaan. At tuluyan na nga siyang tumakbo. " Isabel!! Saan ka pupunta?????!!!! " Napakalakas na sigaw ni Domeng. Mas lalo tuloy nataranta ang dalaga, halos manginig ang kanyang tuhod sa bilis nang pagtakbo. " Hah! Hah! " Malakas ang kabog ng dibdib ni Isabel. Halos hindi na niya maihakbang ang mga paa dahil sa takot at sa pagod na rin sa maghapong paglalakad. Kailangan niyang makalayo sa amaing matindi na ang galit. Ngunit.. " Haha! Saan ka pupunta Isabel?! " Nakasalubong niya ang dalawa pang kaibigan ng amain. Wala siyang ibang madaraanan. Gustuhin man niyang bumalik ay ang amain naman ang siguradong makakasalubong. " Ba-bakit g-ganyan ka-kayo-yo ma-makati-tingin?! Hi-hindi k-ko na-naman ka-kayo i-inaano! " Kinapitan ni Isabel ang bag na dala, ikinipit mabuti ang kanyang kahong maliit. " Hi-hindi n-na n'yo ma-makukuha i-ito! " " Ma-mga sa-salaba-bahe k-kayo. " Matapang ang kanyang salita. Handa niyang ipagtanggol ang tanging pag-asang bitbit. Ngunit.. Tog! " Ugh! " Isang malakas na hampas ng kahoy ang dumating mula sa kanyang likuran. Hindi na siya nakaligtas pa. Bumagsak siya sa lupa at nawalan na ng malay. " Dalhin n'yo na kina Fidel 'yan, mag-ingat kayo baka may makakita sa inyo. " Ang utos ni Domeng. " Huwag n'yong iwan 'yung mga dala, bitbitin n'yo lahat! " " Oo nga! May pera 'yang kahon na 'yan 'di ba?! " Binuhat na nila ang walang malay na si Isabel. Habang daan ay nag-uusap pa ang mga hayok sa laman. " Matagal ko na talagang gusto 'tong gaga na'to e! Mailap lang talaga! Haha! " " Madalas ko ngang bosohan 'pag naliligo! Kaso nakadamit maligo e! Haha! " Matagal na pala nilang pinagnanasahan ang dalaga. " Basta ako ang una ha?! Sigurado dalaga pa 'to! Haha! " At umusbong na ang mga planong; matagal na palang iginuhit. *** Makamundong halinghing ang maririnig sa buong paligid ng maliit na kubo. Impit na dumadaing ang damdamin at katawang hirap. Walang nagagawa sa mga malalakas at matitibay na bisig na sa kanya'y nakapaligid. Sarap na sarap sila sa sariwa pang karne na kanilang pinagsasaluhan. " Ta'ena p're bilisan mo naman! " Walang may gustong magpalamang, walang may gustong magpaiwan. Sabay sa pagtirik ng mga mata ng mga demonyong nananamantala ang pagtirik ng mata ng isang anghel na pinagkaitan ng katinuan. *** Nag-sisimula na sa pagtilaok ang mga manok. Pagising na ang buong paligid ng Baryo Magsaysay sa Santa Cecilia. Pag-mulat ng mga mata ni Isabel ay tumambad sa kanya ang katawang hubad ng mga demonyong nakapaligid sa kanya. Sapo ang kanyang batok na masakit pa dahil sa pagkakapalo ng kahoy. Pinagmasdan niya silang lahat. At pagtapos ay ang kanyang sarili. " Heh.. Huhu.. " sabay napa-iyak. Impit lamang ang kanyang pag-iyak, natatakot kasi siyang baka magising ang mga kalalakihan at mag-umpisa na naman sa kahalayan nila. Marahan siyang kumilos, pilit may hinahagilap ang mga mata. Nang makita ang hanap ay marahan niya itong ginapang. Ang kanyang bag at ang maliit na kahong tila hindi napakialaman. Nang madampot ay pilit itinayo ang sarili. Iika-ika siyang lumakad. Naroon sa kanyang damit na suot ang bakas ng ninakaw na pagkadalaga. Masakit ngunit kanyang pinipilit ang bawat marahang hakbang na isinasagawa. Nakakalat ang kanyang mga kalaban na kailangang iwasan. Sandali niya itong tinitigan, tila kanya sila'y binibilang. Nang mapansin na tila may kulang nga ay muling dinatnan ng takot. Kaya at mas binilisan na niya ang ikang paglakad. Ilang hakbang na lamang at mararating niya na ang kalayaan. Sumungaw na ang ngiti sa kanyang labi nang makalabas na. Nang biglang.. " Huh?! T-Tiyo D-Domeng?! " Nakita niya ang isa pang kulang sa mga demonyong nakabulagta. Ang kanyang tiyo Domeng na may bitbit pang isang boteng alak. " Huh!! " Nanlaki ang mga mata ng amain. Mabilis namang nakalakad papalayo si Isabel kahit na ika-ika dahil sa sobrang takot. " Aba't saan ka pupuntang baliw ka?! " Nagmadali ito sa pagtakbo at hinabol si Isabel. Kahit pa masakit ang bahagi ng kanyang ari ay pinilit ilakad nang tuwid ang mga binti. Halata mong alam niya ang daraanan kaya at wala siyang tigil sa pagtakbo. Masukal ang lubak na daan ngunit alam niya ang pupuntahan. Palinga-linga pa ito sa kanyang likuran upang masiguro na hindi siya maabutan ng amain. Iyon ang akala niya. At pagharap nga ni Isabel ay.. Pok! Isang malakas na hampas ng bote ng alak ang sumalubong sa kanya. Napa-upo tuloy siya. " Akala mo makakatakas ka?! " Nanlalabo ang kanyang paningin, sapo ang noong may tama ng bote habang marahang tumatayo. Kahit nahihilo ay kitang-kita niya ang demonyong nakatayo sa harapan at galit na galit ito. Pilit siyang lumakad papalayo bitbit pa rin ang bag at ang kahong maliit. Sumusuray siya halos dahil sa malabong paningin sabayan pa ng dugong tumutulo na sa kanyang mata. " Sige lang! Tingnan natin kung hanggang saan ka aabot! " sigaw ng amain. Hinayaan lamang siya nitong makalayo. Ngunit hindi naman talaga siya nakalalayo pa. Nakuha pa rin niyang lingunin ang amain at nabuhayan ng loob nang makita na wala na ito. " Haaaah.. " Nagtuloy na siya sa paglalakad. Hindi na siya nagmadali pa dahail sa wala naman na ang demonyong humahabol sa kanya. Pahid-pahid ang mukhang may dugo na habang akap-akap ang mga bitbiting mahalaga para sa kanya. Alam niya ang pupuntahan at sigurado siya sa kanyang bawat hakbang. At nang may marinig at maaninag na liwanag mula sa isang sasakyan ay.. " Ma-malapit n-na a-ako.. " Mas binilisan na niya ang ika-ikang paglakad. Nakuha pa rin niyang ngumiti sa kabila ng mga sakit na nararamdaman. Pinipilit at ninanais niyang maabot talaga ang tanging pag-asa; ang marating ang kalsadang tanaw niya na. Ilang mahapding lakad pa ay nakarating na nga siya. " Heh.. D-dito n-na ako.. " Matuwid siyang tumindig sa gilid ng malawak na kalsada. Madilim ang paligid at madawag din ang mga damong nakapaligid. Napapangiti pa siya habang tinatanaw ang ilang malalaking sasakyan na dumaraan. At isang bagay ang kanya palang tinandaan talaga noong una pa lang niyang marating ang kalyeng 'yon. Ito ay ang punong malaki na sa gitna ng malawak na kawalan nakatayo. " I-ito na n-nga 'yun! I-iyon a-ang pu-puno! " Iniayos na ang sarili, pinunasan ang dugo sa mukha gamit ng kanyang mga kamay, pagtapos ay binuksan ang maliit na kahon upang kunin ang mga perang nasa loob nito. " Heh.. Ma-mabuti a-t hin-hindi nila i-inubo-bos." Naghanda na siya sa pag-aabang ng masasakyan. Ngunit.. " Sabi na nga ba at dito ka pupunta e! " Biglang sulpot ng kanyang tiyo Domeng kasama ng apat pang kalalakihan. " Huh?! " Nagitla si Isabel sa kanyang nakita. " La-layo ka-kayo! M-mga sa-salbahe! " Nagsimula na siyng umatras. " Huli ka! " Wala na siyang nagawa nang takpan ang kanyang bibig. Hindi na rin niya nakuha pang pumalag dahil sa magkabilang braso na ang hawak sa kanya. Nabitiwan niya ang kahong maliit pati na rin ang hawak na pera. " Um! Um! " At sa huli ay nakaladkad na siya papunta sa kawalan ng kanyang mga kalaban. Walang nagawa ang ibong nais lumaya. ***
Terima kasih
Dukunglah penulis untuk menghadirkan kisah-kisah yang luar biasa untuk Anda
Biaya 31 berlian
Keseimbangan: 0 Berlian ∣ 0 Poin
Komentar Buku (115)
Jhanmark Padilla
thankyouuu po napakagandang story po ng binahagi at nabasa ko!🥰
thankyouuu po napakagandang story po ng binahagi at nabasa ko!🥰
04/06/2025
0sobrang ganda karugtong pala sya storya ng paslit
15/11/2024
0Ang ganda NG story
09/10/2024
0Lihat Semua