logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

CHAPTER 4: The Search

KENTO'S POV
Tumayo ako mula sa aking pagkakaupo nang makita ko si Mr. Adam Villareal pababa ng kanilang hagdan.
"Oh Iho, why are you here? at this time?" Saad nito matapos tingnan ang kanyang relo.
"B-balak ko po sanang yayain si Luciana para mas lalo pa naming makilala ang isa't isa." Kinakabahang ngiti ko na ikinatuwa nito.
I am Kento Yamazakee, 26 years old. Half-Japanese and half-Filipino. I have raven black hair, thin lips, and dark eyes and obviously, I am Luciana's fiance. I liked Luciana since the first time I saw her. I don't know if she remember me but we've graduated from the same private academy.
"How nice of you. I'll just ask someone to call her." Sagot nito nang makarating sa aking kinapwe-pwestuhan saka tumingin sa isa nilang maid.
"Nay Flora, Pakitawag nga po si Luciana. Tell her that Kento is here." Utos nito na agad namang sinunod.
Naupo naman si Mr. Villareal sa couch kaya umupo rin ako. Habang hinihintay si Luciana ay nag-usap muna kami about sa Business na balak naming ipatayo sa Japan. Naputol lang iyon nang dumating si Nanay Flora na hingal na hingal kasunod ang dalawang guwardiya.
"S-Sir, w-wala po si Ma'am Luciana sa kwarto niya. Hinanap na rin po namin sa buong lugar pero wala po talaga." Nakayukong paliwanag nito na ikinanlaki ng mata ko.
What? Umalis siya?
"W-WHAT?" Sigaw ni Mr. Adam at marahas na napatayo. "How did that happen? I clearly told you to guard her room thoroughly but how come she managed to escape? Find her right now." Galit na sigaw nito sa mga guwardiya na walang nagawa kundi mapayuko.
"Manang, call Lucas and the others. Tell them to come back here immediately." Utos muli nito kay Nanay Flora bago humarap sakin. 
"I am deeply sorry about this, Kento. Don't worry I will find her." Hinging paumanhin nito sa akin.
"Don't be Sir, I will help." 
Matapos ng ilang pag-uusap ay umalis na rin ako. I will find Luciana no matter what it takes...
She's going to be mine.
*****
LUCIANA'S POV
Maaga akong nagising kaya ako na ang naghanda ng makakain namin ni Ruffa darling ko. Hindi kasi siya mahilig sa maids kaya wala siyang mga katulong. Ang sosyal nga ng kusina ni darling ko hinigitan pa iyong amin. May tatlo siyang refrigerator lahat iyon iba-iba ang laman, I mean organized. Iyong isang ref ay para sa mga meats, then the other two are for drinks and vegetables. Tapos may chandelier pa sa gitna. Napaka-elegante talaga.
Napangiti ako nang matapos ko ng maluto ang kanin. Kanin na lang kasi ang kulang, may hotdog na, bacon, pancakes at syempre hindi mawawala ang Coffee. Hindi naman ako nahirapan sa pagtimpla kasi may coffee maker ang darling ko. Oh diba? Pwede niya na akong asawahin? Benta ko na kaya sa sarili ko sa kanya?
Pupuntahan ko na sana siya sa room niya para gisingin nang makita ko siyang naglalakad patungo sa kusina. Agad ko siyang sinalubong ko suot-suot ang aking mapang-akit na ngiti, char. Simpleng ngiti lang muna at baka mapalayas ako kaagad.
"Good Morning Darling ko. Come, nakahanda na ang almusal." I sweetly said saka kumapit sa braso niya habang iginagaya siya paupo. I felt him stiffened but nakabawi rin kaagad.
"Anetch (ano) ba yan? Witit (huwag) mo nga akembang (akong) tawaging darling kemelu. Chaka nito! Ilang beses ko bang sasabihin sayo na babae ako kaya wiz (hindi) tayez (tayo) talo. Never aketch (akong ) kakain ng tahong at donut dahil bet ko iyong juicy na jumbo hotdog." Nayayamot niyang untag sabay simsim ng kape na tinimpla ko.
"I never ask for your opinion, right? And also how many times do i have to tell you that I love you whether you like it or not. Kahit bakla ka pa tanggap kita dahil mahal kita tandaan mo iyan. Never ever forget that darling." Matapang na wika ko sa kanya sabay turo sa sarili ko. "Because this girl in front of you named Luciana Villareal will be your future wife." Madiing wika ko na may kasiguraduhan saka sinimulan ang pagkain.
"Aysh !Naman eh." Sambunot niya sa sarili niya. "Kabokot (katakot) ka talaga, juice colored! Why are you here in my house ba?"
Napangiti na lang ako nang palihim ng ibahin niya na ang tanong. Hindi rin naman niya ako mapipigilan kasi what Luciana wants Luciana get. And what I want is only him.
"My parents wants me to marry someone. That is why I decided to run away. Right now, probably, alam na nilang naglayas ako kaya malamang pinapahanap na ako ngayon." Naiinis na paliwanag ko.
Naiinis pa rin talaga ako tuwing naaalala ko ang bagay na nangyari kagabi. I never thought na magagawa sa akin iyon ng parents ko.
"Owemgee! What about me? Paano kapag nalaman nilang sa akembang (akin) ka nagtatago? Iyong tahimik kong mundo magugulo na? You brat! Dinamay mo pa aketchi (ako) sa ka-echosan mo! Nai-istress ang beauty ko sayo" Nagigigil na tugon nito pabalik sa akin saka ako binato ng tissue.
"FYI, Your not pretty because your handsome. I am your other half so don't worry hindi ka nila paghihinalaan dahil alam ng parents ko na palagi mo akong tinutulak palayo. I assure you that."
Napa-pout na lang ang bakla sa sinabi ko kaya napatawa ako. Oh shems!
"Oh before I forgot. Pahingi ako ng number ni Lucia. Meron ka diba?" I ask and he nodded before giving me his cellphone.
Pagkatapos kong makuha ang number ng kapatid ko ay binalik ko na rin iyon sa kanya kaagad. Pero siyempre pinalitan ko muna iyong wallpaper niya ng picture namin. Handa ata ako hihihi!
Nag-sent ako sa cellphone niya ng picture naming dalawa na naka-pout siya. Ayaw niya kasi magpa-picture pero dahil sa makulit ako, hinila ko pa rin siya kaya wala siyang choice.
"Here. Thanks, I'll just make a call darling." Paalam ko bago patakbong lumabas. Narinig ko pa siyang sinigaw ang pangalan ko dahil siguro nakita niya ang wallpaper. I let out a laugh because of that thought.
Agad kong tinawagan si Lucia gamit ang bago kong numero at ang Bruha kong kapatid ang tagal sumagot. Sa palagay ko nakapitong tawag pa ako bago niya tuluyang sagutin. 
"Yah, bakit ang tagal mong sumagot." Nayayamot na reklamo ko.
"Who's this?" Masungit na tanong niya mula sa kabilang linya.
I rolled my eyes before responding, "It's me, Luciana. Your gorgeous sister. I want you to do something for me." I commanded.
Saglit siyang napatahimik bago muling nagsalita.
"You're dead. Our parents are so furious right now. They already hired some men to search for you. Even your fiance...I never knew you have a fiance."
"Just like what I've thought, I don't care. Ikaw na munang bahala sa Business ko for now. I know you can handle it since you're a mathematician geek. Don't ever tell anyone about my new number."
"What? I don't want to." Sigaw ni Lucia. 
Haysh, ang tigas talaga ng ulo ng malditang ito. Hindi man lang sundin ng matino ang nakakatanda sa kanya.
"You owe me remember? Ikaw na muna ang bahala doon or else malalaman nila ang sekreto mo. You know me, Sis." Banta ko sa kanya.
I knew her secret kaya wala siyang magagawa but to do what I said.
"Fine! Don't ever tell anyone about it. okay?" Pakikipag-compromise niya sa akin.
"Sure, you have my word. I'm gonna hang up now..." Paalam ko sa kanya pero may isang tanong pa siya kaya hindi ko muna tuluyang binaba.
"Pardon?"
"Where are you exactly?"
"Sorry Sis, No clue. Love yah. Babush!" Pinal na sagot ko saka pinatay ang tawag. 
I evily smiled.
I am so great.
Really.
RUFFA/R.J'S POV.
"Owemgee!" Tili ko.
Naloloka talaga aketchi sa majurtang tuko na iyon. Kailan niya ba akembang titigilan? Tapos ngayon dinamay niya pa aketch sa problema niya. Hindi pa ako tapos kumain ng almusal nang tumunog ang ringtone ng cellphone ko. Agad ko iyong sinagot pagkakitang si Mareng Lucy ang tumatawag.
"Mars!" Naiiyak na bungad ko.
"My stubborn sister is with you, right?" Diretsahang tanong nito sa akin dahilan para mapalunok ako. Heto na nga ba ang sinasabi ko eh.
"H-how? P-paano mo nalaman?" Kinakabahang wika ko.
"My hunch was right then, thanks for confirming. By the way, alam kong ayaw mo sa kanya but please...hayaan mo muna siya diyan sa iyo pansamantala. Medyo magulo pa sa bahay sa ngayon at galit na galit sila Papa. Malalaman ko pa lang mamaya kung ano ang nangyari kahapon dahil pinapauwi kami ni Papa. As of now, pinapahanap na siya at tumutulong din iyong fiance niya na hindi ko kilala. Kindly take care of my lil sister for me please..." Lucas plead.
I let out a sigh, "Anetch pa nga ba? Kahit naman palayasin ko iyong sisteret mong tuko ay hindi rin naman iyon aalis."
"Thanks Mars, I have to hang up now. My baby needs me." He said before hanging up.
Ibinaba ko na lang muli ang cellphone ko at pinagpatuloy ang pagkain. Hanggang ngayon talaga wiz ko pa ring ma keri na may asawa't anak na si Mareng Lucy. Bata pa lang kami lantad na ang kabaklaan niya eh, kaya nga may pederasyon kami. But in a sudden nick of time he changed and marry a merlat. Iba talaga ang magagawa ng pag-ibig.
Akembang kaya? Kailan?
******

Komentar Buku (26)

  • avatar
    Julia Andrea

    I've read this before and I'm rereading it because I missed reading Filipino book

    27d

      0
  • avatar
    VillaRyanreiner

    Magan apps simple lang

    01/08

      0
  • avatar
    Elma Arellano

    Nice story

    10/06

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru