logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

The Other End Of The String Of Destiny

The Other End Of The String Of Destiny

Pen_D_Key


Chapter 1 - There's no way this was approved!

[Jow Ylliard Hayle]
Ang pulang tali sa aking hinliliit, isang marka ng kakaibang regalo o sumpa, ay nagpakita sa akin ng mga koneksyon, mga tadhana. Isa itong matingkad na kulay pulang tali, hindi mahahawakan, mahaba na mistulang walang hangganan.
Ang bawat tao'y mayroon nito, ang mga pulang tali, maliban sa mga mag-asawa o sinumang taong tunay na nahanap ang kabiyak ng kanilang mga puso. 
Iba ang nakatadhana sa akin hindi kami ng ex-girlfriend ko, gumuho ang mundo ko sa pagtatapos ng kung anong mayroon sa amin. 
Bakit hindi natin mahanap ng maaga ang mga taong itinadhana para sa atin at maiwasan ang sakit ng puso na dulot ng mga maling tao?
Naglakad ako pauwi, umaalingawngaw ang lungsod sa paligid ko. Naghahalo ang ingay mula sa mga dumadaan na sasakyan at mga ibat-ibat establisyimento na mayroon rito. 
Dumaan ako sa isang matahimik na bahagi ng lungsod, isa itong kalye na madalang lang magkaroon ng maraming dumadaan. 
Malakas mong maririnig sa lugar na ito ang paghuni ng mga ibon gaya ng uwak at iba pa.
Sa pagdaan ko sa may tulay, isang estudyante ang nakita ko. Parehonang uniform na suot namin sa University na aming pinapasukan. Nakatayo siya sa ibabaw ng harang sa gilid ng tulay. 
Ang parehong kawalan ng pag-asa na muntik nang nagtulak sa akin sa kabilang bahagi. 
Limang buwan na rin ang nakakaraan, hindi parin magkasundo ang utak at puso ko. Limang buwang paghihirap sa pagtulog, kawalan ng ganang kumain, panghihina ng katawan at higit sa lahat, ang hirap ngumiti. 
>Hindi ko hahayaan ang taong ito na tumalon. Huwag kang susuko!<
Tumakbo ako palapit sa kaniya. Nakita ko ang pag-bend ng kaniyang mga binti.
"Hoy!" Sigaw ko, napuno ng boses ko ang bakanteng kalye.
>Aabot ako.<
Hindi siya kumikibo, nakatitig lang sa tubig ng mababaw na ilog sa ilalim ng tulay. Tumakbo ako papunta sa kanya at hinila ko siya pabalik, ang lakas ng tibok ng puso ko. 
Lumingon siya, nalilito at tila galit ang ekspresyon.
"What the hell?" Reklamo nito sa akin. Magaspang ang boses niya. Ang uniform niya ay kapareho ng sa akin, at may mga pasa sa mukha at balikat, mukhang sinaktan to, bullying. Nakita ko ang lungkot sa mga mata niya, para siyang nakabalot sa kadiliman. 
>What kind of suffering did you experience?<
"Magiging maayos din ang lahat," sabi ko, sinusubukan ko siyang pakalmahin. "Ligtas ka na ngayon." Tumingin siya sa akin, sinusubukang intindihin ako.
"Anong pinagsasabi mo?" tanong niya. "I'm watching the river. I'm not trying to kill myself." Paliwanag niya sa akin. 
"Kanina lang... nakita kita," sabi ko. "Mukhang kailangan mo ng kausap."
"Yeah, right... As if para kang isang uri ng tagapagligtas."
"Hindi ako isang tagapagligtas," sabi ko. "Pero kaibigan ako. Nandito ako para makinig."
>Mukhang mali ang inakala ko. Pero mabuti na lamang.<
Napansin ko ang kaniyang hinliliit. Hindi ako makapaniwala sa nakita ko. Ang tali ay kulay itim. Nababalot ng isang dilim na hindi ko maintindihan. Kakaibang aura ang pinakita nito na animo'y ayaw nitong pinagmamasdan ng sinuman.
Dalawang kulay pa lamang ng tali ng kapalaran ang aking nasilayan, ang natural nitong kulay, ang pula at ang isa pa, ang kulay ng asul.
"Anong pangalan mo?" Tanong ko, sinusubukang basagin ang katahimikan sa aming dalawa. 
Nagsimulang mangati ang aking mga mata. Pinigilan ko ang sarile ko na huwag itong gusutin. 
>Damn it! Bakit bigla ko na lang ginawang tignan ang tali ng kaniyang kapalaran?<
"Sandugo," pabulong niyang sagot.
"I'm Jow Ylliard," Pagpakilala ko sabay abot ng kamay ko. niyugyog niya ito, mahigpit ang pagkakahawak niya, ramdam ko ang mainit niyang kamay.
"Salamat," aniya, medyo mahina parin ang kaniyang boses.
"Walang problema. Pwede tayong mag-usap kung gusto mo, pwede akong makipag-kaibigan sayo." Hindi siya umimik, tumayo siya at nagsimulang naglakad.
Hindi ko alam ang kwento niya, pero hindi ako makapaniwala na mayroong ganitong kulay ng tali ng kapalaran.
Isang ideya at pagnanais ang pumasok sa aking isipan.
>I want to know what's the deal with his black colored string of destiny.<
Inalok ko siyang maging kaibigan ko pero hindi siya sumagot. Ngunit hindi din siya tumanggi.
Sa kaniyang pag-alis, hindi ko na napigilan ang kakaibang sakit na ibinibigay ng aking mga mata sa akin. 
Hindi ko naiwasang hindi tignan ang kaniyang tali ng kapalaran kaya ginawa kong masilayan ito, hindi ko inaasahan na ganito ang magiging epekto nito.
Nagsimulang mawala ang paningin ko sa aking kanang mata at nakaramdam naman ako ng pagtulo ng luha sa kaliwang mata ko. Hinawakan ko ito para punasan ngunit nagulat ako ng tignan ko ang kamay ko, kulay pula ito.
"The hell, is this blood?" Malakas na sigaw ko. Nanginig ang aking kamay. 
Nakaramdam ako ng panlalamig sa buo kong katawan at pagkuryente sa aking ulo. 
Kinagat ko ang aking ibabang labi upang pakalmahin ang aking sarile.
Nagsimula na ding maglaho ang paningin ko sa aking kaliwang kamay kaya naman umupo lang ako sa kinaroroonan ko.
Hihintayin kong humupaw ang epekto na naidududlot ng sumpang kakayahan na ito na mayroon ako.
Madalas mangyari ito sa akin, kapag ginagamit ko ang kakayahan na tignan ang tali ng kapalaran. Marahil ito ang parusa sa panghihimasok na ginagawa ng aking mga mata na makita at malaman kung sino ang mga nakatadhana sa bawat tao.
Kumanta ako ng kahit ano para pumatay ng oras hanggang sa kumalma na ang sakit sa mga mata ko at bumalik ang aking paningin.
*****
Tumunog na ang bell, tapos na ang kalahati ng pangumagang klase.
Recess time na. 
Mabilis lang akong nagtungo sa cafeteria para bumili ng makakain na meryenda. 
Habang naglalakad ako sa ground hall, nadaanan ko ang notice board. Hindi ko naiwasang na lumingon sa mga nakapaskil ditong kaganapan. 
Isang poster ang pumukaw ng atensyon ko, ang 'Supernatural Club'. 
"There's a club like this in our university?" Pabulong na sabi ko. 
'Sumali kayo sa amin, I guarantee you we're legit. Trust me I can really see how many reincarnations people have and who were your past destinies.- Clay the president'. 
Ang pangit ng pagkakasulat. Hindi na lang prinint, tapos ito lang ang content.
>Paano ito na-approve na maipaskil dito?<
Napatapik ako sa noo ko. 
"Seryoso ba ito?" 
>Past destinies...is that kind of related to my ability to know the destine soulmate for people?<
Hindi ko alam kung anong pumasok sa kokote ko pero, ninais kong sumali sa Supernatural Club.
>Why would a person post something like this if she's not serious? I'm fueled by the fact that I'm curious about the black colored string of fate.<
Nagtungo ako sa University Clubs Building kung saan naroon ang mga ibat-ibang club organization ng university. 
Kumatok ako sa pinto ng Supernatural club at binuksan ang pinto nito.
Napatingin sa akin ang mga estudyante na may halong pagka intriga at saya sa mga mukha nila nang iluwa sila ng pinto sa akin. Tumayo ang isang babaeng may kayumangging buhok.
"Ako si Clay, ang presidente." Pagpakilala nito sa akin. 
"Jow Ylliard Hayle." Nakangiting pagpakilala ko.
Kinamayan ako ni Clay. "Welcome. Bakit mo gustong sumali sa Supernatural Club?"
"Kasi," seryoso akong nakatingin sa kanila, "I can see red strings."
Natahimik ang kwarto. "Red strings?" Tanong ng isa pang babaeng miyembro ng Supernatural club. Isang babaeng may mahabang itim na buhok, na may pag-aalinlangan ang boses.
"Yeah, red strings," pagkumpirma ko. "Nakatali sila sa mga pinky fingers ng mga tao, at kinakatawan nila ang kanilang mga tadhana."
"Nagbibiro ka diba?" Sabi naman ng nag-iisang lalaki sa grupo na may pilyong ngisi.
Hindi sila naniniwala.
"Hindi ako nagbibiro," sabi ko. "Nakikita ko sila. Lahat kayo meron."
Hindi sila naniniwala. Nagpalitan silang tatlo ng tingin saka tumawa.
"Well, that's kinda wild to imagine." sabi ni Clay nang natatawa. "Ngunit lahat kami dito sa club na ito ay tungkol sa wild na imagination kaya welcome ka rito."
>You don't believe me but you've posted an absurd statement in the notice board?<
Binigyan ako ng application form ni Clay na siyang aking agad naman sinulatan ng kailangan impormasyon. Pinasama ako ni Clay papunta sa faculty para ibigay ang form ko sa advisor ng club nila na si ms. Erina.
Hindi ko natanong si Clay patungkol sa kaniyang kakayahan na sinulat sa poster ng club nila. 
Naabutan din kasi kami ng pagtunog bell para sa continuation ng morning classes.
Itutuloy.

Komentar Buku (15)

  • avatar
    MarkJune Pinuela

    it's so good ❤️❤️❤️

    06/05/2025

      0
  • avatar
    Lance Matthew Sumbillo

    its so fun

    23/02/2025

      0
  • avatar
    FloresEvangielyn

    sobrang Ganda

    23/01/2025

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru