logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Kabanata 7

PANAY ang pabalik balik na lakad ko sa loob ng kwarto. Sino man ang makakakita ay sasabihan akong nababaliw na. Kanina pa ako nakapagpalit. At ilang oras na din akong pabalik pabalik ng lakad.
Nababaliw ako habang iniisip na may lalaking susundo sa akin ngayon. At hindi lang lalaki kun'di si Luigi Yllarde. Ang sikat na Captain ng BTC sa Prime University.
I keep asking myself a lot of times. Kung bakit hindi ako tumanggi.
A loud horn stop me from thinking. Tumakbo ako sa may bintana ng kwarto ko. Nakita ko agad ang pulang Lambo sa harap ng bahay namin. Umibis ito doon. Gwapong gwapo sa suot na faded jeans, itim na Guess shirt at puting sneakers. Ang simple lang pero gwapo pa rin. Tinignan ko ang alarm clock ay almost 8:30 na pala.
Mabilis ko'ng kinuha ang mga gamit at nagmadaling bumaba ng bahay.
Nang lumabas ako ng bahay ay nakita ko na siyang nakasandal sa pinto ng kotse niya at nakahalukipkip. Umayos siya ng tayo nang makita akong papalapit sa kanya.
"Good Morning," bati niya sa akin.
"G-Good Morning," nahihiyang balik ko.
Pinagbuksan niya ako ng pinto sa passenger, pumasok naman ako doon. Saka ito umikot at sumakay na.
"Did you had your breakfast?"
"A-Ahm. Oo, kanina,"
"Good," Mabagal lang ang pagmamaneho niya na parang hindi nagmamadali.
Tahimik na ulit kami.
Awkward.
"H'wag mo na akong inatid sa loob ha. Pwede bang sa labas nalang ng University?" pakiusap ko.
"Bakit?"
"A-Ano kasi..."
"Nahihiya ka bang kasama ako?"
"Hindi!" tanggi ko. Hindi naman kasi 'yon eh!
Kapag nakita kaming magkasama siguradong pagkakaguluhan kami.
"I know. Pero ihahatid parin kita sa loob. Don't worry sa walang tao ko ihihinto ang sasakyan para makababa ka," nakakintinding sabi nito.
"S-Salamat."
"Hmm."
Ganon nga ang ginawa niya. Pero sa parking niya inihinto ang sasakyan at wala naman katao - tao roon kun'di mga sasakyan lang.
Baba na sana ako ng pigilan niya ako sa kamay.
"Bakit?" takang tanong ko.
"Here," iniabot niya sa akin ang tatlong cheesecake na ikinainit ng pisngi ko. Kinuha ko 'yon sa kanya.
"Ihahatid uli kita mamaya. I'll see you later."
Tumango na lang ako. Naramdaman ko ang malakas na tibok ng puso ko.
Mabilis akong naglakad paalis na parang hinahabol ulit ako ng kung sino. Hawak ko ang nag - iinit na pisngi papasok sa unang klase ko.
Natapos ko ang dalawang subject ngayon umaga na tulala pa rin. Tulalang naglakad sa cafeteria at tulalang nag - order. Nagkamali pa ako ng inabot na bayad sa babae kanina. Imbes ay ang buong wallet ko ang binigay.
Mag - isa akong kumain sa gilid
Wala si Clymene ngayon dahil hapon pa ang klase niya mamaya. Siguro pagkatapos ng sunod na klase ko ay nandito na siya mamaya.
Nakayuko lang ako at mabagal na ngumunguya.
"Are you sick? You seems not on yourself today?" someones asks.
Nag - angat ako ng mukha. Nabitawan ko ang hawak na kutsara. Luigi is infront of me!
Nakakunot ang noo niya habang nakatingin sa buong mukha ko.
Automatic naman akong tumingin sa piligid namin. As I expected sa amin sila nakatingin. Animo nagtataka kung bakit nasa harap ko siya.
"What are you doing here?!" natarantang sabi ko. Parang natatakot akong may madiskubre sila tungkol sa amin kahit wala naman.
"I can't help it. May sakit ka ba?" concern na sabi niya. Tumaba naman ang puso ko.
"W-Wala," sagot ko.
"Bakit parang matamlay ka ngayon?"
Hindi ako matamlay. Tulala ako. Magkaiba ang dalawang iyon.
"Okay lang ako. Hindi ka dapat nandito," gusto ko na siyang paalisin para matigil ang paglinga ng mga studyante sa aming dalawa.
Nakaupo lang siya roon. Hindi pinansin ang ipinapahiwatig ko.
Itinaas ko ang kamay para takpan ang mukha ko sa mga nakatingin.
Mabilis ang subo ko sa pagkain. Nakalimutan ko na 'atang nguyain ang kinakain. Nakayuko lang ako at pilit itinago ang mukha.
Mabilis akong natapos. Nang tignan ko siya ay may pagkaaliw na nakarehistro sa mata niya. Nagpunas ako ng bibig gamit ang inabot niyang tissue.
"Wala ka bang klase?"
"Meron. Mamayang hapon pa."
Ano?! Pumasok siya ng maaga kahit hapon pa ang klase niya. Saan siya tumambay kanina?
"Bakit kasi sinundo mo ako. Sa hapon pa pala ang pasok mo."
"Hmm," tinitigan lang niya ako. Ang baba ay ipinatong sa kamay.
Nailang tuloy ako sa lantarang pagtitig niya.
Kinuha ko ang bag at hinila siya palabas ng cafeteria kahit nakatingin pa rin sila sa amin.
Hila ko pa rin siya ng makarating kami ng library mabuti naman at wala siyang reklamo. Kahit may mga nakasalubong kami kanina ay nawala biglang ang hiya ko.
Naisip ko kasing wala siyang kasama dahil sinundo pa niya ako ng maaga kahit hapon pa ang klase niya.
Pinili ko ang pinakasulok na upuan. 'Yong hindi kami masyadong mapapansin. Ayoko na namang pagkaguluhan kami rito. Binitiwan ko na siya sa kamay at inilagay sa upuan ang bag ko. Pumunta ako sa mga libro at naghanap ng babasahin na dadagdag sa kaalaman ko.
Nang bumalik ako ay nakaupo na ito kaya lumapit ako at umupo na din sa harap niya.
"You really like reading books," he states
Nag - angat ako ng tingin mula sa libro.
"How did you know?"
"I just know."
Nagkibit balikat ako.
Nagbasa lang ako doon habang siya ay nakatitig sa akin. Himala na hindi na ako naiilang sa pagtitig niya. Hinayaan ko na lang siya baka bored lang.
"Do you know my name?" simula niya. Nagtataka siguro kung bakit hindi ako nagtatanong
"Yes. My friend Clymene told me. My gusto kasi siya sa kaibigan mong si Lucas kaya kilala ka rin niya. Actually, wala namang hindi nakakakilala sa'yo dito. Ikaw ba kilala mo ako?"
Tumango siya.
"Hmm. Cassandra Imperial."
Namula ako ng banggitin niya ang buong panagalan ko.
"Bakit alam mo?" takang tanong ko sa kanya.
Ngumiti siya.
"I just know," ulit na naman niya.
Napanguso ako sa sagot niya. Hindi ko na siya pinilit pa para sabihin ang totoo.
Bumalik sa libro ang atensiyon ko. Tulad kanina ay nakatitig parin ito sa akin.
Isang oras pa kami roon ng sabihin kong may klase na ako. Wala akong nagawa ng ipilit niyang ihatid ako sa room ko. Sabay kaming naglakad. Hindi ko na rin pinansin ang mga nagkakagulong studyante na nadadaanan namin. Lumabas pa ang iba sa room nila para sumilip sa nagaganap. Yumuko na lang ako at patuloy na naglakad. Si Luigi naman ay nakapamulsa at seryoso lang sa tabi ko. Hindi niya alintan ang atensiyon.
Huminto na ako ng nasa pinto na kami ng room.
"D-Dito na ako."
"Hmm. Pumasok ka na."
"Ahm. San' ka pupunta niyan?" tanong ko
"May klase rin ako sa kabilang building. 30 minutes lang naman ako maghihintay."
"Okay," tumango ako.
"Get inside. Aalis na ako 'pagkapasok mo,"
"B-Bye."
"Bye. Sunduin kita mamaya," ngumiti ito.
Tumalikod na ako at palihim na ngumiti. Kinikilig ako!
Okay! Clymene your right! I like him.
"CASS. I heard the tsismis that is going around the campus kanina. Is it true? Dalaga ka na!?"
Ang bilis namang nakarating.
Patay malisya naman daw ako.
"Anong tsismis," pinakunot ko ang noo.
"Oh my. So it's not true pala? Nakita daw kayong magkasama ni Captain Luigi kanina!" tiling sabi niya. Kasalukuyan kaming nasa sa cafeteria. Nagugutom daw siya. Katatapos lang isa't kalahating oras ng klase ko nang dumating na siya. Alas - tres kasi ang pasok niya mamaya.
"Ewan ko."
"Sabagay ang bilis naman kung aatake na agad si Captain sa'yo no," nabulunan ako sa tubig na iniinom.
Natawa ako.
"Baliw."
"Pero akala ko talaga totoo eh. Alam mo bang tinawagan kita agad ng marinig ko ang tsisimis," kwento pa niya.
"Ang lakas talaga ng radar mo sa tsismis no," masungit na sabi ko.
"Ako pa. Alam mo namang reporter dati si mommy bago naging housewife."
Tumawa kaming pareho. Mabuti at hindi niya ako inasar sa nangyari kahapon. Nasense niya sigurong ayokong pag - usapan.
Kumakain siya dahil hindi pa raw siya nag-lunch kanina. Ako naman ay nagmeryenda lang.
"Captain! Totoo ba iyong kumakalat na tsismis. May kasama ka raw na babae kanina."
Sabay pa kaming lumingon sa likod ni Clymene. Papasok ang anim na lalaki sa loob.
"Oh my Lucas!" tili ni Clymene.
Umikot ang mata ko.
"Sabi ni Finn totoo daw kasi nakita ka daw nung chicks niya na nasa hallway kasama yung babae," panghuhuli niya.
"Totoo nga yun?" ani Finn. Clymene's cousin.
"Hindi nga ako naniniwala. Kaya si Luigi yung tinatanong ko. Tado!" sigaw ni Gabriel
"Gago 'to oyy," singit ni Kurt na luminga pa loob ng cafeteria dahil sila lang ang maingay.
"Satap!" sabi naman ng lalaking nakasalamin na hindi ko kilala sa pangalan. Minsan ko lang kasi siyang makita na kasama nila.
"Anong satap?" naguguluhang tanong ni Kurt
"Shut up daw" natatawang sabi ni Burn. Nakalugay na ang buhok niya. Nakakapanibago dahil hindi na iyon nakaipit tulad ng dati.
Si Luigi ay nasa gitna nila at tahimik lang.
"Mga baliw 'to," sabi naman ni Gabriel.
"Tumahimik kasi kayo. Nag hahallucinate na namin si Brynne kapag ganyan," sabi niya. Brynne siguro ang pangalan no'ng nakasalamin.
"Imbento ka rin ng salita eh," sabi ni Gabriel kay Brynne at tumingin kay Kurt na parang sinasabing pareho lang sila.

Komentar Buku (25)

  • avatar
    Mica Fontanilla

    I love it

    04/08

      0
  • avatar
    Joyliz Blanquera Valiente

    so good

    15/07

      0
  • avatar
    JunmardjunmardJunmardjunmard

    wow

    07/07

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru